5
"Anong ginagawa mo dito?" Pinilit kong tatagan ang loob ko. 'Wag kang magpakita ng emosyon mo Janelle!
"Tumawag sa akin si tita kahapon, bantayan daw kita." Walang emosyon na sabi nito.
Tsk! Si mama talaga!
"Kaya ko naman ang sarili ko, salamat na lang." Medyo nailang pa ako sa kanya dahil tinignan nya ako mula ulo hanggang paa.
"Alam ba ni tita na ganyan ang suot mo?" Nakakunot noong sabi nito.
"Wala naman sya dito kaya hindi nya malalaman." Mataray na sabi ko.
Bigla nyang inilabas ang cellphone nya at kinuhaan ako ng litrato, problema nito? Kinalikot nya sandali ang cellphone nya at maya-maya lang ay nagring na ang cellphone ko, tinignan ko ang caller id, si mama?
"Hello ma?"
[Janelle Marie! Ano yang suot mo? Bar ang pupuntahan mo anak! Baka mabastos ka sa suot mo.] Mahinahon na sabi ni mama. Gets ko na! Kaya nya pala ako kinuhaan ng picture para isend kay mama.
Tinignan ko ng masama si Jian.
"Ma naman, dapat maganda at sexy ako para magka boyfriend na ako, diba yun naman ang gusto mo?" Nilambingan ko pa ang boses ko.
Kumunot naman ang noo ni Jian.
[Oo naman sweety, wait. I-loud speaker mo cellphone mo anak.] Ginawa ko naman ang inutos nya.
[Jian!] Nagulat ako sa pagsigaw ni mama.
"Yes tita?"
[Pakibantayan ang anak ko ah? Dapat walang ibang lalaki na makalapit sa kanya, gusto ko ikaw lang hijo. Kapag may nakipagkilala sa kanya at inentertain ng anak ko, ikaw na ang bahalang umupak sa lalaki, understand?]
"Yes tita, ako po ang bahala." Sagot ni Jian habang nakatingin sa akin. Naiinis na pinatay ko ang cellphone.
"Alam mo, hindi mo naman na kailangan gawin yun eh. Sasabihin ko na lang kay mama na sinamahan mo ako." Lakas loob na sabi ko. Kailangan kong gawin 'to para makapag move on.
"Iniiwasan mo ba ako?" Nakakunot noong tanong nito.
Lah! Obvious ba? Tsk!
"Bakit naman kita iiwasan?" Balik tanong ko.
"Kung ganun, tara na." Sabi nito at nauna ng lumabas.
Nakakainis! Dapat pala sinabi ko na lang na iniiwasan ko sya.
Wala kaming imikan sa sasakyan nya hanggang sa makarating kami sa bar. Sinalubong kaagad ako ni Sarah.
"Akala ko ba ikaw ang susundo sa akin?" Sermon ko sa kanya.
"Teh naman! May humarang sa akin, kung alam mo lang." Sabi nito, hindi ko sya nagets, bahala sya!
"Janelle! Nandyan ka na pala." Si troy, inabutan ako ng juice.
"Salamat, kararating lang namin." Sagot ko.
"Ano pang tinutunganga nyo dyan? Dance floor na tayo!" Sigaw ng isa sa mga kasamahan namin.
"Sige, susunod na lang kami." Balik sigaw ni Sarah.
"Teh, kamusta naman kayo ni Jian?" Bulong sa akin ni Sarah.
"Paano ako makakapag move on kung lagi syang nakadikit sa akin? Pinagbilin pa ako ni mama sa kanya, nakakainis!" Inagaw ko sa kanya ang hawak nyang laka at tinungga 'yun.
"Keribels lang 'yan teh, hayaan mo na sya, may troy ka na naman eh." Nginitian pa ako ni Sarah.
"Ahm. Janelle, sayaw tayo?" Napalingon kaming pareho kay Troy.
"Sure." Sagot ko. Nabigla ako sa paghawak nya sa kamay ko, pero hindi ko na lang pinansin 'yun.
Wild talaga ang mga tao kapag nakakainom na, hindi na alam ang mga pinaggagawa.
Hinanap ng mata ko si Jian, kaso hindi ko sya makita. Teka-- Bakit ko ba sya hinahanap?
"Ok ka lang ba Janelle?" Bulong sa akin ni Troy.
"Oo, ikaw? Mukhang may tama ka na ng alak ah?" Natatawang sabi ko. Nagiging kengkoy na kasi sya.
"Oo, haha!" Nagulat ako ng bigla nya akong hawakan sa bewang. Pinilit ko namang alisin 'yun.
"A-Ano, troy! Uupo muna ako!"
"Ha? Mamaya na! Sayaw pa tayo!" Bigla akong nakaramdam ng kaba sa kilos ni troy, hinahawakan nya na ako sa bewang.
Luminga linga ako sa paligid, nagbabakasakaling makita si Sarah para humingi ng tulong, kaso wala sya.
"Hoo~!" Sigaw ni Troy. Enjoy talaga sya.
Nagkatitigan kami. Mapupungay na ang mga mata nya. Lalo akong kinabahan ng hapitin nya ang bewang ko, napahawak ako sa dibdib nya para lumayo.
"T-Troy!" Sigaw ko, para matauhan sya.
"Janelle, gusto kita. You'll thank me for this." Sabi nito.
Anong ibig nyang sabihin? No! Hindi nya ako pwedeng halikan!
"T-Teka lang troy! Bitaw-" Hindi ko natapos ang dapat kong sabihin dahil biglang may humila sa akin.
Nanlaki ang mata ni Troy.
"What the hell are you doing Jian?" Sigaw ni Troy, nilingon ko ang sinigawan nya, si Jian nga.
"Ako dapat ang nagtatanong sayo nyan Troy." Kalmadong sabi naman nito.
"For your information, she's my date." Nakangiting sabi ni troy.
"She's mine." Napatingin ako kay Jian. Sa kanya daw ako?
Hinila na ako nito palayo kay Troy, saglit ko syang nilingon, nakangiti pa 'to at kumakaway sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top