30
Habang nasa kotse ay hindi ko maiwasan kabahan kahit pa na nagkita na kami nila Nanay. Hindi ko kasi alam kung ano ang magiging reaksyon nila ngayong magkasama kami ni Jian. Parang noong nakaraan lang ay gusto ko makipaghiwalay sa kanya.
"Are you okay?" Tanong ni Jian na hindi inaalis ang paningin sa kalsada.
"Oo, ayos lang ako." Nilingon ko ang cake sa likod para masigurado na hindi ito malalaglag.
"Relax. I can feel that you're nervous." Hindi mahihimigan ng pagbibiro ang boses nya at kahit hindi ko 'to lingunin ay alam ko na seryoso sya.
Huminga ako ng malalim. Kanina ay nakatanggap ako ng mensahe kay Jewel at pinapaalala ang dinner sa bahay nila. Ang kulit nya pa rin talaga.
"Did Jewel told you that she's planning to be your business partner?"
"Oo. Nakausap ko na rin si Eliza at pumayag naman sya." Ilang beses rin akong kinulit doon ni Jewel.
"I clearly told her not to do that. She's busy managing the hotel but knowing Jewel, she insisted it." Bahagya syang natawa.
"Hayaan mo na, hindi ko naman pipilitiin na dapat nandoon sya araw-araw. Mas mahalaga ang pag mamangae nya ng business nyo." Tinignan ko ang oras sa relo at nakita na 6:30 PM na. Nilingon ko sya.
"What if I invested in your business?" Nilingon nya rin ako pero saglit lang.
"Nagbibiro ka ba?" Natawa ako.
"I'm serious. I want us to have our own business."
Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. "M-May business ka na, tapos ikaw pa nagmamanage noong mga business ng family natin na nagmerge. Masyado ka ng busy para magtayo pa ng iba."
"That's for our family, and then I want our child to handle it."
Wala na akong nasagot sa huling sinabi nya dahil malapit na kami sa bahay nila. Hanggang ngayon kasi ay nabibigla pa rin ako sa mga nangyayari.
"Janelle! Namiss kitang babae ka!" Sinalubong ako ng mahigpit na yakap ni Jewel.
"I miss you too."
"Pumasok na tayo at kanina pa excited sila Nanay na makita kayong dalawa." Kaagad na pinalupot ni Jewel ang braso nya sa akin at hinila ako papunta sa dining area nila.
"Nice to see you again, Janelle." Lumapit sa akin si Nanay.
"N-Nanay." Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Binilisan ko ang paglakad at agad syang niyakap.
"Mabuti naman at naging free ka today, balita ko ay naging matagumpay ang pagbubukas ng pastry shop nyo." Kagaya nang ginawa kanina ni Alex ay inangkla nya rin ang kamay sa akin.
"Yes po, Nanay. Marami ang pumunta sa opening namin."
"I'm sorry at hindi kami nakapunta. Naging abala rin kasi ako sa pamangkin ko." Sabi ni Tatay. Ang tinutukoy nito ay ang anak ni Tito John na si Jax.
"Okay lang po. Basta po kahit kailan ay pwede nyo akong bisitahin."
"Nasabi nga pla sa akin ni Jian na nagpaplano kayong lumipat sa bagong bahay nyo. Well, that's good since matagal kayong nagkahiwalay."
Halos masamid ako kahit walang iniinom dahil sa sinabi ni Nanay. Nilingon ko si Jian para sana humingi ng tulong pero nakatitig lang sya sa akin.
"I'm so excited Nanay! Magiging kapitbahay na natin sila!" Napapalakpak pa si Jewel.
"Ipaparenovate pa po namin 'yung bahay sabi ni Jian." Sabi ko.
"Oo nga pala. Noong nakaraan akala ko ay nag start na sila?" Tanong ni Tatay.
Habang papaupo kami sa dining area ay hindi napuputol ang usapan tungkol sa amin hanggang sa nagsimula na kaming kumain.
"Pinahinto ko Tay, gusto ni Janelle na sya ang magplano."
Laking pasasalamat ko ng sa wakas ay nagsalita si Jian, ang akala ko ay ako ang sasagot sa lahat ng tanong nila.
"I see. Well, that's good." Malaki ang ngiti ni Nanay. "Edi saan nyo balak tumira pansalamantala?"
"I wanted us to stay in my condo." Sabi ulit ni Jian.
"Why don't you just stay here?" Tanong naman ni Jewel.
"Anak, mag-asawa na sila. They need their own space." Makaluhugan ang ngiti ni Tatay habang nakatingin kay Jian.
"Speaking of that, magkakaroon na ba ako ng apo?" Pinagsalikop ni Nanay ang kamay.
"W-Wala pa po, Nay. Parehasp po kaming busy sa trabaho."
Naramdaman ko ang paghaplos ng kamay ni Jian sa hita ko. Agad akong napalingon sa kanya.
"Naku! Hindi maganda 'yang ganyan. Baka sa sobrang busy nyo sa trabaho ay mawalan na kayo ng time sa isa't-isa." Simsim si Nanay ng wine.
"Tama si Alex. Gusto ko na magkaroon ng apo, tumatanda na kami." Segunda ni Tatay.
"You heard them?"
Kinilabutan ako nang maramdaman ang hininga ni Jian sa tainga ko at ang marahan na pagpisil sa hita ko. Ginalaw-galaw ko ang hita ko para tanggalin nya ang kamay nya pero hindi sya natinag.
"We'll work on that Nanay."
Napasimangot ako sa sagot ni Jian sa magulang nya. Gawin nya mag-isa.
Habang kumakain kami ay may biglang dumating. Lahat ng atensyon namin ay nalipat sa kanya.
"Jax,late ka na." Sabi ni Tatay.
"Sorry tito, may tinapos pa kasi ako." Sabi nito at lumapit kay Nanay para mahalikan sa pisngi.
Nginitian nya ako pagkatapos batiin si Jian. Nameet ko na sya noong kinasal kami ni Jian, hindi nga lang kami masyadong nakapag-usap dahil na rin naging abala kami.
Hindi talaga mawawala sa awra ng magkakamag-anak ang karisma. Halata na may bangyagang dugo. Mas lumaki ata ang katawan ni Jax kumpara noong huli naming pagkikita. Ngayon ay naka suit ito at halata na galing pa sa trabaho.
May tumikhim sa tabi kaya napabaling sa kanya ang paningin ko. Tinaasan ko sya ng kilay. "What?"
"Bakit mo sya tinititigan?" Tanong nito.
"Inaalala ko lang sya noong unang kita ko." Sabi ko.
Imbes na magsalita pa ay inirapan nya lang ako. Anong problema nito?
"How's your Mommy?" Tanong ni Nanay.
"Kagaya pa rin ng noong nakaraan, tita. Bantay sarado pa rin kami ni Kuya." Sabi ni Jax habang papaupo.
"Si Georgia talaga, parang hindi na matanda ang anak. Hayaan mo at kakausapin ko." Sabi ni Nanay.
"Ilang beses na rin sinabi ni Daddy na hayaan na kami pero talagang ayaw po magpaawat ni Mommy."
"Isa rin 'yang Daddy mo, tiklop din naman sa Mommy mo."
Natawa kami sa sinabi ni Tatay.
Pinagpatuloy namin ang pag-uusap sa labas ng bahay. Nasa kalagitnaan ng pagkekwento si Nanay nang tumunog ang cellphone ni Jian. Inilabas nya 'to ang nakita ko ang pangalan ng secretary nya.
"Sino 'yan?" Tanong ni Tatay.
"Si Natalie, Tay. Sagutin ko lang 'to saglit dahil baka importante." Hindi na nito hinintay na sumagot ang Tatay at kaagad nang tumayo.
"Baka may cellphone din na tutunog pa? Sinabihan ko na kayo na kapag family time ay dapat na nakapatay o nakasilent ang phone." Naging seryoso na ang mukha ni Nanay. Pasimpleng inilabas ni Jax ang cellphone at pinatay.
"Hayaan mo na si Jian, ang balita ko ay marami syang meeting na kailangan puntahan." Sabi ni Tatay.
"'Yun din po ang sabi sa akin ng secretary nya noong nakaraan." Nagsalita na rin ako para hindi sya mapagalitan mamaya.
"Tita, ang sabi po pala ni Mommy ay bisitahin mo sya sa bahay dahil tinatamad syang lumabas." Pag-iiba ni Jax sa usapan.
"Kahit kailan talaga 'yang si Georgia. Sabihin mo na tawagan ako, parang wala syang cellphone at sayo pa iniutos."
Parang mali at ang nasabi ni Jax dahil sumimangot lalo si Nanay.
"Kanina pa si Jian! Sundan mo nga Janelle."
Hindi na ako nagdalawang isip pa at sinunod na si Nanay. Pumasok ako sa loob at hinanap sya sa kusina.
"Katarina! I already told you na kapag may kailangan ka ay kausapin mo lang ang secretary ko. Pinasa mo na sa akin ang report noong nakaraan, diba?"
Naabutan ko syang nakatalikod. Ang kanan na kamay ay hawak ang cellphone habang nasa tainga at ang kaliwa naman ay nasa baywang nya.
"I'm with my family right now. --Of course! Stop it, Katarina. I don't have time for this."
Para akong naestatwa sa narinig ko. Akala ko ay nabibingi lang ako pero noong binanggit nya muli ang pangalan ni Katarina ay parang biglang kumulo ang dugo ko. Nagkakausap pa pala sila? At base sa usapan nila ay nagkikita pa rin sila.
Dahan-dahan ang pagharap sa akin ni Jian. Halata na nagulat sya dahil nasa harapan nya ako.
"T-Talk to my secretary." Pagkasabi nya noon ay agad nyang pinatay ang tawag.
Hindi ko alam kung anong reaksyon ang dapat ko na ipakita sa kanya. Sa totoo lang ay hindi ako natutuwa.
"J-Janelle." Lumapit sya sa akin at pilit na inaabot ang kamay ko pero inaatras ko.
"My secretary called me saying that Katarina's looking for me that's why I called her." Sabi nito na para bang hinihingian ko sya ng paliwanag.
"Nagkikita pa rin kayo?"
"Y-Yes, but that's for business only." Inaabot nyang muli ang kamay ko.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Umatras ako ng akma syang lalapit.
"That's not important. Janelle, come on." Nagsusumamo na ang boses nito dahil sa patuloy ko na pag atras.
"Hinahanap ka na ni Nanay." Tumalikod na ako at iniwanan sya. Naririnig ko na ang pagtawag nya sa akin pero wala akong gana na lingunin sya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top