3

Monday morning, excited akong pumasok dahil masisilayan ko na naman ang Prince Charming ng buhay ko, baduy man pakinggan pero talagang mahal ko sya.

"Janelle, ang ganda ng ngiti natin ah." Napalingon ako sa nagsalita, teka sino nga ba 'to?

"Oo naman Trisha!" Sabi ko.

"Trisha? Iza ang pangalan ko!" Reklamo naman nya.

"Hayaan mo na! Magkatunog naman eh!" Pabiro ko pa syang hinampas sa braso at umalis na. Hindi naman kasi kami close eh, hindi ko nga matandaan ang pangalan nya eh.

Nakangiti akong nakarating sa room ni Jian, kaagad syang hinanap ng mga mata ko. Nakaupo sya sa pinaka dulo ng classroom at masayang nakikipag kwentuhan sa mga kaibigan nya.

"Tol, nandito na ang masugid mong manliligaw." Narinig kong sabi ng isa nyang kaklase.

Dahan-dahan syang lumingon sa akin, ang kaninang nakangiting Jian ay napalitan ng nakasimangot na Jian. Hindi ba sya masaya na makita nya ako? Tsk!

"Hi." Tinulak ko yung kaklase nya na nakatabi sa kanya at ako ang pumalit doon.

"Ano na namang ginagawa mo dito?" Iritadong sabi nya.

"Binibisita ka."

"Pwede ba? Nakakasawa na. Tuwing umaga na lang kitang nakikita." Sabi nya.

"Ang sungit mo naman." Yun na lang ang sinasabi ko.

Kahit na malakas ang loob ko at makapal ang mukha ay tinatablan pa rin naman ako minsan ng masasakit nyang salita pero binabaliwala ko na lang 'yun, pinipilit kong sanayin ang sarili ko para sa kanya.

"Ay Oo nga pala! Nagpaluto ako kay yaya kanina ng paborito mong sinigang!" Inilabas ko ang paper bag na hawak ko at inilabas doon ang tupperware.

"Hmmp! Amoy masarap ah!" Sabi ni Troy, classmate nya.

"Oo naman! Si yaya nagluto nyan, the best yun!" Masiglang sabi ko.

Pinatong ko sa desk nya ang tupperware at pilit na binubuksan 'yun, kaso ayaw! Ano bang nilagay dito ni yaya at ayaw bumukas? Ayaw nya bang ipakain 'to?

"Gusto mo ng tulong Janelle?" Lumapit na sa akin si Troy.

"Simpleng bagay hindi mo kayang gawin?" Napalingon ako kay Jian ng magsalita sya.

"Hindi na, kaya ko 'to." Lalo kong pinag igihan ang pagbukas. At plak!!!!

"Sht!"

"Hala!"

"Ok ka lang tol?"

Sunod-sunod na pagsinghap ang narinig ko. Ang tanga-tanga ko talaga. Natapon lang naman kay Jian ang sinigang.

"JANELLE NAMAN! WALA KA NANG GINAWA NA MATINO! TANG-NA! TIGNAN MO ANG NANGYARI SA AKIN!" Mas lalo akong nagulat sa pagtayo at pagsigaw nya.

Ngayon lang nangyari sa akin 'to, minura nya ako.

"Jian, relax! Aksidente ang nangyari!" Pag aawat ni Troy.

"NO IT'S NOT A FCKING ACCIDENT! ANG TANGA-TANGA MO TALAGA! LAGI NA LANG PALPAK ANG GINAGAWA MO! NAKAKAPERWISYO KA NA!"

Lalo akong hindi nakakilos sa mga sinabi nya. Oo, totoo lang ng sinabi nya.

Nagsimula ng tumulo ang luha ko at dinampot ang tupperware na nalaglag sa sahig. Buti na lang at hindi nasira, pag nagkataon, lagot ako nito kay yaya. Dinampot ko na rin ang mga natapong laman, ipapakain ko na lang 'to kay Baldo, aso dito sa school, sayang kasi. Binalik ko na sa paper bag yung tupperware.

"A-Ano.. Pasensya sa abala, hindi na mauulit." 'Yun na lang at nakayuko na akong umalis sa classroom nya, dumiretso ako sa garden ng school.

"B-Baldo, (sobs) pasensya na ku-kung medyo madumi (sobs) 'tong pasalubong ko sayo, pero promise, (sobs) m-masarap 'to, luto 'to ni yaya." Sabi ko habang pinupunasan ang luha ko.

Ang malas ko ngayong araw. Ang sasakit pa ng mga narinig ko. Alam ko namang tanga ako, pero hindi nya na naman kailangan pang ipagsigawan 'yun sa lahat ng mga kaklase nya. Alam ko rin naman na palpak lahat ng ginagawa ko, pero at least may ginagawa ako diba?

"B-Baldo~" Napahagulgol naman ako. Nilapitan ako ni Baldo at dinilaan ang kamay ko.

"Sabi na nga ba at dito ka pupunta." Napalingon ako sa nagsalita.

"J-Jian." Agad kong pinunasan ang luha ko at inayos ang gamit ko. "Oras na ba ng pagdalaw mo kay Baldo? Sige, aalis na ako."

Kami kasing dalawa ang nakapulot kay Baldo, muntik na syang masagasaan ng sasakyan noon pero niligtas sya ni Baldo. Pumayag naman ang school director na dito ito tumira basta walang makakagat.

"Pinakain mo kay Baldo 'yung nalaglag kanina? Paano kong madumi na pala 'yun at malason sya?" Walang emosyon na sabi nito.

"Oo na. Wala na naman akong nagawang matino, ang tanga-tanga ko." Seryosong sabi ko. Siguro kung walang nangyaring masasakit na eksena kanina, matutuwa ako dahil kinakausap ko sya.

"Wala akong sinasabing ganyan." Tinignan ko na sya sa mukha.

"Meron. Kanina." Tinalikuran ko na sya. "Baldo, aalis na ako, mamaya na lang ulit." Kiniss ko si Baldo sa ulo at umalis na.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top