29
Congrats @ninaniiinaaa dahil maaga mong natapos ang story para sa 5 chapters story making contest!
----
Naging maganda ang unang bukas ng pastry shop namin. Nakakatuwa na dinumog kami ng maraming tao, 'yung tipong may mga nakapila pa sa labas at naghihintay sa mga taong lalabas para sila naman ang makapasok.
"Janelle! Ang daming tao!" Natatawa si Eliza habang gumagawa ng kape.
"Oo nga eh! Sana laging ganito." Hindi ko mapigilan ang mapangiti lalo na kapag nakikita ko ang bulaklak na pinadala kanina ni Jian. Hindi nya nakalimutan na ito ang unang araw namin.
"Nasaan nga pala ang asawa mo?" Tanong ni Eliza.
"Baka busy sa trabaho nya."
"Ano? Hanggang padala na lang ng bulaklak? Iba pa rin 'yung nandito sya."
Ngumuso na lang ako sa sinabi nya. Oo nga't mas maganda kung nandito sya kumpara sa mga bulaklak na padala nya. Ayoko na mag-isip ng kung ano-ano dahil baka masira lang ang araw ko.
Hapon ng mawalan kami ng customer kaya sinabihan ko sina Mylene na magpahinga muna. Si Eliza ay kailangan umalis para sunduin ang anak sa school. May pumasok na magkasintahan at agad lumapit sa counter habang holding hands.
"What's your order Ma'am and Sir?" Nginitian ko sila. Tumayo si Mylene sa likod ko.
"Two Éclair and two Americano." Sagot noong lalaki at nanlaki ang mata ko nang kindatan nya ako habang natingin ang girlfriend labas ng store.
"I-Is that all, Sir?" Medyo nailang ako.
"Yes." Ngumiti na sya.
"You can sit Ma'am and Sir, we'll serve your order." Naagaw ko ang atensyon ng girlfriend nya at ngitian ako.
Hawak kamay ulit silang naupo malapit sa bintana. Hindi ko maalis ang tingin ko sa babae, mukha kasi syang inosente ang mabait.
"Ma'am!" Bulong ni Mylene kaya nilapitan ko sya. "Grabe 'yung lalaki no? May pagkindat pa kahit kasama 'yung girlfriend."
"Napansin mo rin?" Natawa ako ng mahina. "Hayaan mo na. Baka ganoon talaga sya."
Nang naiserve na ni Mylene ang order nila ay binabantayan nya ang dalawa. Sinita ko nga dahil baka mapansin sya.
Dumunog ang wind chimes hudyat na may pumasok. "Good afternoon-" Naputol ang pagbati ko nang makita ko si Jian. Halos mapapikit ako dahil mukha akong sabik na makita sya.
"Good afternoon din. Did you miss me?" Ngumiti sya ng nakakaloko. Dahil kaunti lang ang tao sa shop ay rinig na rinig ang boses nya.
"H-Hindi no." Itinoon kong muli ang atensyon sa kaha.
"How's the opening?" Tumayo sya sa harapan ko.
"Maayos naman, maraming tao kanina. May gusto ka bang kainin o inumin?" Napansin ko kasi na nakatingin sya sa menu sa taas.
"Ikaw." Bumulong sya kasabay nang mapang-akit na ngiti.
Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko dahil sa sinabi nya. "Tigilan mo nga ako sa kalokohan mo. Hindi ako pagkain." Hininaan ko ang huling sinabi.
Tumawa sya ng malakas kaya napalingon sa amin ang tao sa loob. Ngumiti ako senyales ng paumanhin dahil sa ingay nya. Tinignan ko sya ng masama.
"What I mean is ikaw ang bahala, hindi ikaw ang kakainin ko." Hindi na nya mapigilan ang pag ngiti lalo na ng hawakan ko ang mukha ko sa hiya.
"M-Maupo ka na lang doon. Iseserve ko sayo." Inaabot nya pa sa akin ang card nya pero tinanggihan ko, pagkatapos ay tinalikuran ko na sya at agad tinawag si Mylene para ihanda ang pagkain ni Jian. Torta Caprese at dalawang iced coffee para masabayan ko sya.
Habang naglalakad at hawak ko ang pagkain namin ni Jian ay naramdaman ko ang titig noong customer namin na lalaki kaya napalingon ako, nakatalikod sa akin ang babae at mukhang may kinakalikot sa cellphone. Alanganin akong ngumiti kaya hindi magmukhang bastos.
"What are you looking at?" Baritonong boses ang nagpakilabot sa akin. Hindi ko napansin na nasa harapan ko na pala si Jian at masamang nakatingin sa customer naming.
Ang kaninang nagtatawanan na si Mylene at Lalaine ay nakahimik at napalingon na rin sa amin. Akala ko ay sasagot ang customer namin pero kinakabahan ito na yumuko habang tinatanong ng girlfriend kung ano ang nangyayari.
"Jian, maupo ka na." Gusto ko syang hatakin pero hindi ko magawa dahil na rin sa hawak. Hindi nya ako nilingon.
Lalo akong kinabahan nang umamba sya ng lakad papunta sa lalaking nakatingin sa akin kanina kaya kahit na may hawak ako ay humarang ako sa dapat na lalakaran nya, naagaw ko ang atensyon nya.
"What?" Tinignan nya ako ng masama at kitang-kita ko ang pag igting ng panga nya marahil sa galit.
"Wag mo na lang pansinin. Kumain na tayo at gutom na ako." Palusot ko at nananalangin na making sya sa akin.
Saglit nyang tinignan ang lalaki bago tumingin sa akin at kinuha ang dala ko, sya na ang naglapag sa table nya kanina.
"Will this enough? Do you want rice?" Nakakunot pa rin ang noo nya.
"H-Hindi na. Kumain ka na." Itinulak ko papalapit sa kanya ang pagkain para magsimula na.
Tinitigan nya ako ng mariin bago sumubo. Nagulat pa ako nang makita si Mylene sa gilid ko. "Ayos lang po ba kayo?" Tanong nito.
"Yes, we're fi—" Hindi ko na natuloy ang sasabihin nang sumingit si Jian.
"Kanina pa ba 'yang mga customer nyo?" Tanong nya kay Mylene sabay tingin sa magkasintahan.
"Medyo kararating lang po. Kanina nga po ay may pagkindat pa kay Ma'am habang nag oorder!" Sumbong ni Mylene.
Nanlaki ang mata ko at parang gusto kong takpan ang bibig nya dahil baka kung ano pa ang masabi nya pero napagtanto ko na huli na ang lahat.
"What?" Dumagundong ang boses ni Jian sa loob ng shop. "He winked at you?"
Sinenyasan ko si Mylene na bumalik na sa pwesto nya para asikasuhin ang kakapasok lang na customer.
"Oo pero baka normal lang sa kanya 'yun, tignan mo at kasama nya ang girlfriend nya." Hininaan ko ang boses ko para hindi marinig ng ibang tao.
Kitang-kita ko ang galit sa mata nya. Iiwas na sana ako ng tingin pero hinawakan nya ang kamay ko, napatingin kami pareho doon.
"You're not wearing our wedding ring, maybe he think that you're single." Malambing ang boses nya kaya hindi ko mapigilan na tumitig ulit sa kanya.
"Where is your ring?" Tinignan nya na rin ako.
Ginamit ko ang isang kamay para kunin ang necklace na nakatago sa loob ng damit ko, doon kasi nakalagay ang singsing ko. Binitawan nya ang kamay ko at tinanggal ang kwintas sa leeg, hindi na ako pumalag. Hiniwalay nya ang singsing sa kwintas at dahan-dahan isinoot sa daliri ko.
"Wear that everyday, please." Hinaplos nya ang pisngi ko. Napapikit ako kasabay ng marahang tango. "Nanay want to see us."
Napadilat ako sa sinabi nya at nakaramdam ng kirot. Kaya nya ba gustong ipasuot sa akin ang singsing para ipakita sa magulang nya na ayos kami?
"K-Kailan daw?" Kinuha ko ang kutsara at sumubo.
"Gusto nya na sa bahay tayo mag dinner mamaya." Uminom sya ng iced coffee habang nakatingin sa akin.
"Okay. Maaga kaming magsasara ngayon." Iniwas ko ang tingin sa kanya. "Suot mo rin baa ng wedding ring? Para hindi sila mag-isip na hindi tayo okay."
Hindi ko magawang lumingon sa kanya para tignan ang daliri kung suot ba nya ang singsing. Pinipigilan ko ang maiyak dahil magmumukha lang akong kawawa.
"What are you talking about?" Ibinababa nya ang iniinom. "Can you look at me?"
"Diba kaya mo pinasuot sa akin ang singsing para makita nila?" Itinoon ko ang atensyon sa iced coffee ko, nawalan ako ng gana.
"Where did you get that fcking idea?" Rinig ko na ang iritasyon sa boses nya.
"'Yun naman ang dahilan mo diba?" Sinubukan kong tumitig sa kanya pero agad din bumitaw dahil nakaramdam ako ng takot sa paninitig nya.
"Hindi ba malinaw ang sinabi ko kanina na baka kaya ka dinidiskartehin dahil akala ay single ka dahil wala kang singsing?"
Nagitla ako ng hawakan nya ang baba ko para magkatinginan kami. "Please, 'wag kang mag-isip ng ganyan."
Kinagat ko ang labi para pigilan ang nalalapit na pag-iyak. Hindi ko na magawang umiwas nang tingin dahil hawak nya ang baba ko.
"Please. I want us to get back together."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top