27

“Janelle, ang gaganda ng mga napili mo na upuan.” Sabi ni Eliza habang prenteng nakaupo.

“Oo nga eh, gusto ko nga rin bumili para sa sarili.” Naglapag ako ng kape sa harapan naming dalawa.

Naging abala kami ni Eliza simula kahapon dahil one week from now ay magbubukas na kami, hindi talaga biro ang magtayo ng business. Hihigop na sana ako ng kape nang may babae na pumasok sa shop.

“Good morning. I’m Natalie, Mr. Martin’s secretary. Sinabi nya po na dito muna ako para tulungan kayo. Pasensya na raw po at medyo natagalan dahil tinapos ko pa po ‘yung mga trabaho ko.” Marahan na paliwanag nito.

Tinototoo nga talaga ni Jian na ipapahiram nya sa akin ang secretary nya. “It’s okay. By the way I’m Janelle and this is Eliza. Have a seat.”

“Nasabi po sa akin ni Mr. Martin na magcoconduct kayo ngayon ng interview for the employee. I can interview them, Ma’am.” Namangha ako kay Natalie, ang hinhin nya magsalita pero confident.

Napapalakpak si Eliza. “Talaga? Malaking tulong sa amin ‘to, Natalie. Buti na lang mabait ang asawa mo.” Bumaling sa akin si Eliza.

Maya-maya lang ay nagsidatingan na ang mga nag-aapply. Pinagamit ko kay Natalie ‘yung magsisilbi naming opisina para sa ngayon.

“Okay na ba kayo ng asawa mo?” Bulong sa akin ni Eliza nung mapalayo kami sa mga tao.

“Hindi ko alam, hindi pa namin napag-uusapan.” Sabi ko pero inasar nya lang ako.

“Kung mahal mo pa naman, bakit parang nag-aalangan ka pa?” Nakakunot noo lang sya nung ngumiti ako. “Ikaw na muna ang bahala dito, sasamahan ko si Natalie sa loob.”

Napa-isip din ako sa sinabi nya. Natatakot kasi ako na baka sa huli ay ako na naman ang masaktan, nakakapagod rin.

I’m glad na marami ang nag-apply sa amin, at least hindi kami mahihirap. Nakausap ko ang iilan sa kanila, ‘yung iba ay mag experience.

Nagitla ako nang may kamay na naramdam sa baywang ko. “How’s your day?” Kinilabutan ako sa bulong nya.

Dahan-dahan akong humarap sa kanya. “O-Okay lang naman. Nasa loob si Natalie nag iinterview kasama si Eliza.”

“Magaling si Natalie pagdating sa pag iinterview.” Sabi nito bago ako halikan sa noo. Medyo nailang ako dahil may mga matang nakatingin sa akin. Hinampas ko ‘yung dibdib nya at ininguso ‘yung mga applicant. “What?”

Sinimangutan ko sya sa inosente nyang tanong. Hinila ko sya papunta sa dulong space ng shop. “Anong ginagawa mo dito? Hindi ka ba busy?”

“It’s already five so I’m done with my work. Do you still remember the party?” Inilagay nyang muli ang kamay sa likod ko.

“Oo, naalala ko. Mamayang gabi pa naman ‘yun diba?” Napadala na sa akin ni Tita Alice ‘yung susuotin ko at talagang sukat na sukat na sa akin.

“I just want to remind you. Susunduin kita ng 7:30. Wear your wedding ring.” Napatingin sya sa daliri ko, dahan-dahan kong tinago ‘yun.

“Bakit ikaw? Suot mo ba?” Tinaasan ko sya nang kilay kaso mukhang mali ang pagyayabang ko dahil pinakita nito sa akin ang daliri na may singsing. “S-Sabi ko nga, suot mo.”

Natatawang ginulo nya ang buhok ko. “Nanay want us to sleep in their house.”

“A-Ayoko!” Bigla akong kinabahan. Bakit sa kanila? Anong meron?

“Then tell them that you don’t want.” Nagkibit balikat lang sya.

“Bakit ako? Bakit hindi ikaw?” Hinampas ko ang braso nya.

“Ikaw naman ang may ayaw, diba?”

“Edi gusto mo?”

“Obvious ba?” Ngumisi nya. Kinilabutan ako! Ang gwapo!

“M-Magpapaalam muna ako kina Mama.” Pagpapalusot ko.

Natawa na naman sya. “Ilang taon ka na ba? Pati kasal ka na, asawa mo ang kasama mo so they don’t need to worry.”

Napabuntong hininga na lang ako. “Oo na.”

“Good.” He caress my cheek. Napatitig ako sa mata nya, para akong nalulunod. “I really miss you.” Mahina lang ang boses nya pero tagos na tagos sa puso ang bawat salita.

“Walang araw na hindi ako nag-alala kung ayos ka lang ba sa ibang bansa, kung nalulungkot ka ba? Kung kumakain ka ba sa tamang oras? Kung mahal mo pa ba ako?” Pumungay ang mata nya.

Sinusubukan kung ibuka ang bibig ko para magsalita pero hindi ko alam kung ano ang dapat kung sabihin. Hindi ko namalayan na unti-unti nang tumutulo ang luha ko, pinunasan nya ‘yun.

“Pinagsisihan ko ng sobra lahat ng katarantaduhan na ginawa ko sayo. Nanay know that I suffer. When she heard that you left, hindi nya ako kinausap ng isang buwan.” Bahagya syang natawa. “Please give me a chance.”

“N-Natatakot na kasi akong masaktan.” Sa wakas ay nakapagsalita na rin ako. “Baka hindi ko na k-kayanin.”

“Alam ko na nasaktan kita, na nasira ang tiwala mo sa akin but I promise you that you’ll be the first in everything.” Hinila nya ako para lalong mapalapit sa kanya. Gusto ko sanang lumayo dahil baka marinig nya ang lakas ng tibok ng puso ko.

He grab my hand and put it in his left chest. Nanlaki ang mata ko ng maramdaman ang tibok ng puso nya, para nang sasabog. “Can you feel that? That’s for you only.”

Hindi ko na talaga napigilan ang luha ko at tuloy-tuloy pa rin sa pagtulo. Ito ‘yung mga bagay na matagal ko ng inasam, ngayon ay abot kamay ko na pero natatakot akong sumugal.

“Please.” Pinagdikit niya ang noo namin. “Give me a chance.”

Hindi naman siguro masamang pagbigyan ang sarili na sumaya, diba? Last na ‘to! Magtitiwala akong muli sa kanya at sana ay hindi ‘to masayang, kung sakali ay baka hindi ko na alam kung saan pa pulutin ang sarili ko.

Kahit na nag-aalangan ay dahan-dahan akong tumango. Bigla syang lumayo at tumitig sa akin. Halata sa mukha nya ang gulat.

“Y-You’re giving me a chance?” Hindi makapaniwalang tanong nya.

“Oo.” Hindi ko makilala ang sariling boses.

“Thank you!” Niyakap nya ako ng mahigpit.

Napakagat labi ako habang nakabaon ang mukha sa dibdib nya. I miss him so bad! Parang gusto ko na ganito lang kami, ayoko pa sanang humiwalay pero lumayo sya.

“You need to pack your things.”

Napaatras ako. “B-Bakit?”

“Anong bakit? Gusto mo bang magbukod na o we’ll stay with Nanay?” Nabigla ako sa plano nya.

“Hindi ba parang ang bilis?”

“Or do you want me to stay in your parents’ house?” Kita sa mata nya ang determinasyon.

“Hindi ba pwedeng pag-isipan ko muna?” Tinaasan ko sya ng kilay.

“No, no. We need to stay in our own house.” Sabi nito na hindi inintindi ang sinabi ko kanina. “It’s just beside Nanay’s house.”

“Teka! Naririnig mo ba ako? Give me time to think!”

“You don’t need time, Janelle. We’ll stay together.” Hinila nya na naman ako para mayakap.

Wala na akong nagawa kundi ang magpaubaya. Magpapakipot pa sana ako kaso baka magbago pa ang isip nya kaya hind na lang.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top