25
Nakausap ko noong nakaraan sina Papa at nalaman ko na kahit hindi naging maayos ang pagsasama namin ni Jian ay sya pa rin ang namahala ng business namin na nag merge at ngayon ay kailangan naming umattend para sa anniversary ng isang hotel na gaganapin four days from now.
Isang linggo ang nakalipas simula noong huli naming pagkikita, hindi ko na lang masyadong inintindi 'yung huli naming pag-uusap, alam ko sa sarili ko na lalo lang akong maguguluhan. Itinoon ko ang mga nakaraang araw para sa pag-aayos ng bake shop. Hinayaan ko muna si Eliza mag stay sa pamilya nya for one week, kahit tumutol sya ay sinabi ko na kaya ko naman kahit mag-isa lang ako.
Kailangan kong puntahan ang mga furniture na binili na dapat ay idedeliver ngayon pero wala pa, ilolock ko na sana ang shop nang may magsalita sa likod ko.
"Where are you going?" Nangilabot ako. Kahit hindi ko lingunin ay kilalang-kilala ko ang boses nya.
Wala na akong nagawa kaya hinarap ko na sya. "M-May pupuntahan lang ako."
"Saan?" Seryosong tanong nito na parang dapat ay sumagot ako ng maayos.
Napakunot noo ako. "Hindi pa dumating 'yung mga furniture na inorder ko." Tumalikod ako sa kanya at tinuloy na ang paglolock ng shop.
"Kailan mo pa inorder?"
"Three days ago." Humarap na ulit ako sa kanya.
"Didn't you know that we need to visit Tita Alice para sa susuotin natin sa anniversary?" Kita sa mukha nya ang pagiging irritable.
Napahawak ako sa noo ko. Tinawagan nga ako ni Nanay kanina para ipaalala na nagpaschedule sya sa kilalang designer para sa susuotin namin.
"I'm sorry, nawala sa isip ko. Ang dami ko kasing inaasikaso." Hinging paumanhin ko pero mukhang hindi sya nasayahan.
"Diba may business partner ka? Bakit parang ikaw lang nag-aasikaso? Don't you have secretary?" Sunod-sunod na tanong nito, hindi ko alam kung ano ang unang sasagutin.
"Kaya ko naman mag-isa, hindi na kailangan ng secretary. Si Eliza naman umuwi sa pamilya nya." Inabangan ko kung ano ang magiging reaksyon nya pero seryoso lang syang nakatitig sa akin.
"Do you want a secretary?"
"Bakit? Mag aapply ka?" Pabiro kong sinabi.
"No." Lumapit ito sa akin at marahan na hinila ang kamay ko.
"Alam ko. Joke lang naman 'yun." Sabi ko na medyo napahiya.
"Kung gusto mo ay ipapahiram ko sayo ang secretary ko hanggang sa matapos ka sa pag-aasikaso dito sa shop." Inalalayan nya ako sa pagpasok sa kotse nya. Iniharang nya ang kanang kamay sa pinto, ang isang kamay naman ay napatong bubong.
"Hindi na, mas kailangan mo 'yun. After naman maayos ng shop ay maghahanap na rin ako ng empleyado." Pagkatapos marginig ang mga sinabi ko ay umalis na sya sa harap ko para pumunta sa driver's seat.
"Ipapahiram ko sayo hanggang sa makahanap ka na ng mga empleyado."
Lumapit sya sa akin kaya bigla akong natigil sa dapat sasabihin. Inayos nya ang seat belt ko pati na rin ang buhok ko na nakaharang sa mukha. Kinilabutan ako ng tumama ang kamay nya sa likod ng tainga ko.
"K-Kaya ko naman."
Hindi nya pinansin ang sinabi ko at sinimulan na magdrive. Naalarma ako.
"T-Teka! Saan tayo pupunta?" Mukhang nagulat din sya sa inasta ko dahil bumagal ang andar nya.
"Pupunta nga tayo kay Tita Alice. Don't tell me na sumakay ka na hindi mo alam ang pupuntahan?" Hindi pa rin nawawala ang seryoso nitong titig.
"H-Hindi ko alam." Ngayon ko nga lang din narealize na nagpaubaya ako sap ag-alalay nya pasakay sa sasakyan. Gusto kong batukan ang sarili! "M-May pupuntahan nga ako ngayon!"
"I can't believe you." Sabi nito at nagdrive na ng normal. "Pupuntahan natin 'yun after natin kay Tita Alice."
"Hindi na kailangan. Pagkatapos natin sa pagsusukat, ako na lang pupunta sa mga furniture." Masungit na sabi ko. Bakit ba gusto nya pang sumama?
"Wag ka nan gang makipagtalo. I'm driving." Sinuklian nito ang pagsusungit ko.
Napaawang ang bibig ko at hindi na nakapagsalita pang muli. Bakit parang natalo ako?
Sandali lang din ay nakarating kami sa pagawaan ng damit. Hindi ko na hinintay na pagbuksan nya ako ng pinto dahil mukhang wala naman din syang balak. Dire-diretso ang pasok namin.
"Hi Mr. and Mrs. Martin. Nice to see you again." Bati sa amin na ginang na medyo may edad na. Naalala ko sya, pumunta sya noong kasal namin.
"Nice to see you too Tita. Were here for the fitting, did Nanay informed you?" Sabi ni Jian pagkatapos makipagkamay kay Tita Alice.
"Yes, hijo." Nagtawag ito ng iilang tao ay ginaya kami sa kanya-kanyang kwarto.
Tita Alice personally assist me. Nagulat ako dahil nakasunod sya akin, medyo nahiya ako dahil hindi naman kami masyadong close.
"Hija, your mother in law called a while ago and she wanted your dress to be sexy." Bahagya pa itong natawa. "And I have this special dress for you." Saglit itong may kinuha tapos ay pinakita sa akin.
Halos maglaki ang mata ko sa ganda ng gown na pinakita nya sa akin it's A-line Deep V-neck Backless Split Sweep Train Grey with Beading.
"Para sayo lang 'to hija, maganda ka at sexy so I'm sure na bagay na bagay sayo 'to." Tuwang-tuwang si Tita Alice habang tinutulak ako para isukat ang damit.
Pagkasuot ay parang nag-alangan ako. "H-Hindi po ba masyadong sexy?" Kaya ko naming magsuot ng ganito kaso baka hindi bagay sa event.
"'Yun ang bilin ni Alex, ang maging sexy ka hija." Tumawa ulit sya. "So look so beautiful. Wag ka munang magpakita kay Jian."
Wala na akong nagawa kundi ang magpaubaya na lang. Ang sabi ni Tita Alice ay aayusin nya pa ang damit dahil medyo maluwag sa akin, ang gusto nya ata ay 'yung fitted sa bandang baywang. Bukas ko raw matatanggap ang damit.
Naabutan ko si Jian na busangot habang nakaupo sa sofa, mukhang nainip maghintay sa akin, medyo natagalan ako dahil sa pakikipagkwentuhan kay Tita Alice.
Napalingon sya akin. "Done?"
Tumango ako. Nagpaalam na kami kay Tita Alice para umalis. Hinawakan nyang muli ang kamay ko para alalayan palabas ng boutique.
Pagsakay ng kotse ay tinanong nya kaagad ako kung saan ang mga furniture na dapat ay idedeliver na ngayon, sinabi ko nalang kaagad para hindi na humaba pa ang usapan.
Dahil malapit lang naman ang boutique sa furniture shop ay nakarating kaagad kami. Sinalubong ako ng nakausap ko noong nakaraan.
"Kuya, ngayon po ang usapan natin diba?" Nginitian ko sya pero nakapakamot lang sya ng ulo.
"Pasensya na po Ma'am, 'yung mga nirequest nyo po kasing furniture ay hindi pa nakukuha galing sa mga probinsya." Sabi nito na hiyang-hiya pa.
"Kuya naman eh, minadali nyo ako sa paunang bayad tapos usapan natin na ngayon diba?" Gusto ko nang magmura sa inis. Masisira ang plano ko para sa mga sunod na araw.
"Pasensya na po talaga Ma'am."
"We want a refund." Nabigla ako ng marinig ang boses ni Jian sa tabi ko, ang akala ko ay maiiwan lang sya sa sasakyan.
"Sir?" Bumaling ang kausap ko kay Jian.
"Uulitin ko pa ba? Hindi kayo tumupad sa usapan, sa iba kami kukuha." He sounded like a business man. Namangha ako kahit na ganun lang ang sinabi nya.
"Jian." Pasimple kong hinila ang braso nya.
"Sir, baka naman po pwede nyo kaming bigyan ng dalawang araw. Mahirap pong irefund dahil naorder na po namin." Paliwanag ni Kuya na mukhang takot. Naawa ako bigla. Ma
"Hayaan mo na, maghihintay na lang ako." Hinihikit ko sya pero mukhang wala syang balak na umalis hangga't hindi nakukuha ang mga furniture.
"Naorder nyo na pala, bakit wala pa dito?" Nagulat ako sa sinabi nya, hindi kaya masyado syang mahigpit? Daig pa ako.
"Pasensya na po talaga Sir." Tumingin sa akin si Kuya bago lumipat ang tingin ulit kay Jian. "Tutal po si Ma'am naman ang nakausap namin baka naman-"
Hindi na nya pinatapos si Kuya. "I'm her husband. Got a problem with that?" Maawtoridad na ang tinig nya at talagang desidido na sa kung ano ang gustong mangyari.
Napayuko na lang si Kuya na parang wala na ring magagawa pa. "Kuya, bukas ko na lang po babalikan 'yung refund. Pasensya na rin." Hinila ko na kaagad sya para makaalis.
"Ang sungit mo naman dun kay Kuya." Bulyaw ko sa kanya pagpasok sa kotse.
"Dapat lang. Bakit naaawa ka? Sa business, walang awa-awa." Nilingon nya ako.
Ganito rin ba sya sa tauhan nya? Ito baa ng sikreto nya kaya lumalaki lalo ang kumpanya namin. Hindi ko alam kung anong meron sa sarili ko pero parang nagsisimula na naman akong mahulog sa kanya.
---
Hi! Nasa taas 'yung itsura ng damit ni Janelle.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top