24

May nagbabasa pa ba?




Kanina habang nasa byahe kami sa sunod-sunod ang tawag na natatanggap nya patungkol sa trabaho kaya hindi ko magawang magtanong sa kanya tungkol sa shop. Ilang beses ko syang sinabihan na kaya ko naman pumunta mag-isa pero hindi sya pumayag, narealize ko rin na malapit lang ang pupuntahan namin sa trabaho nya.

Pagpasok sa shop na nabili nya ay namangha ako, kahit na walang nangungupahan doon ay halatang alaga ang lugar.

"Magkano ang rent dito?" Hinarap ko si Jian at nagulat ako nang makitang may kausap na naman sya sa cellphone nya. Sinenyasan nya ako na maghintay.

"Yes, I have all the documents—" Hindi ko na narinig pa ang sinabi nya sa kausap dahil lumayo sya at hininaan ang boses. Napasimangot ako.

Hindi ko na lang sya pinansin ulit at nag-ikot. Napansin ko na may maliit na opisina, tingin ko naman ay pwede na kami dito ni Eliza. Nakita ko rin sa labas na talagang maraming tao ang napapadaan dito, ang kailangan ko na lang malaman ngayon ay kung magkano ang renta nitong lugar.

Paglabas ay nakita ko si Jian na may kausap pa rin. Hindi na ako nakapagpigil kaya humarap ako sa kanya ng nakapameywang.

"Why did you let that happen? No—don't let him in." Sabi nito na mukhang may kaaway sa kabilang linya. "I'll talk to you later, bye."

"Pwede ka na bang kausap ngayon o kailangan ko pa magpaschedule? " Nakakapikon lang kasi na kanina nya pa ako kasama pero hindi manlang ako iniintindi.

"I'm sorry. It's about—"

"Okay lang. Pahingi na lang ako ng number ng secretary mo para sya na lang ang kakausapin ko tungkol dito." Hindi ko na sya hinayaan na magsalita pa.

"There's no need, I'm already here." Natigilan kami pareho ng tumunog na naman ang cellphone nya. Halata sa mata nya na nag dadalawang isip sya kung sasagutin ba ang tawag o hindi.

Napapikit ako. "Ipapahingi ko na lang kay Tito John ang telephone number ng company mo para makausap ko ang secretary mo dahil mukhang hindi ka naman available ngayon." Akma ko na syang tatalikuran ng hinila nya ang kamay ko.

"I won't take this call. I'm sorry you think I ignore you." He bit his lower lip.

"Alam ko naman na mahalaga ang trabaho mo, kaya go on, answer that call." Nakipagtitigan ako sa kanya.

Kinuha nya ang cellphone mula sa bulsa, parang may kirot akong naramdaman sa dibdib pero kaagad yun nawala nang pinatay nya ang cellphone sa harapan ko.

"I'm all yours, Janelle." May kung ano sa tingin nya na hindi ko maipaliwanag at takot akong malaman kung ano ba 'yun.

"M-Magkano ang rent?" Nailang ako ng hindi nya pa rin binibitawan ang kamay ko.

"No need to rent this place. Sayo 'to." Diresto nyang sagot. Medyo naguluhan ako.

"Ano?"

"I bought this place for you." Cool na sabi nito na parang baliwala lang.

"P-Paano?" Hindi ko magawang buohin ang mga sasabihin ko.

"Regalo ko sayo."

"Hindi ko naman b-birthday." Niloloko ba ako nito? Tapos na ang birthday ko.

"Kapag birthday lang ba kailangan ng regalo? Can't you remember that yesterday was our wedding anniversary?" Halata sa boses nito ang pagtatampo. Binitawan nya ang kamay ko.

"H-Hindi ko naalala. Pati p-para saan pa?" Napaisip ako. Hindi rin naman namin kailangan icelebrate 'yun dahil hindi kami maayos.

Hindi sya sumagot, tinalikuran ako nito at kung saan pumunta.

Sumunod ako sa kanya. "B-Bakit mo 'to binili? Alam mo ba na naghahanap ako ng space?"

"Oo."

Nakakainis dahil nabibitin ako sa sagot nya. "Paano?"

"I just know. Stop asking." Iritableng sagot nito. Napaka short temper talaga nya.

"Nagagalit ka ba?" Humarang ako sa harap nya at tinaasan sya ng kilay.

Tumingala sya at pumikit, halata na nagpipigil ng galit. "No." Sagot nito na hindi tumitingin sa akin.

"I don't believe you. Yung totoo?"

Nabigla ako ng tumitig sya sa akin na parang sasaktan ako. "You want to know the truth? Yes! I'm fvcking angry! You know why? Because my wife forgot our fvcking wedding anniversary!"

Hindi ko maibuka ang bibig ko sa sobrang gulat. Hindi ko alam ang sasabihin ko, nakatitig lang ako sa kanya.

"What? You're just going to stare?"

Napakurap-kurap ako. "Bakit ka ba naninigaw?" Sa wakas ay nakapagsalita na rin ako. "P-Pati bakit naman natin icecelebrate? Sabi ko nga kania, h-hindi naman tayo maayos." Napayuko ako sa huling sinabi.

"Just forget it." Dumaan 'to sa gilid ko at inilapag ang susi ng store sa lamesa na nadaanan. Dire-diretso ang lakad nga hanggang sa makalabas at mawala na sya sa paningin ko.

Hindi ko magawang ihakbang ang paa ko, hindi ako makagalaw. Hindi kinaya ng tuhod ko kaya napaupo ako at nag simula nang tumulo ang luha. Ayoko nang ganitong pakiramdam! Kahit anong pigil ko, sya pa rin talaga ang mahal ko.

"B-Bakit ba ang hina-hina ko?" 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top