19
Pumara ako ng taxi paglabas ko ng bake shop. Nagpahatid ako sa bahay namin, sa bahay ng magulang ko. Ayokong umuwi kila Nanay.
"O anak? Kasama mo ba si Jian?" Salubong sa akin ni mommy. Imbes na sumagot ay niyakap ko sya ng mahigpit.
"I miss you mommy."
"Naku! Ang bunso ko. Tara kumain ka muna." Dinala nya ako sa dinning area para kumain.
Namiss ko talaga ang mommy ko, we're like best friend. Wala pa si daddy noong umuwi ako. After dinner, mas pinili kong mag stay sa kwarto, para makapag isip.
Halos seven months na kaming kasal ni Jian, at hanggang ngayon, ramdam na ramdam ko na walang improvement sa relasyon namin. Minsan okay kami, minsan naman hindi, nakakapagod din pala.
Naisip ko, darating kaya ako sa ganitong point kung noong una pa lang ay sumuko na ako?
Hindi ko nasagot ang sarili kong tanong hanggang sa makatulog ako.
---
"Janelle." Nararamdaman kong may humahaplos sa mukha ko. "Wake up."
Dahil masakit ang katawan ko, mas pinili ko na lang matulog. "Gusto ko pang matulog."
"Wake up, or else.."
Napabalikwas ako ng bangon ng marealize ko kung sino 'yung nagsalita.
"J-Jian?"
"What are you doing here? Nanay is looking for you, hindi ka nagpaalam na dito ka uuwi." Sabi nito at naupo sa gilid ng kama.
Hindi ko sya pinansin at dumapa sa kama. Naiinis ako sa kanya.
"Hey, I'm talking to you." Kinalabit kalabit nya pa ako.
"Umuwi ka na sa inyo."
"Hinahanap ka ni Jewel, hindi ako pwedeng umuwi ng hindi ka kasama." Nahiga sya sa tabi ko.
"Ano ba!" Umusog usog pa ako para malaglag sya kaso niyakap nya ako. "J-Jian."
"I'm sorry, wife. Hindi ko dapat ginawa 'yun. Nabigla lang ako, ayaw ko kasing nasasaktan ka. Kung pwede lang na pigilan kitang pumasok, ginagawa ko na. Kaso alam ko na pangarap mo 'yan." Hinimas-himas nya pa ang likod ko.
Hindi ako makapagsalita. Walang lumalabas sa bibig ko, kaya humarap na lang ako sa kanya at niyakap sya ng mahigpit.
"Uwi na tayo?" Bulong nito.
"Ayoko pa rin." Haah! Ang sarap sa feeling ng ganito.
"Bakit? Gabi na." He tap my head.
"Gusto kong matulog dito." Paglalambing ko pa.
"Sige, sige. Pero bukas uuwi na rin tayo."
Napataas ako ng ulo. "Talaga?"
Tumango sya. Sa sobrang saya ko ay nakiss ko sya sa lips, nagulat din ako sa ginawa ko. Pero sya, titig na titig sa akin.
He suddenly kissed me. Malalim, nakakalunod kaya wala akong nagawa kundi ang sumabay. I was shocked ng pumaibabaw na sya sa akin. Pareho kaming nalalasing sa isa't-isa, para bang ayaw namin palampasin ang pagkakataon. Ito na ba?
[TOK TOK] Naitulak ko sya sa gulat. May kumakatok. Pero hindi sya tumigil, hinalikan nya ang leeg ko, kinilabutan ako.
"Janelle? Jian? Bumaba na kayo para makakain." Narinig kong tawag ni Mommy.
Hindi ako makasagot dahil sa halik ni Jian, nararamdaman ko pa na kinakagat-kagat nya ang balat ko.
"Hmn." Napaungol ako ng mahina.
"Anak?" Tawag ulit ni Mommy.
"Y-Yeah, Mommy. S-Susunod kami. Hmmn." Gosh! Wag sanang mahalata ni Mommy.
"Okay ka lang Janelle?" Ugh!
"O-Opo. Oooh-kay lang ako." Narinig ko na lang ang yabag ni mommy palayo.
Tumigil si Jian sa paghalik sa leeg ko at tumawa ng malakas, hawak nya pa ang tiyan nya at maluhaluha. Hinampas ko sya sa braso.
"Sinadya mo 'yun no?" Tinignan ko sya ng masama. Ugh!
"N-Nakakatawa ka sumagot sa Mommy mo." Sabi nito at tumawa muli.
Pinagtitripan nya na naman ako. Tumayo ako peeo hinila nya ako kaya napahiga ako sa dibdib nya. He kissed my forehead.
"Nag enjoy ka no?" Tanong nya sabay ngisi. Namula naman ako.
"H-Hindi no! Wag mo ng gagawin 'yun lalo na't malapit sila mommy." Kasi! Nakakaasar!
"Bakit? Masama ba?"
"A-Ano. Kasi nakakahiya, baka makita nila tayo." Hindi ako makatitig sa mata nya dahil para akong nalulunod, grabe kasi sya makatitig, tagos sa kaluluwa.
"That's normal, asawa kita." Inayos nya pa ang ilang hibla ng buhok ko na nalaglag sa mukha.
"T-Tara na nga, nagugutom na ako." Tatayo na sana ako kaso lalo nya akong niyakap.
"Hindi ka pa ba busog sa kiss ko?" Hindi ko alam kung seryoso ba sya o ano, hindi kasi sya nakangiti, walang emosyon.
"Gusto ko ng pagkain." Bago ako tuluyang tumayo ay nagnakaw pa ako ng halik.
"Janelle!" Sigaw nito.
Sinagot ko lang sya ng tawa. Ako'y kinikilig~~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top