18

It's been a week simula ng magsimula kami sa bakeshop ni tito John.

"Janelle, pakiabot naman 'yung plate!" Narinig kong sigaw ng patissier namin.

"Opo!" Agad kong binitawan ang mop at kaagad na kinuha ang plato. "Ito na po!"

"Naku naman! Hindi 'yan!" Naiinis na sigaw nya. "Yung pang bread!"

"Ay! Wala po kasi kayong sinabi Ma'am Mina." Napakamot ako sa ulo.

"Kesa sasagot ka pa dyan, bakit hindi mo na lang kunin 'yung inuutos ko?" Mataray na sigaw nya.

Tumalima naman ako. Baka lalo akong masigawan.

"Janelle!" Biglang lumapit sa akin si Sarah. "Sinisigawan ka na naman nyang babae na 'yan?" Bulong nya sa akin.

"Wag ka ngang maingay, baka marinig ka." Siniko ko pa sya ng mahina.

"Ano Janelle? Magkekwentuhan lang ba kayo dyan?" Utos na naman ni Ma'am Mina.

"Opo! Ito na po!" Sa kakamadali ko ay natapakan ko 'yung mop kaya nadulas ako. Tumama ang pwet ko sa sahig at nabasag ang mga plato.

"Janelle!" Agad akong nilapitan ni Sarah.

"Janelle naman! Napaka lampa mo naman! Babayaran mo 'yang mga plato! Kulang ang sahod mo pang bayad!" Napakagat labi ako sa mga pinagsasabi ni Ma'am Mina. Ang sungit talaga.

Hindi na ako sumagot dahil kasalanan ko naman.

"O ano? Tutunganga ka na lang dyan?! Linisin mo 'yan!"

Inalalayan akong tumayo ni Sarah, kaso hindi ko kaya. Naiiyak na ako sa sakit.

"Ma'am Mina, pwede po bang magpahinga muna saglit si Janelle?" Pakiusap ni Sarah.

"No! Maraming customer!" Sigaw na naman nya.

Sa one week na pagtatrabaho namin ni Sarah dito ay walang nakakaalam na kamag-anak ko si tito John, mas mabuti na 'yun para hindi nila ako laging pagbibigyan.

"What's happening here?" Natahimik ang lahat ng pumasok si Tito John. Napatingin sya sa akin. "Janelle, bakit ka umiiyak? Anong ginagawa mo sa sahig?"

"Lalampa lampa po kasi, kaya ayan! Nabasag po ang mga plato natin!" Sagot ni Ma'am Mina.

Tinignan sya ng masama ni tito. "Sarah, pakialalayan si Janelle, mukhang masama ang pagkakabagsak. Jonathan, pakilinis muna 'tong sahig."

"Pero sir! Marami po tayong customer!" Apila ni Ma'am Mina.

"Mas mahalaga sa akin ang kaligtasan ng empleyado ko." Mariing sabi ni tito. Isa 'yun sa mga tumatak sa isip ko, pagpapahalaga sa mga empleyado.

"Tara na Janelle." Dinala ako ni Sarah sa employee's locker room para sermunan.

"O ano? Magpapaapi ka na lang sa chef natin? Naku! Nakakakulo ng dugo!"

"Hayaan mo na sya. Parang 'di ka nasanay." Natatawang sabi ko.

"Sige, tumawa ka pa." Nilabas nya ang cellphone nya at saglit na kinalikot.

"Sarah, ang sakit ng pwet ko." Naramdaman ko na naman kasi 'yung kirot.

"Ayan! Ayan! Teka, kukuha ako ng gamot." Lumabas na si Sarah.

Ilang minuto lang ay bumukas na ulit ang pinto. "Ang bilis mo naman Sarah."

"What happen?" Nagulat ako ng magsalita si Jian. Paano nya nalaman?

"A-Ano, nadulas lang ako." Paliwanag ko. Naupo sya sa tabi ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko habang titig na titig ako sa mukha nya, ang pogi talaga!

"Tinawagan ako ni tito, may ginawa ka na naman daw kalokohan." Tinignan nya ako ng masama, napaiwas ako.

"Hindi ko naman sinasadya." Yun na lang ang nasabi ko.

"Can you please take care of yourself when I'm  not around?" Naiiritang sabi nya. I nod.

"Uuwi na tayo." Hinawakan nya ang kamay ko.

"T-Teka, hindi pa tapos 'yung trabaho ko."

"Tingin mo makakapagtrabaho ka pa sa lagay mo na yan?" Naiinis na naman na sabi nya.

"Bakit ba ang init ng ulo mo?" Hindi ko mapigilang tanong.

"Tinatanong mo talaga ako nyan? When tito John called, I'm in the meeting with some investor, I canceled that, tapos ito ang maabutan ko?" Napapataas na rin ang boses nya.

"Edi sana hindi ka nalang pumunta kung sinusumbat mo pa sa akin 'yun!" Napataas na rin ang boses ko.

"It's because you're so clumsy! Hindi mabubuo ang araw mo ng hindi ka nasasaktan!"

Napakagat ako ng labi. Pilit pinipigilan ang luha ko.

"I hate you." Bulong ko. Kinuha ko na ang gamit ko at kaagad ng lumabas.

"O Janelle? Saan ka pupunta?" Naabutan ko si Sarah.

"Mauuna na ako. Itetext ko na lang si tito." Sagot ko at agad ng umalis.

Naghintay pa ako ng taxi sa labas, hindi kasi nila ako pinapayagan na magdrive mag-isa kasi nga lampa ako.

"Janelle!" Narinig kong sigaw ni Jian. Hindi ko sya pinansin. He grab my hand.

"Bitawan mo ako." Pilit akong nagpupumiglas, pero malakas sya.

"Uuwi na tayo."

"Ayokong sumabay sayo." Pagmamatigas ko. Tinignan nya lang ako ng masama.

"This is what you want?!" Panghahamon nya. "Go on! The hell I care!" Pabalya nyang binitawan ang kamay ko at umalis.

Kusa ng tumulo ang luha ko.

-----

Ps: Sino po marunong gumawa ng cover? Pa help :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top