16


Janelle's POV

Medyo gumaan na ang pakiramdam ko dahil ang galing mag alaga ni tita Alex.

"Nag usap na ba kayo ni Jian?" Sabi ni tita Alex habang sinusuklayan ang buhok ko.

"Opo tita Alex."

"Call me nanay, okay?" Tumango ako. "I'm sorry sa ginawa ng anak ko, hindi ko alam kung bakit nya naisipan na gawin 'yun."

Humarap ako kay nanay.

"Hindi po kayo ang nagkulang nay." I hug her.

"Nay.." Napahiwalay kami ng marinig namin si Jian.

"Oh ano?" Mataray na sabi ni nanay.

"Nandyan na po si tatay, hinahanap kayo." Malungkot na sabi ni Jian.

"Maiwan muna kita Janelle." Nilagpasan lang ni nanay si Jian.

"Galit sa akin si nanay." Sabi ni Jian pagkaupo sa sofa.

"Hindi lang galit, galit na galit pa." Pang aasar ko dito. Tinignan nya lang ako ng masama.

Nahiga na lang ako sa kama. Nagulat ako ng tumabi sya sa akin at niyakap ako.

"H-Hoy! Lumayo ka nga, bukas yung pinto oh!" Lah! Baka may makakita sa amin.

"So what?" Tanong nito at isiniksik pa ang ulo nya sa leeg ko.

Nailang ako dahil sa kiliti.

"J-Jian.." Sht! Nakakiliti talaga!

"Ang bango mo." Bulong nya sa leeg ko. Ang init ng hininga nya. Napapikit na lang ako.

"Janelle, bumaba muna kayo--"

Naitulak ko si Jian ng marinig ko ang boses ni nanay.

"Nay naman, wrong timing." Sabi ni Jian at tumayo. Hinampas ko nga sya sa braso.

"Bakit?" Natatawang tanong nito. Tinignan ko lang sya ng masama. Baka kasi kung ano ang isipin ni nanay.

"Pasensya sa abala. Ituloy nyo lang 'yan, gusto ko babae ha?" Natatawang sabi ni nanay.

"Nay, lock the door." Loko 'tong si Jian, utusan daw ba si nanay?

"Okay, after nyo dyan bumaba na kayo ah?" At lumabas na si nanay sabay lock ng pinto.

"Nakakahiya." Mahinang usal ko.

"Bakit ka nahihiya?" Inosenteng tanong ng katabi ko, nahiga kasi ulit sya sa kama at niyakap ulit ako.

"Baka kung ano ang isipin ni nanay."

"That's normal sa mag asawa." Lumayo ako sa kanya.

"Paano mo alam? May nakatabi ka na bang iba sa kama?" Tanong ko.

"Yeah." Agad na sagot nito.

"May nangyari sa inyo?!" Medyo tumaas na ang boses ko.

"That's private Janelle, wag mo ng alamin." Sagot nito.

"May nangyari ba sa inyo?" Ulit ko.

"Paano kung sabihin kong oo?" Pang hahamon nya.

"Wag kang didikit sa akin kahit kailan!" Sigaw ko. Tumayo ako sa kama at hinakbangan sya para makababa.

"Janelle!" Tawag nito sa akin pero hindi ko pinansin.

Dire-diretso ako sa kusina.

Nakakainis! Hindi pala ako ang unang babae na makatabi nya sa kama, ang masama ay may nangyari pa sa kanila!

"Nakakaasar!"

"O Janelle? Nasaan si Jian?" Sabi ni nanay habang kinukuha ang ulam.

"Nasa taas po." Sagot ko, tumulong na rin ako sa pagkuha ng ulam.

"Maupo ka na dun Janelle, kagagaling mo pa lang."

--

Tahimik na natapos ang dinner namin. The best talaga magluto si nanay.

Napagdesisyunan kong lumabas para magpahangin. Ang lamig.

"Bakit nasa labas ka pa?" Hindi ako sumagot sa tanong nya.

"Janelle." Tawag nya. Humarang sya sa akin.

"Magtatanong-tanong ka tapos magagalit ka?" Hinawakan nya ang balikat ko.

"Alam mo ba yung salitang "White lies"?" Sarkastikong sabi ko.

"Hindi ako marunong non." Natatawang sabi nito.

"Talaga lang ah!" Lumakad sya papunta sa likod ko at bigla akong niyakap.

"Matagal na 'yun. Alam mo na, binata eh." Sabi nya.

Hindi na lang ako umimik.

"Gusto mo gawin din natin?" Napalayo ako sa tanong nya.

"Bastos!" Sigaw ko.

"What?! Normal lang 'yun sa mag asawa."

"Ewan ko sayo." Umakyat na ako sa kwarto. "Paano kaya kung gawin namin 'yun?" Nabatukan ko ang sarili ko dahil sa naisip.

Bakit kaya kahit anong tindi ng inis at galit ko sa kanya, biglang nawawala sa simpleng salita at lambing nya lang?

--

"Bakit hindi kayo magbakasyon? Paris? Korea? Thailand?" Sabi ni nanay habang kumakain kami ng hapunan.

"May pasok na kami nanay." Agad na sagot ni Jian.

"Pwede naman natin gawan ng paraan 'yan." Sabi naman ni tatay.

"Ayaw na po magbakasyon ni Janelle, niyaya ko na sya noon pagkauwi ko galing singapore." Napasimangot ako sa sinabi ni Jian.

"Paano, magyayaya ka dahil may nagawa kang kasalanan." Bulong ko sa sarili ko.

Nanggigigil na tinusok ko ang karne at isusubo na sana ng mapansin ko na tahimik sila at nakatitig lang sa akin.

"B-Bakit po?" Tanong ko.

"Wala." Ngumiti lang si tatay.

"Next time, kapag bubulong ka, hinaan mo pa ha?" Natatawang sabi ni Jian.

Oh Sht!! Napayuko na lang ako at tinuloy ang pagkain.

"Nay." Napalingon kami sa nagsalita.

"James!" Napasigaw ako sa tuwa.

Ang huling kita ko kasi sa bunsong kapatid ni Jian, ay noong nalasing kami.

"Maupo ka na anak. Kumain ka na." Sabi ni tatay pagkatapos syang yakapin si James.

James is only 15 yeard old pero matangkad na ito, gwapo pa!

Naupo sya sa tabi ko at hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya.

"Bakit ate?" Tanong nito ng mapansin nya ako.

"Wala." Ako sabay ngiti ng wagas.

"Okay." Sya.

"Dito ka na ba mag sstay bro?" Tanong ni Jian.

"Yeah, nagbakasyon sina lolo at lola eh." Sagot nya.

--

Nung natapos na kaming kumain ay nakipag kwentuhan muna ako kay James.

"James! Ang pogi-pogi mo talaga!" Sabi ko dito sabay yakap ng mahigpit.

"A-Aray ko naman ate!" Angal nito.

"May girlfriend ka na ba?" Tanong ko sa kanya.

"Bakit ate? May irereto ka ba?"

"Ako sana kaso 'wag na lang. Yung kapatid ng friend ko! Chiks 'yun!" Sabi ko at inakbayan sya.

"Talaga? Kukunin ko ang number nya sayo mamaya ate."

"Sure!"

"Matulog na tayo." Nilingon namin si Jian.

"Mauna ka na. Magkekwentuhan muna kami." Sabi ko habang kumakain ng mansanas.

"Kanina pa kayo nagkekwentuhan, hindi ka ba napapagod? Pagpahingahin mo naman din si James." Sabi ni Jian at pilit akong hinihila.

"James bukas na lang ha?" Pahabol ko dito.

"Sige ate."

"Aray ko! Hindi mo naman ako kailangang kaladkarin!" Reklamo ko kay Jian.

"Ayaw mo pa kasing magpaawat."

"Ngayon nga lang kami ulit nakapag kwentuhan ni James." Binitawan nya ang kamay ko nung nasa kwarto na kami.

"Aalis tayo bukas." Seryosong sabi nito.

"Bukas? Hindi ako pwede. Mag eenroll si James sa school, sasamahan ko sya." Nagrequest kasi sa akin si James.

Napansin kong napakunot ang noo nya.

"Tara, tulog na tayo." Hinila ko sya para makahiga na rin sa kama.

"Bakit ba tuwang-tuwa ka kay James?" Sabi nito ng makahiga na sya.

"Nakikita kasi kita sa kanya nung bata ka pa, ang kaso nga lang ay mas gwapo si James kaysa sayo." Sabi ko dito.

Naghintay ako ng sasabihin nya. Kaso wala. Sinilip ko sya, tsk! Tulog na pala.

--

"Grabe 'yung mga estudyante kanina sa school!" Pabagsak akong naupo sa sofa dahil sa pagod.

"Oo nga ate, nagmukha ka tuloy security guard kanina." Natatawang sabi ni James habang paupo sa tabi ko.

"Saan kayo galing?" Sabi ng kararating na si Jian.

"Sa school kuya, nag enroll." Sagot naman ni James.

"Hindi ka nagpaalam sa akin Janelle?" Baling naman nito sa akin.

"Nagsabi na ako sayo kagabi diba?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Ang labo!

"Hindi ka nagsabi kaninang umaga."

"Eh nakalimutan ko." Napakamot na lang ako sa ulo.

"Ate Janelle, mamaya ha?" Sabi ni James at naglakad na papuntang kwarto.

"Sige." Sagot ko.

"Ano na naman 'yun?" Naupo na rin sa tabi ko si Jian. Nagulat ako ng hinilot hilot nya ang balikat ko.

Ang sawap!

"Magmomovie marathon kami mamaya." Inaantok tuloy ako.

"Magpupuyat kayo?"

"Wala naman pasok bukas eh." Katwiran ko pa.

"Aalis tayo kinabukasan." Bumaba sa likod ko ang kamay nya.

"Bukas? Pwede next day na lang? Diinan mo pa dyan." Hayy~

"Bahala ka." Bigla syang tumayo at lumabas ng bahay.

"Huy! Hilutin mo pa ako!" Hahabulin ko sana sya ng bigla akong tawagin ni nanay. "Bakit po?"

"Aalis kayo bukas diba?"

"Po? Ay oo pala! May nasabi po sa akin si Jian kanina, kaso sabi ko po next day na lang kasi mag momovie marathon kami ni James mamaya."

"Ganun ba? Matagal nya ng plano 'yun eh." Sabi ni nanay na nagpagulo ng isip ko.

"Ang alin po?"

"Ah, wala. Sige, magluluto lang ako." Sabi ni nanay.

Anong plano?

--

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top