15
Tahimik akong lumabas ng kwarto hanggang nasa kalsada na ako. Saan ako pupunta ngayon? Hindi naman pwede sa bahay.
Tinawagan ko si Sarah, pero naka off ang phone nya, si Jewel naman hindi nya sinasagot.
(Beep! Beep!)
"Ay palaka!" Halos tumalon ang puso ko sa sobrang gulat.
"Where the hell do you think you're going Janelle Martin?!" Galit na sigaw ni Jian pagbaba nya ng kotse.
Mrs. Martin na nga pala ako pero bakit di ko maramdaman. Inirapan ko lang sya at nagpatuloy na sa paglalakad.
"Sumakay ka na sa kotse." Mariing utos nito.
"Ayoko."
"Wag ngang matigas ang ulo mo." Nakaharang na sya sa daanan ko.
"Diba sabi mo, isipin ko ang gusto kong isipin? Nangbabae ka Jian! Anong gusto mong gawin ko? Magstay pa rin sa bahay kasama ang asawa ko na manloloko?" Buong lakas na sabi ko.
"Magpapaliwanag ako." Napayuko sya.
Yun lang naman ang hinihintay ko. "Go."
"Pwede sa bahay na?"
"Dito ang gusto ko." Tinaasan ko pa sya ng kilay.
"It was just a coincidence, we just meet there. That holding hands thing? It's nothing." Mukhang iritado na paliwanag nya.
Dapat ba akong maniwala? Oo, paliwanag nya ang hinihintay ko, pero hindi ganitong klase ng paliwanag.
Sumakay na lang ako sa kotse nya ng tahimik dahil alam kong wala din mangyayari, nakatali na ako.
"Anong pumasok sa isipan mo at naglayas ka?" Tanong niya, pero hindi ko lang sya pinansin hanggang sa makarating kami sa condo.
Dire-diretso ako ng pasok at binalik sa ilalim ng kama ang bag ko.
Sumunod sya at naupo sa tabi ko sa kama.
"We'll leave tomorrow." Sabi nya.
"Ayokong umalis. Kung gusto mo ikaw na lang, o kaya isama mo si Katarina." Mapait na sabi ko.
"Nagseselos ka ba?" Tanong nya.
Kung pwede lang sana na murahin ko sya, ginawa ko na!
"Hindi Jian, ba't naman ako magseselos? Tuwang tuwa nga ako na nagkita kayo. " Sarkastikong sabi ko.
"Bahala ka kung ayaw mong magbakasyon. Monday na pala bukas, may pasok na tayo." Dire-diretsong sabi nya sabay pasok sa C.R.
"Kaasar!" Napapadyak na lang ako. Uminom na lang ako ng gamot bago humiga sa kama. Nasayang ang bakasyon ko sa kakahintay sakanya.
Kahit mabigat ang pakiramdam ko ay pinilit ko pa ring makabangon dahil nga may pasok na kami.
"Hija, papasok ka? Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Sabi ni yaya habang kumakain kaming tatlo.
"Ok na po ako." I'm a best liar! Haha.
"Nagkasakit ka?" Tanong ni Jian.
Tumango lang ako. Akala nya ah, hindi kami bati! Hanggang sa pagdating sa school ay hindi kami nag iimikan.
"Magkita na lang tayo sa pantry mamaya pag-uwi."
"Sige." Sagot ko at bumaba na ng sasakyan.
Teka! Nakakapanibago lang, bakit sa pantry kami magkikita?
"Janelle." Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang boses nya mula sa likod. Dahan-dahan akong lumingon.
"Katarina." Sabi ko. Anong ginagawa nya dito?
"Pwede ba tayong mag-usap?" Diretsong tanong nya. Tumango ako.
Kailangan ko syang harapin para tigilan na ang asawa ko.
--
Hindi na kami lumayo dahil 30 minutes na lang ay klase ko na, nasa gilid kami ng bench at walang gustong umupo.
"May sasabihin ka ba Katarina?" Tanong ko.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa Janelle, hiwalayan mo si Jian." Hindi nga talaga sya nagpaligoy-ligoy.
Napakurap-kurap ako.
"Siguro naman nakita mo 'yung mga litrato." Lalo akong naguluhan sa sinabi nya.
"Ibig sabihin i--" She cut my word.
"Yes. Ako ang nagpadala sayo nun."
I can't believe her!
"Bakit mo 'to ginagawa?" I take a deep breath to control my emotion.
"Hindi kayang makipag hiwalay sayo ni Jian dahil nga sa kasal na kayo. Hiwalayan mo sya, we'll process your divorcement paper as soon as possible." Mahabang litanya nya.
Hindi ko alam ang dapat kong sabihin.
Gustong makipag hiwalay sa akin ni Jian? Dahil kay Katarina.
"Kakausapin ko si Jian." Sabi ko at tumalikod kaso bigla akong nahilo. Pinakiramdaman ko ang sarili ko, nanlambot ang buong katawan ko.
"Wag mo akong talikuran Janelle!" Bigla hinila ni Katarina ang braso ko.
Naramdaman ko na lang na unti-unti na akong natumba, and everything became black.
--
Jian's POV
"Sht! May hinimatay!"
"Tara! Tignan natin!"
Narinig kong sigawan nung mga student. Didiretso na sana ako ng hilain ako ni Troy.
"Bakit?" Tanong ko.
"Si Janelle!" Sigaw nito at hinila ako.
Ano bang nangyayari?
Pagdating namin sa bandang entrance ng school ay puro kumpulan ng estudyante ang naabutan namin. Sumingit kami ni Troy, nanlaki ang mata ko ng makita ko si Janelle na pilit ginigising ni Katarina.
"Janelle! Janelle!" Sigaw nito.
Hindi na ako nagdalawang isip pa at agad na binuhat si Janelle at isinakay sa sasakyan.
Dumiretso ako sa bahay nina Nanay. Hindi ko alam ang tumakbo sa isip ko na imbes sa hospital ay umuwi ako.
"What happen Jian?!" Gulat na sigaw ni Nanay ng makita nyang buhat ko si Janelle.
"Nahimatay sya." Sagot ko.
Inihiga ko si Janelle sa kama at lumabas. Si Nanay na daw ang bahala sa kanya. Kailangan kong tawagan si Katarina.
"Anong nangyari?" Bungad ko sa kanya pagkasagot nya ng phone.
[I don't know. Nahimatay na lang sya bigla.]
"I don't believe in that explanation Katarina." Mariing sabi ko.
[Ok! Ok! I told her na hiwalayan ka na nya!]
"What the hell are you thinking Katarina?! Bakit mo sinabi sa kanya na hihiwalayan ko sya?!" Galit na sigaw ko dito.
[Bakit ba?! Hindi mo masabi sa kanya diba? Kaya ako na ang gumawa!]
"We'll talk later Katarina." I take a deep breath.
Babalik na sana ako sa kwarto ng paglingon ko ay nakita ko si Nanay na mariing nakatingin sa akin, may hawak sya na envelop.
"How dare you Jian. What's the meaning of this?!" Sabi ni Nanay sabay labas ng mga litrato.
"Nay, let me--" She cut my words.
"Hindi kita pinalaki para manloko ng babae, wag na wag mong hihiwalayan si Janelle, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko." Natakot ako sa sinabi ni Nanay, minsan lang sya kung magalit pero matindi.
"Nay, nagkita lang--"
"Wag ka sa akin magpaliwanag. Gising na ang asawa mo." Yun lang at nilagpasan na ako ni Nanay.
Pumasok na lang ako sa kwarto at naabutan ko si Janelle na may kausap sa cellphone nya.
"Okay lang po ako Ma.. Opo.. Inalagaan po ako ni Nanay.." Napalingon sya sa akin. "Si Jian po? Opo, nandito sya. Sige ma, I love you po. Babye."
"Kamusta na ang pakiramdam mo?" Tanong ko.
"Okay na." Maikling sagot nito.
"Anong sinabi sayo ni Katarina?" Naupo na ako sa tabi nya sa kama. Kailangan mo marinig lahat galing sakanya.
"Pwede mamaya na lang?" Tumitig sya sa mata ko at alam ko na hindi maganda ang pakiramdam nya.
"Lahat ng sinabi ni Katarina ay--" Natigil ako sa pananalita ng bigla nya akong sampalin.
"Gaano ba kahalaga para sayo ang mga sinabi ni Katarina at hindi ka makapaghintay?! Wala ka talagang awa no? Hindi mo ba nakikita ang kalagayan ko Jian?!" Sigaw nya sabay iyak.
Wala akong masabi.
"H-Hindi mo na ako nirespeto bilang asawa mo, sana manlang nirespeto mo ako bilang tao."
I grab her and hug. I run out of words. Sabi nga nila, "Action speak louder than words."
Nagpupumiglas sya pero lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya.
"Hindi totoo lahat ng sinabi sayo ni Katarina, okay? Hinding-hindi ako makikipaghiwalay sayo." Bulong ko.
Lalo syang humagulgol.
"B-Bakit kayo magkasama sa singapore?" Sabi nya.
"Sinundan nya ako, kumain lang kami nun sa restaurant. Yung holding hands? Sya lang nagpumilit nun." Paliwanag ko. Alam ko na dapat noon ko pa yun ginawa.
"I'm not good in sweet gesture Janelle, you know that. Pero dahil selosa ang asawa ko, I think I need to practice." Dagdag ko.
Humiwalay sya ng yakap at tumingin sa akin.
"Kanino ka magpapratice?" Natawa ako sa tanong nya.
"Syempre sayo." Idinikit ko ang labi ko sa kanya. "I'm sorry." I kiss her forehead.
"Apology accepted." Sabi nito at yinakap ako ng mahigpit.
Ano na ang gagawin ko sa babae na 'to?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top