14

Pagkatapos sa reception ay umuwi muna kami sa condo ni Jian. Nakakapagod mag entertain ng mga tao, kaya pagkatapos ng kung ano anong seremonyas ay umuwi na kami. Napag desisyonan namin na sa condo nya nalang mag stay dahil ayaw nya talaga sa bahay nila.

"Nakakapagod." Nahiga kaagad ako sa kama kahit hindi pa ako nakakapagpalit ng wedding gown.

"Magpalit ka nga muna." Tinignan ko si Jian habang nagtatanggal ng coat.

"Napapagod na ako." Tamad na sabi ko.

"Matutulog ka ng nakagown at make up? I can't believe na ang napangasawa ko ay hindi nagsshower sa gabi." Napatayo ako sa sinabi nya.

"Mag s-shower ako no! Nahiga lang ako saglit!" Kaasar!

Tinawanan lang ako.

Tinanggal ko muna ang kung ano-anong nakasabit sa ulo ko. Next, ang gown.

"Argh!" Nakakainis! Hindi ko maibaba ang zipper. "Jian, patanggal naman ng zipper."

Lumapit ako kay Jian at tumalikod.

"Mamimili lang kasi ng gown, yung ganito pa." Angal nya.

Naramdaman kong lumuluwag na ang gown.

"Tama na 'yan ah." Binaba nya ang zipper pero hindi lalapas sa bewang.

Nilingon ko sya habang nakaalalay ang kamay ko sa gown.

"Jian, namumula ka?" Seryoso, namumula talaga sya.

"Wala 'to, maglinis ka na." Tumalikod sya sa akin.

"Okay, salamat." Tumakbo na ako papasok sa C.R

Hahh~ fresh na ako!

"Jian!" Sinubukan kong tawagin sya, mukhang wala na sya sa kwarto. Nakalimutan ko kasi magdala ng damit. Ni hindi pa sya naka impake ang mga gamit ko sa bahay namin. Mamaya ay tatawagan ko si Mama para makapaghanda ng kaunting damit para sa honeymoon.

Paglabas ko sa C.R ay nakakita ako ng mga nakatuping damit sa ibabaw ng kama.

"Oh? Akin 'to ah." Napangiti ako ng may marealize, pinaghanda ako ni Jian!

Lumabas ako ng kwarto at naabutan ko sya sa sala na nanunuod. Naupo ako sa tabi nya.

"Anong palabas 'yan?" Sabi ko. Mukha kasing maganda.

"Ruby Sparks." Sagot nya habang nakatuon sa t.v.

Nakatunganga lang kaming pareho sa t.v. maganda talaga ang palabas.

"Lah!" Napasinghap ako nung inamin na nung lalaki na sya ang nagsusulat sa buhay ni Ruby. "Hala! Hala!" Lalo akong nagulat nung kung ano-ano na ang pinaggagawa ni ruby.

"Wag ka ngang maingay." Sita sa akin ni Jian.

Naiiyak na ako. Naaawa ako sa lalaki. Mag-isa na lang sya.

"Baki ka umiiyak? Palabas lang naman 'yan." Sabi ni Jian na inaabutan ako ng tissue.

"Nato-touch ako sa palabas eh."

Maganda naman ang naging ending. Nagkita ulit sila pero hindi na sya naaalala ni Ruby.

"3am na. Matulog na tayo." Sabi ni Jian sabay patay ng t.v

"Mauna ka na. Manunuod pa ako." Inagaw ko ang remote sa kamay nya at in-on ulit ang t.v. Maghahanap ako ng magandang palabas.

"Wag ngang matigas ang ulo mo." Kinuha nya ang remote ang pinatay ang t.v, hinugot nya na rin ang saksakan.

"Tsk!" Padabog na pumasok ako sa kwarto nya at nahiga.

"Umusog ka nga." Sabi nya.

Humiga ako ng patagilid, nakatalikod sa kanya.

"Aalis ako bukas. Kailangan ako ng branch namin sa Singapore." Bigla akong napalingon sa kanya.

Nakapikit na sya.

"Ikaw? Paano yun? May honeymoon pa tayo diba?"

"Babawi na lang ako. Hindi pwedeng mag isa si Nanay sa bahay kaya hindi aalis si tatay, buntis ang asawa ni Kuya Jb, lalong hindi naman pwede si Jewel." Sabi nya.

Gusto ko sanang sabihin na paano naman ako? Honeymoon pa naman namin.

"Matagal ka ba dun?" Tinitigan ko ang mukha nya.

"I don't know. Baka matagalan."

Nalungkot ako. Kakatapos pa lang ng kasal namin tapos iiwan nya na ako kaagad. Napaluha ako.

Bigla syang dumilat at lumingon sa akin.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong nya.

Umiling lang ako at tumalikod na sa kanya. Bakit kasi matalino sya? Kahit hindi pa sya graduate, kaya nya ng maghandle ng company.

Hayy.

Nabigla ako ng maramdaman ang kamay nya sa bewang ko. Niyakap nya ako kaya humarap ako sa kanya.

"Babawi ako. Promise." Sabi nya at niyakap ako ng mahigpit.

"Sama na lang ako."

"Wag na. Magiging busy ako dun." Nanahimik na lang ako at dinama ang yakap nya.

--

Pagdilat ko ng mata ko ay lungkot kaagad ang naramdaman ko, gumising sa umaga ng walang kasama.

"Janelle." May kumakatok? Teka, boses ni yaya yun ah!

Pagbukas ko ng pinto, si yaya nga! Kaagad ko syang niyakap.

"Yung asawa mo, sinundo ako ng pagka aga-aga sa bahay para daw masamahan ka dito." Natawa ako sa sinabi ni yaya. Kahit papaano pala ay may concern pa rin sa akin si Jian.

"Kain na tayo."

Pagkatapos kumain ay dumiretso kaagad ako sa kwarto. Anong gagawin ko dito maghapon? Sakto sa bakasyon ang kasal namin kaya wala din akong pasok.

Lumipas pa ang ilang araw na talagang boring. Hindi na ako makakain ng maayos. Mas gusto kong dito muna mag stay sa condo ni Jian kaysa sa bahay nina tita Alex, dito ko sya gustong hintayin.

"Hija kumain ka na." Sabi ni yaya.

"Wala po akong gana ya."

Simula kasi ng umalis si Jian hindi manlang sya tumawag. Kapag tinatawagan ko naman ay laging busy.

Hinawakan ni yaya ang noo ko. "Janelle, may sakit ka?"

"Medyo masama lang po ang pakiramdam ko."

"Saglit lang at ipag gagawa kita ng sopas." Agad namang bumaba si yaya.

Agad kong kinuha ang cellphone ko, nagbabakasaling si Jian ang tumatawag.

"Hello?"

[Sister! Kamusta?]

"Ikaw pala Jewel, okay lang naman ako."

[Wait Sister, bakit parang matamlay ka?]

"Medyo masama yung pakiramdam ko."

[Omg! Hindi ka ba inaalagaan ni kuya?]

"Ha? Nasa Singapore pa sya."

[What? Nakauwi na sya kahapon pa, wala ba sya dyan?]

Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Jewel, nakauwi na sya pero wala pa sya dito.

"J-Jewel, wala pa kasi sya dito. Baka may nangyaring masama sa kanya."

[Tawagan mo muna sya, itatanong ko kila nanay kung saan ba sya dumiretso.]

"Okay, bye." Agad kong dinial ang number nya pero naka off. Lalo akong kinabahan, sana walang masamang nangyari sa kanya.

"Hija, may nag iwan nito sa labas." May inabot sa akin si yaya na envelop. "Ilalapag ko na lang dito ang sopas at gamot."

Paglabas ni yaya ay binuksan ko kaagad ang envelop.

Halos hindi ako makahinga sa mga nakita kong litrato. Nag unahan sa pagtulo ang luha ko, ang sakit sakit!

Mga litrato nina Jian at Katarina na masayang magkahawak kamay, may mga kuha sa restaurant at sa daanan. Kaya pala ayaw niya akong isama.

Lalo akong nagmukmok sa kwarto. Wala syang respeto, imbes na ako ang kasama nya, ibang babae pa.

(Tok. Tok) "Sister?" Dahan-dahang umupo sa tabi ko si Jewel.

"Omg! Si kuya ba 'to?" Gulat na sabi nya ng makita nya ang mga litrato. "How dare he! Makakarating 'to kay nanay! Tinawagan ko si kuya, at ang sabi nya ay pauwi na daw sya dito."

Tumango lang ako sa sinabi ni Jewel.

"Sister, namamaga na ang mata mo."

"Napapagod na ako Jewel." Hirap na sabi ko.

"Don't say that Sister."

Hindi ko alam kung bakit kailangan ko magdusa ng ganito. Masyadong mabilis ang mga nangyari, mali nga talaga na pumayag ako.

"What's happening here?" Napalingon kami kay Jian.

Parang gusto ko syang yakapin, sobra ko syang namiss. Kaso nakakapagod na kasi.

"You!" Biglang tumayo si Jewel at inabot kay Jian ang mga litrato. "You better explain that, isusumbong kita kay Nanay!" Sigaw ni Jewel at nagtatakbo palabas dahil masama na ang tingin sa kanya ng kuya nya.

Nakita ko naman na biglang nagbago ang expression ng mukha ni Jian, parang nabigla ito.

"Pinasundan mo ba ako?" Tanong nya. Umiling ako. "Then, where the hell did you get this?"

"I don't know! May nagbigay lang nyan sa akin." Diba dapat nag eexplain na sya?

Naupo sya sa sofa at pumikit, tila pagod.

"Bakit kayo magkasama?" Nilakasan ko na ang loob ko.

"Please lang, wag ngayon Janelle, pagod ako." Nakapikit nyang sabi.

"Magpaliwanag ka naman Jian! Hindi yung ganito na hinuhulaan ko 'yung nangyari." Hindi ko maiwasang magtaas ng boses.

"Think whatever you want!" Sigaw nito at biglang lumabas ng kwarto.

This is it! Hindi nya manlang nagawang magpaliwanag. Hinila ko ang bagpack sa ilalim ng kama. Nakalagay dito ang ilang mga damit ko na gagamitin ko sana sa honeymoon namin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top