13
"Nakipag away ka na naman?"
Sermon sa akin ni Papa pagdating sa restaurant. Hindi ko alam na kasama pala si Jian.
"Kasi pa, inaway ako eh, edi inaway ko rin." Pangangatwiran ko.
"Hindi mo naman kailangang gawin 'yun anak, dapat nagpakumbaba ka na lang." Dagdag ni mama.
"Hindi naman po ako papayag na ginaganun-ganun lang ako." Bumaba na ang boses ko.
"Inawat ko na po 'yan Tita, gusto pang kumawala sa akin." Naku! Dinagdagan pa ni Jian. Sige lang!
"Yun naman pala anak, be mature ok? Ikakasal ka na." Sabi ni papa.
"Oo na po." Sabi ko para matapos na lang at makakain na. "Gutom na po ako." Agad akong umorder ng dumating ang waiter.
Nasa kalagitnaan kami ng pananghalian ng magsalita si papa.
"Saan nyo pala balak mag honeymoon?"
Halos hindi ko malunok ang pagkain ko.
"Wala pa po kaming nagiging desisyon Tito." Casual na sagot ni Jian.
"Sa ibang bansa kaya? Paris? Korea?" Suhestyon ni mama.
"May pasok po kami sa school Ma." Singit ko. "Hindi na naman po kailangan 'yun." Dagdag ko pa.
"Gusto ko po sana sa probinsya." Sabi bigla ni Jian.
Seryoso nga ata talaga sya.
"Mukhang maganda nga yang gusto mo Jian." Nakangiting sabi ni papa.
"Saang probinsya naman?" Tanong ni mama.
"Sa mindoro po Tita, may nabili kasing lupa at bahay doon si tatay, pwede kaming magstay doon." Sabi ni Jian.
"Good. Good." Sabi ni papa habang nagpupunas ng bibig.
"How about their house honey?" Sabi ni Papa kay Mama.
"Sabi ni Mareng Alex na doon na lang muna sina Janelle sa bahay nila. I think that's good para maalalayan sila ni mare. And besides madalas mag isa lang si mare sa bahay nila." Sabi ni mama.
"Talaga po? Yes! Matuturuan na ako ni tita Alex magluto!" Excited na sabi ko. Buti na lang!
"Nanay didn't told that to me." Seryosong sabi ni Jian.
"Paano masasabi sayo, eh wala ka naman madalas sa bahay nyo." Sabi ko sa kanya.
Tinignan lang ako nito ng masama.
--
Pagkatapos ng lunch ay umalis na rin sina Mama at Papa.
"Nanay, why didn't you told me that we need to stay there." Sabi ni Jian, kausap nya kasi sa cellphone ang nanay nya. "You should have told me earlier... Ok. Bye." Ibinaba na nito ang cellphone.
"Ayaw mo bang doon tayo magstay?"
"Nandoon na si James sa bahay, may kasama na si Nanay kaya hindi na kailangan na doon tayo tumira." Paliwanag nito.
"Okay naman sa bahay nyo ah? Bakit parang ayaw mo?"
"Ayokong magstay pa sa magulang kapag kasal na."
"Paano tayo mabubuhay? Eh wala nga tayong trabaho pareho, studyante pa lang tayo." Graduating naman na kami pero I don't think na kaya naming mabuhay na kami lang. Wala nga kaming bahay pa eh.
"What's your point? Hindi na ituloy 'tong kasal? Magtrabaho muna tayo?" Biglang tumaas ang boses nito.
"Ha? Hindi." Natakot ako sa biglang pag iba ng emosyon nya.
"Yun kasi ang dating sa akin."
"Ang init naman ng ulo mo! Wala naman akong ibang ibig sabihin dun eh."
Napasabunot sya sa buhok nya.
Ano bang problema nito? Parang may pinagdadaanan sya?
--
Simula noong lunch kasama ang magulang ko ay hindi na kami nagkita pa ni Jian.
Hindi kami nagkakasalubong sa corridor o kahit sa gate kapag umuuwi. Tinitext ko sya minsan, pero wala syang reply. Dumadaan rin ako sa condo nya, pero wala sya doon. Nag aalala na ako.
"Janelle, anong nangyari? 2 days na lang at kasal mo na tapos ganyan ang itsura mo." Tinutusok tusok pa ni Sarah ang tagiliran ko.
"Si Jian kasi, hindi nagpaparamdam."
"Naku! Baka umatras na 'yun!" Tinignan ko ng masama si Sarah. "Joke lang!"
"Paano nga kaya kung umatras sya?"
"Malay mo naman busy lang 'yung tao." Naupo na siya sa harap ko.
"Sana nga." Napabuntong hininga na lang ako.
--
At dumating na nga ang araw ng kasal namin ni Jian, pero hindi nya pa rin nagawang magparamdam sa akin.
"Ma, si Jian po?" Tanong ko kay mama habang inaayos ang gown ko.
"Nasa kabilang room lang anak, nag aayos na rin." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni mama.
Nagawa nya kasing makipagkita at makipag usap sa lahat, maliban lang sa akin. Natakot ako na baka hindi sya sumipot at maging tanga lang ako.
"Ready na po ang bride?" Sabi nung staff.
Tumango ako. This is it.
--
Nagsimula na akong malakad sa aisle at umalingawngaw ang isang kanta.
~Ngayo'y naririto isang katulad mo.
Nasakin ay nagmamahal ng buong tapat nangakong akin lamang.
Pag ibig na wagas ang syang naramdaman yan ay nagmumula sayo sa puso ko at kapwa ay hindi magbabago.~
Feeling ko kinakanta sa akin 'to ni Jian.
And now, habang naglalakad ako papalapit sa altar ay napako ang tingin ko sakanya. Ang gwapo nya, lalaking lalaki ang tindig! Ang swerte ko!
~ You and I, we don't wanna be like them.
We can make it till the end
Nothing can come between
You and I, not even the Gods above can separate the two of us
No, nothing can come between You and I.
Ohh You and I~
Kinikilig ako sa kanta! Ngayon, magkalapit na kaming dalawa at nakaharap sa pari.
"Bakit hindi ka nagparamdam sa akin?" Pasimpleng bulong ko sa kanya habang nagsasalita ang pari.
"Just shut up, makinig ka sa pari."
"Sagutin mo muna ako, hindi ako titigil dito." Pasimple ko pa syang siniko.
"I was busy, okay?" Medyo lumakas na ang boses nya.
Tinitigan ako ni Father kaya simple ko syang nginitian at nag peace sign pa.
At ang pinakahihintay ng lahat.
"You may now kiss the bride." Masayang anunsyo ng pari.
"Hoo~"
"Kiss na!"
Dahan-dahan na lumapit sa akin ang mukha ni Jian.
"Smack lang ah? Baka kumalat lipstick ko." Mahinang sabi ko, syempre may picture taking pa mamaya.
"Oo na." Bigla akong hinalikan nito, pero hindi sya gumalaw.
At nung humiwalay sya, natawa ako.
"Bakit ka tumatawa?" Nakakunot noo na tanong nito.
"May lipstick ka rin! Bagay sayo!"
Masama lang ang tingin sa akin nito at kumuha ng panyo sabay punas sa labi nya.
"Bakit mo binura? Bagay nga sayo eh!" Pang aasar ko pa sa kanya.
"Tumigil ka, hindi nakakatawa."
"Lagyan kita? Meron ako sa pouch!" Sinamahan ko pa ng tawa.
"Isa, hindi ka titigil?"
"Anong kulay ang gusto mo? Pink? Red?"
"Dalawa, Janelle Arevalo-Martin." Mariing sabi nito.
Imbes na matakot ay napangiti pa ako sa sinabi nya.
"Red na lang. Bagay sa--"
Hindi ko natapos ang pang asar ko kay Jian dahil bigla akong hinalikan ulit nito, hindi smack!
"Naks!"
"Hooh!"
"Honeymoon na 'yan!"
Nagsimulang gumalaw ang labi nya kaya napasunod na rin ako. Nalulunod na ako sa saya at kilig na nararamdaman ko. Hindi ko na ininda ang mga nagkikislapan na camera at mga naghihiyawan na mga tao, ang mahalaga ay kaming dalawa ni Jian na naghahalikan.
Maya-maya ay humiwalay na sya sa akin.
"Use this. Kailangan mo." Inabot nya sa akin ang panyo nya.
Nanlaki ang mata ko ng may marealize ako. Agad kong tinakpan ang bibig ko at pinunasan ito.
"Sinadya mo 'to no?"
Nginitian lang ako nito ng mapang asar. Nautakan ako!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top