11
Kinausap ko si Jewel para magpaalam na manghihiram ng damit nya. Swerte ako dahil may mga bagong underwear syang tinabi.
Doon na rin ako naligo sa kwarto nya, simpleng pajama at sando lang ang hiniram ko.
Nakaupo lang ako ngayon sa kama ni Jian, katatapos lang din ata nya maligo at ewan ko kung nasaan sya. Sabi nya kasi ay pagkatapos kong maligo ay puntahan ko sya at mag uusap kami.
Medyo antok na rin ako kaya nahiga muna ako sa kama nya habang hinihintay sya.
"Hmmn. Ang lambot." Sinubukan kung magpagulong gulong sa kama nya, ang sarap!
"Nababaliw ka na ba?" Sa gulat ko ay bumagsak ako sa kama.
"Aray~" Sumobra kasi ako sa gulong, ang sakit tuloy ng pwet ko.
"Sino ba kasi may sabi sayo na magpagulong gulong ka dyan?"
"Eh bakit ka kasi bigla-biglang pumapasok?" Balik tanong ko.
"Sa pagkakaalam ko kasi, kwarto ko 'to."
"Kahit na! Alam mo naman na may ibang tao dito." Akala nya ah!
"Ang dami mo pang sinasabi." Nahiga na 'to sa kama nya at talagang sinakop nya lahat.
"Anong pag uusapan natin?" Tinusok tusok ko yung binti nya para umusog sya, gusto ko kasi umupo.
Nung hindi sya kumilos ay nagsalita na ako. "Usog ka, paupo ako."
"Ayoko, kama ko 'to." Sabi nya habang nakapikit.
"Ang damot mo. Kung ayaw mo, edi pupunta na ako sa kwarto ni Jewel para makatulog na. " Aalis na sana ako ng magsalita sya.
"Subukan mo lang." May pagbabanta na sabi nito.
Padabog akong naglakad palapit sa kama nya.
"Eh saan ako uupo? Alangan naman na sa sahig!"
"Dito." Umusog sya ng kaunti.
Minsan talaga hindi ko maintindihan ang ugali ni Jian, pero pwede ko naman siguro syang gusto ulit diba? Magtetake risk ulit ako, pero sana this time, hindi ako uuwing luhaan.
Hindi ko naproseso ang pangyayari basta nagulat nalang ako ng bigla akong hikitin ni Jian at ngayon ay nakahiga na din ako. Mabuti nalang at nakatalikod ako sakanya.
"Humarap ka sa akin." Kinilabutan ako sa boses nya.
"A-Ayoko."
"Humarap ka sabi." May diin na sabi nya.
"Kaasar." Bulong ko at humarap sa kanya.
Halos maduling na ako sa pagtitig sa kanya dahil sa sobrang lapit.
"You will marry me no matter what happen." Sabi nya.
Anong pinagsasabi nito?
"Paano kung ayaw ko?"
Nabigla ako ng pinitik nya ng mahina ang bibig ko.
"Kaya mong umayaw?"
Napakagat labi na lang ako. Kung magkasintahan siguro kami ay kikiligin ako sa sinabi nya. Teka nagprose ba talaga sya sakin? Hindi ko na maproseso yung sinabi nya sa sobrang antok io.
"Good night." Napapikit ako ng dumampi ang labi nya sa labi ko. Ayaw ko pa sanang bumitaw kaso nauna na syang humiwalay.
Nakapag desisyon na ako, muli ko syang papaibigin sa akin! Sana magtagumpay ako, sana kayanin ko.
-
Habang naglalakad ako sa hallway ng school sya napapangiti pa ako. Susunduin nya daw kasi ako sa room mamaya para pumili ng wedding gown.
"Ang laki ng ngiti natin ah." Nilingon ko si Sarah, okay na rin kami.
"Susunduin ako mamaya ni Jian."
"Aba! Mukhang may improvement ah." Pang aasar ni Sarah.
"Janelle! Janelle!" Nilingon ko ang nagsisisigaw na lalaki.
"Ano ba yun Carlos?" Tanong ko mg makalapit sya.
"Nagpadala ako ng roses sa bahay nyo!" Sabi nito.
Ito na naman sya!
"Ang kulit mo! Sinabing hindi ako tumatanggap ng manliligaw eh!" Singhal ko sa kanya.
Makulit kasi 'tong lalaki na 'to, kahit sabihin ko harap-harapan na basted sya ay baliwala pa rin sa kanya.
"Bahala ka! Basta liligawan pa rin kita!" Sigaw nito. Napalingon tuloy sa amin ang mga student sa paligid.
"Ewan ko sayo." Yun na lang ang nasabi ko ng magtatakbo sya paalis.
"What was that?" Nanigas ako sa kinatatayuan ng marinig ko ang boses nya.
"Mauna na ako Janelle." Sabi ni Sarah at umalis na.
"Ano-- Si Carlos yun, nag iwan daw sya ng bulaklak sa bahay." Paliwanag ko.
"Okay." Yun lang at nauna na sya maglakad.
Tsk! Akala ko pa naman magseselos sya. "Asa pa ako." Bulong ko sa sarili.
Mabilis natapos ang klase. Nakatanggap ako ng text galing kay Jian na sa parking lot nya na lang ako hihintayin kaya agad akong pumunta dun.
Naabutan ko syang nakikipag kwentuhan sa isang studyante.
"Jian." Tawag ko sa kanya. Mukhang hindi nya ako napansin dahil nakatalikod sya sa akin at nakikipag usap lang sya sa kaharap nya.
"Jian." Tawag ko ulit sa kanya.
"Really, Sam? Dapat pala mag dinner tayo minsan at ipakilala mo sya sa akin." Sabi pa nito sa kausap.
"Sure." Sagot naman nung babae.
Napabuntong hininga na lang ako ng umalis. Ako na lang mag isa ang mamimili ng gown. Hindi ko pa pala nasasabi kay Mama ang plano namin.
Nasasaktan ako? Oo. Hindi ko alam kung bakit pero alam kong nasasaktan ako. Siguro dahil para akong baliw na tinatawag ang hangin.
Mabilis kong narating ang mall at nagsimula ng magsukat ng gown.
"Ma'am, nasaan po ang groom?" Tanong nung nag a-assist sa akin.
"Nangbabae pa eh." Pabirong sabi ko dito. "Gusto ko sana yung pa-mermaid style." Dagdag ko.
"Sure po. Wait lang po."
Saglit akong naupo at hinintay na ang gown. Tinignan ko ang cellphone ko. 5 missed calls and 10 messages.
From: Jian ko.
Nasaan ka na?
From: Jian ko.
Where the hell are you? Answer your fcking phone!
At kung ano-ano pa. I texted him back.
To: Jian ko.
Nandito na ako sa boutique, nagsusukat na.
Binalik ko na ang phone ko sa bag at nagsukat ulit.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Maganda naman ako eh, sexy pa. Bagay na bagay sa akin ang gown.
"Ma'am tapos na po kayong magbihis?"
"Oo." Paglabas ko, parang nahigit ko ang hininga ko.
Nakatayo si Jian sa harapan ko at mariin itong nakatingin sa akin.
"Anong--" He cut my words.
"Diba sabi ko sayo sabay tayo?"
"Tinawag kita kanina pero mukhang busy ka sa kausap mo." Inayos ayos ko pa ang gown ko.
"Kanina?" Saglit itong napaisip. "Yeah I remember, tinawag mo nga ako."
Napaangat ako ng tingin. "Bakit hindi ka lumingon?"
"Kagaya ng sinabi mo, busy ako sa kausap ko." Sabi nito.
Ngumiti na lang ako ng pilit.
"Hindi ka na dapat pumunta."
"Hindi lang naman ikaw ang magsusukat." Tinalikuran ako nito at lumapit sa sales lady.
"Miss, gusto ko yung ganitong style, magpapalit na ako." Nagmamadali akong pumasok sa fitting room dahil alam kong anytime ay tutulo na ang luha ko.
Akala ko pa naman ay okay na kami, na magiging mabait na sya sa akin, pero hindi pala. Mali siguro 'tong desisyon na pumayag nalang basta sa alok nya.
Nilapitan ko si Jian nung makapag bihis na ako.
"Jian, mauna na akong umuwi." Pagpapaalam ko.
"Okay." Sabi nito at binalik ang atensyon sa magazine.
Halos malaglag ang panga ko sa sagot nya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top