10
"Uuwi ka pa ba?" Bulong sa akin ni Jian. Nandito kasi kami sa labas at nag iinuman.
"Oo, hindi ako nakapag paalam kay mama na dito mag sstay eh." Sagot ko sabay inom.
"Ihahatid na lang kita." Nilingon ko sya at medyo namumula na ang mata.
"Hindi na. Magtataxi na lang ako, lasing ka na."
"Nakainom lang ako pero hindi ako lasing." Seryoso nyang sabi.
"'Wag na. Kaya ko naman eh." Sabi ko pa.
"'Wag ngang matigas yang ulo mo." Tinusok-tusok pa nya ang noo ko.
"Late na ba ako?" Napalingon kaming lahat sa nagsalita.
OMG!
"K-Katarina." Bulong ni Jian.
"Bakit ang tagal mo? Kanina pa kami nag umpisa." Tumayo si Ate Pia. "Dito ka na lang."
Oh no! Umupo sya sa pwesto ni Ate Pia which is sa tabi ni Jian. Anak naman ng tokwa oh!
"Hello Jian." Narinig kong sabi nito pagkaupo.
"Hi." Maiksing sagot ni Jian.
Sa ibang direksyon na lang ako tumingin sabay tungga sa alak. Nakakainis! Nakakainis din si Ate Pia, alam naman nya ang nakaraan nila tapos itatabi pa kay Jian. Tinignan ko si Ate Pia, nakangiti ito ng mapang asar. Sinimangutan ko lang sya.
"Ang tagal nating hindi nagkita Jian, I'm happy to see you. Kamusta?" Sabi ni Katarina.
"I'm happy to see you too, I'm fine. Ikaw? Buti pala at naimbitahan ka ulit sa dinner ng pamilya." Narinig kong sabi ni Jian.
"Busy kasi sa modeling. Buti nga tinawagan ako ni Pia, sakto naman na free time ko ngayon kaya nakapunta ako dito." Natatawang sabi nito.
Landi! Paliguan ko sya ng alak eh.
Silang dalawa lang ang nag usap ng matagal, nakalimutan na nila na may mga kasama sila. Nakalimutan na ni Jian na katabi nya ako.
"Jian, pwede mo ba akong samahan sa loob? Kakamustahin ko lang sila tita Alex." Gusto kong lingunin si Katarina at pagtarayan sya, kaso pinipigilan ako ng mga tingin ni Jewel at ate Pia.
"Sure." Tumayo na silang dalawa at umalis. Lalo akong nairita dahil hindi manlang nagpaalam sa akin si Jian.
Nasa kabilang side ng bahay sina kuya Alfie, kuya Michael, at Kuya Josh para manigarilyo, kanina pa kasi sila pinapaalis ni Ate Pia.
Tumayo ako na syang kinagulat nila.
"Uuwi na ako. Jewel, ikaw na lang ang bahalang magpaalam kay tita Alex." Naglakad na ako palabas.
"Teka lang sister. Alam ba ni kuya Jian?" Hinabol pa ako ni Jewel pero hindi ko sya nilingon.
"Oo, nagsabi na ako sa kanya kanina. Actually nasa labas na yung driver namin." Huminto ako sa paglalakad. Nagsinungaling nalang ako dahil alam kong hindi sya papayag na umuwi ako ng mag isa.
"Ganun ba? Ok. Mag ingat ka pag-uwi ah?" Hinalikan ako nito sa pisngi bago ako nagpaalam.
Habang naglalakad ay nagdadasal ako, kahit kasi maliwanag ang daanan ay walang dumadaan na kahit isang sasakyan. Baka may mumu! Kinilabutan ako ng humihip ng malakas ang hangin.
"H-Help me get over you~" Napapakanta na lang ako habang naglalakad. "Now I see your so happy with her, deep inside I just don't know what to feel, Oh I'm sure you don't need me anymore so I'll go on try my best to just move on." Hayy.. Wala talaga akong kaswerte-swerte sa love life ko.
(Beep Beep) Napahinto ako sa paglalakad at tumabi sa gilid. Problema nito? Ang lawak na nga ng kalsada eh. T-Teka, familiar ang sasakyan nya. Patay!
Huminto ang sasakyan sa gilid ko at lumabas doon si Jian na masama ang tingin sa akin.
"WHAT THE HELL ARE YOU THINKING JANELLE?" Nagulat ako sa biglang pag sigaw nya.
Si Katarina kaya sinisigawan nya? Malamang hindi dahil mahalaga sa kanya 'yun eh.
"U-Uuwi na ako."
"On your own? Are you fcking kidding me?"
Si Katarina kaya namumura nya? Malamang hindi dahil iniingatan nya 'yun eh.
"Kaya ko naman ang sarili ko. Bumalik ka na sa bahay nyo." Sabi ko at maglalakad na sana paalis kaso bigla nyang hinikit ng malakas ang braso ko.
Si Katarina kaya nasasaktan nya? Malamang hindi dahil mahal nya 'yun eh.
"N-Nasasaktan ako Jian." Sabi ko habang pilit na tinatanggal ang kamay nya sa braso ko.
"Get in." Utos nya ng bitawan nya ang braso ko.
"Hindi na. Bumalik ka na, baka hinahanap ka na ni Katarina." Mapait na sabi ko. Kahit anong pigil ko sa nararamdaman ko, hindi ko maiwasang masaktan.
"Tama nga ang sinabi nina Jewel at Pia, nagseselos ka daw." Sabi nito kaya napalingon ako sa kanya.
"Ano naman sayo kung magselos ako?" Pagtataray ko pa.
"Wala kang karapatang magselos kaya pumasok ka na sa loob." Sabi nya.
See? Harap-harapan nya ako kung saktan.
"Alam ko naman 'yun eh, hindi mo naman kailangan pang ipamukha sa akin." Sabi ko. Iniyuko ko ang mata ko para itago ang luha ko. "H-Hindi ako sasama sayo kung sasaktan mo lang din ako." Yung sipon ko! Tutulo na!
"Are you crying Janelle?" Pilit nyang itinataas ang mukha ko. Suminghot muna ako bago ako humarap sa kanya.
"A-Ano naman sayo kung umiiyak ako?" Inilabas ko ang cellphone ko. "Tatawagan ko si kuya Alfie para sya na lang ang maghatid as akin."
"Tulog na sya." Sabi nya.
"Si kuya Josh na lang."
"Pinauwi na sya ni tita Georgia." Natatawang sabi nya.
"Si kuya Michael na lang." Ididial ko na sana ang number nya ng biglang hilain sa akin ni Jian ang cellphone ko.
"Nandito na ako Janelle, wala ng iba pang maghahatid sayo." Sabi nya sabay lagay ng cellphone ko sa bulsa nya. "Sa ayaw at sa gusto mo, ako ang maghahatid sayo."
Naiinis ako sa sarili ko, pakiramdam ko kawawang-kawawa na ako.
"Ang sama mo!" Hinampas ko sya sa dibdib nya kasabay ng muli kong pag-iyak. Alam kong nabigla sya. "Kapag ba si Katarina sinisigawan mo? Minumura mo? Sinasaktan mo? Ha? Bakit mo ako ginaganito Jian? 'Wag mo namang ipamukha sa akin na baliwala lang ako sayo. W-Wag mo namang ipamukha sa akin na hindi mo ako kayang mahalin." Kahit ayaw kong umiyak sa harapan nya ay wala na akong nagawa. Nakaupo nalang ako.
Tanga na nga ako tapos nakapahina ko pa. Ang babaw ko talaga. Matagal nya ng ginagawa 'to sa akin, ang ipamukha na wala lang ako sa kanya, pero bakit ngayon lang ako nasaktan ng sobra?
Nakaramdam ako ng init sa paligid. Inilagay kasi sa akin ni Jian ang coat nya.
"Stop crying Janelle, I didn't mean to hurt you. I'm sorry." Bulong nito kasabay ng pagyakap nya sa akin.
Lalo akong napahagulgol sa sinabi nya. Ngayon ko lang sya narinig na nagsorry sa akin sa lahat ng masasakit na ginawa at sinabi nya.
"Kahit kailan hindi ka naging baliwala lang sa akin Janelle, tandaan mo 'yan. I'm trying my best to protect you and I care about you." Pinilit nya akong itayo.
Tinignan ko sya sa mata.
"Talaga?" Sabi ko.
"Oo." Pagkasabi nya nun ay agad ko syang niyakap pero humiwalag din sya kaagad.
"Sa bahay ka na matulog, naipagpaalam na kita kay tita kanina." Sabi nya at inakay ako pasakay sa kotse.
Alam kong kapag sumama ako sa kanya pabalik ay paulit ulit nalang ako masasaktan. Pero talagang marupok nga ako kasi sinunod ko pa din sya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top