Chapter Six
"Hindi niyo naman kailangang umalis." Tita Kristine, in her best convincing voice possible, said to mom na ngayon ay hawak na ang isang maleta. The latter just smiled reassuringly. "Ayaw na naming abalahin ka pa, Kristine. Atsaka sayang naman ang bahay sa probinsya kung hindi namin titirhan."
"Atsaka makakatulong din 'yun sa kalusugan niya," sabi ni dad habang inaakbayan si mom. "Wala masyadong stress," pagbibiro pa ni dad. Napangisi naman ako dahil alam ko kung anong gusto niyang iparating. Nang hindi ko na makayanan ang pagpaplastikan nila ay lumakad na ako ng mabilis patungo sa sasakyang nirentahan namin.
"Oh siya, lalakad na kami. Bisitahin na lang natin ang isa't-isa." Nakipagkamay si dad kay tita at yumakap naman si mom sa kaniya pero dumiretso na ako sa loob at isinuot ang earphone. I wanna get out of this place as soon as possible, it's making me sick.
As soon as I closed my eyes, my friends' happy faces, together with Dylan, flashed infront of me. Like a scene from a movie that you already expect to happen, but was never ready for the pain.
Four days after the graduation. It's been four tormenting days for feeling like i'm losing everyone in me, including mom who just got discharged. But speaking about friends, I can't watch them leave me, although, at the same time, i'm hating them for things that they clearly have the rights to do so. I can't complain about them from finding new feiends, nor them, getting close to Dylan. It's their choice, but sadly, i've already made up my mind too. I don't want to be close to them, ever again.
It's a blessing in disguise that my parents decided to finally leave now that i've finished highschool.
What a great feeling it is—leaving everything behind as you move on to the next step.
*****
My dad inhaled the province's fresh air as soon as we arrived at this insanely nostalgic place. He must've missed this kind of peaceful place while working abroad. I can feel it. Kasi kahit ako nga na nasa Pilipinas lang, nasasabik din sa mga ganitong uri ng lugar. Malayo sa sibilisasyon.
"Pumasok na kayong dalawa, nabuksan ko na 'yung bahay," agad na sabi ni mommy nang makalapit siya sa amin. "Mahal, 'yung pintuan muna siguro ang ipapaayos natin una. Ang hirap niya na kasing buksan tapos wala pang lock, anong ilalock natin diyan mamayang gabi?" Mom's voice faded as well as dad's when they started to walk towards the house.
Nanatili lang naman ako sa kinatatayuan habang pinagmamasdan sila saglit bago sumunod.
This place changed a lot just after five years. Aside from the house where my other aunt passed away, which is now full of rust and ruined roof and walls, the establishments here—houses and stores alike—have improved completely. Even the rough road where I used to remember walking through while heading to Tita Sheryl's house, is now turned into a cemented road.
"Ay, mare!" A sharp tone of voice echoed accross the house we're in. Napalingon ako sa may pinto habang tahimik na nakaupo lang sa hagdan. It was tita Sheryl who immediately hugged mom. I just watched them both, exchanging regards, until dad came and they talked and talked a lot. But even if i'm just near them, I can't seem to understand what they're saying.
It feels like watching a foreign movie without subtitles, i'm completely alienated.
Pilit na napangiti na lang ako nang lumingon sila sa akin. "Ito na ba si Juliet?" manghang tanong ni tita Sheryl. "Ang laki niya na, manang mana sa'yo pare o. Napaghalataang masyadong mahal ni misis," pagtawa niya pa na ikinatuwa rin naman ng mga magulang ko.
"Ay oo nga pala Ryl, may mga kakilala ka bang pwedeng tumulong sa pagpaparenovate sa bahay na 'to? 'Yung marunong talagang mag carpintero dahil magpapagawa rin 'tong si mister ng maliit na carenderia."
Napatingala si tita Sheryl na para bang tinitignan niya ang sagot sa kisame bago siya bumalik ulit ng tingin kay mommy na may malaking ngiti. "Oo, meron. Sakto wala silang mga ganap sa buhay ngayon, atsaka pwede ko ring ipasok 'yung pamangkin at anak ko."
Doon na nabuhay ang dugo ko nang marinig ang huli niyang sinabi.
Pamangkin at anak...
Hinintay kong bigkasin nila ang mga pangalan ng mga 'to, ngunit may nararamdaman akong mali. Is it just me? Or the atmosphere around my parents and me, tightened—as if the topic about Ranjay and specially Rome is a taboo for them.
Maybe because... Just like tita Kristine... They don't want me to get close to any boys.
But as if I can control my impulses.
KINABUKASAN, maaga kaming gumising para magsimba. Bukas na pala ang pista rito kaya pala maraming banderitas kahapon na decoration. Pero dahil linggo ngayon, gusto rin ni mom na umattend ng first mass ngayong narito na siya ulit sa lupang tinubuan nilang magkakapatid.
"... Kayong mga anak, 'wag kayong magagalit kapag pinapangaralan ng mga magulang niyo bagkos ay dapat pa kayong makinig, dahil sa inyong dalawa, sila ang mas nakakaalam kung ano ang nakabubuti sa inyo. Ngunit kayong mga magulang naman, 'wag niyo rin nawang galitin ang mga anak sa walang kabuluhan sapagka't magiging mitsa rin ito ng kaguluhan sa inyong pagsasama."
I bit the inner part of my cheeks as I looked at the faces of elders around me.
Kahit naman anong sabi sa kanila na pahalagahan din dapat ang nararamdaman naming mga kabataan, pero kapag sasagot kami para panindigan na mali ang speculations nila sa amin, hindi naman kami pinapakinggan—pinapagalitan, oo. Kung wala ka namang magandang intensyon, totoo na bastos talaga ang pagsagot sa mga mas nakakatanda. Pero paano naman kaming gusto lang ipaliwanag ang sarili pero hindi naiintindihan?
Nakakapagod ding manahimik at maging sunudsunuran sa masasakit na salita minsan.
Natauhan lang ako nang may lumingon sa akin na lola. "Sumaiyo nawa ang kapayapaan." Pagngiti niya pa sa akin kaya parang lumambot ang puso ko. I feel guilty for thinking bad about them kanina, but i'm not generalizing. Ayoko lang talaga sa tita ko.
Lumingon ako para mag 'peace be with you' rin sa taong nasa likuran ngunit tila ba'y bigla akong nilayasan ng kaluluwa sa nakita. Muntik pa akong mapamura sa loob ng simbahan dahil sa pagkagulat.
Sitting right behind me is Ranjay along with Rome. Nakangiti ang mga ito sa akin na para bang kanina pa nila ako pinagtitripang pag-usapan sa likod. Agad akong napabalik sa harap at wala sa sariling binati rin sina mom and dad hanggang sa pinaupo na naman kami ulit. But the whole time I was sitting there, up until the mass ended, i've been wasting my time trying to behave on my seat just to look demure.
For some reason, I wanted to impress Rome. Damn it. What am I doing?
He looks so different. Parang kailan lang mas matangkad pa ako sa kaniya but now his height's somewhere in 5'6 while i'm only 5 flat. And what really caught my attention was the way he smile. He never smiled before. I never saw those attractive dimples on his cheeks not until I saw him again earlier.
"Dito na lang tayo magtanghalian, mare. May naluto na kaming ulam para talaga ngayon e, marami-rami na rin kasi ang bisita kapag ganitong disperas ng pista," tita Sheryl placed the foods sa hapagkainan nila. Inutusan niya pa si Ranjay na maglagay ng mga plato ngunit nagmatigas ang binata kaya nataasan siya ng boses.
"Ikaw na lang kasi ang kumuha, kitang nagluluto pa si Rome, oh. Alangan namang utusan ko 'yan? Marunong ka bang magluto? Ikaw ipapalit ko roon."
Napatawa ako ng mahina dahil sa naging reaction nito ngunit agad din akong umayos nang makita ang seryosong ekspresyon sa mukha nila mom and dad. They're talking about the business na ipapatayo nila. But even if hindi naman ako ang pinag-uusapan nila, pakiramdam ko pa rin, may mali sa mga pinaggagawa ko dahil sa ekspresyon na nakikita ko sa kanila ngayon.
Dumating ang gabi at narito pa rin kami sa bahay ni tita Sheryl. May kaniya-kaniyang grupo ang mga lalaki at babae sa pag-iinuman nila at parang may pagka lasing na rin yata kahit kaninang hapon pa sila nagsimula.
Their voices are draining me. Naghahalo-halo na lahat sa isip ko kahit pati 'yung sinabi ng isang psychology student noong nakaraang araw sa hospital. Pilit kong kinakalimutan 'yun dahil kahit gustuhin ko mang pumunta sa psychologists, wala naman akong pera. At malabong payagan ako.
Anong idadahilan ko?
I remembered how tita said na baliw lang ang pumupunta sa kanila. For sure if she'll know, pagtatawanan at sasabihan lang ako ng masasakit na salita.
Hindi naman nila nababasa ang isip ko. Atsaka as what i've searched kahapon, someone will only get diagnosed if they have those what they called 4D's. I can't diagnose myself, I have a lot of questions but i'm afraid and it's confusing me!
Hindi ko namalayang dinala na pala ako ng paa ko sa labas ng bahay nila. Naglakad pa ako ng malayo kahit madilim na roon dahil gusto kong kumalma. Hindi mapakali ang mga paa ko sa panginginig. Hindi nga ako mahilig magkape but I still have this occasional palpitations and shaking of my muscles lalo na kapag wala na akong maintindihan sa sarili.
I just walked without any destination in mind until somebody grabbed my hand and pulled me closer until I faced him. My eyes widened as I realized how close I am to Rome.
A huge truck passed closely beside us causing his hair to be harshly blewn away by the wind. But I don't mind that I almost died.
What I can't understand was how he calmed everything in me just by looking at his eyes.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top