Chapter Eight

"Wala pa ba si Rome?" Ito ang unang tanong na lumabas sa bibig ko habang narito kami ni Sierra at Deianne sa tindahan ni aling Ising. Kumakain na naman si Sierra pero parang pareho yata kaming walang gana ni Dee for different reason. Sabi niya diet daw siya samantalang hindi ko naman maintindihan ang tiyan ko, hindi ako mapakali habang tinitignan ang mga dumadaang sasakyan.

"Sabi ni Ranjay may konting problema raw sa bahay nila pero babalik din naman 'yon," walang ganang sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya. She's eating chips again at tulala lang siya sa kawalan. Hindi ko tuloy alam kung may iba pa ba siyang pinoproblema o nagsasawa na siya sa kakaulit ko ng parehong tanong in the past two weeks.

Tumahimik na lang ako at nakisalo na rin sa kinakain niya nang walang pahintulot. "Okay ka lang ba?" Tanong ko ulit sa kaniya habang ngumunguya. Tumango lang naman siya at tulalang kumakain pa rin. Ano ba naman 'yan, hindi talaga ako mapakali. My whole body is shaking again at gusto kong may gawin na kahit ano, kahit sumayaw sa gitna ng kalsada at ma-tegi okay na 'yon.

Nakasimangot na tinignan ko si Deianne na ngayon ay sumasayaw sa harap ng phone niya, nagvivideo yata gamit ang isang app. Akmang tatayo na rin sana ako kaso bigla naman akong tinamaan ng hiya. Hindi pala ako marunong sumayaw, tsk. Paano kapag biglang dumating si Rome tapos nakita ako, edi automatic turn off?

"Guys, uuwi na ako, ang boring," biglang sambit ko na lang tapos tumayo rin si Sierra. Natigil naman si Dee sa ginagawa niya at lumapit sa akin. "Tara, wala namang ganap dito."

Napakunot ang noo ko. "Ako lang ba hinintay niyong umalis?"

"Huh? Ikaw naman may gustong pumunta rito," natatawang sagot ni Dee kaya natigilan ako.

Napilitan lang ba silang sumama sa akin? Masyado lang ba akong bossy sa paningin nila kaya kapag sinabi kong pupunta kami kahit saan, sasama sila kahit ayaw nila? Ayaw ba talaga nila akong kasama?

"Juliet," Sierra suddenly called. "Close ka ba sa parents mo?"

Her question immediately cut my thoughts off about them and asked myself the same.

"I don't know," I answered unsurely. "Ngayon lang umuwi si dad from abroad, except for his one month vacation every five years, 13 years din siyang nagtrabaho as cook doon sa Spain."

"Mommy told me before na nagkasakit daw ako sa puso noon at nakapag-utang sila ng malaking halaga para sa pagpapagamot ko, so when dad was given the opportunity to work abroad, kinuha niya na agad para makapag-ipon at mabayaran na rin 'yung utang namin."

"Mom, on the other hand, has been working at a real estate company na may masamang ugali na boss. Although sa isang bubong lang kami nakatira and we talk sometimes, pero hindi ko naman masasabing close kami unlike those other teenagers out there. Sakto lang..." Napatahimik ako as soon as I realized how i've shared too much.

Tumingin ako sa kanilang dalawa habang naglalakad kami. Akmang magsasalita pa sana ako nang may isang babaeng lumapit sa amin, mas bata yata ito ng apat o tatlong taong gulang kaysa sa amin. Lumapit siya kay Sierra at may ibinulong dito. Ilang saglit pa ay tumingin sa amin ang huli at ngumiti ng pilit.

"Una na muna ako sa inyo, pinapatawag ako ni mama. By the way kapatid ko nga pala." Ipinakilala niya pa sa akin ang dalagitang iyon bago sila tumalikod.

Nagkatinginan kami ni Deianne bago sila sinundan ng tingin hanggang sa 'di na namin sila makita.

I don't know if it's just because i'm sensitive o sadyang gustong mag-open up ang lahat ng mga taong nakapaligid sa akin ngayon pero hindi nila alam kung paano sabihin. Specially these girls.

*****

Lumalalim na ang gabi nang maisipan kong lumabas na lang muna sa makalat naming bahay. Nasimulan na itong i-renovate days after the feast kaya nakikita na rin ang progress, makalat pa nga lang talaga lalo na ang sala. Atsaka lately, I don't really wanna always stay sa loob kasi naaalala ko 'yung yumao kong tita. Na sa isang kwarto kasi siya binawian ng hininga at naging saksi ako noon kaya everytime I stay on that house, I only feel so haunted.

Walking at night hits different. Specially on nights with a lot of stars. But actually gusto ko lang talaga magbakasakali na makita si Rome at baka bumalik na siya. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit.

It's way too soon to feel this. I feel so bad for feeling this way because of all the people i've caused pain. I don't believe that I deserve to be happy nor to feel any love at all... But is this an enough punishment already, Dylan?

Approximately five meters away from me is that small tree house where I finally saw Rome. Crying in the shoulder of somebody that I never expected. I smiled bitterly as I bit my lip, trying not to cry as I took my way back home. It's way too soon... or maybe am I just too late?

I don't think it's love, because I don't believe it exists in the first place. Nobody told me how that works and what it actually feel like. But I get attached easily. Just one smile, one kindness or whatever it is that touches my soul, I get attached easily. And that's what i'm feeling right now, Rome. I hate seeing you with other girls. Because aside from wanting to be the reason of your genuine smiles, I wanted to be that girl who's gonna be there to comfort you when you're sad.

But I bet... Sierra can do better than me.

I hope Dylan's happy now that i'm hurting again.

KINAUMAGAHAN naalimpungatan ako sa ingay mula sa baba. Napuno ng tawanan, pagkukwentuhan at pagpukpok ng martilyo ang unang minuto ng umaga ko kaya wala sa sariling bumangon na lang ako at pinakinggan silang lahat. Wala akong maramdaman.

I can remember what happened last night, but I deserve it... kaya ang nasa isip ko lang ngayon is to endure it. Dahil gusto ko pa. Gusto ko pang masaktan. Gusto ko pang masira ang buhay ko until I start to realize that it's enough already.

Until being haunted with the way I hurt everybody in my past finaly ends, I won't stop perceiving pain as a punishment I deserve.

"Hindi nga kita gusto, Dylan. I still love Clyde, so please..." I gathered my breath as I look at him. "Just forget me..." I lied. I don't want him to leave. I don't want him to go. But I hate how he's hurting me already. I hate how he confessed to me days ago but treats me like i'm nobody when we're at school.

I hate how I feel every single thing too much. It's so draining to handle intense happiness, sadness, anger, pain, or anything in a span of minutes for just one day. And I hope it only happens once a year, but it's every single day and I can't keep up with my life already. And I hope everybody understands that...

But how would they even do it if I can't even explain myself in a way that they'd understand... i'm way too confused with myself in the first place. I'm struggling to find who I am... but i'm trying. Because I have to fit in...

I have to go with their flow since my own waves are in an unexplainable chaos for me to follow. I have to disregard my own shore to swim so I could save myself from drowning... but am I really saving myself though? Perhaps i'm just widening the gap by numbing myself until I found myself swimming in the middle of the ocean. Alone like that whale who sings at 52hz.

Napatingin ako sa isang balde ng tubig na ngayon ay punong-puno na. Sana pwede kong gamitan na lang ng telekinesis 'yung gripo para patayin 'yon. Nakakapanghina ang isipan ko. Wala na naman akong mapagsabihan. Pero no choice, kailangan kong magpatuloy sa buhay. As long as mom and dad lives, I should do so, too. Sila na lang ang lakas ko.

Bago pa man bumalik 'yung naisip ko sa hospital about mom, ilang weeks na ang nakararaan, nagsimula na rin akong maligo para mapunta sa lamig ng tubig ang mga iniisip kong hindi dapat. Hindi ko na kaya, pero kakayanin ko.

Nagtapis na ako ng tuwalya pagkatapos na pagkatapos kong maligo ngunit natigilan ako nang makita kung sino ang nasa loob ng kwarto. Gusto ko pa sanang bumalik sa loob ng banyo ngunit tuluyan na akong na bato sa kinatatayuan.

Napalunok ako nang ngumiti siya sa akin... His usual contagious smile in those sad eyes...

"Anong ginagawa mo rito?"

"Sorry, pinapalitan kasi ng daddy mo 'yung pinto ng mga kwarto rito. Hindi ko alam na nariyan ka pa pala," he said without looking at me. I'm starting to get conscious with my body but I end up heading to my cabinet to get my clothes before walking back to the comfort room.

Seriously. I want him even more.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top