HALOREADS: CHAPTER 10

Chapter Ten

Jasmine





Masakit ang ulo ng buksan ko ang mga mata ko. Gano'n ba karami ang nainom ko kagabi? This is why I hate drinking, seriously! Hangover sucks!

Tatayo na sana ako ng mapansin ko ang phone ko na kanina pa tumutunog.

Binuksan ko 'yon at binasa ang mga messages. Gosh! ala una na pala ng tanghali! Tumayo na ako sa higaan ko at bahagyang inayos ang mga unan at kumot saka dumiretso ng banyo para maligo.

May usapan kasi kami ni Hailey na magkikita sa Casa Cafe, ang favorite place namin.

Pagkatapos do'n ay magpapasama rin ako sa Parissiene para mamili ng nga gagamiting damit sa mga future interviews ko. Yes, I will pursue my dream of becoming a flight attendant.

Kaming dalawa lang ngayon dahil si Maddy ay nagbabakasyon na muna sa ibang bansa. Si Beatrice naman ay lumipad na ulit patungong Australia. Simula ng intern namin ay bumalik lang ito ng ilang araw para asikasuhin ang parating naming graduation. She eventually goes back to Australia after that. And Hailey... Mabuti na lang at umuwi ito ngayon para makipagkita sa'kin.

"Hailey, nasan ka na?" Tanong ko dito.

"Malapit na. Na traffic lang. Eto na oh, naglalakad na. Saglit na lang!" Na rinig ko pa ang paghabol niya ng hininga.

"Bilisan mo ha. Ingat ka." Sabi ko na lang rito saka ibinaba ang phone.

Mga fifteen minutes na akong nandito sa coffee shop pero ni amoy niya'y wala pa.

"Sorry Jas!" Bungad niya sa'kin matapos ang lima pang minuto.

Nag coffee muna kami at nagusap sa iilang bagay na gagawin namin ngayong araw. Pagkatapos no'n ay umalis na rin kami sa coffee shop.

"Let's go?" Yaya ko.

Lumabas na kami ng coffee shop at nagpunta sa mall.

"You should have these!" Excited na abot ko kay Hailey sa navy blue dress na business attire type.

Nasa isang boutique na kami ng Parissiene.

"Okay, I'll get that." Sagot nito.

Nagsukat pa kami ni Hailey ng mga damit na naroon sa boutique.

"That will be Seven thousand four hundred ninety nine ma'am." Sabi ng cashier sa'kin.

Inabot ko ang credit card ko pagkatapos ay kinuha ang itim na paper bag.

Dumiretso kami sa restaurant matapos maglibot. Ilang boutiques din kasi ang nalibot namin at dahil do'n ay inabot na kami ng alas sais ng hapon.

"Di'ba si Garret yun?" Tanong nito sa'kin habang nakatingin sa labas ng restaurant.

Nilingon ko ang gawi kung saan siya nakatingin. Natigil ako sa pagkain ng makita ko si Garret na pumasok sa restaurant kung nasaan kami ni Hailey.

Nagtama ang mga mata namin at nginitian ko siya pero hindi man lang niya ibinalik yung ngiti na ginawa ko. Parang hindi niya ako kilala.

May bi-polar syndrome ba si Garret? Kagabi naman okay kami ah. Di'ba hinatid niya pa nga ako?

"Awkward." Bulong ni Hailey.

Umiling na lang ako sa sinabi niya.
Paasa talaga yang mga lalaki. Bakit ka kasi umaasa?! Pagalit ng utak ko.



Trystan's POV



"Raffie, we can't be together. Nag usap na tayo di'ba?" Madiing sabi ko sa kanya.

"Trys, that's a lie. You love me now! Matagal na tayong ganito at ako ang pinakamatagal mo Trystan, I know it." Gumaralgal ang boses niya.

Heto na nga ba ang sinasabi ko e!damn! Ayoko talaga ng commitment. Inayos ko ang aking neck tie dahil para akong nasasakal ngayon.

"No I don't. Since the beginning I made it clear to you. At hanggang ngayon walang nagbabago Raffie."

Nakita ko ang galit sa kanyang mukha pero mas nangingibabaw ang sakit.

"You'll gonna regret this, Trystan!" Na rinig kong sigaw niya bago umalis na umiiyak sa harapan ko.

Ano bang nakain niya at nag-iinarte siya ngayon na parang girlfriend ko? Hindi ko siya gusto at kahit kailan hindi ko siya gugustuhing makasama habang buhay.

Huminga ako ng malalim bago muling humarap sa computer ko. Marami pa akong deadline ngayon. I should focus on this.

This past few days ay medyo hectic ang schedule ko kaya naghahabol na ako ng trabaho bago pa man ang leave ko. Magsisimula na sana ulit akong magtipa ng mga emails, ng makarinig ako ng mahinang katok sa pintuan ng office ko.

"Come in." Sagot ko kahit na alam ko namang hindi 'yon naririnig ni Syrena.

"Sir Trystan, Mr. Seth just called and was inviting you to his 23rd birthday this coming Wednesday." Bungad ni Syrena.

Oo nga pala, ngayong buwan nga pala ang birthday ni Seth. I almost forgot! Masyado akong maraming iniisip at nakalimutan ko na 'yon. Itinuon ko kay Syrena ang aking buong atensiyon.

"Where is the party? Uh, nevermind I will call him later. Thanks Syrena." Baling ko dito at nginitian siya ng bahagya pagkatapos ay bumalik ng muli ang mga mata ko sa screen ng computer ko.

Pagkatapos ko namang mag-type ng para sa presentation ko ay kinuha ko na sa drawer ang aking cellphone para tawagan si Seth.

Sinabi niyang sa bahay nila gaganapin 'yon. Pagkatapos ng tawag ay bumalik na ako sa trabaho. Kahit na may mga schedule ako ng Wednesday ay hindi naman ako pwedeng mawala sa birthday ng bestfriend ko.

Nakatapos na akong magbihis at binabaybay na ng sasakyan ko ang lugar kung saan ang party ni Seth.

Kahit na ilang taon na kaming magkaibigan ay ngayon lang ito nagpaparty sa bahay nila.

Pumupunta lang kasi ako doon sa tuwing may kailangan kaming pag-usapan tungkol sa negosyo o di kaya naman ay mga babae. But you can still count it on your fingers.

Fifteen minutes lang ang layo ng Buenavidez village from our main building.

Nakatingin ako sa isang malaking gray na gate at dinig ang tunog ng masayang tugtugin sa loob ng kanilang mansiyon.

Bago pa man ako makababa ay nakita ko na si Seth na papalapit ng gate at may mga sinundong bisita. Dali dali akong lumabas ng sasakyan at agad na tinungo ang bukas na gate na 'yon.

"Happy birthday bro!" Masayang bati ko sa kanya at tinapik ang kanyang balikat.

"Thanks bro! I'm glad you came!" Sagot niya.

"Of course, I can't miss the fun in your party." Alam na niya ang ibig kong sabihin.

Fun means girls. Magkadikit na yata ang mga bituka naming dalawa. Pumasok na kami at mas lalo pang lumakas ang masayang tugtugin na galing sa malawak na hardin.

Napasinghap ako ng makita ko ang dami ng bisita niya. It's not that I am afraid of crowds but I feel something strange.

Umupo ako sa isang bilog na table at agad na kumaway sa waiter doon na may mga dalang alak. Busog pa kasi ako kaya alak na lang ang aatupagin ko.

Pagkadating nito sa harapan ko ay kumuha ako ng isang basong Jack Daniel. Habang nagsasayawan ang mga tao sa dance floor ay nakita kong papalapit sa akin ang mga kaibigan naming sina Sergio, Ivan, Thiago at Lance. Mabuti na lang ay nakita nila ako dahil kung hindi ay buong gabi na akong mag isa rito.

"Kanina ka pa ba?" Tanong ni Lance sakin.

"Medyo." Sagot ko.

Naupo na ang mga ito sa table kung nasaan ako pero pareho silang pabaling baling sa mga babaeng kanina pa umaaligid sa lamesa namin.

Bakit nga ba sila lang? Bakit ako hindi ko magawa 'yon?

Dalawang oras ang lumipas ay nanatili akong nakaupo sa pwesto ko. Isang beses lang akong tumayo para samahan ang isang babae na niyaya akong sumayaw.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong humindi sa kanya. She's just my type. Matapos ng isang kanta ay nakahanap naman ito ng panibagong makakasayaw. Saan ba napunta ang charm ko pag dating sa mga babae?

Focus Trystan! Undies is your fucking goal man!

Hindi ko pa man nasasagot ang tanog na 'yon sa utak ko ay nakita ko na si Seth na papalapit sa aking inuupuan kasama ang isang babaeng nakasukbit ang kanang kamay sa isang braso niya.

She's wearing a white detailed cocktail dress and a high heels na mas nakadagdag sa ganda niya. Nakangiti rin ito habang nakatingin sa mga bisitang nadaraan nila.

Hindi pa man nagtatama ang mga mata naming dalawa, but damn. Nagmumura na naman ang utak ko.

Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman pero napatayo ako ng makita kong nakangiting nakalapit na sila sa akin.

Fuck!

Gustong lumabas ng mga mura sa bibig ko pero pinigilan ko ang sarili ko. Halos mabaliw na ako sa kakaisip kung saan ko ba ulit siya makikita. Then here she is...

Wait, Is this his girlfriend?

Tama ba ako? Si Seth ba ang boyfriend na sinasabi niya noong party ni Cassy? Siya ba ang dahilan kung bakit... No.

Pero hindi, iba ang kasama niya noong huling nakita ko siya. Hindi si Seth 'yon.

"Bro, I want you to meet Jasmine..." Nakita kong nawala ang mga ngiti sa kanyang labi ng makita ang kabuuan ko.

She just stare at me as if like she's standing in front of a ghost. Her beautiful face turned pale.

"Jasmine, meet Trystan. Trystan, Jasmine. Siya ang bestfriend ko, Jas..." Pormal na pagpapakilala ni Seth sa kanyang kasama.

Parang may mga kung anong elemento ang bumayo sa dibdib ko. Kaba at takot sa mga susunod pa niyang sasabihin. Parang gusto kong pumikit pero hindi ko hahayaang mawalang muli sa harapan ko ang babaeng ito.

"My Sister..." Pagpapatuloy ni Seth pagkatapos bumaling sa akin.

Parang tumahimik ang kapaligiran dahil sa sinabi niya. Para akong binuhusan ng malamig na yelo. Daig ko pa ang nag ice bucket challenge dahil sa nararamdaman ko ngayon.

"S-Sister?!" Tanong ko dahil sa pagkagulat.

Ipinilig ko pa ang ulo ko na dahilan ng paghagalpak ng tawa ni Seth.

Natutuwa ako na hindi siya ang girlfriend ni Seth. Pero may dapat ba akong ikatuwa dahil sa nalaman kong kapatid ng bestfriend ko ang naka one night stand ko? This isn't good! Not at all!

Fuck! Gusto kong suntukin ang sarili ko.

Nananatiling nakatingin lang sa'kin si Jasmine. Now atleast alam ko na ang pangalan niya. But damn! Hindi ko talaga alam kung papaano ako mag re-react.

"Hoy! Natulala ka diyan! Yes kapatid. Sister nga, eh. Why? Aren't we kinda look alike?" Pukaw ni Seth sa kung anong bagay na nasa utak ko.

Tumango na lang ako at inilahad ang aking kamay sa harapan ni Jasmine. May pag aalinlangan nitong inabot iyon. Kay tagal kong hinintay ang oras na 'to.

Ang tagal kong hiniling na makita ko siya ulit. Pero parang kahit sa hinagap ko ay hindi ko pa rin maiwasang isipin na kapatid siya ni Seth.

"That's enough bro... Hands off ang kapatid ko." Nakangiting sabi nito pero sa tono niya ay alam kong seryoso ang mga sinasabi niya.

Bumitiw na si Jasmine sa pagkakahawak ko pero bago pa man ito magsalita ay nagsalita na muli si Seth.

"Maiwan ko muna kayo. Dumating na kasi yung mga high school friends ko do'n." Baling niya sa kabilang table.

"Kuya..." is it me or talagang nanginig ang boses niya?

"Kausapin mo muna si Trystan, Jas. Kanina pa 'yan walang kausap e. Pero not too much okay?!" Na rinig kong sabi nito sa kapatid bago kami iwang dalawa.



Jasmine's POV


Sana panaginip lang lahat ng 'to!

Hindi totoo 'to. Hindi pwedeng bestfriend ng kuya ko ang lalaking pinagbigyan ko ng virginity ko. Hindi maari!

Gusto kong sumigaw pero para saan? Parang sasabog ang dibdib ko. Ni minsan ay hindi ko ito nakitang kasama ng kapatid ko. May kilala nga ba ako sa mga kaibigan nito? Wala!

Kaya kahit na sino sa party na ito ay wala akong kilala. Well, ngayon meron na.

Si Trystan...

Um-echo sa utak ko ang pangalan niya.

Nakatingin lang siya sa'kin na para bang name-mesmerized. Umupo ako sa harapan niya at gano'n din siya. Ilang minuto na ang nakakalipas pero wala pa rin ni isa sa'min ang nagsasalita. Parehas lang kaming nagpapakiramdaman.

Dumating ang waiter at naglagay ng alak sa lamesa namin. Pagkalapag no'n ay agad kong kinuha at sinimot ang laman ng baso.

"Easy..." Na rinig kong bulong ng kaharap ko.

Gusto kong matawa sa sinabi niya. After all this time, yan lang ba ang sasabihin niya?

Kahit na ilang beses kong pilitin na hindi siya tignan ay hindi ko magawa. He look so hot than ever! Ngayon ko na lang ulit siya nakita ng ganito kalapit.

Tinawag ko ulit ang waiter at agad itong naglapag na muli ng isang basong alak sa harapan ko.

"Jasmine..." Napahinto ako sa paginom at muntik ng mabilaukan dahil sa pagsambit niya ng pangalan ko. His cold voice sent shivers down my spine!

Para bang isang magandang musika ang na rinig ko. Nakita kong seryoso ang mukha niya at matalim na nakatingin sa'kin dahilan para ibaba ko ang basong hawak ko. I felt so uneasy.

"Yes?" Hindi ko ipinahalata sa kanya ang aking kaba.

It was just a one night stand after all. Siguro naman sa dami ng mga babae sa paligid niya at sa dami ng mga nakaka one night stand niya ay nakalimutan na niya 'yon?

I will play it cool... Pero hindi ko maiwasang makaramdam ng kirot sa dibdib ko dahil sa mga pumasok sa isip ko.

"Do you still remember me?" Napatuwid ako sa pagkakaupo.

Play it cool Jasmine...

"I guess so..." Nagkibit balikat ako ng makita kong nagiba ang expression ng mukha niya.

Parang ang dami dami niyang gustong sabihin pero hindi niya magawa.

"I was looking for you everywhere..." Mahina pero madiing sabi niya.

"What for?" Pormal na tanong ko.

Pinilit kong titigan ang mga mata niyang nagaalab pero hindi ko kaya. I'm melting!

Bago pa man siya muling nakapagsalita ay nakabalik na si Kuya Jacob sa table namin. Nakahinga ako ng maluwag ng mabaling ang atensyon niya kay Kuya.

Nag usap sila pero hindi ko naman maintindihan ang mga pinag uusapan nila. It's all about the business world.

Tinungga ko ang alak na nasa harapan ko bago ako nagpaalam sa kanilang dalawa.

"Nice to meet you Trystan." Pormal na sabi ko sa kanya bago sila tuluyang iwan.

Nanghihinayang ako sa nasayang na oras sa pagitan namin. Marami akong gustong sabihin sa kanya pero alam kong hindi ko pa kaya.

Maybe someday. Kapag nagkita ulit kami.

Kung magkikita pa kami ulit.


THIS STORY WILL BE MOVED TO ITS NEW HOME, HALOREADS. SEE YOU THERE LOVES!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top