CHAPTER 7

Chapter Seven

Jasmine


"Ready na ba kayo? Okay, smile!" Sabi ng photographer na kumukuha ng graduation picture namin.

Actually, group picture na namin nila Hailey. Ito na siguro yung last na proper photo namin ngayong college.

Nakakalungkot man na hindi ko na sila makakasama at makakausap araw araw pero alam kong gano'n talaga ang buhay.

Kasama na doon ang mag move on para mas mag grow ka.

Kagaya ng pag momove-on ko sa one night stand.

Kahit hindi.

"Wacky!" Usal nito at pagkatapos ay ang sunod sunod na pag click ng camera.

"Can you believe it?! Ga-graduate na tayo after four crazy years!" Parang gusto ko ring mag freak out sa sinabi ni Hailey.

"I'm so proud of us!" Masayang sabi ko.

"True and take note, wala pang nabubuntis sa'tin." Biro ni Maddy.

"Malay mo Maddy, next month meron na 'yang tiyan mo." Pagbibiro ko rito.

Nakita ko na lang ang pag rolyo ng mga mata niya at kasabay no'n ay ang tawanan naming tatlo.

"Mga baliw talaga kayo. Pero I swear mami-miss ko kayong dalawa. Sana nga lang andito si Beatrice." Si Hailey.

"Kailan ba siya uuwi?" Tanong ko.

Nagkibit balikat lang siya sa tanong ko. Kung sabagay hindi naman siya pwedeng hindi umuwi sa graduation namin dahil importante 'yon. I'm sure she'll be home by then.

Parang may dumaang anghel sa harapan namin na may dalang separation anxiety dahil kay Bea.

"Group hug!" Pagbabago ko ng topic ng makita kong gusto na naman nilang umiyak.

Sa buhay talaga ay magkakaroon ka ng mga kaibigan na kahit sa sandaling panahon lang ay maituturing mo naring pamilya.

Nagbihis na kami at pumunta sa gym. May klase pa kasi kami at pagkatapos no'n ay may laban naman ng basketball.

Hindi naman ako mahilig sa sports pero ng malaman kong basketball player pala si Garret ay halos lahat ng laro ay hinihila ko ang mga kaibigan ko sa court.

"Dito na tayo, please!" Pagmamakaawa ko sa kanilang dalawa.

Kasi naman e! Itong seat na 'to ang pinakamalapit sa team nila Garret.

"Hindi masyadong obvious Jasmine, ha." Pangangantiyaw ni Maddy pero wala naman silang ibang ginawa kundi ang kunsintihin ako sa mga kabaliwan ko.

"Sige na please?! One week na lang graduation na. Tsaka last game na 'to, malay mo mapansin na niya ako ngayon." Umupo na sila kaya naman nakahinga ako ng maluwag.

This is it! Mag che-cheer talaga ako hanggang sa mapaos ako.

Nagsimula na ang championship game nila Garret pero kahit wala akong naiintindihan sa nangyayari ay tuwang tuwa pa rin ako kapag nakakashoot siya.

Nang tumawag ng time out at substitution ang coach nila ay umupo muna si Garret sa harapan ko.

"Luh! Girl just hold your horses!" Bulong sa'kin ni Hailey ng makita ang pagkamangha ko.

"Yung ovaries mo pigilan mo, Jasmine!" Namula ako lalo sa pangangantiyaw nilang dalawa.

Para akong nag freeze ng tumingin siya sa likuran na parang may hinahanap at nagsagi ang mga mata namin.

Hindi ko alam pero itinaas ko ang kaliwang kamay ko at iwinagayway 'yon.

"Hi Garret! Hi Garret! Oh my Gosh! I love you! Wait... Hindi! Basta ang galing mo! Ikaw na talaga." Gusto kong sumigaw!

"Girl, Wala na girl... Tulala ka." Bulong ni Maddy.

"Maddy, tinignan niya ako. I need blood transfusion right now!" Sabi ko habang nakatingin lang at nakatulala sa likod ni Garret.

"Girl, masyadong in love huh! Gusto mo bang tanungin ko siya kung gusto niyang mag donate ng dugo sa'yo?" Si Hailey.

"Joke lang ito naman hindi ka mabiro." Isang malakas na sigawan at palakpakan ang umalingawngaw sa loob ng gym ng maka shoot ang kalaban na dahilan ng pagka-lamang nito sa team nila Garret ng one point sa score na 67-68.

Napatayo si Garret at kinausap ito ng coach nila. Siguro babalik na siya ulit sa game.

"Hayaan niyo na lang na tignan ko siya sa malayuan! Tutal nagiging masaya lang naman ako kapag nakikita ko si Garret!" Oh crap! Nakita kong napalingon si Garret sa direksiyon ko.

Sakto naman kasing nawala ang ingay ng mga nag che-cheer na studyante dahil sa time out at napalakas ang pagkakasabi ko no'n.

Patay! Paano na 'to?

A. Tatakbo?

B. Magtatakip ng mukha?

Or

C. Mag papalamon sa upuan?!

"Hi Garret! Goodluck." Pag se-save sakin ni Hailey.

Ngumiti lang ito at tumango sa'kin.

"Oh shocks, He didn't!" Bulong ko.

Gusto ko ng hambalusin si Maddison dahil sa sobrang kilig ko pero pinigilan ko ang sarili ko.

Inhale... Exhale! Oh my God!

Ten seconds na lang ang natitira sa fourth quarter pero siguradong panalo na ang team ng school namin dahil lamang na sila ng eight points.

Isang malakas na tunog ng buzzer ang sunod na namutawi sa lugar.

78-86 ang final score. What a great year! Next year wala ng basketball game para sa'kin.

Hindi lang dahil graduate na kami kung hindi dahil wala na rin naman akong iba pang gustong panuorin maliban sa kanya. Pwera na lang kung maglalaro din siya sa isa sa mga basketball team ng bansa. I'll probably be a fan girl!


Trystan



"Syrena. Tumawag ba si Mommy?" Tanong ko dito. Kakarating ko lang sa office.

Alas onse na kasi ng magising ako.

"Hindi pa po pero si Ms. Raffie mga thirty times na siguro." Isang tango na lang ang ibinigay ko sa kanya bago siya lumabas ng office ko.

That girl is so clingy. Alam niya naman na wala kaming relasyon at wala akong balak na maging girlfriend siya pero daig niya pa si mommy kung i check ako.

Sinimulan ko ng pirmahan ang mga papel na nasa lamesa ko. Next couple of weeks ay start na ng leave ko. I should make the most out of it right?

Gusto ko munang lumayo kay Raffie at sa office. Gusto kong mag soul searching.

Halos dalawang linggo na rinakong walang gana at sex. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko maintindihan ang sarili ko.

Gusto ko lang magtrabaho at umuwi kaagad ng bahay. Ni hindi ko na nga nakikita ang bestfriend ko e. Oo nga 'no?

It's been a while. Kinuha ko ang cellphone ko at sinearch ang pangalan ni Seth sa phone ko.

"Hey, bro what's up?" Bati nito sa kabilang linya.

"Are you free tonight? Let's hit that club again. Just like the old times."

"Old times sounds good to me Bro. See you at seven."

"Thanks Bro!" 'Yun na lang ang nasabi ko at ibinaba ko na ang telepono.

Saka itinuon ang pansin ko sa one inch na kapal ng papel na nasa lamesa ko. Sinimulan ko na ulit ang pagpirma sa mga 'yon.

"What's up bro?" Tanong ni Seth ng makapasok na ako sa bar at lumapit sa kanya.

"I'm fucked up man..." Bulong ko saka umupo sa tapat ng bartender at sumenyas ng drinks.

"How so?" Natatawang tanong nito.

"Sobra." Pagkasabi ko no'n ay tinungga ko ang isang basong vodka na inilapag ng bartender sa harapan ko.

"Are you in love now Mr. Mailap?" Halos maging kulay pula na ito sa katatawa.

"I wish. But it's weird man." I shook my head.

Hindi ko rin kasi talaga maintindihan ang nararamdaman at ang sarili ko. Tumatanda na ba ako?

"You wish! But that's new coming from a bachelor that doesn't really know what love is." Hindi makapaniwalang sabi niya.

Sumenyas pa siya ng drinks sa bartender na agad namang tumalikod para gawin 'yon.

"You're right. But I don't feel like myself."

"Is she gorgeous?" Pang iintriga nito.

"Yes." Maikling sagot ko.

"When can I see the lucky girl huh?" Good question.

Kailan nga ba?

E kahit ako nga ay gustong gusto ko na siyang makita.

"I'm wishing and hoping that I can see her too." Inabot ko ulit ang shot ng vodka at nag sign ng toast bago ko inumin 'yon.

"What do you mean? Bro pumatol ka sa may sabit na? What the hell Trys!"

"Hell no! I don't know." Nakita kong kumunot ang noo ni Seth sa mga sinabi ko.

"Can you just atleast tell me what happened?" Uminom ulit ito ng vodka.

"Last time I went to the birthday party of my cousin, Cassidy. Then I met this girl and things happened. I don't know her. I don't even know her name and such." Pagpapaliwanag ko.

"That's the weirdest thing you can do Trys. Maybe that girl is your karma sa lahat ng napaiyak mong babae noon." Pagbibiro nito.

"Baliw!" Nag cheers ulit kami.

Mag uusap pa sana kami ni Seth ng may mga babaeng lumapit samin. Siguro nga tama siya. Baka nga this girl is my karma.

I can't even have a day without thinking about her.

The thing we had.

Is this Love? Gusto kong magmura ng malutong!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top