Kabanata VII: Ang Dalawang Tatang

Habang pinagmamasdan siya ay isa lang ang pumasok sa isipan ko.

Anong klaseng nilalang siya?

Naalarma bigla sina Alex at Rence kung kaya't inilabas nila ang mga sandata nila. Pero tingin ko mukhang mali iyon dahil sa ginawa nila ay napa porma din bigla ang nilalang.

"Sandali lang!." Pigil ni Sofia sa dalawa.

Hindi ko naiwasan na mapatingin sa kakaibang nilalang na kaharap namin. May katabaan ito at kulay berde ang balat. Hindi ako makapaniwala pero ang wangis niya ay katulad ng isang hito (parang si tahm kench ng LoL, search niyo kung 'di niyo kilala). Kahit saang anggulo mo tignan mukha talaga siyang hito. Nakasuot ito ng brown na robe at may mga accessories sa magkabilaang kamay. Katulad ni Sofia, may hawak din itong baston ngunit may kaibahan sa itsura at disenyo.

"N-n-na-na-nag-s-sa-sali-ta ka?!." Utal-utal na tanong ni Maggie.

Parang hindi nakausap kanina uh...

"Huminahon kayo kilala ko siya." Baling samin ni Sofia saka humarap muli. Ibinaba naman nila Alex ang mga sandata nila.

"Patawarin niyo po sila sa kanilang inasal Tatang Gill." Lumuhod ng isang paa si Sofia.

Nawala naman ang tensyon kanina kung kaya't parang napanatag ang nilalang na tinawag ni Sofia na Tatang Gill. Hinawakan nito ang kaniyang mahabang bigote habang tinititigan si Sofia.

"Wala akong matandaan na naging estudyante kita iha." Sabi nito.

"Naging estudyante niyo po ako ngunit naging panandalian lang. Alam ko pong maaalala ninyo ako kapag pinakita ko sainyo ito." Agad na nilabas ni Sofia ang tinutukoy niya.

Isang libro. Yung madalas niyang gamitin kapag gumagamit siya ng mga spell. Nagbago bigla ang postura ng mukha ng matanda matapos makita ang libro.

"Ahhh ikaw ang apo ni Tasio na depektibo."

Napayuko si Sofia sa narinig saka sumagot. "Opo."

Ano daw? Depektibo?

"Bueno sino ang sinasabi ninyong Hinirang?."

Tumingin ito sa hanay namin nila Maggie. Isa isa kami nitong sinusuri mula ulo hanggang paa. Nagsimula siya kay Rence, naglakad pa ito paikot. Sumunod si Alex, Maggie at panghuli ay ako.

Pagdating sa akin ay hindi ako sinuri nito tulad nila Rence. Nakatayo lang ito sa aking harapan habang nakatitig ng matagal. Naging seryoso ulit ito tulad kanina. Hindi ko alam pero parang may gusto akong kumpirmahin kung kaya't may sinubukan ako.

"Ikaw ang Hinirang tama ba?." Seryosong tanong nito sa akin.

"Ano sa tingin niyo?." Tanong ko din sa kaniya.

Nagulantang ang lahat sa sinabi ko. Samantala ang kausap ko ay mas lalong naging seryoso at inilapit ang mukha nito sa akin. Halos dumidikit na ang mga mahahabang bigote nito sa mukha ko. Pero hindi ako nagpatinag at nakipag titigan din ako sa kaniya.

"Sobrang lakas naman ng loob mo para makapag salita ng ganyan bata."

"Rico! Humingi ka ng despensa!." Sigaw sa akin ni Sofia pero hindi ko siya pinakinggan.

Seryoso pa rin siyang nakatitig sa akin ng malapitan. Kaya pinagpatuloy ko lang din iyon hanggang sa.....

"HAHAHAHAHAHAHAHA!"

Napaatras ito at humagalpak ng tawa sa harapan namin. Napahinga ng maluwag ang mga kasama ko.

"Hindi ko akalain *ubo* na mapapatawa mo ko ng ganito iho." Sabi pa nito habang nagpupunas ng luha.

Napangiti ako dahil tama ang hinala ko sa kaniya. Nagpapanggap na siya mula noong paglabas niya palang sa puno.

"Bueno maigi sigurong maipakilala ko ang aking sarili. Ang ngalan ko'y Giller pero mas kilala sa tawag na Tatang Gill. Isa ako sa mga guro sa paggamit ng mahika dito sa Bayan ng Silva."

Nag bow samin si Tatang Gill kaya ginaya din namin ito. Kasunod naman ay ako na ang nagpakilala sa aming grupo.

"Ako naman po si Rico, ito naman po si Alex, Rence, Maggie at si Sofia."

"Parang pamilyar ang mukha mo sa akin iho." Nakatitig ito sakin ng maigi habang sinasabi iyon.

Napatingin ito kay Sofia at nung napa kibit-balikat lang ang babae ay bumalik din ang tingin nito sa akin.

"May hawig ka sa dating Hinirang." Napatigil ako saglit sa sinabi niya.

Hindi kaya....

"Kilala niyo ang aking ama?!"

Napahawak ito sa kaniyang bigote." Ibig sabihin anak ka ni Roddy?."

"Opo."

"Teka teka sino si Roddy.?." Usisa ni Rence.

"Kakasabi lang diba? Tatay nga ni Rico." Sagot sa kaniya ni Sofia.

"Hindi naman Roddy pangalan ng tatay ni Rico eh."

Natawa ako ng konti sa sinabi ni Rence.

"Tama ka Rence dahil palayaw niya kasi yun. Ang pangalan talaga niya ay Rodrigo."

Nalinawan naman ang lahat sa narinig. Hinarap kong muli si Tatang Gill.

"Mabalik po sa tanong, kilala niyo po ba ang tatay ko?."

Baling ko kay Tatang Gill saka tumingin ng seryoso. Kailangan ko ng impormasyon tungkol sa kaniya. Nagbago ang itsura niya matapos ako nitong mapansin.

"Ang mga tingin na iyan. Alam ko ang nais mong ipahiwatig sa pamamagitan ng mga matang iyan." Umubo ito ng konti tsaka nagpatuloy.

"Ang tanging alam ko lang ay naatasan siyang ibalik ang nawawalang Chariot."

"Pareho din pala kami ng misyon n----."

Napatahimik ako saglit sa sinabi niya maging ang kasama ko. Basta ang sabi niya lang naman naatasan din ang tatay ko na ibalik ang Chariot. Nag proseso pa iyon sa utak ko hanggang sa may narealize ako.

Ibig sabihin....

"HAAAA?!?!." Lahat kami ay nagulat sa isang sigaw.

Mula kay Maggie.

"Ibig sabihin sa panahon pa lang ng tatay ni Rico nawawala na ang Chariot?." Tanong niya.

"Hindi ko ba nasabi sainyo?." Takang sabing ni Sofia.

"Magtatanong ba ko kung sinabi mo?. Hmp!." Irap ni Maggie sa kaniya

"Halos taon na din ang inabot ngunit wala paring resulta. Kung kaya't inatasan ng Reyna ng Biringan ang kaniyang mga tauhan na hanapin ang Hinirang. Ngunit nabigo ang mga ito at ang tanging nakita lang ay ang mahiwagang sandata nito at ang Barala. Bukod doon wala nakong ibang impormasyon na nalalaman tungkol sa kaniya. Pasensya na iho."

Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya. "Malaking tulong na po iyon. Maraming salamat."

"Narito kayo upang iligtas ang Mizoran tama?."

Tumango kaming lahat sa sinabi niya.

Hinirang...

Hinirang...

Napatigil ako sandali dahil sa kakaibang tinig na aking narinig. Kapareho ito nung tumatawag sa akin sa bahay noong unang umepekto ang sumpa.

"Mas maigi kung dalian niyo na magtungo sa Biringan hangga't may nalalabi pang oras mga bata." Sabi ni Tatang Gill habang nakatingin sa paligid.

"Pero bago iyon maaari ba kayong sumunod sa akin?."

Hindi agad ako nakasagot. Nag iba kasi ang pakiramdam ko matapos kong marinig ang tinig kanina.

"Huwag ka mag-alala hindi naman tayo magtatagal. May nais lang akong ibigay sainyo."

Nagsimula na itong maglakad. Nagtinginan muna kami ng mga kasama ko saka sumunod din sa kaniya. Habang naglalakad ay may mga nilalang kami na nakita sa paligid na naging kahoy. Sa panahon na iyon hindi naman naiwasan ni Alex ang magtanong.

"Matanong ko lang po Tatang Gill. Kayo na lang ba ang natitira sa Bayan ng Silva?."

"Hindi iho. May mga tulad niyo rin na nalabanan ang sumpa. Ngunit karamihan pa rin ay hindi kinayang tapatan ang sumpa. Isang matalik kong kaibigan ang nakaligtas din sa sumpa at kasalukuyan siyang gumagawa doon." Tumuro siya sa harapan.

"Yan yung usok na nakikita natin diba?. Tama nga ang hinala natin na may nakatira pa dito." Turan ni Rence.

Tinungo namin ang bahay na pinanggagalingan ng usok.

"Gero!! May mga bisita tayo!." Tawag ni Tatang Gill.

Mula sa pinto ay may isang nilalang ang lumabas dito. Isa itong kalahating tao at kalahating lobo na kasing edad na rin ata ni Tatang Gill. Pero ang kaibahan kahit mukhang matanda ay maskulado ang pangangatawan nito at may hawak pa itong malaking hammer. Base sa mga suot at postura niya hindi maipagkakaila na isa siyang panday.

"Kamusta kayo mga mort-- *isang malakas na ubo*!. Paumanhin nabigla ata ang lalamunan ko." Sabi nito saka napatalikod samin.

"Tumatanda ka na talaga Gero!."

Tinapik tapik siya ni Tatang Gill sa likod habang tinatawanan. Akala mo hindi rin siya umubo kanina.

Muli ay humarap na yung taong lobo samin. "Ngalan ko'y Geroma pero Tatang Gero ang tawag nila sa akin."

"Manginginom po kayo? ARAY!!."

Agad na binatukan ni Sofia si Rence. Napapigil ako ng tawa dahil doon samantala si Alex ay tumalikod para hindi makita ang itsura niya. Si Maggie naman nagtaka lang kung bakit ganun na lamang ang reaksyon namin.

"Sino sila Gill? Mga manlalakbay?." Tanong ni Tatang Gero.

"Oo bukod doon kasama nila ang bagong Hinirang."

Matapos iyon sabihin ni Tatang Gill ay binigyan kami nito ng nakakamanghang tingin sa bawat isa.

"Ako po si Rico. Eto naman si Rence, Alex, Maggie at Sofia." Pagpapakilala ko sa amin.

"At kami po ang Midnight Wanderers!." Pahabol ni Maggie. Ngunit nagtatakang reaksyon lang ang tugon nito.

"Ano daw Gill?."

"Malay ko hindi ko alam ang sinasabi nila."

"Isa po iyong lenggwahe sa mundo namin." Paliwanag ni Sofia.

"Basta parang ibig sabihin po nito ay 'Mga Manlalakbay sa Gitna ng Gabi'". Dugtong ni Maggie.

Napatango naman ng maraming beses ang dalawang matanda na parang naliwanagan sa sinabi ng dalawang babae.

TANG!!

Isang malakas na tunog ng kampana ang umalingawngaw sa buong lugar. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan sa tunog na iyon.

"Hindi maganda ito mga bata."

"Bakit? Ano pong meron sa tunog iyon?."

"Ang tunog na iyon ay mula sa mahiwagang Kampana ng Kawa-kawa."

"Teka alam ko yan. Yan yung matatagpuan sa Laguna sa--."

Bago pa humaba ang sasabihin ni Maggie ay pinutol ko na ito. "Hindi ito ang tamang oras para mag Trivia."

"Kung una ginagamit ito para sa pag aanunsyo ng oras. Ngayon iba na ang ibig sabihin nito." Namuo bigla ang galit sa mukha ni Tatang Gero.

"Sumunod kayo bago pa dumating ang mga panibagong bisita natin". Utos samin ni Tatang Gill.

Agad kaming tumakbo patungo sa bahay ni Tatang Gero. Binuksan niya ang pinto at nagsi pasukan naman naman kami. Pagdating sa loob pinagsasara niya yung mga bintana at tumungo ito sa lamesa. Nabigla ako nung inalis niya ito pati na ang carpet na nakasapin sa lapag. At doon isang pintuan ang tumambad samin na mukhang patungong underground.

"Dalian niyo mga bata."

Agad na pumasok ang mga kasamahan ko. Susunod na sana ako nang makita ko si Tatang Gill na nakatayo sa pinto.

"Gill bilisan mo!." Tawag ni Gero sa kaniya.

"Sandali lang ito."

Iniharap nito ang kaniyang baston at nagliwanag ang dulo nito.

"Lu Dere un Barre."

Matapos ang pag cast nito ng spell ay nagliwanag ang buong bahay. Hindi ko alam kung anong nangyari pero nasagot iyon nung nagtanong si Tatang Gero.

"Anong klaseng mahika iyon?."

"Paggawa ng Harang mula sa Ilusyon para hindi tayo mapansin ng mga kalaban."

"Rico ano pang hinihintay mo dyan?." Napatingin ako sa pagtawag ni Maggie.

"Pumasok na tayo iho." Pag-aya sakin ni Tatang Gill. Napatango ako atsaka sumabay sa pagbaba sa underground.

Isinara naman ni Gero ang pinto habang si Gill ay may spell ulit na binigkas sa pinto.

"Tignan niyo sila guys."

"Anong klaseng mga nilalang yan?!."

Iba't-ibang reaksyon ang narinig ko mula sa mga kasamahan ko. Nakita kong nakasilip sila sa mga maliliit na butas.

"Rico halika tignan mo." Tawag sakin ni Maggie.

Lumapit ako sa kinaroroonan niya at sumilip din. Halos mabigla ako nung makita ko ang mga nilalang na nasa labas. Mukha itong hybrid ng orangutan at goblin sa sobrang pangit ng itsura. Mabalahibo ang katawan nito ngunit may mahahaba at matatalas na kuko at ngipin. Tulad ng mga Undin maputla na rin ang mga balat nila at may nanlilisik na pulang mata at may dalawang maliit na sungay sa ulo. Kung susumahin naman ang bilang nila, tantya ko na nasa sampu mahigit ang mga ito.

"Mga Diabo"

Napatingin ako sa tinuran ng matandang hito. Nakaupo ito habang nilalaro ang mahahabang bigote.

"Mga nilalang na mula sa Sitanian. Kung paano sila nabuhay at napunta dito? Isa lang ang magiging sagot."

"Ang puno't dulo nito ay ang maling paggamit sa kapangyarihan ng Chariot na kung saan naging dahilan ng pag usbong ng Sumpa ng Liwanag."

Napatingin kami kay Sofia na kasalukuyang nakasandal sa isang tabi. Ito na yung karugtong ng kwento niya.

"Pero diba ang epekto ng Chariot ay yung pagiging kahoy ng mga nilalang?."

"Tama pero alam mo ba kung bakit nagkakaroon ng ganoong sumpa?."

"Maling paggamit? Ibig sabihin yung pagbabalik ng buhay sa mga nilalang na namayapa na?." Singit ni Maggie.

"Tama ang paggamit sa kapangyarihan ng Chariot sa maling paraan ay may kaukulan itong parusa at iyon ang sumpa ng liwanag. Dahil sa batas ng mahika. Isa sa mga pinagbabawal ay ang mahika na may koneksyon sa buhay at kamatayan."

"Gets kona! Dahil binuhay ng may hawak ng Chariot ang mga Diabo. Lumitaw ang Sumpa ng Liwanag na naka apekto sa lahat ng nilalang."

"Sa puntong ito doon na papasok ang Barala. Ipapaliwanag ko iyon sa susunod. Narinig niyo na ba ang tungkol sa bagay na iyon mga bata?" Tanong ni Tatang Gill.

"Opo."

"Kaya pinapa madali ko kayo kanina dahil nasa Reyna pa ang Barala. Kailangan ninyo itong makuha sa kaniya sa lalong madaling panahon."

"Paano kami makakapunta ng Biringan kung may mga Diabo sa paligid?."

"Mga bihasa naman siguro kayo sa pakikipag laban. Medyo doble lang naman ang lakas ng Diabo sa Undin. Kakayanin ni--." Hindi na pinatapos ni Sofia si Tatang Gero sa pagsasalita.

"Patawad po pero walang kasanayan ang mga ito Tatang Gero."

Napatingin samin si Tatang Gero at sinuri kami bawat isa. At sa mga mata niya pa lang napagtanto niya na tama si Sofia.

"Malaking problema ito. Mabuti pa siguro na dalhin ko sila doon Gill."

Tumango lang si Gill sa kaniya bilang sagot. Hindi ko alam kung ano yung tinutukoy nito.

"Kaya naman natin yan eh. Nakatalo nga tayo ng isang Undin." Sabi ni Rence sabay labas ng dalawang arnis.

"Ehem. Tayo? Nakakalimot ka yata pandak."

"Edi ikaw na tss."

"Mas maigi kung ang Hinirang at si Sofia na lang ang mag pupunta sa Biringan." Suhestiyon ni Tatang Gill.

"Bakit sila lang?."

"Oo nga."

"Mas konti ang bilang mas madali. Kung lima kayong pupunta imposibleng walang makapansin sainyo." Paliwanag ni Tatang Gero.

May punto siya doon.

"Gagawa ako ng lagusan patungo sa Biringan. Pagkarating doon ay kayo ng bahala maghanap sa Reyna dahil hindi ko alam ang eksaktong lokasyon nito."

"Kayong tatlo sumunod kayo sakin." Tawag ni Tatang Gero kila Alex.

May isang malaking kabinet ito na binuksan at isang portal ang tumambad doon. Pumasok doon si Tatang Gero habang ang mga kasamahan ko ay tumingin pa samin.

"Mag-iingat kayo Rico."

"Sumunod kayo agad dito ah."

Ayun ang mga sinabi nila bago tuluyang pumasok sa loob. Kaming tatlo na lang nila Sofia ang naiwan sa silid.

"Hinirang." Napatingin ako sa pagtawag sakin ni Tatang. "Eto ang nais kong ibigay sayo."

May hinagis ito sakin na isang lumang papel na nakarolyo. Nang buksan ko ay isang mapa ng kaharian ang nakita ko at may nahulog pa na bagay sa lapag. Pinulot ko ito at mukha itong isang metal na bilog na makapal. Ang gilid na paikot nito ay ginto na may kakaibang disensyo at sa gitna may berdeng bato na may may kung anong bagay na maliit pa na nasa loob. Yung itsura parang hugis....ano....boomerang?. Sa kabuuan parang pendant o medalyon lang ito na malaki.

"Ano po ito?." Tanong ko.

"Malalaman mo din kapag nakuha mo na yung bagay na nasa mapang iyan."

Tumayo ito at kumuha ng hour glass sa istante sa gilid. Bumalik ito sa upuan niya at saka humarap sa amin.

"Bibigyan ko kayo ng sampung minuto para makuha ang Barala at ang nasa mapa na iyan. Pagkatapos nito bumalik kayo sa pinanggalingan ninyo upang doon ko ulit buksan ang lagusan. Maliwanag?." Paliwanag ni Tatang Gill.

"Opo."

Nakita ko na nag set ng oras si Sofia sa relo nito. Samantala sinimulan na ni Tatang Gill ang pag cast ng spell.

"Tima Tran Sver Sum Portalis. Biringan!."

Matapos nito ay isang portal ang tumambad sa harapan namin.

"Mag-iingat kayo. Nawa'y gabayan kayo ng dyos."

"Sige po mauuna na kami." / "Maraming salamat po." Tugon naming dalawa.

Agad kaming tumakbo papasok ni Sofia at kasabay nito ay nagsara din agad. Sa maikling sandali na iyon ay nakatayo na kami sa lugar na kilala sa tawag na 'Hanapan ng mga taong Nawawala'.

Ang Biringan.

ΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔ

Chapter Reference:

1. Kampana ng Kawa-kawa

Yow! Hahahaha subaybayan ang mga susunod na mangyayari. Kitakits sa next chapter!

~ TripletsX

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top