Kabanata IV: Lagusan
Naunang naglalakad si Sofia kaya ang tanging nagagawa lang namin ay sumunod. Medyo naghihinala nako sa dinadaanan namin dahil pagliko namin sa corridor ay huminto din kami sa isang pintuan.
Yung lumang library na pinuntahan namin ni Maggie.
"Diba abandonado na ito? Atsaka bakit walang lock yung pinto?." Nagtaka kaming lahat sa naobserba ni Rence.
Totoo nga yung sinabi niya. Parang may nanggaling na sa lugar.
"Imposibleng mabuksan ito dahil hawak ko yung susi." Sabi ni Sofia sabay pakita ng susi sa kamay niya.
"Importante pa ba na malaman kung paano nabuksan? Nandyan na yan eh. Bakit hindi na lang tayo pumasok?." Suhestiyon ni Alex.
Hahawakan na sana ni Alex yung door knob nang bigla kaming nakarinig ng sigaw.
Teka....
Agad kong ibinagsak ang bag na sukbit ko at tumakbo patungo sa pinanggalingan ng sigaw. Hindi ako pwedeng magkamali sa narinig ko. Kilala ko siya. Siya lang ang may ganoong boses.
Alam kong si Maggie iyon.
"TULUNGAN NIYO KOOOO!!."
Muli ay narinig ko ang sigaw banda sa fire exit sa second floor. Mabilis ko iyong pinuntahan at pagkarating ay tumambad sa akin ang nakakatakot na pangyayari. May isang nilalang na papalapit kay Maggie.
"Isang Undin!?. Paanong napunta iyan dito?!" Gulat na reaksyon ni Sofia.
Para siyang goblin na malaki, may mahahaba at matatalas na kuko at may mga pulang mata ito na nanlilisik. Kulay ash gray ang kaniyang balat at naglalaway ang bibig.
"Hihihihihi may nakapagsabi sa akin na kakaiba daw ang lasa ng mga mortal." Sabi nito.
Tsk kailangan ko siyang iligtas.....
"Tabi Rico!."
Aakma na sana ako na tatalon pababa ngunit may humawak sa balikat ko at nauna ito sa akin. Doon ko napagtantong si Alex iyon habang nakaporma ang kamao niya na may four finger. Kung saan iyon nanggaling. Hindi ko alam.
"UMALIS KA DYAN HALIMAW!."
Hindi siya agad napansin ng Undin kaya direkta itong tumama sa mukha. Agad akong bumaba sa hagdan ng fire exit at madaling lumapit kay Maggie. Nakita kong may hiwa siya gilid ng kaniyang kanang palad.
"Ayos ka lang? May sugat ka."
"O-oo a-a-ayos l-lang ako. K-ka-nina pa itong sugat k-ko." Nauutal niyang sagot. Halatang natatakot pa din siya.
"Hindi bale ligtas kana"
"Tumabi kayo"
Agad akong napatingin sa boses na nanggaling kay Sofia na nasa likuran. Habang nakapikit ay may hawak siyang baston na tulad sa mga ermitanyo. Kung saan galing yung baston, hindi ko ulit alam.
Teka bakit sila lang ang bukod tanging may sandata?.
Nakataas ito ng bahagya at tila may binibigkas na salitang hindi ko maintindihan (parang enchantment). At ilang saglit lang may namuong apoy sa harapan niya. Napatingin sa kaniya ang halimaw.
"Hal Pyra Infigare!."
Pagkabigkas niya ng salitang iyon ay kumawala ang apoy patungo sa halimaw.
Ngumisi ito sa kaniya. "Isang babaylang hindi ga--AaRRGHHhh."
Walang nagawa ang halimaw kundi maghumiyaw sa sakit dulot ng apoy. Hindi niya na naituloy ang sinasabi niya. Kinain siya ng buo ng apoy hanggang sa hindi na gumalaw ang katawan nito at sumabog na parang abo.
Napatingin muli ako kay Sofia at pumukaw ulit ng pansin sa akin ay yung mga mata niya. Naging kulay lila ulit ito na bumalik sa normal. Tumingin ito sa akin na parang nahihiwagaan na bumalik din sa normal.
"Wala na tayong oras para tumunganga pa. Kailangan na nating maisara ang Lagusan pagkapasok para hindi na muling mangyari ito." Sabi niya saka umalis sa aming harapan.
Hindi ko parin maiwaksi ang tingin ko sa kaniya habang papalayo hanggang sa may napansin akong maliit na libro na ipinasok niya sa kaniyang bulsa.
May koneksyon kaya iyon sa hindi natapos na mensahe ng halimaw kanina.....
"Tara na Rico"
Nabalik ako sa reyalidad matapos akong kalabitin ni Maggie na nakaakap sa braso ko. Tumango ako saka kami tumayo at sumunod sa kanila.
----------
"Anong sunod nating gagawin?."
"Papasok lang naman tayo diba?"
"Tayo? Baka kami lang ni Rico. Hindi kayo kasali sa problemang ito"
"Hello? FYI lahat tayo apektado dito."
Kanina pa kami nagtatalo o sila (hindi naman ako kasali eh) kung sino-sino ang mga papasok. Kung tutuusin tama si Sofia dahil kaming dalawa lang ang nasabihan ng mensahera. Pero kung ako nasa katayuan ng mga kaibigan ko, siguro pipilitin ko din makisali dahil kasama ako sa mga naapektuhan. Binalingan naman ako ni Sofia.
"Bakit ba nananahimik ka lang dyan? Pwede bang pagsabihan mo itong mga kaibigan mo?."
Lahat naman sila ay napatingin sa akin. Inaantay ang sasabihin ko.
"Kung tutuusin tama si Sofia guys kasi--."
"ANO?!" "RICO!?" Sabay-sabay nilang reaksyon.
"Teka lang muna patapusin niyo ko okay?." Kumalma naman sila sa sinabi ko. "Uulitin ko, may punto si Sofia dahil kaming dalawa lang ang nasabihan ng Mensaherang Ligaw na magtutungo sa Mizoran."
"At anong gagawin namin dito? Mag-aantay sa wala?." Giit ni Alex.
"Saglit nga lang diba?" Tumigil naman si Alex.
"Ngunit sa isang banda agree ako sa sinabi nila Sofia." Napatingin ito sa akin ng matalim. "Dahil kung tutuusin bukod sa lahat tayo ay apektado, walang kasiguraduhan kung ano ang mga maaaring sumunod na mangyari dahil sa Chariot. Mas mabuti na yung magkakasama dahil tayo-tayo na lang lang din naman ang magtutulungan."
"Kung iyang Alex siguro ikukunsidera ko pero itong dalawa? Maging pabigat pa yan." Sabi ni Sofia sabay tingin sa dalawang kaibigan ko.
"Aba hina--" Hihirit sana si Rence pero inunahan ko na ito.
"So hindi mo sila isasama?."
"Hindi"
"Madali akong kausap. Kung iyan ang pasya mo hindi nako sasama sayo pumunta sa Mizoran."
Lahat ay nabigla sa sinabi ko samantala si Sofia ay nakatingin lang sa akin ng matalim pero mas malala hindi tulad kanina. Halatang nainis ito sa sinabi ko.
"Kahit ang kapalit nito ay ang mga kasagutan tungkol sa ama mo?." Tanong niya. Tsk. Marunong ako mag-isip hindi eepekto sa akin iyang ginagawa mo.
"Oo." Diretsong sagot ko.
"Kahit pagkawasak pa ng buong mundo?."
"Gagawa ako ng sarili kong paraan."
"Tsk." Tanging reaksyon niya.
Sinukbit ko na ang bag sa likuran ko at aakma na sana ako palakad.
"Saan ka naman pupunta?." Hindi pako nakaka isang hakbang nang magsalita siya.
"Aalis."
"........"
"May itatanong ka pa ba?."
"Tch."
"Kung wala na mauuna n---."
"Pumapayag nako."
Matapos kong marinig iyon ay nagsimula nakong maglakad.
"Oyy saan ka pupunta Rico?." Nagtatakang tanong ni Maggie. Nilingon ko ito.
"Sa pinto mauuna na sana ako eh."
"Bwiset na buhay ito oh. Hindi ko sagutin iyang mga yan kung anuman ang mangyari sa kanila." Duro niya kila Maggie.
"Huwag kang mag-alala. Hindi ko rin naman sila sagutin eh." Sagot ko sabay pahabol ng "Joke lang" sa dulo nung nilingon ko sila, natakot ako kasi ang sama ng tingin nila sakin. Lalo na si Maggie.
"Sumunod kayo." Tawag ni Sofia saka nagsimulang maglakad.
Hindi naman kalakihan itong lumang library. Kung tutuusin dalawang classroom lang ang haba nito pero hindi ko maiwasan magtaka o baka dahil lang sa daming bookshelf dito kaya nagmumukhang malaki. Madami din pasikot pero yung daang tinatahak namin ay diretso lang hanggang sa kumanan kami. Isang maliit na shelf parang kasinlaki namin ang nasa harapan.
Nagtaka ako nung may hinawakang libro si Sofia sa mga nakalagay sa shelf at parang naging switch ito. Biglang nahati sa gitna ang shelf at isang pader ang tumambad samin.
"Dyan tayo papasok? Parang magic portal ganun? Mag oopen sesame ba tayo para bumukas yan?." Ani Rence.
Hindi ko alam kung matatawa ba ko sa sinabi ni Rence o hindi.
"Hindi pa kasi tapos pandak." Masungit na turan sa kaniya ni Sofia.
"Aba--MMmmmmM."
Hihirit na sana si Rence pero buti na lang inawat agad ito ni Alex habang tinatakpan yung bibig.
"Bigyan niyo ko ng espasyo". Seryosong saad ni Sofia.
Dumistansya naman kami at kasunod nito ay inilabas niya yung baston at maliit na libro na nakita ko kanina. Bumukas ang libro at lumutang ito sa ere na ikinamangha namin. Nakita kong tumingin pa si Sofia sa libro bago pumikit at bumigkas. Napaisip naman ako doon.
Hindi ba niya kabisado yung mga spell niya?
"Francus Portalis!"
Biglang nagliwanag ang pader at isang pinto ang tumambad samin. Lahat kami ay bumilib sa ginawa niya pero nung nilingon ko ito ay parang hindi siya masaya sa aming nakita.
"Bakit nakasara siya." Lahat kami ay nagtaka sa sinabi niya.
"Kaya nga may hawakan yung pintuan natural tayo ang magbubukas." Nag-akmang lalapit si Rence ngunit inunahan siya ni Sofia.
Hinila ni Sofia ang pinto ngunit ayaw nitong magbukas. Sinubukan naman ito nila Alex at ganun din ang nangyari. Medyo nag aalangan na si Sofia sa nangyayari.
"Sa oras na binanggit ko yung spell dapat bukas na pinto ang bubungad sa atin hindi ganto."
"Hindi kaya may nagsara nito mula sa loob?." Napatingin kami lahat kay Maggie.
Matapos niya iyong masabi ay naintindihan ko na agad kung bakit.
"Paano mo naman nasabi iyan?." Tanong ni Alex.
"Isang patunay na yung nangyari kanina. Diba ito lang ang daan patungo sa Mizoran?."
"Oo kung sa lugar lang na ito pero may iba pang daan." Sagot ni Sofia.
"Anong patunay iyang sinasabi mo?." Ani Alex.
"Yung halimaw yung tinutukoy niya." Ako na ang sumagot sa tanong niya. "Dahil ito lang ang sinasabi mong daan sa lugar na ito, maaaring dito siya dumaan at kaya sinara ito para wala ng iba pang makasunod."
"Posible nga iyang sinasabi mo."
"Kung may iba pang daan saan naman ito makikita?." Tanong ni Alex.
"Alam niyo ba ang tungkol sa mahiwagang mundo na kung tawagin ay Biringan?." Tanong ni Sofia.
"Diba yun yung lugar kung saan may mga mortal na tao daw ang naligaw doon at hindi na nakabalik pa." Sagot ni Maggie.
"Hmmm may alam ka din pala." Bilib na sabi ni Sofia. Sisiw lang sa kaniya yan eh.
"Sa pagkaka-alala ko pa Carolina ang pangalan niya at may mga kaibigan pa ito. May sabi-sabi pa nga na kaya hindi ito nakabalik dahil ginawa siyang reyna sa mundong iyon. Pero wala naman nakapag patunay."
"Hindi lang basta sabi-sabi iyon."
"Teka ibig sabihin...."
"Hello? Baka gusto niyong ishare iyang pinag uusapan niyo?." Pagsingit ni Rence.
"Uso kasi magbasa." "Ikaw na lang walang silbi dito." Sabat ng dalawang babae kay Rence. Naaawa nako sa kaibigan ko haha.
"Anu tinatawa tawa mo dyan Rico? Eh hindi mo rin naman alam pinag uusapan nila." Baling sakin ni Rence. Hindi ko napansin na natatawa nako. Sorry tol.
"Sigurado ka?." Hindi ko alam pero parang may nagtulak sakin na pagtripan siya.
"........"
"Biro lang hahaha. Pero seryoso alam ko yung pinag uusapan nila. Kasama ako ni Maggie nung nagbabasa siya tungkol sa mga Urban Legend at Mythology ng Pinas." Pagkasabi ko nun kinomfort siya ni Alex. Sorry again.
"Dagdag ko lang sa sinabi ni Maggie. Kilala bilang Lost City ang Biringan dahil ang ibig sabihin nito ay Hanapan ng mga taong Nawawala. At sa kaso ni Carolina tingin ko hindi talaga siya ginawang reyna dahil pang mga Engkantada lang ang mga ganung posisyon. Kaya ang ginawa lang sa kaniya ay gawing parte ng opisyales pati narin siguro ang mga kaibigan niya. Tingin ko lang iyon ah."
"Importante ba yung pinag uusapan ninyo? Hindi ba dapat inuuna na natin yung lugar kung saan makikita yung isa pang lagusan." May punto si Alex sa sinasabi niya.
"Mabuti pa isantabi muna naten ito." Sagot ni Sofia. Ginamit niya ulit yung switch na libro at bumalik sa dati ang lahat.
"Bale saan na tayo ngayon?." Tanong ni Rence.
"Sa Samar tayo pupunta." Sagot ni Sofia.
Naexcite naman si Maggie sa narinig.
"Yiiiieee Adventureeee!!!."
"Hindi sapat yung perang dala natin paano yan?"
"Hindi naman tayo mag eeroplano o barko para makapunta doon eh."
"Huwag mong sabihing may portal din patungong Samar." Sabi ni Maggie.
"Mismo dahil ewan ko lang kung nakaligtaan niyo ito sa nabasa ninyo. May sabi-sabi rin kasi na may pitong portal na matatagpuan sa Samar patungong Biringan. At sa dami ng portal na iyon maraming naghanap dito pero ang ilan sa mga nakakita at nakasubok ay hindi lahat ay patungo sa Biringan kundi sa ibang parte ng Pilipinas kabilang na dito ang Maynila." Mahabang explanasyon ni Sofia.
"At saan naman natin makikita ang isang portal?." Tanong ni Alex.
"Sa Quezon City Memorial Circle."
"Sakto malapit lang iyon."
"Lalarga na tayo?."
"Let's GOOOO!!!."
Matapos ang usapan ay sabay-sabay naman kaming umalis sa eskwelahan namin. Maliwanag na kung kaya't kitang kita na namin ang malagim na nangyari sa paligid. Mas lalong dumami ang mga ugat na tumutubo at ang problema pa ay mas malaki na ito kumpara sa mga nauna.
Sa paglalakad ay may nakita naman kaming E-Tricycle o E-Trike na maayos pa.
"Sino sainyo marunong mag drive?." Tanong ni Sofia.
"Tutal kanina mo pa ko sinasabihang walang silbi. Ako na mag dadrive." Prisinta ni Rence.
"Maglakad na lang siguro tayo baka maaksidente pa tayo eh."
"Anong akala mo saken kaskasero?."
"Marunong siya magmaneho Sofia." Sumagot nako kaya parang nagtiwala na din si Sofia matapos marinig iyon.
Sumakay naman kami sa likod habang si Rence ay sinira yung pinaka case ata ng starter (gamit ang isang matulis na tubo na napulot niya ata sa tabi) at kinalikot yung wire ng sasakyan. Kung tutuusin may skills talaga si Rence sa mga gantong bagay dahil nagmemekaniko din siya sa talyer ng tatay niya.
Bale sa upuan ganito ang set up. Sa Driver Seat: Rence, Passenger Seat: Ako/Sofia sa kabilang side Alex/Maggie. Ilang saglit pa ay isang ugong ng sasakyan ang aming narinig.
"Kumapit kayong maigi." Paalala sa amin ni Rence.
Kasunod nito ay pinaandar niya na yung sasakyan. Habang nakatingin sa paligid ay isang bulong ang narinig ko mula kay Sofia.
"Hindi na rin masama uh."
"Sabi sayo eh maaasahan sila."
Hindi na siya nagsalita pa kaya tumingin na lang din ako sa paligid. Dahil sa mga pangyayari ngayon, walang traffic kaya mabilis lang ang biyahe namin kaso mainit nga lang dahil magtatanghali na. Hindi rin nagtagal ay nakarating din kami sa aming destinasyon.
Sa Quezon Memorial Circle.
ΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔ
Chapter Reference:
1. Undin
2. Biringan
3. Carolina
Uunahan ko na kayo kung sakali man. Baka po ikumpara ninyo yung Biringan Story or Carolina sa kwento na ito. Ginawa ko lang siyang base guys sana maintindihan ninyo. Nainspire kasi ako nung mabasa ko yung tungkol sa kaniya. Kung may concern man kayo sa mga nasabi sa story. G lang hahaha pero sana naging oks yung chapter na ito. Salamats!
~ TripletsX
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top