Part 9
Part 9
"Noo... please Mark.." patuloy na iyak habang nasa clinic kami. Wala akong nagawa ng pagtulungan nila akong dalhin dito, paulit ulit nilang sinasabi na walang Carding at hindi totoo si Carding at hindi ako naniniwala.
Mga sinungaling lang sila.
Nakakapanghina..
"No..."
"Daisy.. hindi niloloko.. Alam konh hindi mo na ako mahal, at gusto ko rin ng ikakasaya mo, kung dito ka masaya hahayaan kita. Pero huwag naman yung ganitong napapahamak ka." aniya at lumuhod sa harap ko at hinahaplos ang mukha ko.
Umiwas ako.
"No.." mabilis kong pinunsan ang pisngi ko.
"Mark..paulit ulit mo na akong sinaktan, hindi ka pa ba napapagod?"
"Daisy.."
"Masaya na kami ni Carding dito.."
"Pero wala ngang Carding, hindi siya totoo.."
Malakas ko siyang tinulak kaya siya napaupo sa sahig. Tumayo ako.
"Tigilan mo ako! Umuwi ka na nga sa siyudad, tantanan mo na ako!"
"Pero Daisy-"
"Sir." sabay kaming napatingin doon sa babaeng nakaputi na pumasok sa kwartong nasaan kami.
"Doc.." ani ni Mark at napahinga ng malalim.
"Hindi po dapat binibigla ang pasyente," malumanay na sabi nito at nilapitan ako. Pinunasan niya ang pisngi kong may luha at hinagod ang likod ko. Hindi ko alam pero parang gusto ko ng mahiga at matulog dahil sa haplos niya. Napakagaan nun..
"Ako na po ang bahala sa kanya." anito.
"Asawa po niya ako doc-"
"Hindi kita asawa! Si Carding ang asawa ko!" nanggigil na hiyaw ko.
"Naiirita na ako sa kakasabi mo na si asawa kita, hindi ikaw ang asawa ko, si Carding! Si Carding!"
"But Dais-"
"Ako na pong bahala sir." si doc at hinatid si Mark sa pintuan.
Humahagulgol akong napaupo.. "Hindi ako baliw! Totoo si Carding, kasama ko lang siya kagabi!"
"Daisy.." nalingunan ko si doc na nakupo na sa upuan niya.
Mabilis kong hinawakan ang kamay niyang nasa ibabaw.
"Thank you po sa pag papaalis sa kanya." sabi ko at tumayo.
"Wait! Daisy," pigil niya sa braso. "Dito ka muna."
Hinawa ko ang buhok kong nakakalat sa king mukha "Pero doc, baka ho hininhintay na ako ni Carding.." sabi ko.
"Pwedeng mamaya mo na siya puntahan? Kwentuhan muna tayo." aniya
Kumunot ang noo ko. "Bakit?"
"Girl talk. Kwentuhan mo ako tungkol kay Carding,"
Napangiti ako. See! Totoo nga si Carding!
Mahinahona kong umupo. "Gusto mo ng water or juice?" tanong niya.
"Tubig po." sagot ko na lang.
Sinilip ko ang cellphone ko. 4 pm pa lang. Maaga pa.. Six pm kasi ay magkikita kami ni Carding. Nilapag niya sa harap ko ang tubig.
"Thanks." sabi ko.
"Welcome. Gaano na nga kaya magkakilala ni Carding?" tanong niya.
Napangiti ako. Naalala ko ulit yung unang pagkikita namin. Naweeirdan pa nga ako sa kanya dahil panay ang titig niya sa akin.
"Mga anim na po."
"San mo siya nakilala? Dito rin ba sa isla bates?"
"Oo. Nung unang araw ko ay siya yung sumalubong sa akin, inaaya niya nga ako sa Isla nila dahil may inn daw doon, kaso sabi ko hindi na dahil nakapag book na ako. Tapos the next day naman, ay isinama niya ako sa isla nila at doon ako namasyal.."
"Really? Ang bait naman pala ni Carding."
"Opo, sobrang bait ni Carding at mahal niya din ako doc,"
Napatango tango siya. "Dinala ka niya sa isla nila?"
"Oo, sa isla azucarado."
"Azucarado?" tanong niya.
"Oo, sa taniman ng mga kamote at tubo,"
Saglit siyang ntahimik kaya nagtaka na rin ako. "Bakit, may problema ba?"
"Ah wala naman.."
"Okay, pwede ba akong umalis? Magkikita kasi kami ngayon, pupunta kami ulit sa isla nila,"
"Daisy..pwede ko bang makita yung hitsura ni Carding? May picture ka ba niya?"
"Oo naman!" sabi ko at pinakita sa kanya ang wallpaper ko na kaming dalawa ni carding sa tabing dagat na nakangiti, "Siya yan, ang gwapo niya no?" nakangiting sabi ko pero nawala yun ng magsalita siya.
"Ikaw lang naman ang nasa litrato, Daisy.." aniya mabilis kong tinapat iyon sa akin.
Nanlaki ang mata ko.
Hindi..
Kinalkal ko ang cellphone ko.
Hindi pwede! Marami kaming litrato dito!
"Daisy.."
Hindi pwedeng totoo ang sinasabi ni Mark, hindi pwede! Aasawahin nga ako ni Carding, nasaan na ang litrato naming magkasama!
"Wait lang po doc, hahanapin ko po," sabi ko at mabilis na tumakbo palabas ng clinic na 'yon
Mali si Mark, totoo si Carding! Ilang araw kos iyang nakasama, hindi ako pwedeng magkamali, totoo siya!
Naririnig kong tinatawag ako no doc, pero wala kong pakielam, kailangan ko makuha yung camera ko, at mag aala sais na rin, magkikita na kami ni Carding.
Hindi ako pwedeng mahuli.
Napangiti ako ng maisip ko na makakapiling ko na ulit siya. Siya lang ang tanging tao na pwede kong pagpahingahan. Sa lahat ng kasinnungalingan na narinig ko ngayong araw, siya lang ang tanging katotohanan ko.
Excited akong makitang muli ang mahal ko.
Nakarating ako sa likod ng malaking bato, nalungkot ako ng makitang wala doon si Carding, pero nakita ko yung bangka niya kaya agad akong sumakay doon.
Napapangiti ako ngayon dahil alam kong mapapatunayan kong mali sila ng iniisip sa akin, lalo na si Mark. Makikita niya rin na hindi ko na siya kailangan at masaya na ako dito sa piling ni Carding, ilang sandali pa ay nakarating na ako sa Isla Azucarado.
Mabilis akong dumiretso sa bahay ni Carding, pero wala akong naabutan doon, marahil ay nasa kabilanng nayon pa siya at hindi pa tapos magbenta.
Umupo ako sa higaan namin. Nilapag ko rin ang bag sa gilid. Nanghinayang nga ako dahil hindi ako nakapag dala ng pagkain namin, pero naisip ko rin naman na for sure may dala si Carding mamaya.
Hindi ko alam kung ilang sandali na ako naghihintay pero nakaramdam ako ng antok kaya hindi ko napigilan ang matulog.
Bigla na lamang akong nagising dahil may maingay.
Mabilis akong napabangon sa pagkakahiga,
Sila Mark!
"Anong ginagawa ninyo dito?!" hiyaw ko sa kanila.
Nakita ko pang kasama niya sila Doctora, si kuya joe at ang isang bangkero.
"Daisy... baby naman.." aniya at umiiyak na niyakap ako.
"Ano ba?!" hiyaw ko at pilit siyang tinutulak. "Umalis ka na nga! Baka mamaya maabutan kayo ni Carding dito, alis!"
"Baby.." aniya at pinagmasdan lang ako habang lumuluha,
Kumunot ang noo ko bakit siya umiiyak?
"Bakit ka umiiyak?" tanong ko
"Baby umuwi na tayo.." aniya at niyakap muli ako pero tinulak ko siya ulit.
"Ayoko nga! Dito na ako kay Carding titira! Dito na kami sa bahay n-"
Naputol ang sasabihin ko ng pagkalingon ko ay wala ako sa bahay ni Carding.
Nasa ibabaw lang ako ng maliit na lupa na nasa gitna ng dagat.
"Paano ako napunta dito? Nasa bahay ako ni Carding kanina," Nalingunan ko ang inupuan ko kanina..
...ang higaan namin ni Carding, ang sapin na binili ko..
Bakit naandito?
"Paano ako napunta dito?" hinarap ko sila.
"Baby.."
"Mabuti pa ay uamlis na muna tayo dito, delikado po kasi ang lugar na 'to mam ser," sni nung bangkero, "Tuwing ala sais po kasi ng umaga ay lumubog na itong lugar na 'to, kailangan na po natin umalis."
"Anong sinasabi mo? Bahay 'to ni Carding! Isla Azucarado ito! Paanong lulubog!" nalilitong sigaw ko
"Opo maam, Isla azucarado nga po ito, ito po ay lumubog walong pu't anim na taon na po ang lumipas."
Nanlaki ang mata ko.
"Ano..."
"Maam delikado po itong lugar na 'to, sa tuwing ginagamit ninyo po ang sira kong bangka papunta rito ay gabi gabi ko po kayong sinusundan dito maam para masigurong ligtas kayo makakauwi pabalik sa inn,"
"Anong sinasabi mo? Sinusundo ako ki Carding every night!"
"Maam, kayo lang po ang mag isa palagi sa bangka, nagsasalita po kayo mag isa at panay ninyo pong niyayakap ang sagwan."
"No! Lier ka!" hiyaw ko at susugurin sana siya ng bigla akong niyakap ni Mark sa beywang. "Huwag mo akong pag mukaing baliw! Sinungaling ka!"
"Baby.." si Mark na hinawakan ako sa pisngi at hinarap. "Nag sasabi siya ng totoo, remember sinabi mo sa akin dati may paracosm ka,"
"Ano bang sinasabi mo!"
"Baby, im here! Hindi kita iiwan, sasamaham kita hanggang sa gumaling ka.."
"Hindi ako baliw!"
"Walang nagasasabi nun baby, wala..i love you.."
"No!" muli ko siyang tinulak at this time natumba na siya "Si Carding lang ang kailangan ko! Umalis kayong lahat!"
Wala ng pumasok sa isip ko at tumalon na lang sa dagat, makatakas lang sa kanila!
"Daisy!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top