Part 8
Part 8
Pagkadating ko sa inn ay agad akong nagpahinga. Hindi ko na nga namalayan na nakatulog na pala ako.
Nagising ako madilim na, at agad akong nataranta ng makita sa cellphone na alas siyete na ng gabi!
"Shit!" agad akong nag asikaso para makapag ayos. Ala sais ang usapan namin ni Carding dahil nga maaga daw siyang pupunta rito dahil kaunti mg dedeliver lang daw sila ngayon. Eh, alas siyete na! Grabe hindi ko naman namalaya!
Agad akong nagtunga sa malaking bato. Hinihingal akong lumingon sa paligid. Pero wala akong Carding na nakita, nilapag ko muna ang bag na hawak ko at umupo.
Dumating na kaya siya?
Marahan kong sinaktan ang sarili, bakit ba hindi ako nagising? Pero alam ko naman na hihintayin ako ni Carding pag nagkataon.
"Kuya," tawag ko doon sa may hawak na kahon may mga tubo iyon at iilang kamote. Kakadating lang din niya sakay ang bangka.
"Galing ka po sa fiesta sa kabilang nayon?" tanong ko.
"Opo mam, bakit ho?"
"Tanong ko lang kung tapos na ba ang fiesta? May mga nagbebenta pa ba doon ng mga kagaya niyo?"
"Mayroon pa maam, nauna lang po ako umuwi." aniya. At kahit nakakahiya ay itatanong ko na sa kanya si Carding. Maliit lang naman itong isla nila. Im sure magkaka kilala lang sila.
"Naroon pa ho ba si Carding?" lakas loob na lanh na tanong ko.
"Carding?" kunot noong tanong niya..
Tumango ako. "Opo. Taga isla a-"
"Ah! Oo si Carding, naroon pa siya.. Pero maya maya lamang ay uuwi na rin 'yon." aniya at nagpaalam na umalis.
Kahit paano ay nakahinga ako ng maluwag. Ibig sabihin ay hindi pa siya dumadating.
Nanatili akong nakaupo doon pagkatapos. Iniisip ko kung ano naman kaya ang gagawin namin mamaya? Isipin ko pa lang na makikita ko siya ay kinikilig na ako. Walang mapagsidlan.
"Maam," tumawag sa akin.
Si kuya joe.
"Bakit?" tanong ko at tumayo.
"May tawag ka po kasi sa loob mam,"
"Sino daw po?" tanong ko.
"Hindi po nagpakilala pero ikaw po ang hinahanap."
"Okay sige. Susunod ako."
Sumunod ako kay kuya joe sa loob at inabot sa akin ng babaeng nakuniform ang telepono.
"Hello?"
"Daisy."
Unang salita pa lang ay gusto ko ba agad ibaba ang telepono. Nasa kabilang linya ang walang kwenta kong asawa.
Putangina paano niya nalaman na nandito ako?
"Daisy..mag usap tayo, umuwi ka na dito."
"Anong pag uusapan? Yung kabit mo?"
"Daisy, wala na kami. Please ayusin natin 'to,"
"Ayusin mo mukha mo," sabi ko. "Hindi na ako uuwi diyan."
"Anong ibig mong sabihing hindi uuwi? Daisy-"
"Diyan ka na sa kabit mo, magsama kayo. Okay na ako dito kaya huwag mo na akong guluhin!"
"May lalaki ka na diyan?!"
"Eh ano ngayon sa'yo? Pagtuunan mo na lang ng pansin 'yang kabit mo!" huling ko at binagsak ang telepono.
Napatingin sa akin sina kuya joe. "Sorry po." sabi ko at umakyat sa kwarto.
Ang kapal ng mukha niya! Saan niya nakukuha ang ganong kakapalan ng mukha? Pagkatapos niya manloko may gana pa siyang makipag balikan! Anong akala niya mahal ko pa rin siya? Na ako pa rin ang Daisy na palagi siyang pinapatawad? Na kahit anong gawin niya ay 'oo' na lang ako? Na kahit saktan niya ako ay iiyak lang ako sa gilid.
Well hindi na!
Na realize ko nga ngayon na sobrang tanga ko pala noon! Kung sana ay mas maaga kong nakilala si Carding..
Mabilis kong pinunasan ang luha ko.
Bakit pa ba ako nag aaksaya ng luha sa lalaking 'yon? Tapos na ako. Tapos na ako sa kanya.
Napatingin ako sa pinto ng may kumatok. Inayos ko muna ang sarili ko bago binuksan 'yon.
Nanlaki ang mata ko ng makita ko kung sino 'yon.
Si Carding..
"Carding..an..ong-"
"Nasabi sa akin na malungkot ka daw." sabi niya na nagpaluha sa akin, mabilis ko siyang niyakap at doon umiyak.
Naramdaman kong ipinasok niya ako sa loob at sinara ang kwarto.
"Anong nangyari?" tanong niya at patuloy sa paghaplos sa ulo ko.
Hindi ko mapigilan kung bakit manghinayang kung bakit ngayon ko lang nakilala si Carding.. sobrang bait niya.. Ibang iba sa lalaking 'yon..
Hindi ako nagsalita at niyakap ko lang siya. Maramdaman ko lang ang presensya niya ay okay na ako.. Yun lang ang tanging kailangan ko.
Marahil ay naramadaman niya rin ang lagay ko na wala talaga akong balak mag salita kaya hindi na siya nag salita ulit, at patuloy lang sa paghaplos sa aking ulo. Napakagaan nun..kaya nawawala ang pangamba at lungkot ko.
"Mahal na mahal kita, magiging okay din ang lahat Daisy.." paulit ulit niyang bulong.
"Magiging okay din ang lahat.."
"Thank you.." sabi ko sa kanya ng maibuga ko ang lahat
Isang mgiti ang binigay niya sa akin. "Pasensya ka na kung nahuli ako ng dating, nagka aberya kasi ang aking bangka at kailangan ko pang kumpunuhin 'yon." paliwanag niya kahit hindi naman ako nagtatanong.
"Ayos lang. Naiintindihan ko."
Nginitian niya ako at hinayaan na halikan ako. "Ramdam ko ang lungkot mo, mahal.. Anong pwede kong gawin para ngumiti ka?"
Umiling ako.
"Gusto mo bang lumangoy?" tanong niya.
"Diba nasira yung bangka?"
"Naayos ko na.. Gusto mo ba?"
"Ingat maam!" si kuya joe ng makita niya kaming paalis ni Carding.
"Alis na po kami ni Carding!" sabi ko din at nag paalam na.
----
Nakatanaw kami ngayon sa dagat habang magkayakap. Patuloy pa rin ang pag bulong niya sa akin na magiging okay lang ang lahat.
"Mahal na mahal kita,Daisy..magiging okay din ang lahat."
"Carding sinabi ko na kay Mark na hindi na ako uuwi ng siyudad."
"Ano naging reaksyon niya?"
"Nagalit. Gusto daw niya akong makausap. Pero sinabi ko na ayoko na. Dito na lang ako, at bahala na siya sa buhay niya."
"Dito na ako mahal, hindi na ako uuwi sa kanya..dito na lang ako sayo.."
"Mahal, palagi lang ako nandito, hinding hindi kita iiwan, magiging okay din ang lahat.."
Hinarap ko siya ng upo, at mrahang hinaplos ang kanyang mukha. "Mahal na mahal kita, Carding.."
"Mas mahal kita, Daisy.. magiging okay din ang lahat.." aniya at pagtapos ay hinalikan ako. Napapikit ako doon.. Kapag kasama ko si Carding ay nakakalimutan ko talaga ang mga pasakit ng mundo..
Wala akong nararamdaman kundi ang kasiyahan at kasiguraduhan..
Mahal na mahal ko si Carding..
Nang matapos kami ay parehas kaming nag uumapaw sa saya.. Habang hinahaplos niya ang aking buhok ay hindi ko na namalayan na nakatulog ko.
Nagising na lamang ako na nasa inn na ako.
Mabilis akong napabangon. Sumalubong sa akin ang mukha ni Mark. Nakaupo sa kama.
"Anong ginagawa mo dito?" agad na tanong ko
"Daisy, tinawagan nila ako, nag aalala na sila sayo.." aniya at nilingon si Kuya joe sa likod.
Kumunot ang noo ko. Hindi nagets ng sinabi niya. "Anong nag aalala? Sinong tumawag?!"
"Yung management ng Inn, nag aalala na sila sayo-"
"Bakit mag aalala? Ano bang sinasabi mo?!"
"Nag aalala na sila, kinakusap mo daw ang sarili mo, pati yung mga tao dito-"
"Anong mag isa? Pinagsasabi mo?! Si Carding ang kausap ko!"
"Daisy.." nilingon niya ulit si Kuya Joe. "Walang Carding.."
Mabilis ko siyang sinampal "Anong sinasabi mo? Sinasabi mo bang nababaliw na ako?"
"Alam mo bang mahal na mahal ako ni Carding! Hindi siya katulad mo! Gago ka!"
Pilit niya akong hinahawakan pero lumalayo ako.
"Bakit ka pa kasi sumunod dito? Tapos ka na ba sa kabit mo, at ako naman ang ginugulo mo! Ayoko na Mark, tantanan mo na ako! Masaya na ako dito, masaya na ako kay Carding!"
"Daisy.. walang Carding!"
Nilapitan ko si Kuya joe. Alam kong nakita niya si Carding!
"Kasama ko lang siya kagabi! diba kuya Joe?!"
Napayuko siya.
Mabilis kong pinunasan ang pisngi ko.
"Kuya Joe! Diba?!"
"Kuya joe!"
"Maam..wala po akong nakikita na kasama ninyo.."
Ano...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top