Part 6
Part 6
Tulad kahapon ay mag aala singko rin iyon ng hinatid ako ni Carding. Naalala ko kung paano niya ako hindi tinantanan kanina, mula ng makauwi kami sa bahay niya ay hindi na niya ako pingpahinga, at hindi naman din ako nag reklamo, gusto ko nga. Dahil mas lalo kong nararamdaman ang kaibahan niya sa mga lalaking nakasama ko.
Ibang iba siya.
Ang bawat pag galugad ng labi sa bawat parte ng katawan ko ang siyang isa sa mga dahilan kung bakit ako naa-adik sa kanya. Kaya kahit walang pahinga at ayos lang, sulit naman.
Naalala ko din ang napag usapan namin.
Aasawahin daw niya ako.
Mahal ko siya at sobrang alam ko na mhal niya ako. At sa edad kong ito, wala ng mahalaga sa akin kung hindi ang maging masaya sa buhay. Masyado ng maraming pasakit ang binigay sa buhay ko, kaya tingin ko dapat ko namang i-prioritize ang sarili ko. Ang kaligayahan ko. Handa akong isuko ang buhay ko sa siyudad para lang makasama si Carding.
Sa tanang buhay ko ngayon lang ako naging masaya ng ganito, at tingin ko ito na rin ang pagkakataon ko na maging masaya habangbuhay.
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Sa sobrang saya siguro at sa...pagod. Masarap na pagod.
Maaga ako nagising mga 10 kaya tumambay na lang muna ako doon sa kainan sa inn. Umiinom ng kape.
Ilang araw na ako dito ngunit ngayon ko lang nakita kung gaano kaganda ang mga painting na naka display sa paligid.
Katulad nung nakita ko nung isang araw sa palengke.
Napatigil ako sa paghigop ng kape ng mapansin na ang isang painting ay kaparehas nnung nagustuhan ko nung isang araw.
Yung kulay berde ang araw, at baliktad ang pwesto dahil nasa ibabaw ang tubig at nsa ilalim ang mga bahay at simbahan.
"Maganda?"
Napalingon ako doon sa nagsalita. Isang babae na medyo may katandaan na. Bihis na bihis ng pulang floral dress at may hawak na malaking abaniko. Makintab din ang suot niyang antipara, at ang malaking perlas niyang hikaw.
"Opo.." nakangiting sagot ko. "Ang absurd lang po ng green na araw, pero maganda po."
"May kwento kasi 'yang painting na 'yan." mabagal niyang sabi. "Tiyuhin ko ang nagpinta niyan,"
"Talaga po? Ang galing po ng tiyuhin ninyo.." sabi ko.
Pero parang wala siyang narinig at nagpatuloy lang. "Pag lumusong ka sa ilalim ng dagat at papalubog na ang araw, nag iiba ang kulay nito. Ang kulay ng araw ay dilaw, ngunit kapag nasa ilalim ka na ay nag iiba ang kulay nito, depende sa lalim."
Kumunot ang noo ko. "You mean, nagiging green?"
Tumango siya at nagpatuloy pa.
"At kung itatanong mo naman ay kung bakit nasa ilalim ang mga istrktura at nasa ibabaw ang tubig, yun ay dahil lumubog ang islang tinitirhan ng nagpinta niyan."
Napalunok ako. Hindi ko alam kung bakit ang bilis ng kalabog ng dibdib ko.
"Pa..paano po lumubog?"
Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Pasensya ka an iha, nagkamali ako." aniya.
"Hindi pala lumubog..kundi pinalubog."
Nanlaki ang mata ko. "Paano pong..pinalubog?"
Paano papalubugin ang isang isla? Pinalubog ba ng bagyo? Kasi yun lang ang naiisip kong pwede at kayang mapagpalubog ng isla.
"Noon kasi napakaganda ng isla Azucarado-"
"azucarado po?" hindi ko mapigilan na singit sa pag sasalita niya. Azucarado ang islang tinitirhan ni Carding. "Nasa malapit lang ho 'yon diba?" nilingon ko ang dagat.
"Paano mo nalaman iha? Turista ka hindi ba?" kunot noong tanong niya. Ako naman ay kinakabahan. Maya maya lang ay ngumiti ito, oarang may narealize.
"Marahil ay nag research ka.." aniya at muli ko siyang pinutol sa pagsasalita.
"Nakarating na po ako doon." sabi ko.
"Iha? Paano ka makakarating doon? Otsenta sais na taon na itong nakalubog sa ilalim ng dagat? Wala na ang isla azucarado.."
"Hindi ho..ahm..maniwala po kayo nakapunta na po ako doon, ang totoo nga ho niy-"
"Aling susan kanina ko pa po kayo hinahanap!" si kuya joe na kakarating lang. Mabilis niyang hinawakan sa braso si Aling susan.
"Nakikipag kwentuhan lang naman ako dito, Joe."
.
"Opo. Pero oras na po para sa gamot ninyo.."
Kumunot ang noo ko. "Pasensya ka na maam daisy, may alzheimers na po kasi si Aling susan, pasensya po kung naistorbo ka."
"Hindi, okay lang." ngiti ko na lang. Sinundan ko sila ng tingin habang papaalis. Nang mawala sila sa paningin ko ay binalik ko ang tingin ko doon sa painting.
Isla azucarado..
"Mahal alam mo ba yung isla caramelo?" tanong ko kay Carding. Naglalakad kami ngayon papunta sa bahay niya.
"Oo, kabilang isla lang. Bakit? Gusto mo magtungo doon?" tanong niya.
Umiling ako. "Hindi. Natanong ko lang... Ang dami palang isla dito no? Magkakatabi lang?"
"Oo, Ang isla Bates ay may dalawang isla. Ang azucarado at caramelo. Ano 'yang dala mo, mahal?" tabong niya sa camerang nakasabi sa leeg ko.
"Ah. Camera to, naisip ko kasi na wala pa tayong litrato ng magkasama."
"Mag litrato tayo mamaya mahal," aniya habang binubuksan ang bahay niya. Pinauna niya akong pumasok.
Pinaupo niya ako sa higaan. Wala na kasing ibang upuan, dahil nasira namin iyon kagabi.
Hanggang ngayon ay iniisip ko parin yung sinabi ni aling susan kanina na tungkol sa kwento ng painting na may green na araw. Hindi ko alanm kung maniniwala ba ako o hindi? Tulad ng sinabi kanina ni kuya joe, may alzheimers si Aling susan. Kaya may posibilidad na hindi nga totoo ang mga sinasabi niya.
"Mahal!"
"Uy ano yun?" nagulat ako sa tapik ni carding.
"Ayos ka lang ba? Tulala ka, mahal..anong iniisip mo?" tanong niya at lumuhod sa harapan ko. Pinagtabi naman niya ang kamay ko sa ibabaw ng hita at hinawakan ito.
"Anong iniisip mo mahal?" tanong pa niya.
"Wala naman ito. Medyo nahilo lang ako kanina dahil ang lakas ng alon papunta natin." ngiti ko at hinalikan siya saglit sa labi.
Hinawi naman niya ang takas na buhok ko sa nakakalat sa aking mukha. "Masama ang pakiramdam mo? Gusto mo muna matulog?" mabilis siyang tumayo at kinuha ang kumot. Pinigilan ko siya.
"Uy, ano ka ba, okay lang ako."
"Sigurado ka?"
Tumango ako. Inayos ko ang camera at tinapat iyon sa amin.
Niyakap ko sa leeg at idinikit ang pisngi ko sa kanya bago pinindot ang camera.
Tiningnan ko ang kinuha ko natawa ako ng medyo gulat ang mukha ni carding pero ang gwapo pa rin, medyo magulo rin ang kulot niyang buhok.
"Mag smile ka naman, mahal!" palo ko sa kanya.
"Binigla mo kasi ako.." nagatawa niyang sagot
"Okay sige isa pa," sabi ko at tinapat uli ang camera sa amin.
Ganon ulit ang pose namin ngunit nabigla ako ng bigla niya akong halikan sa labi, wala na akong nagawa kung hindi kuhanan 'yon.
"Ang sarap ng labi mo mahal." aniya.
Tinignan ko ang litrato namin. "Ewan ko sayo!"
Ang ganda..
"Mahal, bumili ako ng biko sa nayon, gusto mo bang kumain?" tanong niya habang yakap yakap ako likod habang tinitignan ang iba pa naming kinuhang litrato.
"Kumain ako sa inn, bago umalis.. gusto ko ulit lumangoy, mahal."
"Hmmm.." siya at unti unti akong hinalikan sa leeg. "Mamaya mahal, pwede ako lumangoy?" aniya at napaurong ako ng kaunti ng haplusin niya 'yon.
"Ahh! Carding.."
"Pwede ba mahal.." napapikit na lang ako ng patuloy niya akong hinahalik-halikan sa leeg.
"Oo naman.." kagat labing sagot ko. Haharap palang ako sa kanya ng bigla siyang nawala sa likod ko.
"Pero lalangoy ka muna diba?" nakangiting sabi niya dumiretso sa pintuan.
Sinimangutan ko siya. "Carding!"
"Bakit? Ang sabi mo ay gusto mong lumangoy, hindi ba? Halika na.."
"Ewan ko sayo!" sabi ko at nag martsa palabas.
Kainis! Bigla lumaki yung puson ko!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top