Part 4

Part 4

"Salamat.." sabi ko habang magkahawak kamay kaming naglalakad pauwi sa aking Inn.

Hindi ko lubos maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon. Nag uumapaw..para akong nasa ulap na lumilipad.

Hinatid niya kasi ako pagkatapos nun. Nag sagwan siya pabalik sa inn.

Tumigil kami sa lugar kung saan nakapwesto ang malaking bato, gabi na at kakaunti na lang ang tao dito.. Mga mangingisda na inaayos ang lambat nila.

"Para saan?" tanong niya habang hinahaplos ang buhok ko.

"Sa lahat. Sobrang saya ko ngayon.."

"Ako din mahal, masaya din ako."

Halos hindi mawala ang ngiti sa labi naming dalawa. Umaapaw talaga ang ksasiyahan sa hangin..

Napapikit ako ng halikan niya ako sa ulo. Niyakap ko naman siya ng mahigpit. Parang ayoko na siyang pakawalan..

"Pwede kang matulog sa room ko," sabi ko sa kanya. "Tabi tayo matulog.."

"Mahal hindi pwede.." aniya. Napasimangot ako sa bilis ng sagot niya.

"Bakit?"

"Hindi maaari na may ibang tutuloy sa inn,"

Napanguso ako. Alam ko naman yun, nasa rules ng Inn.

"Aalis din ako ng maaga bukas dahil pupunta kami sa kabilang nayon para mag-alok ng tubo at kamote."

"Hanggang anong oras? Hindi mo ba ako mapupuntahan bukas?" tanong ko.

Biglang bumaba ang kasiyahan na nararamdaman ko. Ibig sabihin hindi ko siya makikita bukas.

Naiintindihn ko naman na magiging busy siya bukas, hindi ko naman siya pwedeng pigilan dahil trabaho niya 'yun.

"Mahal.." aniya at hinawakan ako sa baba para tumingin sa kanya. "Mahal.. hindi naman ako magtatagal sa kabilang nayon, pag naubos na ang dala kong tubo at kamote, agad kitang pupuntahan dito."

"Talaga? Anong oras ka ba makakuwi?"

"Hindi ko masabi." aniy. Inirapan ko nga. Kainis!

"Pero huwag kang mag alala..may sorpresa ako sayo bukas."

Parang biglang nagliwanag ang kalawakan dahil sa narinig ko.

Gusto kong sumimangot, pero hindi ko mapigilan ang mapangiti lalo na ng halikan niya ako ng maliliit sa labi.

"Huy.."

"Mahal kita."

---

Kinaumagahan ay late na ako nagising, mga alas onse na. Nalagpasan na ako ng oras ng breakfast. Kahit kasi maaga ako inuwi ni Carding ay late naman ako nakatulog kakaisip sa kanya.

Ewan ko ba.. Naeexcite ako sa sinabi niyang may sorpresa daw siya.

Kaya eto ako ngayon, kaialngan limabas para makakain dahil hindi na ako mahahatiran ng pagkain dahil nha late na.

"Hi maam!" bati sa akin ni Kuya joe. Yung guwardya dito sa inn.

"Hello po!" bati ko rin. At dumiretso na sa buffet table.

"May lakad ka ngayon maam?" tanong niya.

"Wala po. Pero mamaya ay aalis kami ni Carding.."

"Ganon po ba? Subukan po ninyo yung ihawan mam sa kabilang kalye lang po, masarap daw po 'yon."

"Okay sige itatry ko pag nadaan ako." ngiti ko.

Nakakatuwa ang mga tao dito, friendly sila. At talaga naman ituturing ka nilang pamilya.

Pagkatapos ko mananghalian ay bumalik ako sa kwarto ko.

Ginawa ko ang mga nakatambak na trabaho. Kahit naka onleave ako ay tinapos ko na lahat, para pag bumlik na ako sa siyudad ay bawas stress na. Tutal kakainti lang naman 'yon. Hindi ko nga namalayan na ala syete na pala ng gabi kung hindi lang kumalam ang sikmura ko.

Pero ang iniisip ko talaga ay bakit wala pa rin si Carding? Hindi pa rin ba siya nakakauwi? Hindi pa rin ba nauubos ang mga tubo at kamote?

Naiinis na ako! Mag hapon na akong nag hintay. Pilit ko na lang kinakalma ang sarili ko dahil baka natagalan lang siya, pero dinner na wala pa rin siya.

"Kuya joe," tawag ko sa guard paglabas ko ng kwarto.

"Napansin nyo na po ba si Carding?" tanong ko.

Kumunot naman ang noo niya at umiling. "Hindi po maam, baka nasa kabilang nayon pa po. Fiesta po kasi roon maam, baka po nakifiesta." sagot niya.

"Okay salamat."

Lagalag ang balikat na bumalik ako sa kwarto ko.

Nakifiesta?

Pilit ko na lang winawaglit 'yon.. Iniisip ko na lang na nagtatrabaho lang siya, marahil ay hindi pa talaga nauubos ang mga dala niya kaya hindi niya ako mapuntahan dito.

Pero kasi! Paano namga kaya kung nakifiesta lang siya?! Ininjan ako!

Bwisit!

Bakit ba kasi ang bilis kong nahulog sa kanya? Sa ganun hitsura malamang may babae din yun!

"Gosh! Daisy! Hindi ka kasi nag iisip, buka ka lang ng buka!"

Sa sobrang inis ay tinulog ko na lng 'yon.

Kinabukasan ay alas onse na ako nagising. Tulad kahapon ay bumaba ulit ako para kumain. Kinakausap nga ako ni kuya joe pero hindi ko siya pinansin. Ewan ko ang sama ng tulog ko.

Pagkatapos kumain ay nagpasya akong magpunta sa labas. Gusto ko mamasyal. Hindi ko naman kailangan hintayin pa si Carding, bahala siya. Kaya ko naman mag isa.

Una kong pinuntahan ay ang sinabi ni Kuya joe na ihawan.

Totoo ngang masarap, lalo na ang inihaw nilang bangus. I think rilleno. Im not sure. But yeah, masarap nga. Fresh ang lasa..

Sunod naman ay yung museum nila. Puro lang 'yon painting na tungkol sa tubig dagat. Magaganda iyon at tingin ko deserve nito na mapunta sa siyudad at magkaroon ng exhibit. Siguradong tatangkilin ito. Lalo na yung isang painting na nagustuhan ko, nakakaagas pansin talaga talaga siya. Yung baliktad na painting.

Dagat ang nasa ibabaw at mga bahay ang nasa ilalim. Ang ganda ng kulay ng painting.. Talagang nakakamangha kung paano naipares ang kulay kahel at asul na sinamahan pa ng berdeng araw.. Berdeng araw...

Kakaiba..

May nakasulat na R.A sa ilalim nito. Marahil ito yung nagpinta.

Nang mapagod ako ay kumain ako sa karinderya. Habang kumakain ay hindi ko napansin na madilim na pala.. Masyado kasi akon nag enjoy sa pamamasyal. Hindi ko nga naisip yung lalaking manloloko. Nakakatuwa talaga sa isla na ito, masyadong nakaka relax. Maraming tao ngunit napaka solemn ng pakiramadam, katulad nung sa Isla azucarado.

Pagtapos mag hapunan ay dumiretso na ako sa inn. Ngunit papasok pa lang ako ay hinarang na ako ni Kiya joe at may binigay na papel. May nagpapabigay daw sabi niya.

Kinuha ko iyon ng hindi tinitignan. Nilagay ko muna 'yon sa ibabaw ng kama tsaka naligo.

Nagbihis lang ako ng manipis na pajama shirt dress. kulay peach iyon at hanggang kalahati lang ng hita ko. Hindi na rin ako nag abalang suklayin pa ang mahaba kong buhok.

Gagawin ko na lang ulit ang natitira ko pang trabaho, dahil hindi pa naman ako inaantok. Pagka umuwi na ako ng siyudad ay maghahanap na ako ng ibang trabaho. Hindi na kasi masaya sa trabaho ko, mahirap maghanap ng trabaho pero ang toxic kasi sa trabaho ko ngayon. At inisip na aalagaan ko na ang mental health ko. Alam kong mahirap sa umpisa, pero mas okay na 'yon, kaysa naman sa araw araw akong stress sa trabaho at sa mga kasama ko.

Siguro mag iisang oras na ng maalala ko ang tungkol sa papel na binigay ni kuya joe.

Binulat ko iyon at nang mabasa ko ang nakasulat doon ay halos mlaglag ang panga ko.

'Hinihintay kita kung saan ako nangako mahal.'
-Mahal.

"Omygosh!" hiyaw ko. Tinignan ko ang oras..

Alas otso na!

Siguro kanina pa siya nandoon!

Mabilis kong hinatak ang bag ko na inihanda para sana kahapon at lumabas na ng inn.

May sinasabi pa nga si Kuya joe pero hindi ko na naintindihan dahil tumatakbo na ako.

Shit. Bakit ba hindi binasa agad?!

Baka nilalamok na iyon doon!

Nang marating ko ang likod ng bato ay nakita ko siya doon nakatayo..kahit na medyo madilim ay alam kong bulaklak ang hawak niya.

"Dumating ka mahal.." aniya.

Walang sali salita ay itinapon ko ang sarili ko sa kanya. "I miss you!"

Nagulat akobng ihiwalay niya ako sa kanya pero agad ding napapikit ng simulan niya akong halikan..

Halik na namiss ko..

Halik na hinahanap-hanap ko kahapon pa..

Ipinulupot ko ang aking binti sa kanya at lumaban ng halik.

Nakakabaliw talaga si Carding..

"Hmm..bakit ngayon ka lang bumalik?" tanong ko ng maghiwalay ang labi namin.

Muli niya akong pinatakan ng halik. "May inayos pa kasi ako, para wala ng istorbo sa atin." aniya.

"Pupunta ba tayo sa bahay mo?" tanong ko.

Inayos ko ang yakap ko sa kanya ng maramdaman na lumalakad siya. Papunta sa bangka niya 'yon na nakatali sa gilid.

"Gusto mo ba?" tanong niya.

Tumango ako. "Pwede ba?"

Sandali niya akong binaba at binalikan ang bag ko na nahulog kanina. Napangiti ako.

Nag umpisa na siyang mag sagwan. May lmpara lang sa unahan ng bangka niya. Madilim na kasi ang dagat kaya maingat siya.

"Uy, ihahatid mo pa ba ako mamaya?" tanong ko. Nakayakap ako sa kanya habang nag sasagwan siya.

"Masyado ng delikado mahal," sagot niya. Napangiti naman ako.

"So..doon ako matutulog sa bahay mo?"

"Kung gusto ng mahal ko.."

Marahan ko siyang piniga sa yakap. Sobrang saya ko! Syempre oo ang sagot ko!

"Pero ihahatid din kita ng ala singko ng umaga." aniya pa.

Wala naman akong pake, basta makakasama ko siya ngayong gabi, ayos na 'yon.

Hindi naman nagtagal ay nakarating na kami sa bahay niya.

Napansin kong may nagbago sa bahay niya hindi ko lang masabi kung ano.

"Naghapunan ka na ba, mahal?" tanong niya at binaba ang bag ko sa upuan.

Tumango ako. "Ikaw ba?"

"Naghapunan na. Pero wala pang panghimagas." aniya at malagkit akong tinitignan.

Tumingin din tuloy ako sa sarili ko.

Yung dress ko pala ay nakaangat ang isang laylayan. Kaya naka expose ng todo ang hita ko. Inayos ko iyon.

"Ahm.. Ito may hinanda akong-"

"Shhh.." pigil ko sa kanya at tinulak siya paupo sa higaan

Ayun! Sabi ko na nga may bago.

Bagong higaan.

"Bago yung higaan mo?" tanong ko at kumandong sa kanya.

"Napansin ko kasi na gusto mong matulog dito.. Ngunit sira kasi ang higaan ko kaya, yung nabenta ko kahapon ay ipinambili ko ng bagong higaan para-"

Hindi ko na siya pinatapos pa.

Kung ano-ano ang iniisip ko kahapon sa kanya..

Yun pala ay nagpapakahirap siya para may mahigaan lang ako..

"Mahal.." pigil niya.

"Bakit ayaw mo?" tanong ko.

Inabot ko ang isang kamay niya at ipinatong iyon  sa ibaba.

"Mahal.."

"Shhh.. She's waiting for a visitor.." bulong ko sa tenga niya.

At hindi naman nagtagal ay parehas na kaming baliw sa pag indayog.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top