Part 3
Pagkatapos ng nangyari sa amin, ay bigla na lang siyang tumahimik. Nag sabi lang siya na magluluto ng tanghalian.
Tinignan ko ang relos ko, ala dos na ng tanghali at naghahain na siya sa maliit na kahoy lamesa. May tatlong upuan ito, at ako ang nakaupo sa isa.
"Kumakain ka ba ng tamban na isda?" tanong niya pagkaupo.
Tumango naman ako. "Okay lang.."
Hindi ko mapigilan mapatingin sa labi niya.
Gosh! Hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin ang hagod ng labi niya. Pakiramdam ko, nakadikit pa rin ito sa labi ko, nalalasahan ko pa rin. Hindi man siya ganon kagwapo tylad ng mga nakikilala ko sa siyudad, ay kakaiba naman ang hatid ng pagiging moreno niya.
Ang lakas ng sex appeal, at no doubt, natatangay ako.
"Yung nangyari kanina.." umpisa niya kaya nabitin sa ang pag nguya ko.
Lalo pa nung tinitigan niya ako ng mariin..
"Hindi ko napigilan ang sarili ko, patawad." sabi niya. "Kung may nobyo ka man sa siyudad-"
"Wala akong boyfriend!" mabilis kong sagot. "Wala. Single ako ngayon.." ngunit natigilan ng makitang nagulat siya. Shit. Masyado ako na excite!
"I mean...wala, hiwalay na ako. Dati kasi akong may asawa, kaso nahuli ko siyang may binabahay na Estudyante kaya.."
Naalala ko na naman ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon, kung bakit ko naisipan umalis siya syudad para makahinga.
Nagtatrabaho ako ng araw na 'yon, kakaalis ko lang sa bahay, ngunit nung nasa office na ako ay bigla kong naalala na hindi ko nadala ang cellphone ko. Kailangan ko kasi 'yon dahil minsan ay sa cellphone ko sinisave ang mga projects na nagagawa ko.
Ilang beses akong nakitawag sa ka workmates ko pero hindi sumasagot si Mark, ang asawa ko kaya nag decide akong umuwi sa aming condo.
Pagbukas ko ng condo ay agad kong hinanap ang asawa ko, ngunit wala siya dito na ikinapagtatataka ko, dahil nakita ko ang cellphone niya na nasa ibabaw ng sofa. Dahilan kaya pala hindi niya nasasagot ang tawag ko.
Baka pumasok na sa trabaho, yun na lang ang inisip ko. Mabilis ko ng kinuha ang aking cellphone at lumabas na ng condo. Ngunit bigla kong narinig ang tawa ng aking asawa sa kung saan. Hindi ako maaaring magkamali, tawa niya yun. 5 taon na kaming nagsasama kaya kilala ko.
Wala sa sariling napatingin ako sa kabilang pinto. May maliit na ilaw na nakasilip doon. Bigla akong nakaramdam ng kung ano, pero may tumutulak sa akin na puntahan ang katabing unit, naririnig ko pa rin ang tawa ng asawa ko.
Kinakabahang sumilip ako doon, at halos mahulog ang mata ko ng makita kong may kinikiliti siyang babae, nakauniform pa ito. at hahalikan niya ng madiin sa labi tsaka tatawa na para bang wala siyang nilolokong asawa. Sobrang nadurog ang pagkatao ko nung mga oras na yun, halos hindibko makayanan na ilakad ang mga paa ko.
Hindi ko sila kinmpronta o inaway, basta pag uwi ko kinagabihan ay binalot ko ang mga damit niya, lahat ng gamit niya at hinanda na ito sa may malapit sa pintuan. Mahal ko siya, oo. Pero hindi ako magpapagago.
Laking tanong sa utak ko kung kailan pa niya sinimulan ibahay yung kabit sa tabing unit namin. Tang ina, hindi siya nag iisip!
Naalala ko kung gaano siya kagaling magpanggap na pagod galing sa trabaho. Nagpapa massage pa nga siya.
Sobrang galing umakting pero tanga mag lock ng pinto!
Wala ng usap usap at hiniwalayan ko kaagad.
Kaya nga nag decide ako magbakasyon dahil patuloy niya pa rin akong ginugulo. Mabuti na nga lang at hindi conjugal ang property namin. Kung hindi, baka nagamit na niya ang pera ko, pampakain sa kabit niya.
"Mabuti naman kung ganoon." pormal na sabi niya.
"Anong ibig mong sabihin?" taas na kilay na sabi ko. Para bang wala lang yung kinuwento. Siya ang kauna-unahang kinuwentuhan ko tapos parang masaya pa siya sa nangyari sa akin.
"Mabuti at hiwalay na kayo, dahil kung nagkataon, hindi kita pwedeng angkinin ngayon." marahan niyang hinawakan ang kamay ko.
Ang lakas ng kalabog ng puso ko at nahihiya ako dahil baka naririnig niya 'yon, pero sobrang saya ko sa narinig ko. Hindi ko maintindihan, kakakilala ko pa lang sa kanya, pero sobra na yung attachement na meron ako sa kanya.
"Talaga? Ikaw ba..may girlfriend ka?" tanong ko. Dahil pag sasabihin niyang oo, magwawala talaga ako!
Napalunok ako ng ang tagal niya sumagot. Habang nakatitig siya sa akin ay kinakabahan ako sa isasagot niya..
"Ikaw pa lang." sagot niya.
Hindi ko mapaigilan mapangiti.
"Ibig mong sabihin.."
"Ikaw ay akin, ako ay sa iyo."
Masama bang kiligin ang 29 years old? Dahil sa totoo lang, ngayon na lang ulit ako kinilig,
"kung ayos lang, Mahal.."
"Mahal?" natatawang tanong ko.
"Mahal kita, kaya mahal ang itatawag ko sa'yo."
--
Ngayon ay sinamahan ako ni Carding mag swimming, nasa likod kami ng isla ngayon, kakaunti na lang tao dahil magdidilim na rin.
Nasabi ko kasi na gusto ko lumangoy ngayon at naikwento rin niya kanina na merong pwedeng paglanguyan dito.
Kaya ngayon ay nagtatampisaw na ako..
"Ayaw mong lumangoy?" tanong ko sa kanya.
Nasa pangpang lang kasi siya at nakaupo. Nababasa na nga ng alon ang kanyang pantalon tuwing umaabot ang tubig sa pwesto niya.
"Hindi na. Panonoorin na lang kita." aniya.
"Sus! Pagpapantasyahan mo lang ako e!" hiyaw ko sa kanya.
Nakasuot kasi ako ngayon ng kulay puting swimsuit, two piece. Nasa ilalim lang siya ng damit ko kanina. Mabuti na nga lang at ito ang naisipan kong suotin.
"Kasama na rin 'yon!" balik na hiyaw niya.
Lumangoy pa ulit ako ng isang beses bago nilingon ang huling pamilya na paalis na. Ngayon ay kami na lang dalawa ang nandito.
"Hindi ka pa ba, nilalamig mahal? Maginaw na ang hangin." aniya.
Lumusong pa ulit ako ng isang beses bago umahon. Naupo ako sa harap niya.
Hinubad niya ang longsleeve niya at iniabot sa akin. Pero hindi ko tinanggap at tinignan lang siya, kaya siya na mismo ang nagpunas sa kin.
"Mahal suotin mo ito, para hindi ka tamaan ng lamig." aniya at abalang pinupunasan ang ulo ko. Habang ako, abala na ina-admire kung gaano siya kagwapo.
"Hatid na kita sa Inn, kailangan mong makapag bihis ng damit dahil sisispunin ka na." sabi pa niya.
Tinabig ko ang damit niyang pinupunas sa ulo ko.
"Mahal kailangan mong magpunas, lalamigin ka-"
"Edi painitin mo ako.." sabi ko at walang isip na kumandong sa kanya.
Halatang nagulat siya sa ginawa ko. "Mahal.."
Agad ko siyang hinalikan ng marahas.. Gusto kong malaman niya na hindi lamig ang nararmdaman ko ngayon, kung hindi init! Sobrang init! Na ayos lang na mapaso basta siya ang papaso.
"Omy! Carding..omygosh!" hiyaw ko ng patuloy ang paggalaw niya sa ibabaw ko.
"Tang ina!!" patuloy na hiyaw ko.
"Baka may makarinig sayo mahal.." aniya.
"Wala aaakong pakielam..aahh.." kinuha ko ang kamay niyang nakahawak sa beywang ko at inilagay 'yon sa aking dibdib. At nasiyahan naman ako ng gawin niya ang gusto ko..
Grabe ang ginagawa sa akin ngayon ni Carding. Ngayon ko pa lang ito nararanasan sa buong buhay ko.. Ang kiliti at ang sarap niyang hatid.
"Aah!" sabay na hiyaw namin ng mabunot kami sa raffle.
"Mahal.." aniya at ubos lakas na humiga sa ibabaw ko.
Di ko mapigilang mapangiti..
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top