Part 10

Part 10

"Daisy has paracosm," ani doc, "Well, usually mga kids ang nagkakaroon ng ganitong condition , pero may mga adult din. Sometimes they take their imagination and their fiction world beyond limits, minsan hindi na nila ma-control ang imagination nila. Minsan, nahihirapan na sila madistinguish kung alin ang totoo sa imagination lang. Whish leads them to a condition paracosm."

"Sa state ngayon ni Daisy, nagkasabay sabay na ang mga bad experience niya, deppression, anxiety. And based sa records ni Daisy, maaaring epekto rin ito ng post partum."

"Anong pwedeng gawin natin doc?" tanong ni Mark habang hinahagod ang likod ko.

Magkatabi kasi kami ni Mark ngayon, yakap yakap niya ko habang ako'y umiiyak. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari..

Carding felt so real..

Hindi ko matanggap na ganito, hindi ko matanggap na hindi siya totoo! Buhay na buhay siya sa alaala ko.. Yung mga haplos niya mga halik niya, at yung boses niyang naririnig ko pa rin sa tenga ko.

Tinignan ko sila. "Hindi ako baliw Mark!" hiyaw ko sa kanila.

"Yes baby you're not. I love you.."

"Maagapan naman ang kalagayan niya, it's just that, may nakikita akong symptoms ng Dissociation sa kanya, at yun ang kailangan natin bantayan na hindi mauwi doon ang kalagayan ni Daisy."

"I suggest na huwag mo siyang hahayaan mag isa, ilayo mo muna sa stress at gulo, anything na mag ti-trigger ng emotion niya, protect her emotions, that's very important." sabi pa ulit ni doc.

"Iuuwi ko po siya sa bahay namin-"

"No!" tumayo ako. "Nandoon lang yung kabit mo!"

"Baby.." pagod niyang sabi. Nakikita ko rin na namumula mula ang mga mata niya at may nagbabadyang luha, napayuko siya, pagtapos ay tumayo at hinawakan ako sa braso.. "Wala akong iba, ikaw lang ang meron ako baby.." aniya at niyakap ako.

"We.. can get through this baby.." habang tinutulak ko siya ay naramdaman kong hinalikan niya ako sa ulo. "Kaya mo 'to.."

--

Umuwi kami sa aking Inn pagkatapos nun, sa kwarto ko siya tumuloy. Hindi ko siya kinakausap. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

Kanina lang ang galit ako sa kanya, ayaw ko siyang makita at makasama. Pero bgayon habang tinititigan ko siya habang inaasikaso ang kakainin namin ay parang gusto ko siyang yakapin, gusto ko siyang halikan at huminye ng sorry.

Sorry sa lahat ng nagawa ko, sa lahat ng nasabi ko at sa lahat ng pagpapahirap ko.

"Gutom ka na?" tanong niya ng tumayo ako sa harap niya. Natigil siya sa pagsalin ng sauce.

Hindi ko mapigilan mapaiyak.. Sa sobrang lambot ng boses niya pakiramdam ko napakasama kong tao.

"Why? Bakit ka umiiyak?" tanong niya at tumayong niyakap ako.

"Im sorry..." niyakap ko siya ng sobrang higpit. "Im sorry sa lahat..hindi ko g-gusto 'to.."

"Sshhh... i know.." aniya at hinarap ako. "I understand baby. Gusto ko lang malaman mo na hindi ako aalis dito okay? Palagi lang akong nandito, ikaw lang ang mahal ko.."

"Mahl na mahal kita, Kaya natin 'to."

Tumango ako at niyakap pa siya ng mas mahigpit.

Sobrang nagiguilty ako.

Hindi ko ginustong madamay siya. Hindi ko ginusto na magkaganito ako, pero hindi ko alam kung bakit ako ganito.

Natulog kami ng magkayap ni Mark, yun siguro ang dahilan kung bakit napakagaan ng gising ko masaya at maliwanag ang pakiramdam. Nakita ko siyang natutulog pa rin.

Alam kong sobrang pagod siya.

Kagabi ay napag usapan namin na uuwi na kami ng siyudad, doon na ako magpapagaling.

May Paracosm ako. Dati ay okay lang siya, nacocontrol ko ito through writing minsan naman nilalagay ko sa pagpipinta at pagdrawing.

But then last year, nabuntis ako. Ipinanganak ko siya isang baby boy sobrang saya namin ni Mark non, may baby na kaming dadagdag sa kasiyahan namin bilang mag asawa. Pero dalawang linggo ang lumipas ay bigla na lang siyang kinumvulsion, agad namin siyang sinugod sa hospital pero pagkaraan lang ng isang oras ay binawian siya agad ng buhay.

Sabi ng doctor marami daw naging complications at hindi kinaya ni baby ang kumbulsyon na nangyari.

Ang sobrang kasiyahan namin ng dumating siya ay dumoble ng ilang beses ang sakit ng mawala siya. Pakiramdam ko kasama akong binawian ng buhay kasama niya, gumuho ang mundo ko.

Sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari, kasalanan ko 'yon, kung sana lang ay napansin ko kaagad nang paninilaw niya ay sana mas naagapan ang kondisyon ng anak ko. Kahit pa gaano sabihin ni Mark na hindi ko kasalanan ang nangyari, alam kong sinasabi niya lang yun at sa loob loob niya ay sinisisi niya rin ako.

Dun nang umpisang lumala ang lahat. Lahat nangbago, hindi ko na makontrol ang sarili ko sa pag iiisip, at ang isip ko na ang kumukontrol sa akin. Hindi ko malabanan 'yon, mahirap. Hindi ko maexplain pero napahirap ng kalagayan ko, kahit pa palagi kong kasama si Mark, at hindi ako iniiwan ay hindi pa rin mapigilan na may mabuo sa isip ko tuwing papasok siya sa trabaho.

Isang araw ay umalis si Mark para mag seminar sa Likuyan, dalawang araw siya doon, oras oras ay tinatawagan niya ako. Pero isang beses na hindi ko siya matawagan ay napraning ako. Kung ano ano ang pumasok sa isip ko, naitanim  na sa utak ko na may babae siya. Sobrang hirap non, lalo pa at sobrang nahihirapan na rin si Mark sa kundiayon ko, na kahit pa wala naman siyang ginagawang kasalan ay makasalanan ang tingin ko sa kanya.

Ayaa kong mag isip ng ganon, kaso nauuna na ang isip ko sa akin.

Alam kong kung nandito lang si Beden ay hindi siya matutuwang ginugulo ko ang pamilya namin at pinapahirapan ko ang tatay niya. Pinunasan ko ang aking pisngi.

Patawad, anak.

Patawad.. Pangako, lalaban si Mama, kakayanin 'to ni Mama, para sa atin. magiging maayos din ang lahat. Magiging okay ang lahat. At pasisiyahin ko ulit si Papa mo, pangako yan.

---

Nang mag desisyon si Mark na uuwi na kami ng siyudad ay sumunod na lang ako, alam kong hindi niya ako pababayaan, alam ko rin na para naman iyon sa ikakabuti ko. Isa pa, naroon ang doctor ko, kailangan ko magpakita sa kanya para malaman at masiguro ang kailangan kong gawin. Yung sinabi kasi ni Doc dito sa bates, ay maaaring iba sa sasabihin ng doctor ko sa siyudad, dahil doon may record na ako, dito wala, at hindi rin kumpleto ang naibigay kong impormasyon dahil nga sa estado ko kahapon.

"Halika na," ani ni Mark at siya na ang nagbitbit ng gamit ko.

Nginitian ko siya.

Pagkababa namin ay nagpaalam na ako sa mga taong tumulong sa amin, si kuya joe at iba pa.

Dahil sa kanila ay natunton ako ni Mark, kung hindi siguro nila ko binantayan nang wala pang Mark, malamang ay natangay na ako ng dagat. Nasabi kasi nila na mag isa lang akong sumasakay sa sirang bangka tuwing gabi para pumunta sa lumubog na isla. Na hanggang ngayon hindi ko maisip kung paano ko natuklasan 'yon.

Palabas na sana kami kung hindi lang kami naharang ni Aling susan.

"Luluwas na kayo iha?" ani nito.

"Opo." sagot ko. "Ito nga po pala si Mark, asawa ko."

"Ah ganon ba? Nice to meet you iho,"

"Nice to meet you rin po." si Mark "Ang ganda po ng painting na hawak ninyo,"

Nang tignan ko ang sinabi ni Mark ay nawala ang ngiti ko.

"Si Carding!" turo ko.

"Baby.." si Mark na pinigilan ako.

"No! Siya yung sinasabi kong Carding, Mark! Siya yung nakakasama ko sa isla!" sabi ko at kinuha iyong painting sa kamay ni Aling Susan.

"Totoo siya, Mark!" hindi makapaniwalang sabi ko. Hindi ako nag didissociate! Totoo si Carding!

"Baby-"

"Paano mo nakilala ang tiyuhin ko?" tanong ni Aling susan, napatingin ako sa kanya.

"Tiyuhin?" tanong ni Mark.

"Oo. Ang pangalan niya ay Ricardo Alcaraz, kapatid siya ng Tatay ko." sagot ni Aling susan.

"Ano.." hindi makapaniwalang hinga ko. "Si Carding?"

"Carding ang tawag sa kanya ng karamihan sa mga kanayon namin, yun nga lang sa kasamaang palad ay nadisgrasya siya at kalaunan ay binawian ng buhay, sa katunayan siya ang nagpinta nun." aniya at tinuro yung painting na may berdeng araw. "Isa siya sa nasabugan nung gabing pinasabog at pinalubog ng mga kastila ang isla namin, matagal tagal din namin siyang hinanap matapos 'yon, at natagpuan naman namin siya, ngunit putol ang ang kaliwang kamay niya dahil sa pag sabog, ilang araw siyang nagpagaling, at ang una niyang ginawa ay nagpinta, at ayan ang kanyang nagawa, at matapos niyang ipinta iyan ay kinagabihan ay nawala na siya."

Napakapit ako kay Mark, inalalayan naman niya ako.

R.A..

Ricardo Alcaraz..

Carding...

"Huwag mong sabihin na nagpakita sa 'yon si Tiyo Carding," si Aling susan na hindi rin makapaniwala.

"Kailangan na po namin umalis," si Mark na inalalayan ako at mabilis akong inalalayan pasakay ng bangka.

Hindi ako makapaniwala..

"Are you okay?" tanong ni Mark sa akin.

Tumango ako. Gulat pa rin sa nalaman..

Habang nasa bangka ay hindi ko mapigilan mapatingin sa isla azucarado, alam kong isla azucarado iyon dahil sa nakalutang na bato.

Doon ay may nakita akong lalaking nakatayo..

Naka 3/4 na kulay gray, lumang pantalon at tsinelas..

Si Carding..

Nakatingin lang siya..

Nakangiti..

"Carding.."

"What?" si Mark narinig ako.

Wala sa sariling tinuro ko si Carding..

"Sshhh.. Baby don't," saway niya at binaba ang kamay ko. "Close your eyes, huwag mong tignan, mahal na mahal kita, Daisy.. I'll protect you, i love you so much.."

Sinunod ko ang sinabi niya..

At ang sumunod na nangyari ay hindi ko na alam..

---






Denchbluies.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top