Midnight Bliss
-ˋˏ ༻☁︎༺ ˎˊ-
Alam ko namang hindi na ito mapipigilan pa. Hindi pa magkakilala ang aking nanay at tatay, buhay na ang sakit na ito sa dugo ng mga ninuno ko.
Malas nga eh. Pwede namang kaputian nalang ni Mama o 'yung katangkaran ni Papa. Kaso ito pang sumpa ang malugod na tinanggap ng walang hiya kong katawan. O wala talaga siyang choice.
Dilat na dilat ang mata ko sa kabila ng alanganing oras ng gabi. Ang swerte nung mga ibang tao na naghihilik na ngayon. Ang swerte nung mga taong nananaginip na ngayon. Sana all!
Dahil isa na naman itong gabi ng insomnia, binuksan ko nalang ang cellphone ko. Dating gawi: manonood ng random clips sa youtube, makipagchat sa random strangers, magbasa ng random stories. Randomly boring things for the nth time.
But I observed these past few days, sumobra na ata ito. Dati ay ang pinakalate ko nang tulog ay alas dose. Ngayon ay umaabot na ng alas-tres hanggang alas cuatro. At dahil hindi ko naman ugali ang magpalate, palagi akong puyat na pumapasok.
-ˋˏ ༻☁︎༺ ˎˊ-
Pakiramdam ko ay kapipikit palang ng mga mata ko noong marinig ko ang alarm ng phone ko. Sobrang lamig din kaya pahirapan sa pagbangon. Balot na balot ako ng kumot ko at parang hinahatak ako ng kama ko pahiga sa tuwing sinusubukan kong bumangon.
Wala kaming aircon pero sobrang lamig? Ilang minuto ang lumipas bago ko narinig ang sagot sa umagang tanong ko: umuulan. Using my half-closed eyes, I weakly checked my phone to see if there were some class suspension. Kaso hindi class suspension ang bumungad saakin!
Celine: GAGA NASAN KA NA?!
Celine: IMPOSIBLENG UM-ABSENT KA! ALAM MONG MAY GRADED RECIT TAYO NGAYON HOY!!!!!
Celine: mACCCYYYYY!
"Damn," natawa nalang ako sa kung gaano ka-hopeless ang kinalalagyan ko ngayon.
Never in my damn entire life I ever imagined I would be doing this thing.
Balot na balot ako ng makapal kong jacket habang hiyang-hiyang naglalakad sa tahimik na corridor. Alas nuebe na nang magising ako. Alas siyete ang simula ng klase namin. Hawak-hawak ko sa kanang kamay ko ang magiging espada ko sa giyerang kahaharapin: isang hot coffee galing sa Ministop.
Celine: Kalalabas lang ni Maam Taison, dalian mo habang wala pa si Sir Dee!!!!!!
Celine: MAGREPYLY KA NGAAA
Celine: Papasok ka ba o ano?! May sakit ka ba? Mamamatay ka na? Kung ganon eh kailangan ko na palang humanap ng bagong bestfriend!
Huminga ako ng malalim at ibinuga ang lahat ng hiya sa wisyo ko. Nang buksan ko ang pintuan ng classroom namin ay patay-malisya lang ako. Sinipat ko muna syempre kung nandoon pa ba si Maam pero wala naman kaya medyo lumakas ang loob ko.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad papunta sa pwesto ko. Kaso kasi nakakailang! Lahat sila nakatingin saakin! At alam kong kahit si Neo ay nasaakin ang atensyon! I mean, I should be greatful. Crush ko sya at nasaakin nakatuon ang paningin niya. But no. . . this is the most embarassing moment in my life!!
Lecheng insomnia! Lecheng ulan!
Malapit na sana ako sa pwesto ko nang bumukas ang unahang pinto ng classroom. And yes, dahil nasaakin ang atensyon ng buong klase, kahit si Sir Dee ay napatingin na rin saakin.
"Oh, Miss Andreas? First time ata ito ah?" Sir Dee genuinely joked. Not sarcastic. He'll find it awkward to make sarcastic jokes about me. . . or students like me.
"Ah," umubo ako ng kaunti, "Sir, nagkaroon po kasi ako ng kaunting lagnat. Ayoko naman pong umabsent kasi may graded recitation po tayo ngayon eh."
Habang nagsasalita ako kanina ay nagsimula nang mag-ayos si Sir ng gamit niya sa lamesa. Ang kaso ay matapos kong sabihin ang huling pangungusap ng sinabi ko ay napatigil siya bago binalingan ako ng tingin. Nagulat naman ako doon kaya't agad kong binalikan ang mga sinabi ko.
Shit. "Ah, Sir. Hindi naman po kita sinisisi. . ." mas lalo ko lang yatang pinalala. Lalo kasing kumunot ang noo ni Sir Dee, "Kung 'yun po 'yung iniisip niyo hehe."
Pinagpapawisan na ako sa hiya nang may marinig akong parang tunog utot. Sa unahan 'yun galing kung saan malapit sa pwesto ko-si Neo. At hindi pala 'yun utot. Nagpipigil pala siya ng tawa!
"Sit down, Miss Andreas," pinagpag ni Sir ang manggas ng kaniyang polo bago muling nagsalita, "Good morning class."
At doon na nagsimula ang nakakahilong graded recitation ni Sir Dee tungkol sa Fundamentals of ABM. It's been thirty minutes when he walked towards my direction. Medyo kinabahan ako dahil doon.
"Miss Andreas, nabanggit mo kanina na may lagnat ka? You should visit the infirmary. Ang pangit naman pakinggan na pumasok ka ng school nang may lagnat nang dahil sa subject ko," inilibot ni Sir ang paningin niya sa klase, "Sino ba ang health officer niyo rito?"
Ilang segundo pa bago may sumagot kay Sir Dee, "Sir si Neo po."
Ah si Neo. . . Sabay kaming nagkatinginan ni Celine na nasa likod na parte pa ng classroom. Pigil ang ngiti ko habang siya naman ay tumataas-baba ang kilay habang may binubulong na mga pang-asar.
"Neo, pakisamahan ang kaklase mo," utos ni Sir kay Neo na magalang na tumayo at naglakad palapit saamin. Damn boy. Why so. . . perfect?!
"Copy!" sumaludo pa ito kay Sir na tinawanan ng ilang kaklase ko. Pabiro lang itong sinaaman ng tingin ni Sir. "Tara?"
Sa totoo lang, maraming nagsasabing hindi naman crushable itong si Neo. Balita ko nga ay ako palang ang unang nagkakagusto sakaniya. Napakasimple niya kasing lalake. As in simple. And because of his simplicity, I got stunned with his very simple movements. Of his awkward laugh. Of his corny puns. Of his mysterious yet smiling eyes. Of his rational opinions. Of his sweet little world.
"Macy?" napatalon ang kagkabila kong balikat nang may pumitik sa harap ko, "Ayos ka lang?"
"Ah. . . Oo," umayos ako ng upo sa kama dito sa loob ng infirmary. Wala pa si Maam Nurse kaya tahimik lang kaming dalawa. Siya nakaupo sa paanan ng isang kama habang ako naman ay nakaupo sa katabing kama na kinauupuan niya. Muli itong tumalikod saakin.
"Hmm. . ." kahit ata siya naa-awkwardan. Shit ayoko na dito! "Higa ka kaya muna?"
Mahina man, hindi ko pa rin naitago ang singhap na lumabas sa bibig ko. Mukhang napansin niya 'yun at hindi kalauna'y napasapo sa kaniyang noo. Tumawa siya ng mahina bago ako nilingon.
"Diba kasi may lagnat ka? Baka nahihilo ka o ano," paliwanag nito na sinamahan ng mahianng tawa.
Shit naman po, bakit?! Bakit ako kinikilig!! Celine, tulungan mo ako! Need back-up here, please!!
Mangigiti na sana ako ang kaso may sumagi sa utak ko, "Ah, pwede ka namang bumalik na sa klase. Ayos lang naman ako dito." Ayokong makaistorbo pa. Lalo na sayo. . .
"Psh. Ayoko d'on. May graded recitation," humalakhak ito. "Dito nalang ako. Tahimik na, malamig pa."
Tahimik ko lang siyang pinanood habang umaayos siya ng tayo. Dahan-dahan itong naglakad palapit saakin. Ganon nalang ang bilis ng kalabog ng dibdib ko nang huminto siya sa aking harap. Nanigas ako sa kinauupuan ko nang marahang lumapat ang kamay niya sa noo ko. Ngumisi ito matapos ang ilang segundo.
"Ikaw ha. . ."
"Ha?"
Lumapit ito saaking tenga at bumulong-in a childish way, "Wala ka namang lagnat eh."
Hindi ako nakasagot.
"Ah! Kaya pala may dala kang hot drink pagpasok mo kanina," tumango-tango ito, "kanina pa ako nagtataka eh. Kasi kung malelate ka, hindi mo na iisiping magdala pa ng drinks. But given the cold weather, siguro nga ayun yung dahilan."
Wala akong masundan sa mga sinasabi niya. Ngayon lang kami nagkaroon ng one on one talk ni Neo except noong naging kagrupo ko siya sa EAPP at noong misa at sinabihan niya ako ng Peace be with you. But all in all, ito ang first official casual talk namin ni Neo!
"Well, ayun yung naisip ko kanina. Pero ngayong nakita kong wala ka namang lagnat-" tumaas-baba ang kilay nito, "-alam ko na ang totoong dahilan sa kung bakit ka nag-abalang magdala ng kape."
Binasa ko muna ang nanunuyot kong labi bago nagsalita, "A-Anong. . . ibig mong sabihin?"
"Ginawa ko na rin 'yan dati," tumawa ito, "Sabi kasi doon sa Google, uminom ka raw ng mainit na inumin bago ka gumamit ng thermometer. Tsaka medyo nakakainit kasi ng katawan 'yun eh. And if I may add, mamaya kapag kukuhanan ka ng temperature, diinan mo 'yung pagkakaipit mo ng thermometer sa kili-kili mo para madagdagan 'yung init ng katawan mo."
"Baliw talaga 'to!" Its too damn late to realize I've said that out loud. Nawala kasi ang ngisi sa labi niya at nakatingin lang saakin na para bang isa akong imposibleng nilalang.
"Tao ka rin pala 'no?" rinig ko ang pang-aasar sa boses niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Ngayon mo lang narealize?" Ewan ko kung saan na napunta 'yung linyang pinanghati ko sa pagitan namin ni Neo. Basta ang alam ko lang, nawala nang parang bula ang mga restrictions ko sa aking sarili.
At the end of the day, I came to realize that Neo and I impossibly get along with each other.
-ˋˏ ༻☁︎༺ ˎˊ-
"EH?!" Agad akong napabangon sa pagkakahiga ko. "PANAGINIP LANG?!"
Alas-tres palang ng madaling araw pero gising na ako. Nagising ako. . . sa isang panaginip? 'Yung nangyari sa infirmary panagi-Nah, it's not a dream.
Nangigiti akong lumapit sa aking sidetable kung saan nakapatong ang isang papel.
Lakas mo palang maghilik!
Aksidente kong na-record, sorry!
Mwahahaha. Gagawin ko 'tong
pampatulog tuwing gabi!
Kanina pagkauwi ko, naalala kong ilang beses ko pala itong binasa hanggang sa makatulog ako kaka-daydream. Ngayong bigla nalang akong nagising, malamang ay hindi na ulit ako makakatulog.
Ngayon lang ata ako dinapuan ng saya kahit na papasok na naman akong puyat maya-maya. Excited na akong pumasok! Ano kaya ang susunod na mangyayari?
-ˋˏ ༻☁︎༺ ˎˊ-
Tatlong araw na ang lumilipas, wala. Walang nangyari! Walang kadugsong! Iniwang nakanga-nga ang kawawang si Macy. Akala ko pa naman makaka-step up na ako sa round two. 'Yun pala game over na!
Ayun, back to normal na ulit kami ni Neo. Isang row lang ang inilayo ko sakaniya pero sa loob ng tatlong araw ay hindi man lang kami magkasalubong ng tingin gaya ng dati. 'Yung kahit aksidenteng pagkakabanggan ng tingin ba. Kaso ngayon wala eh. As in zero talaga.
Ang malas pa kasi kahit inulan kami ng groupings, never ko siyang nakagrupo. Kahit nga sinubukan ko nang dayain 'yung number na naassign saakin para masakto sakaniya, sa huli palpak pa rin.
Akala ko pa naman pagpasok ko kinabukasan, aasarin niya ako dahil sa lakas kong humilik. Naghanda pa naman ako ng mga isasagot sakaniya. Nagbaon din ako ng mga posibleng pag-uusapan kung sakaling magkatabi kami ng upuan sa groupings.
Asa pa more.
-ˋˏ ༻☁︎༺ ˎˊ-
And here I come! One week na ang lumipas. Linggo ngayon at may pasok na naman bukas. Puyat pa rin ako at hindi parin kami nakakapag-usap ulit ni Neo. Hindi sa hindi ko na siya gusto pero may parte saaking tinanggap nalang na hindi na mauulit pa ang nangyari noong araw na 'yun. Gusto ko pa rin naman siya. . .
Alam kong wala na namang pag-asang makatulog ako kung hindi pumapatak ang alas-tres y media kaya napagpasyahan kong mag open nalang ng Facebook. Gamit ang nakapatong na laptop saaking hita, nagsimula akong magsayang ng oras ko kakatingin ng mga mukha ng kakilala ko. Mabuti nalang talaga at may mga memes kaya medyo na-entertain ako kahit papaano.
Ilang oras na ang lumilipas at nakadapa na ako saaking kama habang pinapanood ang dahan-dahang pagpisa sa mga random na gamit. Titig na titg ako sa screen ng laptop ko ng biglang may dumapong ipis at. . . at literal kong naibalibag ang laptop ko! Kung ano-anong posisyon ang nagawa ng laptop ko dahil doon. Gamit ang librong malapit ay paulit-ulit ko itong pinagpupupukpok.
Nang kumalma ako matapos ang ilang minuto ay pasalampak akong humiga sa kama. Nakita ko 'yung ipis na dead on arrival na kaya alam kong safe na ako. Or not.
"Macy?" nagtaka ako nang may magsalita galing sa laptop ko, "Hello?"
Dahil sa takot na may lumipad ulit na ipis ay binuksan ko nalang ang ilaw ng kwarto ko. After that, I retrieve my poor injured laptop. . .?!
"Holy shit?" natawa ako sa sobrang gulat, "Neo?"
"Woah! Lutong ah?" humalakhak ito sa kabilang linya. Wew. Cool natin ah? Parang di namansin ng one week ah?
Pinanood ko ang buong mukha niya sa monitor, "Bakit ka tumawag?"
"Ha? Eh ikaw kaya 'yung tumawag."
Napamaang naman ako sa nakangisi niyang mukha, "Ako? Bakit ako. . ." Biglang sumagi saakin 'yung sa ipis kanina at sa laptop kong bumale-balentong, "Ay siguro nga ako 'yung tumawag hehe."
"Siguro?" umayos siya ng upo at medyo lumiwanag ang paligid niya. Naging visible ang kulay white niyang t-shirt.
"May lumipad kasing ipis kanina edi nahagis ko sa kumpol ng unan 'yung laptop ko. Baka siguro napindot."
"Definitely."
"Ah, siguro nga. . ."
"Hmm. . ."
"Putulin ko na ah?" Tumanggi ka please. . .
"Wag," sinamahan niya pa ng pag-iling. Shit.
"Feeling ko nasa kalagitnaan ka ng laro? COD ganon?"
Hindi siya sumagot, instead, he innocently shrugs his shoulders. "Bakit gising ka pa?"
"Hindi agad ako nakakatulog eh."
"Oh. Gabi-gabi?"
"Yeah. Kaso nitong mga nakaraang araw, medyo lumala. Dati naman eh 12 lang ng hating gabi, inaantok na ako. Ngayon eh umaabot na ako ng 3 to 4 am."
"I see. So totoo pala 'yun?" Sinapo nito ang kaniyang ulo, "Sorry ah?"
"Ha?"
"Kasalanan ko ata eh—" tinanggal niya ay kamay na nakaharang sa kaniyang mukha at tsaka siya ngumuso, "—may nakapagsabi kasi saakin na kapag hindi raw makatulog ang isang tao sa gabi, either gising siya sa panaginip ng isang tao o iniisip siya ng tao na 'yun."
"Okay? So?" kinakagat ko na ang panloob na pisngi ko para pigilan ang marupok kong ngiti.
"Both are applicable to me. Madalas kasi kitang napapanaginipan at naiisip. . ." ngumiti siya sa kabilang screen kaya nahawa na rin ako, "Kaya sorry kung puyat ka palagi."
Kusang kumawala ang halakhak sa labi ko. Dahil siguro sa hindi makapaniwala sa nangyayari. At dahil na rin siguro sa kilig?
"Advance sorry na rin at mukhang mapupuyat ka pa lalo sa mga susunod pang araw."
-ˋˏ ༻☁︎༺ ˎˊ-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top