Kontrabida 6


Kontrabida 6

Today is sunday, naghahanda ako ngayon para umalis dahil pupunta ako ng mall. Ito ang araw kung saan gagala ako mag-isa, yes mag-isa pero ngayong may kaibigan na ako, di na ako mag-iisa. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si bakla.

To: Baklang Arvy

Hey punta tayo ng mall, shopping tayo tas kain. Pumayag kang bakla ka!

Kagat labi kong sinend ang text ko kay Arvy, sana pumayag siya kung hindi bugbog ang aabutin niya sakin. Pagkatapos niyang kunin lahat ng pang make up ko kahapon! Yes kahapon nandito siya, tinour ko siya sa mansion namin at ang bakla, gandang ganda sa bahay ko, kulang na lang magpa-ampon na sakin. Marami akong binigay na mga gamit sakanya na hindi ko naman nagagamit, katulad na lang nung mga gamit na nasa box na binigay sa akin ni Cora, binigay ko na lang sakanya, total hindi ko naman magagamit yun dahil hindi ako tatanggap ng kahit ano sa impaktang yun kaya mas mabuting ibigay ko na lang kesa sunugin o itapon ko sa basurahan. Ganon ako kabait na kaibigan.

Pati yung mga pang-make up ko, hiningi ni bakla. Binigay ko na lang sakanya kasi hindi naman ako gumagamit ng mga ganon, natural na ganda kaya to!

Nakwento niya din sakin na may financial problem ang family niya kaya ganoon na lang daw siya kaburaot sa akin. Pinabackround check ko na din siya para masigurado ko na hindi siya ex-convict. Nung nalaman niya nga yun, pinagsasabunutan niya ako! Ang kapal ng mukha. Sinisigurado ko lang naman, malay mo naman diba. Malalagot kasi ako kay Dad kapag nalaman niyang may pinapasok akong kriminal sa mansion. Pero hindi naman ganun si Arvy, mukha lang talaga siyang takas sa kulungan.

Nalaman ko din na may kaya lang sila sa buhay. Good thing, dahil ayoko ng hampaslupang kaibigan. Nalaman ko din na mayroon silang maliit na kompanya na pagmamay-ari ng pamilya niya, at dahil mabait akong kaibigan, kakausapin ko si Dad na tulungan ang kompanya nila para lumago ito para matigil na ang kaburaotan ng baklang yun sa akin.

Nahiga ako sa kama ng hindi pa nagrereply si bakla, super tagal, baka wala tong load kaya di makatext. Hinanap ko ang name niya sa contacts at napagdesisyunan ko na tawagan na lang siya.

"Hoy bakla, ano sasamahan moko o hindi?" bungad kong tanong sakanya ng sagutin niya kaagad ang tawag ko.

"Oo na ito na, nagbibihis na ako. Wag kang masyadong atat dyan, alam mo bang kagigising ko lang! Naloloka ako sayo, istorbo ka." naiinis niyang sagot sa akin.

"Wala akong pake. Basta bilisan mo na dyan, naiinip na ako." banggit ko at iiend ko na sana ang call ng may sinabi pa siya.

"Oo na papunta na! Basta libre mo ah." napairap na lang ako sa sinabi niya, napakapoor naman ng baklang to. Pero sige na, wala naman akong choice eh.

"Oo na! Buraot ka talagang bakla ka." inend ko na ang call at lumabas na ako ng room. Napairap naman ako ng makita ang mga hampaslupa sa baba, titig na titig sila sa bawat hakbang ko sa hagdan, hindi ko sila masisisi, masyado ko kasing ginandahan eh. Lalabas na sana ako ng pinto ng bahay ng marinig ko ang boses ng impakta. Here we go again, for sure magtatanong yan kung saan ako pupunta. Pakialamera.

"Oh san ka pupunta?" sabi ko na nga ba at magtatanong siya, may dala siyang kape at halatang galing ito ng kusina. Umupo ito sa sofa at tinitigan ako ng mapang-asar. Ano nanaman bang problema ng impaktang to? Balak niya nanaman bang sirain ang araw ko? Well naging hobby niya na ata yun, inggit lang siya dahil mas maganda ako sakanya.

"Pupunta ako ng mall, bakit anong pake mo?" tinarayan ko siya at aktong lalabas na ako ng mapansin kong nakalock ang pinto, bwesit sinong may gawa nito? Naiinis akong humarap sakanya. Siya lang naman ang pwedeng gumawa nito eh, bwesit talaga siya.

"Ano nanaman ba'to, don't tell me bawal na din ako gumala?" deretso kong tanong sakanya. Hindi talaga siya pumapalya na inisin ako.

"Yes bawal kang gumala dahil marami ka pang gagawin. Diba sabi mo nung nakaraan, marami kang kayang gawin na hindi ko alam? Pwes patunayan mo." lumapit siya sa akin at inabot ang isang papel na naglalaman ng mga gagawin ko ngayong araw. Napairap na lang ako sa kawalan ng mabasa ko ito. Seryoso ba siya? Gagawin ko lahat ng ito? Bakit ko ba kasi sinabi yun sakanya! Hindi talaga titigil ang impaktang to sa pambubwesit sakin araw-araw.

"Oh anong tinatayo-tayo mo pa dyan? Magsimula ka na!" singhal niya, inirapan ko siya at padabog na umalis. Bakit ba kailangan kong gawin to? Pwede ko naman siyang hindi sundin eh. "Siguraduhin mo lang na tapusin mo yan lahat dahil kung hindi, grounded ka ng one month." uminit ang dugo ko ng marinig ko ang sinabi niya. One month? Fck hindi ko kaya yun. Ayokong mabulok sa mansion na'to na kasama siya!

Umakyat na ako sa taas at hindi ko na siya pinansin, baka masagot sagot ko ulit siya kung hindi ako makapagtimpi. No choice, kailangan ko siyang sundin, sigurado ako na utos nanaman to ng mga magagaling kong magulang. Pinagkakampi-kampihan nila ako ah. Makikita nila.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Arvy, sinabi ko sakanya na tinatamad na akong lumabas. Nagpalit ako ng simpleng damit dahil alam kong mahabang araw ito para sa akin. Hindi naman ako nasstress dahil alam ko namang andyan si Cacay para tulungan ako sa mga gagawin ko.

Kinuha ko ulit ang papel na naglalaman ng mga gagawin ko. Ang una ay magligpit ng kwarto, psh piece of cake, hindi ko na need ang tulong ni Cacay dahil nung isang araw nilinis niya na ito, kunting dampot dampot lang ng mga kalat at charan malinis na ulit.

Ito na ba yun? Ni hindi nga ako pinagpawisan eh, akala ba ng Cora na yun mahihirapan ako? Akala niya lang yun. For sure tuwang-tuwa nanaman ang impaktang yun sa ginagawa niya sa akin. Pwes hindi ko ibibigay ang gusto niya, ipapamukha ko sakanya na di ako nahihirapan.

Binilisan ko ang pagkilos ko dahil kailangan kong matapos ito kaagad para makalabas na ako sa impyernong to.

Okay tapos na ako!

Next, linisan ang kwarto ng impakta. Seryoso? Pati kwarto niya kailangan kong linisin? Napailing-iling akong lumabas ng kwarto, no choice, baka magrounded ako ng tuluyan kung hindi ako susunod. Pumasok ako ng kwarto niya at nanlaki ang mga mata ko dahil sa sobrang dami ng kalat. Kwarto pa ba to?

Naiyukom ko ang mga kamao ko dahil sa biglang pumasok sa isip ko, maaaring sinadya niya tong ikalat para mas mahirapan ako. Ang sama talaga ng ugali ng impaktang yun.

Huminga ako ng malalim bago magsimula, inuna kong dampotin ang mga damit niyang nakakalat. Inamoy ko ito upang matukoy kung ano ang labahan at kung ano ang hindi. Nilagay ko sa isang basket ang mga labahan at ang mga hindi naman ay nilagay ko sa walk in closet niya. Halos mapuno ang isang basket dahil sa mga damit niyang mabantot. Sunod kong inayos ang kama niya, mukhang hindi na ito kama dahil sa ayos nito, yung totoo may inuuwi bang lalaki ang impaktang yun dito? Mahuli ko lang talaga siya, malalagot siya kay Dad.

Halos isang oras ang tinagal ko sa paglilinis sa kwarto niya, at sa wakas natapos din. Inikot ng paningin ko ang kabuuan ng kwarto niya hanggang sa naagaw ang atensyon ko ng isang picture frame na nakasabit sa dingding. Tinitigan ko ito, may dalawang batang babae sa picture, ang isa ay si Cora at ang isa naman ay ang totoong Mia. Ang saya saya nilang tingnan sa picture. Pero mas naagaw ang atensyon ko sa suot nilang damit, nakaburda kasi dito ang pangalan nila pero ang pinagtataka ko ang nakaburdang pangalan sa damit ng totoong Mia, ang nakalagay kasi dito ay Samea. Sino si Samea? Nevermind.

Napatitig ako sa mukha ni Mia, sobrang saya niya, naaalala ko ang dating ako, ang dating masayahin na Maeya. Oo, Maeya ang pangalan ko noong nasa bahay ampunan pa ako. Palagi akong masaya dati kahit wala ako sa tabi ng mga totoo kong magulang dahil tinatak ko sa isipan ko noon na may mabuti silang dahilan kung bakit nila ako iniwan sa bahay ampunan na iyon. Pero ngayon ni hindi na sila sumasagi sa isipan ko, kinamumuhian ko na sila kung sino man sila. Anong klase silang magulang at iniwan na lang nila ako basta basta sa bahay ampunan na yun, walang matinong magulang na iiwanan ang kanyang anak kaya kung ano man ang dahilan nila, napakatangina ng dahilan na yun!

Huli ko na napansin na lumuluha na pala ako habang nakatitig sa larawan na yun. Pinahid ko ito, pinapangako ko sa sarili ko na hindi na ako uulit iiyak ng dahil sainyo, dahil para sa akin pinatay ko na kayo sa isipan ko, wala kayong kwenta.

Lumabas ako ng kwarto ni Cora na walang ekpresyon ang mukha. Nagulat ako ng nasa harapan ko pala siya.

"Buti nakalabas ka pa, akala ko namatay ka na dyan sa loob." tinitigan ko siya at sinimangutan. Wala ako sa mood para makipagbangayan sakanya ngayon. Bumaba ako ng hagdan, kinuha ko ang papel na nasa bulsa ng short ko, ang susunod kong gagawin ay ang maghugas ng pinagkainan kanina. Napairap ako sa kawalan, halatang sinadya talaga ito ni Cora na wag ipahugas sa mga katulong para ako ang gumawa.

Dahil napagod ako kakalinis kanina, hinanap ng mga mata ko si Cacay upang sakanya ipahugas ang mga pinagkainan. Pero kanina pa ako paikot ikot sa mansion eh wala akong Cacay na makita. Dumaan sa harap ko si Doray kaya tinanong ko ito.

"Hoy hampaslupa, nasaan si Cacay?" nakasimangot  itong humarap sa akin, halatang pagod sa ginagawa niya.

"Tinanggal na po ni Señorita Cora si Cacay sa trabaho." nagulat naman ako sa sinagot ni hampaslupang Doray. Bakit naman ginawa yun ni Cora? Para walang tumulong sa akin? Napakagaling niya talaga, konti na lang mapupuno na ako sakanya.

So anong gagawin ko? Napangiti akong humarap kay Doray. Siya na lang kaya pahugasin ko? "B-bakit po?"

"Tara dito may ipapagawa ako sayo." banggit ko pero hindi ito lumapit sa akin bagkus tinitigan niya lang ako ng masama. Iniinis ba ako ng hampaslupang to?

"A-ayoko!" nagulat ako ng sigawan ako nito, ang kapal ng mukha. Hindi niya ba alam ng dahil sakanya kaya nangyayari ito sa akin? Hindi ako nakapagtimpi at lumapit ako sakanya, hinablot ko ang buhok niya at pinagsasabunutan siya. Hindi ako makakapayag na sigaw-sigawan ako ng isang katulong na kagaya niya! Wala siyang modo!

"Gusto mo bang mawalan ng trabaho ha?!" nanggigigil kong tanong sakanya. Hinigpitan ko ang hawak ko sa buhok niya at inangat ko ang pagmumukha niya sa tapat ko. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Wala kang karapatan na tanggalin ako dahil unang-una ampon ka lang! Hindi ikaw ang nagpapasweldo sa akin." uminit ang dugo ko sakanya kaya naitulak ko siya ng sobrang lakas. Tumama ang ulo niya sa sahig na ikinagulat ko. Bagay lang sakanya yan, kung pwede lang iuntog siya ng paulit-ulit sa sahig eh ginawa ko na.

"M-makakarating ito sa Daddy mo!" tumayo siya sa pagkakasalampak sa sahig at sinangga ako. Napangiti akong tumingin sakanya ng mapansin kong nagkabukol ang noo niya dahil sa ginawa ko. Yan ang mga napapala ng mga katulong na hindi marunong lumugar. Kung tutuusin ang swerte niya dahil yun pa lang ang nangyayari sakanya kumpara sa mga dating katulong na halos lumuhod sa harapan ko.

Naiinis akong pumunta ng kusina at labag sa kalooban na hinugasan ang mga pinagkainan. Dahil sa pagkairita ko, naitapon ko ang mga basong hinuhugasan ko. Nabasag ang mga ito, favorite na baso pa naman yun ni Mom. Napangiti naman ako. Isa isa kong hinulog ang mga baso at mga pinggan sa sahig para mabawasan ang mga huhugasan ko. Ang talino ko talaga.

Mas lalo akong napangiti ng marinig ko ang pagsigaw ni Cora. "Hoy magdahan dahan ka nga!" singhal niya pero hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ang paghuhugas, tuwang-tuwa kong sinabon ang isang mababasaging cup at sinadya itong madulas sa mga kamay ko.

"Ops di sadya, dulas kasi eh." banggit ko at nginitian siya ng mapang-asar. Pinagpatuloy ko ang pahuhugas ko at ang pagkukunwari na nadudulas ang mga baso sa kamay ko. Alam ko kasing nakabantay ang impakta sa likuran ko. Asar na asar itong tumingin sa akin, nginitian ko siya at nagpeace sign.

Hindi ko na natapos ang paghuhugas dahil pinatigil na ako ni Cora, ang tanga tanga ko raw kasi gumalaw hahaha. Tuwang-tuwa naman ako dahil sa mga binabalak ko. Kung gawin ko kayang mga palpak ang mga gagawin ko? For sure maiinis ko si Cora sa ganong paraan. Humanda ka impakta.

Ang sunod kong gagawin ay ang maglaba, tuwang-tuwa kong kinuha ang mga labahan with matching pakanta- kanta at pasayaw-sayaw pa. Binasa ko lang ito at sinampay, bakit kasi kailangan ko pang pagurin ang sarili ko kung pwede ko namang gawing madali ang lahat? Ngiting-ngiti kong pinapanood si Cora na amuyin ang mga nilabhan ko, sumama ang mukha nito ng maamoy niya at makita na madumi pa ang mga ito, pinakuha niya ito sa mga katulong at pinalabhan ulit. Inis na inis itong tumingin sa akin, success!

"Hindi ka talaga maaasahan, akin na yan." hinablot niya ang papel na hawak ko at nilukot ito. "Grounded ka ng 1 week dahil sa mga kapalpakan mo." umalis ito sa harapan ko at padabog na umakyat sa kwarto niya. Napatalon talon ako dahil sa sinabi niya, atleast 1 week lang diba hindi 1 month, at sa wakas makakapagpahinga na ako!

Masayang-masaya akong umakyat ng room ko at nagpahinga. Mas magaling pa rin ako manira ng araw kesa sayo Cora.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top