Kontrabida 5
Kontrabida 5
Of course I know him, sino bang hindi makakakilala sakanya eh anak lang naman siya ng pinakasikat at pinakamayaman na tao dito sa bansa. Hindi ko aakalain na dito siya papasok sa school ko eh may sarili naman silang school. Mas bongga pa nga ang school niya sa pagkakaalam ko.
Sila ang mga taong hindi dapat binabangga at kinakalaban, pero anong ginawa ko? Pinagsalitaan ng masama, sinaktan, inasar at kung ano ano pa. Nahihiya akong tumingin sakanya, prenteng prente itong nakaupo sa tabi ko at nakikinig sa teacher. Hindi mo mahahalata na isa siyang anak ng isang mayaman dahil sa ayos niya, ang simple lang ng dating niya. That's why I thought he's just a nobody.
"Tinitingin-tingin mo?" nagulat ako ng mahuli niya akong nakatingin sakanya.
"Bakit masama bang tumingin?" balik kong tanong sakanya at nagflip ng hair, wala akong pake kung mas mayaman siya sakin, as long as nakatapak siya sa school ko, mas powerful ako.
"Oo masama, lalo na kapag ikaw ang tumingin. Ang sama mo tumingin eh, kulang na lang hubaran moko." mayabang nitong sagot at napailing-iling na humarap sakin. Hindi ko mareach ang kahanginan niya, feeling hot at feeling gwapo.
"Mukha kang tingting para hubaran duh." umarte ako na nandidiri sakanya at bumaling na lang sa harapan upang makinig sa lesson. Napakamot naman ako ng ulo ng hindi ko na maintindihan ang tinuturo ng teacher, kasalanan to ng Pepsi na'to eh, istorbo sa buhay ko! Tiningnan ko siya ng masama at nagcellphone na lang, wala na ako sa mood para makinig sa lesson.
Habang nagseselfie ako narinig ko ang nakakarinding boses ni Annie na kasalukuyang nagrerecite, ayan nanaman siya, napakapabida. Mukhang hindi na siya nilalamig sa suot niya, todo pacute pa ito sa harapan habang nagrerecite na akala mo naman kinaganda niya.
Hindi ako nagpatalo sakanya, nagtaas din ako ng kamay at nagrecite na din. Kahit minsan hindi ako nakikinig eh may naiintindihan naman ako, at hindi sa pagmamayabang pero matalino ako. Lagi akong nasa top ng klase noong elementary at high school pa ako.
"Very good Mia." puri ng teacher ng marinig niya ang sagot ko.
Nginitian ko ng mapang-asar si Annie dahil mas tama ang sagot ko kumpara sakanya. Nagpalakpakan ang mga kaklase ko na ikinatuwa ko. Sumama ang mukha niya sa akin, alam ko ang kahinaan niya, ang grades niya. Kung hindi siya makakapasok sa top ngayong semester, matatanggal siya sa scholarship, at kapag nangyari yun, hindi na siya makakapag-aral dito sa school ko. Ganyan ang mga nararanasan ng mga hampaslupa na kagaya niya. Walang perang pang-enroll, lagi na lang silang umaasa sa scholarship, nakakaawa.
Classmate ko na siya since high school, and since high school napakapoor niya na talaga. Nakilala siya ng mga tao dahil sobrang bait niya, masiyahin at matulungin. Simula pa nung una mainit na ang dugo ko sakanya, lagi namin siya pinagtitripan ng mga alipores ko. Pero hindi siya nagpa-apekto sa amin at mas lalo pa siyang nag-aral hanggang sa siya na ang nauuna palagi sa klase. Hindi ko aakalain na malalamangan ako ng isang kagaya niya sa katalinuhan. Simula noon, kaming dalawa na palagi ang nag-aagawan sa pagiging top 1 sa klase, pero ako lagi ang nauuna sakanya at siya ang palaging pangalawa. Alam kong inggit na inggit siya sa akin noong mga araw na yun, lahat ng meron ako ay wala siya.
Hanggang sa nagawa niya na akong siraan, inagaw niya sakin lahat, ang mga kaibigan ko, ang mga alipores ko, ang boyfriend ko, ang mga humahanga sakin, inagaw niya lahat pati na ang pagiging top 1. Gusto niya akong bumagsak para malamangan niya ako. At yun na nga, nagtagumpay siya sa mga ginawa niya. Mas minahal siya ng mga tao kesa sa akin. Mas hinahangaan na siya ng mga tao, pinagpipilahan na siya ng mga lalaki, at higit sa lahat ginagalang siya ng lahat. Samantalang ako, galit sakin ang lahat at puro masasamang salita lang naririnig ko patungkol sa akin dahil sa mga paninira niya.
At ngayon, siya naman ang sisirain ko.
Tumunog na ang bell at lumabas na ang teacher namin. Habang hinihintay namin ang susunod na teacher, hindi ko maiwasang titigan ng masama si Annie. Naiirita ako sa pagmumukha niya. Kahit anong gawin kong masama sakanya, hindi pa din nabubura ang nakakainis na ngiti sa mga labi niya. Paano niya nakakaya ang isang katulad ko?
Napatingin ako sa kaklase kong bakla na nasa unahan ko na nakaupo, tiningnan ko ang ginagawa niya, hawak niya ang kanyang salamit habang ngumunguso at naglalagay ng liptint. Mukha siyang tanga. Kinalabit ko siya kaya lumingon naman ito kaagad sa akin.
"May water ka?" tanong ko sakanya.
"Meron, bakit makikiinom ka?" napangiwi naman ako sa sinabi niya, yuck ako makikiinom sa ganyang mukha? Wag na lang, baka magkavirus pa ako. Kinuha niya ang bottled water na nasa bag niya at binigay niya sa akin. Kukunin ko na sana ito ng bigla niyang nilayo ang bote ng tubig sakin.
"100 pesos." mataray niyang banggit at nilahad niya ang kanyang kamay. Napakacheap naman ng water niya. Naiinis kong kinuha ang wallet ko at binigyan siya ng one thousand. Nagulat naman ito at napatingin sa akin.
"Bongga! Nagbibiro lang naman ako sis, pero okay sige sayang naman itech." binigay niya sa akin ang water at malaking ngiting tinanggap ang pera. Napairap na lang ako sa kawalan, mukhang pera.
"Wait, may ipapagawa ako sayo." lumapit ako sakanya at ngumiti naman ito. Nakukulangan ako sa ginawa ko ngayong araw kay Annie, gusto ko siyang makitang umiiyak ngayong araw.
"Ano yun?" maarte niyang tanong at pahawi-hawi pa ito sa maikli niyang buhok. Feelingera ang baklang to!
"Ibuhos mo ito kay Annie." binigay ko sakanya ang tubig. Tiningnan niya akong nagtataka.
"Si Anniestaysia Monterey?" tanong niya, tumango naman ako bilang sagot.
"Kapag nagawa mo yun, friends na tayo." abot tenga naman ang ngiti niya habang nakaharap sa akin, sino ba naman kasi ang taong di gugustuhin na maging kaibigan ako? Kung tutuusin parang nanalo ka na sa lotto kung magiging friend mo ako, dahil maganda na nga ako, mayaman pa. Jackpot na jackpot ka.
"Gusto ko yan!"
Maarte itong tumayo at rumampa papunta sa harap ni Annie at binuhos ang tubig sa ulo nito. "Hala ang ganda mo pala sis kapag basa. Mukha kang sirenang mabantot." tumawa ito ng malakas at sinabayan naman ito ng mga kaklase namin. Hindi pa nakuntento si bakla at inagaw pa nito ang tubig ng katabi ni Annie at binuhos niya ulit dito. I like this gay! Kailangan niyang maging alipores ko. Tumawa sila ng malakas habang tinitingnan si Annie na tahimik lang na tinatanggap ang mga pang-aasar nito. Basang basa na siya dahil sa ginawa ni bakla.
"Mukha kang halaman dyan. Need mo talagang diligan kasi mukha kang tigang." banggit ko ng makalapit ako sa pwesto nila, nakipag-apir naman sa akin si bakla na tuwang-tuwa.
Tiningnan ko si Annie na basang basa, wala itong imik at nakayuko lang. Oh come on, umiyak ka na please para buo na ang araw ko.
"Diligan niyo pa nga to, mukhang nakukulangan eh." banggit ko sa mga classmates ko, isa isa namang lumapit ang mga kaklase namin kay Annie at pinagbubuhusan siya ng kung ano-ano. Punong-puno na ng mantsa ang uniform niya, tawa lang kami ng tawa ni bakla habang pinapanood siya. Mukhang naputulan ng sungay ang mang-aagaw, hindi lumalaban eh.
Napahinto si bakla sa pagtawa. "Girl patigilin mo na sila, nakakaawa na siya oh." suhesiyon nito habang nakatingin kay Annie. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Gusto mong samahan siya?" mataray kong tanong sakanya. Tumawa naman ito at pinaghahampas ako, feeling close ang baklang to, pero infairness gusto ko siya.
"No way, sayo lang ako sasama no!" napangiti naman ako sa sinabi niya, sa wakas may isa na akong alipores, hindi na ako mag-iisa.
"Ano pala name mo?" tanong ko kay bakla.
"Arvy Smith, ang pinakamagandang bakla dito sa school mo!" pagpapakilala niya, kung hindi niya lang sinabi na pinakamagandang bakla, masasapak ko siya, alam naman nila na ako ang pinakamagandang babae dito.
Nagulat kami sa pagtayo ni Annie at pagtulak sa mga nakapalibot sakanya, punong-puno na ng dumi ang uniform niya, bagay lang sakanya yan dahil para sakin isa siyang malaking dumi.
Derederetso itong pumunta sa likod at binuksan ang locker niya, nagulat ito ng punong-puno ng spaghetti ang mga extrang damit niya. Tumawa ako ng malakas, succesful ang plano ko.
Gulat na gulat na tumingin sa akin si Arvy, "Don't tell me ikaw ang gumawa non?" tinaasan ko siya ng kilay at hinawi ang buhok ko na nakaharang sa maganda kong mukha.
"Ako nga." pagmamayabang ko.
"Omg ang kontrabiba mo girl!" tumawa kami ng malakas ni Arvy. Galit na galit na tumingin sa akin si Annie, sa tingin niya ba masisindak niya ako sa tingin na yan? Bago siya lumabas ng pinto tinaas niya ang middle finger niya at tinapat sa akin. Gulat na gulat na humarap sa akin si Arvy. Ang lakas ng loob niya!
"Wow attitude ang bakla!" pagpaparinig ni Arvy pero tuluyan na itong nakalabas ng classroom. "Girl do something, pinakyu ka niya oh, papayag ka ba dun?" ngumiti ako sakanya ng nakakaloko.
"Syempre hindi." inirapan ko siya at umirap din ang bakla. "Let's go, may gagawin pa tayo sakanya. Hindi pa tayo tapos." kinuha ni Arvy ang bag niya at bag ko at lumabas na din kami ng classroom. Hindi ako makakapayag na hindi ko siya makitang umiiyak ngayong araw.
Sinundan namin siya at pumasok ito ng comfort room at pumasok sa isa sa mga cubicle sa loob.
"So anong gagawin naten?" tanong ni Arvy, nasa labas pa din kami ng cr at nag-iisip kung anong pwedeng gawin sakanya hanggang sa nakita ko si Kuyang Janitor. May dala dala itong balde na may laman na maduming tubig, for sure mabaho ito dahil sa kulay nito. Yuckie.
"Hey manong, amin na lang yan." sabi ko at tinuro ang balde, binigay din naman niya ito sa amin kaagad.
"Ibuhos mo'to sakanya." utos ko kay Arvy na ikinagulat niya.
"Bakit ako?" maarte nitong tanong habang diring-diri na tiningnan ang laman ng balde.
"Ang arte mo! Bilis na!" pinandilatan ko siya kaya kaagad niya naman itong binuhat. Susunod din naman pala eh, dami pang kaartehan. Baklang to!
Pumasok na kami ng cr at rinig na rinig namin ang paghagulhol niya. Yan tama yan, umiyak ka lang ng umiyak. Yan ang bagay sa mga mahihinang nilalang na kagaya mo.
Dahan dahang pumasok si Arvy sa katabi ng cubicle, at umapak sa inidoro at mabilis niyang binuhos ang laman ng balde sa isang cubicle na katabi nito. Rinig na rinig namin ang pagsigaw ni Annie sa loob.
Mabilis na lumabas ng cr si Arvy at nakipag-apir sa akin. "Success! Tara na baka mahuli pa tayo." banggit nito at tumakbo na kami papuntang cafeteria. Nang makarating kami ng cafeteria, tawa lang kami ng tawa ni bakla. Ang saya talaga gumawa ng mga kalokohan.
"Napagod ako dun girl. Bwesit ka." pagrereklamo nito at umupo kami sa isa sa mga table na nasa cafeteria. Inamoy nito ang kamay niya at sumama ang mukha nito, "Omg ang baho!" tinakpan nito ang ilong niya.
"Ang dugyot mo, maghugas ka nga muna dun." sabi ko at diring-diri na tiningnan siya. Ano na lang kaya ang magiging amoy ni Annie? Hindi ko maimagine.
Nag-order na ako ng pagkain ko habang naghuhugas pa ng kamay si Arvy. Hindi ko mapigilang mapangiti, sa wakas may makakasanama na ulit akong kumain.
Pagdating ni Arvy, nag-alcohol ito at masama pa rin ang mukha nito. Ano kayang amoy non?
"Order anything you want. Treat ko." banggit ko na ikinatuwa niya.
"For sure?" tanong nito, tumango naman ako bilang sagot at kumain na. Nag-order naman siya ng pagkain kagaya ng sinabi ko. At ang bakla, ang daming inorder, halatang buraot eh.
"Matanong ko nga, bakit ba galit na galit ka sa babaeng yun?" seryoso niyang tanong. Wala akong balak na ikwento sakanya ang mga nangyari noon. Baka mawala ako sa mood at masampal ko na lang siya bigla.
"Mahabang kwento, basta lahat ng kaaway ko dapat kaaway mo rin. Kuha mo?" mataray ko siyang tiningnan habang kumakain ng pagkaing inorder niya.
"Aba syempre, friends na tayo no!" napangiti ako sa mga sinabi niya, ngayon na lang ulit ako nagkaroon ng kaibigan.
Nakaramdam ako ng kaunting saya, meron pa palang gustong makipagkaibigan sa akin sa kabila ng lahat ng ginawa kong masama.
Kaibigan, yan yung taong makakasama mo sa kasiyahan at kalungkutan. Sila yung mapagsasabihan mo ng mga problems mo, mga secrets mo at mga rants mo sa buhay. Napayuko na lang ako ng maalala ko ang mga dati kong kaibigan sa bahay ampunan, I miss them.
Specially Lily and Boboy. My childhood bestfriends. Nasaan na kaya sila ngayon?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top