Kontrabida 4


Kontrabida 4

"Umusog ka nga dun! I don't like your smell, ang bantot ng pabango mo." naiirita kong utos sakanya. Kanina pa kami dito nagbabangayan at wala atang plano sumuko ang kupal na ito. At mas lalong wala akong planong sumuko dahil inumpisahan niya ako, kinalaban niya ako kaya magdusa siya ngayon. Pero mukhang hindi tumatalab sakanya ang mga masasakit kong salita, attitude din kasi siya! Tumingin ako sakanya na may pagka-inis, nakakairita talaga ang pagmumukha niya, ang yabang niyang tingnan, akala mo kung sino.

"Bobo ka ba? Kaya nga tinawag na pabango eh kasi pabango, hindi pampabaho bobo, ikaw ang umusog dun kasi baka mahawa ako sa kabobohan mo." mayabang itong tumingin sa akin, argh nakakainis talaga siya! Ngayon lang ako naka-encounter ng lalaking sinasagot sagot ako ng pabalang.

"Excuse me?! Grumaduate ako ng high school with honors! Eh ikaw? Wag moko itulad sayo na mukha pa lang, mukha ka ng bobo." tiningnan ko siya ng nakakadiri at umarteng sukang suka ako sa pagmumukha niya.

"Atleast gwapo." mayabang nitong sagot sa akin, my gosh saan niya ba nahuhugot ang kakapalan ng mukha niya?

"Yuck mandiri ka nga sa sinasabi mo, kung namamatay lang ang lahat ng panget, siguro nauna ka na."

"Aba sumusobra ka na." nagulat ako sa pagtayo nito at ikinuyom ang mga kamao niya. Hahaha loser. "Ano ha, suntukan na lang?" mayabang itong pomosisyon at nginitian ako ng nakakaloko, akala niya ba papatalo ako? Pwes hindi ko ugaling magpatalo.

"Aba hinahamon mo ba ako? Oh tara oh, suntukin moko kung kaya mo." tumayo na din ako at pomosisyon, naghiyawan ang mga kaklase namin at nagpustahan pa sila kung sino mananalo sa aming dalawa. Porket lalaki ba siya, hindi ko na siya papatulan? Pwes nagkakamali siya.

Natawa na lang ako ng manahimik ito, "Wala ka pala eh, ambakla mo!" asar ko sakanya na mukhang naasar talaga ito ng sobra dahil sa sinabi ko, aktong susuntukin niya na ako ng pumasok ang teacher namin na galit na galit. Nakita ko si Annie sa likod nito, sumbungera.

"Ms. Khalipa and Mr. Muñoz, go to the detention room now." galit itong nameywang dahil sa hindi niya nagustuhan ang nangyaring gulo. Napaayos kaming dalawa ng tayo ng hampasin nito ang table niya.

Sasagutin ko sana siya ng maalala ko ang sinabi ng principal kanina, baka tuluyan na akong mapatalsik ng school kapag sinagot-sagot ko pa siya. Pinakalma ko ang sarili ko at sumunod na lang sa sinabi niya.

Lumabas ako ng room na may malaking ngiti sa mukha, ayokong makita nila na stress ako dahil sa lalaking ito. Sinamaan ko ng tingin si Annie bago ito lampasan, napakasumbungera niya, kung hindi lang siya nagsumbong edi sana nabugbog ko na tong kupal na'to. Speaking of kupal, tahimik itong naglalakad habang nakasunod sa akin.

Inis akong humarap sakanya at tinuro siya, "Alam mo kasalanan mo'to, kung hindi ka sana umupo sa tabi ko edi sana hindi tayo nag-aaway." bigla kong naalala yung ginawa niyang pagtapon sa bag ko, napapikit ako ng madiin, gusto ko siyang saktan, konti na lang talaga.

"Eh pake mo ba? Dun ko gustong umupo eh, ikaw lang naman yung maarte, akala mo naman ang ganda mo." sagot nito sakin na ikinapikon ko, ang kapal ng mukha niyang sabihan ako na hindi maganda! Hindi niya ba alam na dahil sa mukhang ito, kinaiingitan ako ng lahat!

Padabog akong naglakad at hindi na ako nag-abalang sumagot pa sakanya, isa lang ang masasabi ko, nakakainis siya, sobra.

Napadaan kami sa comfort room na may madilim akong nakaraan, char. Naalala ko tuloy yung lalaking yun, wait oh my god, siya yun! Siya yung lalaki kahapon sa cr, yung lalaking nahuli kong umiihi at nakita ko yung ano niya, basta yung ano niya!

Napaharap ako sakanya at pinaghahampas siya, anong karapatan niya na magpakita pa sakin? Kinuha niya na ang virgin eyes ko kahapon, ano pa bang gusto niyang mangyari?

"Ano ba yun? Hinahamon mo ba talaga ako ng sakitan ha? Tumigil ka nga!" inis nitong banggit sa akin habang ako pinaghahampas ko pa rin siya, hindi niya ba alam na dahil sakanya hindi ako nakatulog ng maayos kagabi?

"Ang bastos mo! Bakit mo pinakita sakin yung junjun mo kahapon! Animal ka!" sigaw ko na ikinatigil niya.

"Ikaw!" galit nitong sigaw sakin. "Ikaw yung nangahas na silipan ako kahapon!" wtf? Silipan? Ako maninilip? Kung hampasin ko kaya siya ng tubo dyan. Nanahimik ako ng dumilim ang aura niya, a-anong binabalak niya?

Lumapit siya sa akin, palapit ito ng palapit, todo atras naman ako habang lumalapit siya hanggang sa wala na akong maatrasan dahil nacorner niya na ako, diniin niya ang katawan ko sa pader at mas lalong lumapit pa ito sa akin. A-anong gagawin niya? Napapikit ako ng wala na isang pulgada ang pagitan namin. H-hahalikan niya ba ako?

"Bakit moko sinilipan kahapon?" napalunok ako ng marinig ang nakakatakot niyang boses, "Ano bang gusto mong mangyari ha?" tanong niya ulit at diniin niya ang katawan niya sa akin, mas lalo akong napapikit ng maramdaman ko ang alaga niya sa akin, galit na galit parang siya. Nanginginig na ako sa takot, ang bilis na ng tibok ng puso ko, hindi na rin ako makagalaw dahil sakanya, gusto ko na rin sumigaw at humingi ng saklolo pero hindi ko magawa, natatakot ako sakanya, baka kung anong gawin niya sakin kung sakaling may gawin akong mali.

"Kaya pala masyado kang papansin sakin." ngumiti ito ng nakakaloko, hinawakan niya ang mukha ko at mas lalo pang lumapit, parang babaon na ang katawan ko dito sa pader dahil sa sobrang lapit niya na, nasasaktan na din ako dahil iniipit niya na ako.

Nanatili akong tahimik habang nakatingin pa rin sakanya, ano pang hinihintay niya? Bat hindi niya pa ako halikan? Para matapos na'to. Hindi ko naman talaga siya sinilipan eh, nagkamali ako ng pasok ng cr, mali yung iniisip niya. Gusto ko yun ipaliwanag sakanya pero hindi ko magawa dahil sa kabang nararamdaman ko.

"Bakit kailangan mo pa akong silipan, eh kung pwede ko naman itong ipakita sayo." gosh, ang manyak niya! Nagpumiglas ako pero mas lalo niyang dinikit ang alaga niya sakin na parang patalim na handa akong saksakin. Makawala lang talaga ako dito, humanda siya sakin, manyak siya!

Unti-unti niya ng nilalapit ang mukha niya sakin at tuluyan ng dumikit ang mga labi namin, pero nagulat ako ng hindi siya gumalaw, nakadikit lang ang labi niya sa akin yun lang, as in dinikit niya lang. Ang lamya! Hindi ba siya marunong humalik?

"Anong ginagawa niyo?" nagulat kami ng may teacher na nakakita sa posisyon namin, gosh, isang kahihiyan to. Nakabalik ako sa reyalidad at naitulak ko siya ng malakas. Tinakpan ko ang mukha ko at nagbabakasakaling hindi ako makilala ng teacher, baka ireport pa ako nito kay Dad na nakikipaghalikan sa lalaking to.

"What's that?" tumingin ang teacher kay kupal  at tinuro ang ibabang parte ng katawan niya at nagulat ito ng may naka-umbok dito. Fuck, bakat na bakat ang alaga niya! Ano ba kasing pumasok sa isip niya at ginawa niya sakin yun. Libog ba siya?!

Agad niya itong tinakpan ng mga kamay niya, "I'm so sorry Maam." sabi niya at kumaripas ito papasok ng cr, nakasweatpants pa naman ang kupal kaya bumakat tuloy.

"Mga teenagers talaga." nagulat ako ng tumawa yung teacher ng nakakaloko at tumingin sa akin. "Ikaw iha, ingatan mo ang pakikipag-make out sa lalaking yun." biro niya at ngumiti sabay lapit sa tenga ko at binulong ang salitang, "Daks siya be." namilog ang mata ko sa sinabi niya, tinawan niya ako ng malakas ng makita niya ang reaksiyon ko. Ang bastos niya! Teacher ba talaga siya?

Umalis itong tumatawa pa rin, "Nakakamiss talaga maging teenager, namiss ko na gawin ang bagay na yan hahaha." banggit nito habang naglalakad mag-isa. Nakahinga ako ng maluwag ng tuluyan na itong makalayo.

Napaupo ako sa sahig, fuck that guy, kinuha niya na ang virgin eyes ko pati ba naman ang first kiss ko kinuha niya na rin. Buti kung masarap yung kiss niya eh hindi naman. Sino ba siya para gawin ang mga bagay na yun sakin?

Napalingon ako ng lumabas na siya ng cr na pawis na pawis, nandilim agad ang paningin ko sakanya. Tumayo ako sa pagkakaupo at hindi nagdalawang isip na sampalin siya. Para yun sa paghalik niya sakin, hindi pa ako nakuntento at sinampal pa siya, para yun sa halik niya na ang lamya, seryoso hindi yun ang pinangarap kong first kiss!

Tahimik niyang tinanggap ang mga sampal ko, ni hindi ko siya narinig na nagreklamo. Oh ow, galit nanaman ba siya?

"I'm sorry." paghihingi ko ng paumanhin, sumobra na ba ako?

"Ms. Khalipa and Mr. Munoz! Ano pang ginagawa niyo dito, diba sabi ko pumunta kayo ng detention room." nagulat ako ng bigla na lang sumulpot ang teacher namin sa tabi ko.

Tahimik kaming pumunta ng detention room habang nakasunod sa amin ang teacher. Argh ang awkward! Bakit ako nagsorry sakanya? Dapat siya ang magsorry sakin dahil hinalikan niya ako! Tumingin ako sakanya at tahimik pa rin ito, bakit bigla na lang siya naging weird? Kanina ang warfreak niya, tas naging manyak tas ngayon tatahimik siya? Hay naku Mia, hayaan mo na nga lang siya.

Pumasok kami ng detention room at iniwan kami ng teacher saglit, hindi pa rin siya umiimik.

"Uhm about dun kanina-" pagsisimula ko pero pinutol niya ang sasabihin ko.

"Kalimutan mo na yun." masungit niyang sagot at tumahimik nanaman.

"Bakit? Kasi ang lamya ng halik mo?" pang-aasar ko sakanya, natawa na lang ako ng mamula ito sa hiya.

"Stop it! Hindi ka nakakatuwa."

"Ayoko nga. Ang yabang yabang mo tas ganon ka humalik?" asar ko ulit sakanya.

"Tumigil ka nga dyan! Baka gusto mong halikan ulit kita." pananakot niya sakin.

"Aba hindi na kita papayagan no! Ampanget mo humalik yuck. Mag-aral ka muna dude."

"Alam mo ang yabang mo din, ikaw marunong ka?" pang-iinis niya sakin.

"Aba gusto mong itry?"

"Why not?" ngumiti ito ng nakakaloko at lumapit sa akin. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko dahil sa sinabi niya.

"Yuck kilabutan ka nga!" banggit ko at umiwas ng tingin sakanya, awkward.

"Teka nga muna, umamin ka nga sakin, bakit moko sinilipan kahapon sa cr? Gusto mo ba ako?" napairap ako sa kawalan dahil sa tanong niya, assuming.

"First of all, hindi kita gusto! Second, hindi kita sinilipan! At bakit kita sisilipan eh hindi ka naman kagwapuhan. Nagkamali lang ako ng pasok ng cr, yun lang. Ikaw lang naman itong manyak at humarap pa sakin at pinakita mo yung ano mo!" pagpapaliwanag ko.

"May nakita ka ba?" nahihiya niyang tanong sakin at umiwas ng tingin. Seriously? Tinanong niya pa talaga sakin!

"W-wala!" pagsisinunaling ko. "Ang laki nga eh-" pinutol niya ang sasabihin ko at galit itong tumingin sakin.

"So may nakita ka nga!" galit nitong saad.

"Patapusin mo nga muna ako!" sigaw ko sakanya. "Ang laki ng kaba ko nung nakita kita. Ang dumi ng utak mo gago." naiinis kong asar sakanya.

Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Kilala mo ba ako?" tanong ko sakanya.

"Hindi, bakit?" maikling sagot nito.

"Kaya pala ang lakas ng loob mong kalabanin ako." naiinis kong sabi sakanya, kaya pala kung umasta siya kung sino kasi hindi niya pala ako kilala.

"Eh bakit, sino ka ba?" tanong niya.

Tumayo ako at pinakilala ko ang sarili ko, "Ako lang naman si Mia Khalipa, ang anak ng may ari ng school na'to. Kuha mo?" tiningnan niya lang ako at tumawa. Aba anong nakakatawa sa sinabi ko?

"So what? Kami nga may school na pagmamay-ari, pinagyabang ko ba? Kung tutuusin, mas malaki at mas maganda ang school ko kesa dito." nagulat naman ako sa sinabi niya.

"S-sino ka ba?" tanong ko sakanya. Meron na akong ideya pero kailangan ko itong kumpirmahin.

"I'm Pepsi Muñoz. I'm the son of the most richest and succesful businessman in Asia, nice to meet you." kininditan niya ako at iniwan akong nakanganga.

What did he just say?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top