Kontrabida 3


Kontrabida  3

Kakalabas ko lang ng banyo ng maabutan ko si Cora na nasa loob ng kwarto ko. Napangisi ako ng makita ang mukha niyang di makapaniwala. Sino ba naman kasi ang di maniniwala eh ang linis linis na ng kwarto ko, thanks to Cacay, she did a great job.

"Sigurado kang ikaw ang nag-ayos nito?" di makapaniwalang tanong niya. Nilibot niya pa ang kwarto ko para icheck kung may natitira pa bang kalat.

"Yes, akala mo ba hindi ko kayang maglinis? Pwes nagkakamali ka, marami pa akong kayang gawin na hindi mo alam." pagsisinungaling ko, sa totoo lang wala akong kayang gawin, ni hindi ko nga alam kong  paano magluto eh. Nasanay na kasi ako na pinagsisilbihan kaya ano pang kwenta na matuto ng mga gawaing pambahay eh kung nandyan naman yung mga maids para pagsilbihan kami.

"Good job. Ipagpatuloy mo lang yan para naman matuwa sayo sila Mom at Dad. Hindi yung puro sakit sa ulo lang binibigay mo sakanila." napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya, so anong gusto niyang palabasin? Wala na akong ginawang tama, ganon?

"Buksan mo na lang yung box na yun, para sayo yun, galing pa yun ng London." inirapan ko na lang siya at lumabas naman siya ng kwarto ko. Anong sumapi sa impaktang yun?

Lumapit ako sa box na nasa likod ng pinto ng kwarto ko, binuksan ko ito, puno lang naman ito ng mga pasalubong niya. Agad ko naman itong sinara, hindi ko kailangan yan. Hindi ako tatanggap ng kung ano galing sa impaktang yun, hindi ko pa rin nakakalimutan lahat ng ginawa niya noong mga bata pa kami. Kilalang kilala ko siya, mas masama pa siya sa masama.

Nagpatuyo ako ng buhok at lumabas muna saglit upang magpahangin, dinala ako ng mga paa ko sa sala, nakakamiss din pala na tumambay dito, napansin ko kasi na lagi na lang akong nakakulong sa kwarto. Binuksan ko ang tv at nanood ng news. Wala pa sila Mom at Dad, mukhang uumagahin nanaman sila sa kakatrabaho. Yes, kahit mayaman kami kailangan pa rin nilang magtrabaho. Ayaw na ayaw nilang pinapabayaan ang kompanya. At kailangan rin nilang mamaintain ang pagiging mayaman namin upang hindi kami matanggal sa list of richest family in Asia. Kasalukuyan kaming nasa top 6, kaya kilalang-kilala ang aming pamilya sa bansa.

"Cacay." tawag ko sakanya dahil napansin ko siya kanina na palakad lakad lang at walang ginagawa.

"Yes po Señorita?" dali dali siyang pumunta sa sala. Sa lahat ng katulong, siya lang ang hindi mukhang hampaslupa kaya magaan ang loob ko sakanya. Syempre dahil din sa tinulungan niya ako kanina kaya hindi mainit ang ulo ko sakanya.

"Itimpla mo ako ng juice." utos ko na agad naman niyang sinunod. Actually ginagamit ko lang siya, eh diba nga wala na raw akong katulong, so kailangan ko ng tagalinis at tagasilbi sakin, pero dapat hindi malaman ni Cora, kilala ko ang impaktang yun.

Nasa kalagitnaan ako ng panonood ng news ng bigla akong nagulat ng may bumuhos sakin na malamig na tubig.

"Ayan na po ang juice niyo Señorita." nagulat ako ng makita siyang nakatayo sa likuran ko habang hawak ang isang baso na wala ng laman dahil binuhos niya sakin. Bumabalik nanaman siya sa pagiging impakta.

"Why did you do that?" singhal ko dahil kakaligo ko lang tapos bubuhusan niya ako ng juice. Nakakagigil siya.

"Ano to?" pinakita niya sakin ang baso, malamang baso, ginagawa niya ba akong bobo ha? "Diba sabi ko wala ka ng katulong. Kahit pagtimpla ng juice, hindi mo magawa? Ganyan ka na ba katamad?"

"Eh ano bang pake mo? Kanina ka pa! Ano ba talagang dahilan mo para umuwi ka pa dito? Ang maging pakialamera? Ang maging hadlang sa mga gusto ko? Sana namatay ka na lang dun sa London, sana nabulok ka na lang dun, impakta ka!" hindi ko na napigilan ang sarili ko na magalit, inis na inis na ako sakanya.

"Sumosobra ka na talaga, wala ka talagang utang na loob. Pagkatapos ka naming ampunin tapos ito ang isusukli mo samin? Alam mo kung nabubuhay sana ang kapatid ko, wala ka sana dito! Kaya ikaw, isaksak mo dyan sa utak mo na ang swerte mo!" dinuroduro niya ako at tinulak ng malakas na ikana-upo ko sa sahig. Binigyan niya ako ng masamang tingin at umalis na sa harapan ko.

Siya pa ang galit ah, nanahimik ako dito tas bubuhusan niya ako ng juice? Tas siya pa ang may gana na mag-walk out?

"Señorita Mia, okay lang po kayo? Pasensya na po, hindi ko sinasadya na magpahuli." lumapit sa akin si Cacay at tinulungan akong makatayo pero tinabig ko ang mga kamay niya. Kasalanan niya to eh.

"Leave me alone!" sigaw ko na ikinagulat niya kaya umalis naman ito.

Tumayo ako sa pagkakasalampak sa sahig at umakyat na ng kwarto, nakakastress ang araw na ito, kailangan ko ng mahabang pahinga.

KINABUKASAN maaga akong nagising. Walang nagtangkang mang-istorbo sakin kaya nasa good mood ako. Sa pag-aayos ko, bigla kong naalala si Annie, hindi pa pala ako nakakabawi sakanya, sinagot sagot niya ako kahapon at pinagsalitaan ng masama. Hmm ano kayang magandang gawin sa babaeng yun? Nagliwanag ang mukha ko ng may naisip ako.

Humanda siya sakin mamaya.

Dali dali akong pumunta sa closet ko at kumuha ng isang jacket, just in case na lamigin ako mamaya.

Lumabas na ako at napatingin sa katapat ng kwarto ko, mukhang tulog pa ang impakta, dahan dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto niya at tama nga tulog na tulog pa siya.

Bumaba na ako ng hagdan at inikot ko ang paningin ko, mukhang tulog pa ang mga hampaslupa, tiningnan ko ang wrist watch ko at maaga pa nga. Napangiti ako ng may naisip akong kalokohan, dali dali akong pumunta ng kitchen at pinindot ang fire alarm at gumawa ito ng isang malakas na ingay na namumuo sa loob ng bahay, napahagikhik akong lumabas ng mansion, mula sa labas nakita ko silang natataranta sa loob at nagsisitakbuhan kasama si Cora. Mukhang nasira ko ang araw ng impakta at ng mga hampaslupa, namilog ang dalawang mata ko ng makita sila Mom at Dad na pababa ng hagdan, kitang-kita ko sa mga mukha nilang natataranta rin sila, napatakip ako ng bibig at tumawa, hindi ko alam na nandyan na pala sila hahaha. Ngiting-ngiti ako na pumasok ng sasakyan, bagay lang yun sakanila.

"Señorita, ano pong nangyayari sa loob? May sunog po ba?" natawa naman ako sa tanong ni Manong Driver. Napakachismoso.

"Ipagdadrive moko o lalabas ka ng sasakyan na'to ng walang trabaho? Chismoso to." wala na siyang nagawa at tumahimik na lang at nagdrive.

Pagdating ng school, pinasok nito ang kotse at pinark sa parking lot. Mukhang napaaga nga ako. Konti pa lang kasi ang mga estudyanteng palakad-lakad. Lumabas ako ng kotse at dumeretso ng cafeteria, umorder ako ng spaghetti, di naman ako nagugutom may paggagamitan lang naman ako neto.

Mabilis akong naglakad papuntang classroom, ng makarating ako, may iilang tao na sa loob, tiningnan ko sila isa-isa. "Labas." mataray kong utos sakanila na agad naman nilang sinunod. Siniguro ko munang lalabas silang lahat bago ko gawin ang pinaplano ko, nang makalabas na silang lahat dumeretso ako sa mga locker na nasa likuran at hinanap ang locker ni Annie, binuksan ko ito at mayroong siyang extra uniform at extrang damit sa loob. Binuhos ko dito yung dala dala kong spaghetti at kinalat ito sa damit niya, perfect, tingnan natin kung masusuot mo pa yan.

"Mia."

Naisara ko kaagad ang locker ng may nagsalita sa likuran ko. Pagharap ko nagulat ako ng makita si yellow teeth girl. Ano nga ulit name niya? Jane ba?

"Jane? What are you doing here?"

Sa halip na sagutin niya ako, tiningnan niya ako na nagtataka at bumaba ang tingin niya sa dala-dala ko, oh-ow. "Anong ginagawa mo dyan at may dala kang pagkain?" nagtatakang tanong niya.

"Nothing." sagot ko agad at tinapon sa basurahan ang pinaglagyan ng spaghetti.

"Okay. By the way pinapatawag ka pala sa principal office." oh no, bakit? Nalaman ba nila yung ginawa ko? May cctv ba dito? Inikot ko ang tingin ko pero wala naman. Nakahinga naman ako ng maluwag.

"Baket hindi sila ang pumunta dito? Diba sila ang may kailangan sakin." mataray kong tanong at nagflip ng hair.

"Ang principal ng school ang nagpapatawag sayo, may importante raw kayong pag-uusapan." napataas naman ang kilay ko, okay sige pupunta ako.

"Whatever." sagot ko at nilagpasan na siya. No choice, kailangan kong pumunta dun.

Nang makarating ako ng principal office, hindi na ako nag-abalang kumatok pa at pumasok na dito kaagad. Sinamaan ako ng tingin ng isang matandang babae na nakaupo sa kanyang table.

"Oh hello Ninang." bati ko at nakipagbeso sakanya. Ang sama ng amoy niya, amoy matanda na siya.

"Don't call me Ninang, hindi ikaw ang inaanak ko." masungit niya akong tiningnan at nahuli ko pa siyang umirap. Ay oo nga pala, ang totoong Mia pala ang inaanak ng matandang to. Swerte niya nga eh, ginagalang ko pa siya. Hmp!

"So?" pagsisimula ko at tiningnan siyang nag-aayos ng mga papel na nakalatag sa table niya.

"Pinatawag kita rito dahil may nakapagsumbong sa akin nung ginawa mo kahapon." nagtaka naman ako sa sinabi niya. May nagawa ba akong mali kahapon?

"Alin dun? Marami akong ginawa kahapon eh, tulad ng pakikinig sa teach-" naputol ang sasabihin ko ng titigan niya ako ng sobrang sama, problema ng matandang to?

"May ginawa ka lang naman na mali, tulad ng hindi mo pagrespeto sa mga teachers mo at pakikipag-away sa mga classmates mo." ah yun ba yun? Tapos ano naman? Anong mali dun?

"Porket kayo ang may ari ng school na ito ay kailangan na kitang paboran." tumayo siya at tinitigan ulit ako. "Kaya nireport ko sa parents mo ang mga ginawa mo." napatayo ako sa upuan dahil sa sinabi niya.

"Bakit mo ginawa yun?!" inis kong tanong sakanya. Ang kapal ng mukha niyang isumbong ako.

"Dahil kailangan mo ng matigil, hindi na maganda ang ginagawa mo Ms. Khalipa. Nasisira ang pangalan ng school dahil sayo." umupo ako at pinakinggan siya. "Ang sabi ng parents mo, kung hindi ka pa raw mag-aayos, mapipilitan silang itransfer ka sa isang public school."

"What?! Public school?! No way, school yun ng mahihirap! Hindi ako nababagay dun!" mas mabuting hindi na lang ako mag-aral kesa pumasok sa panghampaslupang school na yun.

"Basta wag mo ng uulitin yun." kalmado niyang sagot at umupo na ulit sa upuan niya.

"Yes po ninang." sagot ko.

"Okay sige, pwede ka ng bumalik ng classroom mo. Mukhang magsisimula na ang klase."

Aktong aalis na ako ng may makalimutan ako, "Pwedeng humingi ng water?" tanong ko sakanya.

"Kumuha ka lang dyan." sagot niya at tinuro ang kanyang ref. Lumapit naman ako sa ref niya at kumuha ng malamig na bottled water, I need this.

"Thanks ninang." nagpaalam na ako sakanya at bumalik na ng room.

Sakto nandito na silang lahat, naglakad ako sa harapan ng parang model at umarteng umiinom ng tubig gaya ng mga nasa advertisement, at tumigil ako sa pwesto ni Annie at sinadya kong maitapon sakanya ang laman nito. Nagulat siya sa ginawa ko. Seryoso, ang panget niya magulat.

"Ops I'm sorry." nakangiti kong sabi at nilagpasan siya. Sa halip na umupo, pumunta ako ng likuran at nilakasan ang aircon, magyelo ka sa lamig bitch. Sinuot ko ang jacket ko at prenteng umupo habang pinapanood si Annie na lamigin, nabasa ko kasi ang uniform niya, bagay lang sakanya yan.

"Okay ka lang Annie? Mukhang nilalamig ka, gusto mo patayin ko ang aircon?" nagtangis ang bagang ko ng marinig ko ang sinabi ng seatmate niya. Mabilis naman na tumango si Annie, tumayo ang kaibigan niya at aktong pupunta na ito sa likuran ng harangan ko siya.

"At san ka pupunta?" tanong ko sakanya, bumaba ang tingin ko sa i.d niya at binasa ang pangalan niya, Celine, ang bantot ng name niya.

"Papatayin ko lang ang aircon." nakangiti nitong sagot sakin.

"Subukan mo lang." tinaasan ko siya ng kilay na ikinatakot niya at bumalik na ito sa upuan niya, narinig ko ang paghingi niya ng paumanhin kay Annie, at syempre nagbait-baitan nanaman ang impostora. Tumingin si Annie sa pwesto ko at tiningnan niya ako ng masama, nilalamig na ba siya? Hahaha, kawawang nilalang.

Nasa kalagitnaan ako ng pagcecellphone ng may biglang pumasok na lalaki, familiar ang mukha neto. San ko ba siya nakita? Nevermind. Naghanap ito ng mauupuan at napatingin siya dito sa pwesto ko, don't tell me dito siya uupo sa tabi ko? No! Nakangiting pumunta ito sa pwesto ko at aktong uupo na sana siya ng bigla kong nilagay ang bag ko sa upuan na yun. Ayoko ng may katabi.

"Alisin mo nga yan, uupo ako." utos niya sakin. Sa halip na pansinin siya, binalik ko ang tingin sa cellphone ko. Maghanap siya ng mauupuan niya.

"Hoy bingi ka ba?" nagulat ako ng hampasin niya ang arm chair ko, problema ng lalaking to?

"Ha?" pagbibingi-bingihan ko.

Nagtangis ang bagang nito sa inis, nagulat ako ng dampotin niya ang bag ko at itapon ito sa tabi. Sa sobrang inis ko, sinipa ko siya sa binti at mukhang hindi to nasaktan. "Why did you do that?! Hindi mo ba alam kung magkano ang bag na yun? Gago ka pulutin mo yun!" pagwawala ko, itapon niya na lahat wag lang ang bag ko!

"Ayoko nga, pinapatabi ka dyan, ayaw mo." mayabang niyang sagot, ugh he's getting into my nerves! Hindi ko nagugustuhan ang ugali niya, I hate him already!

Mukhang may isang tao nanaman ang magpapakulo ng dugo ko araw-araw.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top