MGC 09 - The Unwanted Son: Part 2
Chapter 9
The Unwanted Son: Part 2
"AKO lang gusto niya." Sagot ni Calix na ikinagulat ko. Agad akong kumalas sa kaniyang bisig at dumistansya ng onte.
"Ew, kadiri mo." Pag-iiba ko ng boses. Nakita kong tumawa sina Aleah sa unahan habang nakatingin sa amin. Nanigas ako sa kinatatayuanko at tila'y nanumbalik ang isang alaala na pilit kong binabaon sa limot. Yung trauma sa past ko.
Di naman nag-iba ang mga tingin ni Calix sa akin at animo'y isang gutom na aso na handa akong kagatin. Nakaramdam ako ng konting guilt dahil kasalanan ko rin bakit nangyayari sa akin ito. I kissed him thinking that I was kissing Jerald. Pinairal ko ang aking kabaklaan which led me into revealing my true identity to him at ngayon hindi ko alam anong tumatakbo sa isipan niya and he might use it to blackmail me.
"What are you up to." Bulong ko sa kaniya sabay siko sa kaniyang tagiliran. He just chuckled at napailing.
"You know, if you keep on avoiding me baka lalong di ko mapigilan ang sarili ko." Anong pinagsasabi niya, ngayong araw ko lang siya di pinapansin tapos ganon na siya ka possesive.
"You don't own me, okay!" Sita ko. Aalis na sana ako sa tabi niya when he suddenly grabbed my hand patungo sa isang CR. Di na rin ako nakasabay kina Aleah dahil kinuha ako ni Calix.
We entered inside at tumambad sa amin ang isang lalaking kaka-ihi palang.
"Get out!" pinaalis niya iyon at tanging kami nalang ang naririto. Pagkatapos non ay ni lock nito ang pinto. He pushed me against the wall and locked me using his two hands.
"I-Is this about the kiss, w-wala iyon sa napag-usapan natin," kinakabahan kong katwiran. Tiningnan niya lang ako ng matalim. "Sorry If I kissed nung nalasing ako. Di ko 'yon sinasadya and please don't tell anyone." Pagmamakaawa ko.
"I like you begging." He said it in a husky voice. "Beg me more." Nalula ako sa sinabi nito na tila na tu-turn on sa sinabi ko. Kahit ako ay nakaramdam ng kakaibang sensasyon habang tinitingnan ang mapang-asar nitong mga mata.
"What has gotten into you, Cal? Ba't biglang ganito?" Di ko na talaga siya maintindihan. From his tutor to this. I was about to say something pero bigla niya akong siniil ng halik. Di na ito basta halik na smack dahil mas naging mapusok pa ito. He grabbed my cheeks using his nervy hand to get a better suck. Hinigop niya ito na parang walang bukas.
"Uhm..." Napapa-ungol ako sa kakaibang dulot nung halik na iyon. "Please, Cal, wag dito." Sambit ko pero di niya ako pinakinggan. He grabbed my waist closer to him and locked my other hand with his left one. He manly holds my hand interlocking it. My heart pounded like it was on a coffee break.
Matapos ng ilang minutong paghahalikan he paused and looked at me intently in the eyes. Kinapos naman ako sa paghinga dahil pakiramdam ko pati kaluluwa ko hinigop niya. "Why are you so addicting?" Ani nito bago hinawi ang buhok na nakasagabal sa noo ko. "You're too beautiful to be a man." Papuri niya na ikinagulat ko. Coming from a Levarde, na ang sabi pa ni Leo is wag ko raw papatulan. Is this what he meant by that?
Nakaramdam ako ng kakaibang kilig from my stomach. Ngayon ko lang ulit ito naramdaman at di ko akalain na sa lalaking ito ko iyon makikita. But out of nowhere, I pushed him. Di matatakpan nito ang kahalayang ginawa niya.
"What was that about?" Reklamo nito.
"Ano ba Calix? Pinaglalaroan mo ba ako? Are you doing this kasi you know my little secret?"
"Ba't laging iyan bato mo sa akin? Like I am somehow making you feel confused and uninterested because to tell you what, ever since I laid eyes on you kahit basura ang lumalabas sa bibig ko, I cannot stress the feelings I had for you. Kasi, Claude. I think I'm starting to like you. Kahit na bading ka " He confessed.
Halos matanggal ang panga ko sa ginawa nito. He knew about my true identity at gusto niya ako despite that? But what makes him so sure na totoo ang nararamdaman niya para sa akin.
"I knew you like Jerald the moment you blurted out his name nung malasing ka. But you kissed me that time and it only solidifies my feelings for you. It even hurts that you keep on calling his name kahit ako ang kahalikan mo," Sh*t nakakahiya. Nararamdaman ko na ngayon ang pag-init ng aking pisnge. "I tried to act nice in front of you but I just couldn't keep my cool. Minsan parang di ako edukado pero it was just to hide my true nature from you." Ngayon ko lang siya nakita ng ganon ka vulnerable aside from that day na umiyak siya sa ilalim ng mga puno ng manga.
"Kaya Claude, s-sorry if I m-made it hard for you." Bumuhos ang mga nagpipigil na mga luha. He slouched his back and leaned over to me to get a hug. Marahan ko namang sinuklian ang kaniyang yakap.
"A-Ako dapat ang mags-sorry. I am the one to be blamed for everything, kaya ka nagkakaganto kasi sa ginawa ko nung araw na iyo--" Napatigil ako nung humarap siya sakin bigla ng may mga butil pa ng luha.
"Don't you see? Gusto na kita noong nakilala kita Claude. Nakaka-off man pakinggan na dalawang lalake nagmamahalan pero 'yon talaga ang nakikita kong nangyayari. Day-by-day, magmula nung muntikan kitang mabangga, I knew there was something beyond what we could ever imagine." Butterflies in my stomach also can't control what I'm feeling right now kasi sa padalos-dalos nitong pagtatapat. My eyes started to leak kasi na o-overwhelmed na ako sa ginagawa nito.
"T-Totoo ba ito?" Paninuguro ko. I'm still hesistant at baka mabubudol ulit ako nito. Ayaw kong maulit muli ang nangyari sa akin noon. Ayaw kong masaktan sa ikalawang pagkakataon dahil di madaling buohin ang pagkataong nawasak.
"Kahapon nung tinanong mo ako, ano ba talaga yung gusto kong ipahiwatig. i knew that this was it, I like you, I really really like you, Claude, and there are no words to express my feelings towards you." He said. "Kaya ako naman ang magtatanong, will you help me uncover my identity? Will you like me back."
***
A FEW YEARS AGO
ALAM ko sa sarili ko ang nangyari noong gabing iyon. Desmond really has the core of a horse dahil wala siyang pagod na punuuin ako buong magdamag. Nakaramdam ako ng kakaibang kilig knowing na di na ako virgin at higit sa lahat, crush ko ang nakaisa sa akin.
Masakit ang puson ko ngayon lalo na ang aking lagusan pero pinilit ko paring pumasok gawa ng nay klase at ayaw kong umabsent. Nasa bukana ako ng paaralan ng may makita akong grupo ng mga babae na nakatanaw sa gawi ko at pinagbubulungan ako, nung una diko sila pinansin at baka sa iba nakatuon ang kanilang pinaguusapan ngunit napansin kong ako lang mag-isa sa hallway.
'Wait? Siya yung nasa video!' rinig kong bulong nito. Napakunot-noo ako habang tinatanaw silang may pinag-uusapan. Hawak ng isang babae ang kanyang phone at parang may pinapanuod.
'Suot niya rin yong bracelet, siya nga!' Turo nito sa suot ko. Napakunot ako sa ginawa nila at nilapitan ko sila kasi parang ako ang sentro ng kanilang usapan.
"Anong pinaguusapan niyo? Ako ba?" Straight forward kong sambit. Tumahimik silang tatlo at tila'y nagdadalawang isip pang sumagot pero sumirit na si ate girl at sinagot ako.
"May bagong viral kasi kuya... Sa palagay namin ikaw 'to." Nabaling ang atensyon ko nang ipakita niya sa akin ang kung anong laman ng phone nito.
Halos lamunin ako ng lupa sa aking nadiskrube. Ako iyong nasa video habang nakikipagtalik kay Desmond. Malayo ang kuha ng video sa mismong higaan namin ngunit malinaw na malinaw na ako ito dahil sa ilaw na tumatama sa mukha ko na galing sa bintana.
"PANO NIYO NAKUHA 'YAN? HA? BA'T NIYO PINAPANOOD IYAN?" Sigaw ko sa kanila na kanilang ikinatakot at tinakbuhan ako. Hahabulin ko pa sana sila ng makarinig ako ng isang palakpak sa gilid. Humarap ako dito at laking gulat ko nung makita si Desmond at ang kasintahan nitong si Trisha. They both smiled at me na parang pinagkakaisahan ako.
"Mas masarap ba siya kaysa sa akin, honey?" Tanong ni trisha kay Desmond.
"What?" I blurted. They laughed.
"No honey, ikaw mas magaling." Halos lamunin ako ng lupa sa kahihiyan. Nakita ko rin ang ibang mga estudyanteng nakatingin sa akin at pinagpye-pyestahan ako.
"Ba't mo kailangang paglaruin mo ako ng ganon?" Ani ko habang di mapigilang umiyak. "Nasa video ka, damay ka rin." Tinawanan ako ni Desmond.
"Claude, I edited my face para di nila ako makita." Sagot nito.
"To be honest, di ka mahirap paikutin. Ang dali mo lang paglaruan." Trisha giggled.
"Ba't niyo ko kailangan paglaruan ng ganon? Ano bang nagawa ko?" Nanghina na aking mga tuhod at napaluhod sa malamig na semento. Ano nalang sasabihin nila mama kapag nalaman nila ito. Di pa nila lubusang alam ang aking kasarian at ayaw kong sa ganito paraan nila malalaman.
"You're a threat to our academics, one way to eliminate our enemies is to show their weakness." Dahil lang sa acads, bababuyin na nila pagkatao ko? Sisirain nila ang buong buhay ko? Ang kinabukasan ko. Lumapit si Trisha sa akin at inangat ang aking lugmok na mukha paharap sa kaniya. "That's what you get from trying to prey on my boyfriend. You deserved it." She smiled.
***
"BAKIT GANITO? WALA KAYONG GAGAWIN PARA MASETTLE ANG ISSUE?" Sigaw ni Mama sa aming principal.
"Ma'am, you need to understand na di ganon kadali. They're the sons and daughters of elite persons na siyang tumulong tumayo sa paaralang ito. I need to consider that." Bwelta ng principal kay mama. Napayuko si mama sabay iling dahil sa pagkadismaya.
"Pero ang kapakanan ng anak ko? Ibabalewala niyo? Anong klaseng paaralan ang pinapairal niyo? Isang paaralan na di pinapahalagan ang hustisya at pinapairal ang ganid at kasinungalingan? Mahiya naman kayo sir." Sagot ni mama. Di na napigilan nitong umiyak. Hinawakan rin nito ang kaniyang sentido dahil sa sunod-sunod na problema na kaniyang hinarap.
"I suggest Mrs. Alverado to transfer, Claude to another school. I think he needs a new start. A fresh New environment."
"Pero sir, di namin afford ang tuitions ng ibang school. Ako lang mag-isang nagtataguyod sir." Katwiran ni mama. Halos mapunit ang puso kong makita siyang naghihirap.
"There is one school na may scholarship. I suggest LakeSide."
***
"TINGNAN mo kung saan dinala ng kabaklaan mo ang sitwasyon natin?" Singhal ni mama. Naghuhugas ako ngayon ng plato sa bahay naming barong-baro. Di rin magkamayaw ang luha kong tumutulo na ngayon dahil kanina pa nangagalaiti si mama tungkol sa natuklasan niya sa kasarian ko.
"Napaka-halay mo! Hindi kita pinalaking ganyan at higit sa lahat di kita pinalaking maging isang bakla!" Sigaw nito.
"Ma! Di naman siguro kasalanan ni kuya ang lahat, pinaglaruan siya nila Desmond." Narinig kong depensa ni Ellise. Buti pa siya at alam niya ang totoo. Alam ni mama ito ngunit iba ang kaniyang tinuturong mali sa lahat ng ito. Ako yung mali, ako ang problema.
"Kung di ka nagpakagat sa temptasyon di sana tayo maghihirap na maghanap ng eskwelahan."
"P-Pwede na-man pong mag-aral ako sa public." Suhestyon ko.
"At ano? Para sabihin ng mga manugang ko na naghihirap tayo? Babawiin nila kayo sakin."
"Buti nalang kung ganon---." Sinampal ako ni mama matapos niyang marinig ang pagmamaktol ko.
"Walang hiya ka! Wala kang modo!"
"Ma! Tama na po." Pagpigil ni Ellise. Ito na siguro ang pinaka masakit na pagkakataon ng buhay ko. Nais ko nang mamatay at dalhin sa hukay ang kahihiyang idinulot ko. Sa lahat ng maling nasabi ni mama isa lang siguro doon ang tama, dahil sa kabaklaan ko kaya nangyari itong lahat. Kasalanan ko.
Kasalanan ko. And since then I felt like I was the unwanted son.
✒️ INKMAGINE.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top