Prologue

Prologue

Maaliwalas ang panahon at malakas ang simoy ng hangin habang patuloy ang andar ng washing machine na nakapwesto sa likod-bahay. Maigi kong pinipiga ang hawak kong t-shirt na tapos ng banlawan, I gripped it at opposite direction to drain. Ipinagpag ko iyon tsaka ko kinuha ang nakahandang hanger sa sampayan ng maagaw ang pansin ko ng ugong ng paparating na sasakyan.

Lumampas sa pwesto ko ang magka-angkas na nakasakay sa unang motorbike na kulay itim samantalang bahagya namang tumigil ang pangalawa. Bumaba ang driver ng asul naman na motorsiklo habang suot pa rin nito ang helmet, hinarap nito angkas na nakasuot ng dilaw na hoodie at may suot na facemask. Halatang galit ito at kumukumpas-kumpas pa ang mga kamay na tila nagsesermon, nakayuko naman yung angkas nito.

I know it's bad to stare but I can't stop myself, nasa labas lang sila ng bakuran ng bahay namin. Maya-maya pa ay nag-angat ng tingin yung naka dilaw na hoodie at...

Sht! His gaze met mine. Halah!

"Claire! Tapos na 'yung nasa washing machine, ano bang tinitingnan mo riyan?" sigaw ni mama ang nagpabalikwas lalo sa akin. Nakakunot ang noo nito habang nakapameywang sa tapat ng pintuan ng kusina. Hawak pa niya ang sandok sa kanang kamay indikasyon na di pa sya tapos magluto ng pananghalian.

"P-Po? Opo!" Isinampay ko na ang natitirang damit na nasa basket tsaka ako lumapit sa washing machine. Nang muli kong sulyapan ang dako ng mga estranghero ay wala na sila roon.

Sino kaya ang mga iyon? Anong ginagawa nila rito sa amin? Mga bisita kaya sila ng kapit-bahay? Sa porma kasi nila ay halata agad na kung saang lungsod sila nagmula. Maynila, perhaps?


"Nakahanda na ang tanghalian! Pumanhik ka na rito Claire, mamaya mo na 'yan ituloy" si papa naman ang tumawag sa akin. Inilagay ko ang huling piraso ng damit sa batya na puno ng tubig tsaka ko ipinunas ang aking kamay sa laylayan ng suot kong blouse.

Ngumiti ako sa salamin tsaka nagpahid ng lipstick sa maputla kong labi, this is my last day here. Mamaya ay papunta na ako sa probinsya ng tita ko, doon kasi ako pansamantalang tutuloy ngayong summer vacation.

"Ate, sure ka na ba? Di ka na papaawat?" tanong ng nakababata kong kapatid pagkapasok nya ng kwarto namin. Share lang kasi kami ng room.

"Sira! As if namang may choice ako? Walang kasama si tita Jo kasi nasa Maynila anak nya, may summer class daw kaya di makaka-uwi. Kawawa naman si tita kung mag-isa sya" litanya ko na nagpa-buntong hininga kay Celine.

"Hindi ako sanay na wala ka rito, ate. Paano ako? Tsaka, di ka pa nakaka-experience magbyahe nang solo. Paano kung may mangyari sa'yo?" halata ang pag-aalala sa boses nya.

"Kaya ko, ano ka ba? I'm twenty! Duh", maarteng sagot ko para alisin ang pangamba nya. Yes, I'm nervous and this is my first time to travel alone but I don't want anyone to worry about me. Matanda na ako.

"Claire! Nandito na si pareng Adi! Bumaba ka na riyan at nang makaalis na agad kayo papuntang terminal", sigaw ni papa mula sa salas.

Isinukbit ko na ang backpack ko na medyo malaki at tsaka ko hinila ang maleta kong kulay brown, mabuti at de-gulong 'to. Sa taas kong 5ft ay di ko kakayanin kung bitbit ko 'to. Kasunod kong bumaba ng hagdan si Celine at sinalubong kami ni mama at papa. Tanaw ko sa tapat ng gate naming gawa sa kawayan 'yung tricycle ni Mang Adi.

"Ingat ka, anak ha? May cellphone ka naman, balitaan mo kami kung ano ng lagay mo", si mama. Nangingilid ang luha nya pero pinipigilan nya. I hug her tightly then she caressed my hair.

"Okay lang ako mama, malaki na ako. Kaya ko po, ako pa. Ilang buwan na natin 'tong pinaghandaan, I'm so aware what to do and where to go", alo ko para makampante sya. Humiwalay na ako sa kanya tsaka ako humarap kay papa.

"Dalaga na nga ang ineng ko, oh sya.. alam mo naman na ang gagawin. Tara na?" sabi ni papa tsaka ako inakbayan. Sya na ang naghila ng maleta ko, si Celine nakasunod pa rin.
Nang makarating kami sa pwesto ng tricycle ay nauna ng ipinasok ni papa sa sidecar yung maleta ko.

"B-Bye, ate" paalam ni Celine bago pa man ako makapasok sa loob ng sasakyan.

"Yucks, ang arte mo! Pwede namang mag-chat at video call, para namang sa ibang bansa na ako pupunta ah?" pagbibiro ko dahil anytime dama kong tutulo na rin ang luha ko.

"Kainis! Hwag ka ng babalik ha!" singhal nya tsaka nag-walk out. But I saw it, naiyak na ang gaga. Itinuloy ko na ang pagsakay, nakaupo na ako ng sumilip si papa at ngumiti,

"Enjoy mo roon, anak ha? Mag-picture ka ng marami, send mo kay Celine para makita namin" paalala nya na kahit halatang malungkot ay excited pa rin. Just like me.

"Opo, papa. Bakasyon grande ako doon, daig kayo" pang-aasar ko na ikinatawa nya. Tumayo na sya ng tuwid at bumaling na ang atensyon sa kumpare nya na driver ng tricycle.

"Pare, ikaw na bahala sa panganay ko ha? Ingatan mo 'yan. Oh, sige na ingat sa byahe" sabi pa ni papa tsaka mahinang tinapik ang bubong ng sidecar.

Marahan ng umandar ang sasakyan at nang lingunin ko si papa, nakatalikod na sya at halatang nagpupunas ng luha.

Ano bang problema nila? Ang emotional nila, di ako sanay. Para namang di na ako babalik. Two months lang naman ang Summer, mabilis lang 'yon, uuwi rin agad ako.

"Excuse me po, may nakaupo na po?" tanong ko sa manong na nasa pinakadulo ng bus. Iilan na lang kasi ang bakante sa tatluhan at dalawahang upuan, bilin ni mama hwag akong uupo roon. Baka raw masamang tao pa ang makatabi ko eh.

"Ay, wala hija. Maupo ka na bago ka pa maunahan ng iba, papuno na areng bus" sagot nya sa di ko mabatid na accent.

"Salamat po", ngumiti ako ng bahagya sa kanya tsaka naupo sa kabilang dulo ng mahabang upuan. Pang-limahan yata 'to?

Kulang kinse minutos ay napuno na nga ang bus, tatlo na lang ang kulang para dito sa pwesto ko katabi ko. Ilang sandali pa ay may pumasok ng lalaki, naka hoodie na itim. Nakasuot din ito ng salamin na dark ang lenses tapos ay may facemask, teka...

"Saan ka, ineng?" tanong ng kunduktor sa akin habang hawang ang pang-ticket nya. Sinabi ko ang destinasyon ko at matapos kong magbayad ay ibinigay na nya sa akin ang ticket.

"Ikaw 'toy? Saan ang punta mo?" tanong naman nito sa lalaking kakasakay lang at katabi ko na pala sa upuan. Bahagyang natigilan yung lalaki tsaka bumaling sa akin.

"Uh, somewhere in.." at sinabi nya rin yung location na sinabi ko. Nanggagaya ba sya? Ay! Ang assuming ko, gosh.

Matapos sabihin ng kunduktor kung magkano ang ticket ay ilang beses kinapa ng lalaki ang suot nyang jacket, tila may hinahanap.

"W-Wait.." sambit nya tsaka hinagilap ang itim na backpack. Marumi 'yon at may bahid ng alikabok, ang dugyot nya ha?

"May pang-bayad ka ba o pinaglololoko mo lang ako?" halata ang iritasyon sa boses ng kunduktor.

"M-Manong.. heto ho" bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay naiabot ko na ang pera ko. Nakakaawa naman kasi si kuya.

"Oh!" pasalampak na iniabot ng kunduktor ang ticket kay kuya na balisa, maang ako nitong tiningnan tsaka napakamot sa ulo.

"Pasensya na, di ko kasi mahanap wallet ko. I'll pay you immediately, I'm sorry for the trouble" sabi nya tsaka tinanggal ang suot na specs.

Nang magtama ang paningin namin, agad na may kung ano na nagpabilis ng tibok ng puso ko. His eyes reminds me of that guy I saw earlier, pero.. kung sya nga iyon, nasaan na ang mga kasamahan nya?

***

Thank you so much for the book cover of this story, chikanassi uwuu, arigatou <3

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top