Chapter 9
Chapter Nine
Nakabalik na si Jhanella sa table nila at matapos kong basahin ang chats nina Janey sa GC na nakauwi na raw sila ay naupo na ulit ako sa tabi nina Majoy. They're all tipsy and it's so obvious with their vulgar topic, it was about a series of novels with explicit scenes.
"Clai! Dito ka, may tatanong kami!" tawag ni Grasya at tinapik pa ang upuan sa tabi nya. Dahil hindi rin naman ako gaanong maka-relate sa kwentuhan ng 3rd yr gals ay lumipat na lang ako sa kabila.
"Hmmm, ano 'yon?" tanong ko pagkaupo.
"So.. here's the thing, let's play a game" si Tiffany habang nakatutok sa cellphone nya. She scroll and swipe until she present what's on the screen
"10 QUESTIONS A SQUAD CAN'T ANSWER WITHOUT HESITATIONS"
"Lalaro tayo n'yan?" tanong ko, lahat sila ay nakangiti na tumango-tango pa bilang tugon.
"G ka, Clai? Taraaa!" si Richelle na halatang excited.
"Toss" maikling sagot ko at sumandal sa couch.
"Game!" ani Tiff at ngumiti ng malawak.
"For the consequence, isang shot ng tequila ha? Walang chaser" sabi nya tsaka ngumisi.
Oh shoot, madadaya! Mababa ang alcohol tolerance ko.
"Bawal na mag-back out ha? Heto, number one... Are you happy?" diretsong sabi ni Tiff.
"Yes!" sabay-sabay na sabi naming lahat.
"Number two, are you in a relationship right now?"
"No/Nope/Hindi!" sagot ulit namin ng sabay-sabay. Okay, mabuhay ang single!
"Basic naman pala" komento ni Pril na medyo bored ang tono.
"Heto na, three... are you really happy?" Tiff said. Bahagyang nagsalubong ang kilay nya dahil doon. Same with us, wait?
Really... happy? Am I?
"Still yes!" si Hersh at Grace.
"Uh... perhaps" si Gyle.
"Medyo?" si Sha.
"Oum" si Richelle at Pril.
"Kinda" si Tiff.
"Uh.. yah" ako.
I am bothered, masaya ba ako? Masaya ako kapag kasama ang gals, but well... fvck. I'm a mess!
"Gagu! Gals we hesitate except kay Grace at Hersh. Tequila is waving!" si Richelle na bahagyang nanlaki ang mata.
What the heck?
"Shotttt!" sigaw ni Hersh at sinalinan ang shot glass. Una nyang inalok si Gyle na tinanggap naman agad nito. Bawal KJ.
"Four na!" mas energetic na si Tiffany.
"The question is... did you cry last night? Ako, hindi" sabi nya.
"I cried" anunsyo ko na nagpataas ng kilay nilang lahat. I don't want to lie anymore, masakit sa lalamunan yung tequila, at ayaw ko ring malasing!
"Hindi rin ako" sabi ni Gyle.
"Umiyak" si Richelle na medyo naging gloomy ang aura.
"Oo" tipid na sagot ni Hershey.
"Hindi" si Grace na medyo yumuko pa.
"Di rin" si Sharis.
"Anong iiyakan? Syempre hindi" matapang na sagot ni April.
"Same kay Pril, sinong iiyakan? Duh!" maarte ang boses ni Khovie, bitter pota.
"Five... do you have friends?"
We stare at each other and smile
"Yes!" then we ended up laughing.
"Six na, so... Are you considering them as friends only on happy times?"
"Anong klaseng tanong 'to?! Malamang hindi!" naiirita na si Tiff.
"Through ups and downs!" sabi ni Grace na sinang-ayunan naming lahat.
"Seven, If so then do they know that you cried last night?"
The question hit us hard.
"H-Hindi.." sagot ko na kinakabahan.
"Ano... same, hindi ko nasabi eh" si Rich.
"Nope" si Hersh na medyo guilty ang hitsura.
"Ah.. Wala kaming alam, kasi.. ah basta" si Sha na medyo malungkot. I bet she's overthinking already.
And all those crazy things you said you let them running in my head, you're always there... you're everywhere.. right now I wish you were here~
Sa sobrang tahimik sa table namin, dinig na dinig yung kanta na ini-play ng DJ. Potapete, akala ko club 'to? Ba't ang drama ng pinapatugtog?
"Eight na, Tiff. Tapusin na natin 'to" sabi ko dahil baka kung saan pa humantong yung game.
"Uh, okay. Eight... Do you know that being friends means being a shoulder to lean on?"
"Exactly" iba na ang tono na sagot ni Gylie. Maging si Khovie at April ay medyo napailing na.
"I'm sorry, then" sabi ko at uminom ng isang shot.
"Umiyak ako kasi wala lang, kapag di ko naman kaya... magsasabi ako sa inyo" paliwanag ko.
Richelle and Hershey took a glass full too.
"Nine, Today did you asked your friends if they're alright?"
"Hin.. di" alangan ang sagot ni Sharis. Nagtinginan ulit kami at napangiti ng mapait. We never asked and we don't fvcking know why.
Isa-isa, we took another shot. Kailan ba namin huling kinumusta ang isa't isa?
"Last question, number ten; Is it you who's lacking to open up or is it them who didn't cath up?"
"Parang tanga 'yang palaro mo, Tiff. Gusto yatang magka-frienship over!" sigaw ni Pril at tsaka uminom na naman.
"Next time hwag na tayong maglaro, di naman exciting!" reklamo rin ni Khovie na himig nagbibiro.
"Tang amaaa!" si Grace na di napigilang magmura. Ang kalat ng Grasya namin, yawa.
"Tara sayaw!" si Gyle na agad tumayo bago hinila iyong iba na nagpatangay naman agad.
I'm left on the table together with Sharis and Tiffany.
"Ba't ka umiyak, Clai? May problema ba?" alangan pero malambing ang boses na tanong ni Sha.
"Sira, okay lang ako. Kaya ko pa" sagot ko at uminom.
"Hindi porke kaya mo pa ay di mo na sasabihin sa amin, magkakaibigan tayo. Hindi kami extra container na kapag lang sobra na, tsaka lang maaalala" sabi ni Tiff tsaka isinuot ang earphones nya.
I removed it from her ears and smile;
"Tiffany nyo madrama, nahawa na sa kdrama" biro ko tsaka sya siniksik.
"Clai!" reklamo nya at maya-maya ay natawa na, si Sha nakitawa na rin.
Gals ain't an extra space and they shouldn't feel that way. A friend is a friend despite everything.
It's 30th of January at katulad ng nakagawian ay sa rooftop na naman kami nakatambay. Iilan lang ang kasama ko dahil may klase yung iba, si Jane, Jake, Cedrick at Lee lang yung present.
"Nagugutom ako, arat bili foods!" yakag ni Jake tsaka tumayo.
"Tara samahan kita" si Janey at tumayo na rin bago pagpagan ang skirt nya.
"Sama ako, baka mag-rambulan kayo sa daan" natatawang hirit ko dahil may naalala ako.
"Si Jake naman kasi yung nang-aaway, Clai! Di nya alam member ako ng council tapos binara-bara nya ako" depensa ni Jane at nag-pout.
"Jake nyo atitod, pasensya na nga kasi" sabi ni Jake at tumawa.
"Hindi na mauulit, pramis!"
"Kayo? Wala kayong papabili?" tanong ko kina Lee at Ceddie pero umiling lang sila.
"Tawagan mo si Linds, Clai. Baka mag-sapakan yang dalawa eh" segunda ni Jake na nang-aasar.
"Ikaw kaya upakan ko?" si Lee.
"Kaya ka friend zone ni Lindsey eh" hirit ni Jake at hinila na si Janey palayo.
"Ceddie, behave ha?" paninigurado ko kay Cedrick na ikinatawa nya.
"Yes, Clai. Pagbalik mo duguan na kami" biro nya kaya nang mahagilap ko ang nilamukos kong scratch paper sa bulsa ay agad ko 'yong ibinato sa kanya.
"Si Clai oh may cheating sheet" pangbu-bwisit pa nito na ikinairap ko.
Nasa open ground na kami nang biglang tumabi sa akin si Jake at may ibinulong, nauuna si Jane na kanina ay katabi nya.
"Si Marc oh, isama natin!" may itinuro nga syang lalaki na mag-isang nakaupo sa bench. Tutok ang mata nito sa hawak na cellphone na naka-landscape ang pwesto.
Naglalaro siguro o kaya'y nanunuod ng kung ano.
"Marc?"
"Iyong crush ni Jane! Dali na, Clai! Yayain mo!"
"Ba't ako?"
"Baka patayin ako ni Janey kapag ako ang nagyaya, kaya ikaw na" pamimilit pa Jake na nasa mood yatang mang-asar.
"Oo na, teka.."
"Yes!" parang nanalo sa kung anong raffle ay medyo sumuntok pa sa hangin ang loko.
"Hoy! Pasaan kayo?!" si Janey na nang lumingon ay nakita kaming papalayo na sa kanya. Maang nya kaming sinundan at ng mapansin nya kung saan kami papunta ay agad nyang hinila ang manggas ng blouse ko.
"Luh! Anong gagawin mo, Clai?!" nagpa-panick na sya at namumutla ang mukha.
"Wala, sira nito" sabi ko tsaka tinanggal ang kamay nyang nakakapit sa akin.
"OA mo, Janey. Dito ka nga" hinila na sya ni Jake kaya nakapaglakad na ulit ako papalapit doon sa pwesto no'ng Marc.
Katulad ng hinala ko, naglalaro nga 'yon ng online games.
"Uh, hello" bati ko pero di man lang sya lumingon. Ay?
"Teka teka... ay bwisit! Yung tower! Def, guys! Mamay na push!" sabi nito na di ko alam kung ako ba ang kausap o hindi.
Kaysa magsalita ay hinintay ko na lang sya habang pasimpleng nanunuod.
"Bobo mid! Oh, sinong nag-lord?! Di naman marunong!" halata ang pagka-asar sa tono nito at gigil na ibinaba ang cellphone.
Defeat.
"Bakit po, pala?" sabi nya na ikinagulat ko. Luh? Bipolar ba 'to?
"H-Huh? Ano, kasi.." nilingon ko si Jake na hawak pa rin si Janey sa braso, nag-thumbs up pa sya na parang mino-motivate ako.
"Si Jane kasi, baka raw gusto mo na sumama sa amin?"
"Jane?"
Itinuro ko si Janey at nang magtama ang paningin nila ay agad namula ang pisngi ng babaita.
"Uh, saan kayo?" he asked.
"Bibiling.. pagkain" alangan na ang tono ko dahil di ko naman kilala 'tong kausap ko. Masasapak ko talaga si Jake!
"Sige, sige.." sagot nito at tumayo na, isinilid na rin nya sa suot na jogging pants ang cellphone.
Sabay na naming pinuntahan sina Jake at nang nakalapit na kami ay tsaka lang nya binitiwan si Janey na itinulak pa nya palapit kay Marc.
"Jake!" singhal nito tsaka yumuko.
"Lakad na, aba! Sa likuran nyo kami" mapanukso na sabi ni Jake at hinila ako palapit sa kanya.
No choice at ayaw rin namang mas mapahiya pa ay naglakad na nga si Jane, tumabi naman sa kanya si Marc.
"Marc, bakit pala hindi ka naka-uniform? I mean, nakapang-P.E. ka kasi, di ka ba napapagalitan ng students council?" tanong ni Jake para basagin yung katahimikan no'ng dalawa.
"Uh, wala pa kasi yung order kong uniform. Si Janey na rin nagsabi sa akin na magpang-P.E. muna. Sya na raw magrereport sa council" sagot nito.
"Paanong sinabi? Ayyy, nagkakachat kayo?" patuloy na pang-uusisa ni Jake, pramis daig pa nya si Boy Abunda!
"Uh, oo?" patanong rin ang tono ni Marc.
"Hmmm, I see" Jake respond as if he come up with a theory.
"Sa cafeteria ba tayo?" pagbabago nya ng topic.
"Sa labas na lang" suggest ni Jane na bahagya pang inirapan si Jake ng lingunin nya kami.
Open gate pala kaya mabilis kaming nakalabas ng university nang hindi napupuna ng guards.
"Street foods tayo? Namimiss ko na" alok ko na sinang-ayunan naman nila. Doon kami nagpunta sa suki naming vendor at sure na malinis ang pagkakaluto ng tinda.
Senior high school pa lang kami ay sa kanya na kami bumibili.
"Aba, ineng may jowa ka na?" bati agad ni manong kay Jane pagkalapit namin sa kanya, nasa tabi nya pa rin kasi si Marc.
"Hi-Hin---"
"Opo manong! Bagay sila diba?" pagputol ni Jake sa pagtanggi sana ni Janey. Mas namula tuloy ito.
"Ay syang tunay naman! Nakakatuwa naman kayong tingnan" paniwalang-paniwala si manong at malawak pa ang ngiti na bati sa dalawa.
"Ano ba palang inyo? Kuha na kayo" sabi nito kapagkuwan.
"Nako manong, hindi ko tatanggihan yan" sabi ni Jake at kumuha na ng paper cup at doon naglagay ng kwek-kwek. Sumunod naman ako na kikiam at fishball ang napagtripan.
"Hijo ikuha mo na ang gerlprend mo, nahihiya pa yata" alok ni manong na mabilis namang sinunod ni Marc. Aba? Wala ba syang balak na itama yung kalokohan ni Jake?
Kumuha sya ng fishball at nilagyan ng sauce, tapos ay shanghai na nakahiwalay ang suka sa isang paper cup.
"Kain ka na" alok nito kay Jane na sobra na ang pamumula ng pisngi. Mukhang tuwang-tuwa naman si Jake sa nakikita.
"U-Uh, oo.." sagot ni Janey na medyo nauutal. Kinuha nito ang stick at sumubo na nga ng fishball tsaka hinipan, bagong luto kasi.
Si Marc naman ay kinuha ang cellphone at mukhang maglalaro na naman.
"Aba, ineng subuan mo naman ang jowa mo. Paano 'yan makakakain eh may hawak na selpon?"
"Buso----" tatanggi pa sana si Marc pero sinubuan na sya agad ni Jane.
"Punye, mainit!" reklamo nito at iniluwa ang fishball, halatang natutuliro ay iniabot sa kanya ni Jane ang paper cup na..
"Ano bang---?!"
Suka ang laman, may sili pa. Sawsawan kasi iyon ng shanghai.
Habang tumatawa ay inabutan ni manong si Marc ng isang baso ng palamig. Wala ng mas pupula pa sa mukha ni Jane ngayon, hiyang-hiya ang luka.
Susme, Janey. Ang kalat mo -__-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top