Chapter 6

Chapter Six



Walang kinse minutos ay nakarating ako sa Azhula's cafe, katulad ng inaasahan ay nandoon nga ang gals mula sa kabilang university.

"Claire! Dito ka daliii" tawag ni Aivie tsaka hinila ang upuan sa tabi nya kaya roon na nga ako naupo.

"Balita?" tanong ko agad pagkalagay ko ng backpack sa likod ng upuan.

"Wala, miss na namin yung iba. May klase lahat?" tanong ni Lorraine sa cold na tono. Di talaga sya sobrang expressive eh.

"Yup, mabuti nga at napagala kayo rito. Solo ako sa library kanina" kwento ko naman.

"Tapos tutulog ka lang naman?" si Pharfeyt na tumigil saglit sa pag-e-edit ng picture sa phone nya. Sideline nya 'yon, kumikita sya dahil sa skills nya sa editing. Kadalasan mga book covers sa wattpad ang pinapagawa sa kaniya.

"Uh, old habits die hard kasi" guilty na sagot ko. Mula kasi highschool kami ay ganoon na ang gawain ko. Basta tahimik at walang klase, natutulog ako.

"Clai! May chika ako!" excited na sabi ni Sayyah at tila kumikinang-kinang pa ang mga mata.

"Spill, tungkol ga saan?"

"May manliligaw si Ha----" naputol ang sasabihin nya dahil agad tinakpan ni Hazeiah ang bibig nya. Magkatabi kasi sila na nakapwesto sa harapan ko.

"Ehe, Sayyah siraulo. Hwag ka makinig dito, Clai" Haze said as she smile awkwardly.
"Restroom lang kami" she added then pull Sayyah and in an instant, they disappear.
Weird.

"Anong trip ng dalawang 'yon?" tanong ko kina Pharfeyt, Nicole, Lorraine, Almerry, Shey, Aivie at Vanessa na naiwan kasama ko. Nagtinginan lang sila at sabay-sabay na nagkibit-balikat.

"Hindi kami gaanong nagkakasama-sama sa university kasi iba-iba rin naman kami ng course at klase. Well, except for those two who were classmates" paliwanag ni Shey para di ako magduda.

"Parang may itinatago" hindi maiwasan na puna ko.

"Let them keep it, maybe they're not yet ready to spill the tea. Hayaan na lang muna" sagot ulit ni Shey. Hindi naman nag-uutos ang boses nya pero mase-sense ang authority. She's an effective officer, member din sya ng student's council sa university nila.

I just shrugged my shoulders because well, we don't have any choice but to wait. Kung ayaw nilang sabihin, alangang pilitin?
We respect each other's privacy, doesn't mean we're super close we have the rights to invade it. Hindi kami gano'n.

After probably ten minutes, Sayyah and Hazeiah return. Hindi na tense ang histsura nila, siguro ay nag-usap na sila habang nasa banyo.

"Clai, hindi ka oorder?" tanong ni Aivie para basagin yung katahimikan. As I browse on the table, may kani-kaniya na nga silang pagkain at inumin.

"Treat mo?" pagbibiro ko sa kanya.

"Luh, hwag gano'n! Wala akong pera" sagot ni Aivie tsaka tumawa.
"Pinag-iipunan ko rin HIH books, plano kong bumili ng isang set" sabi pa nya.

"Naol may naiipon" komento ni Elee matapos tikman ang strawberry parfait nya.

"Feyt? May tanong pala ako" sabi ni Sayyah na kakaiba ang ngisi sa labi. With her looks, I know what she's thinking.

"Hwag mo ng subukan, Say" sagot ni Feyt na nahulaan na rin yata agad ang itatanong ni Sayyah.
"Curious din ako bakit gan'yan ang pangalan ko, di ko alam kung ipinaglihi ba ako ni mana sa parfait o trip lang nila" litanya pa nya.

"Woah, mind-reader na si Feyt! Paano mo nalamang iyon ang itatanong ko?" bilib na tanong ni Say, halatang gulat na gulat ang gaga.

"It's so obvious, tsaka basta naman ikaw matic ng puro kalokohan" pambabara ni Haze kaya nakatikim sya ng hampas sa braso galing kay Say.

"Epal! Ikaw na ba si Feyt?" reklamo pa nito.

Di ko na lang maiwasan na umiling  pinapanood sila, kaya doble ang gulo noong kumpleto kaming gals sa highschool eh. Tuwing sama-sama kasi kami akala mo lagi ay may riot.
May hampasan, barahan, banatan at sigawan, pero lahat 'yon ay "for fun" lang.

"Sa gals dyan sa VIU, anong ganap?" tanong ni Lor sa akin na agad nagpatahimik sa lahat.

VIU is the acronym of Vaille International University, an American influenced institute.
UDT o Universidad De Tourre naman iyong pangalan ng university na pinapasukan nila, isa iyong Latin college o Spanish heritage school.

Both universities are established since the colonization of the mentioned foreign countries. Those were proof, a mark and an undeniable evidence of the colonial periods in Philippine history.

"Marami, teka magsimula tayo kay Ryza" sagot ko kay Lorraine na kumuha sa atensyon nila.
Nakakatawa na kung umasta sila akala mo'y di nakakabalita sa group chat naming lahat.

  Pasado alas sais ng magkayayaan na sila paalis, diretso uwi na sila samantalang ako ay may night class pa.
Nasa entrance na ako ng university nang..

"Aire!"
The only person who call me with that nickname came closer and give me a genuine smile.

"Kamusta? Luh, akala ko di mo na kami tanda eh" biro nito tsaka ako inakbayan.

"Bry.."

"Kain tayo?" yakag nya tsaka ako hinigit papunta sa iba pa naming.. kaibigan?

"May klase ako, next time na lang" sagot ko at inalis na ang braso nya sa balikat ko.
"Ingat kayo" sabi ko tsaka kumaway sa iba at nagmadali ng umalis.

Nandito sila, nakita ko.. sila. The friends that I thought were gone. They're... back.


"Mama, ayaw ko ngang umalis dito! Maiiwan ko sina Bry, sina Nica. Mama, ayaw ko!" reklamo ko habang pinapanood si mama na iimpake ang mga damit ko.

"Claire, ano ba? Napag-usapan na natin 'to diba? Malaki ka na, dapat naiintindihan mo na" sagot ni mama na pinipigilang magalit.

"Ma, please... ayaw ko. Doon na lang ako kina lol---"

Natigil ako sa pagsasalita ng malakas nyang isarado ang maleta kaya kumalampag iyon.
Hinarap nya ako na salubong ang kilay at nakakunot ang noo.

"Ang lolo mo, sinuntok ang papa mo! Hindi mo ba naiintindihan? Aalis tayo sa ayaw at sa gusto mo!" sermon ni mama na galit na ang tono.
Binuhat na nya ang maleta ko at dinala sa salas, nakasunod lang ako.

Mabilis ang mga sumunod na pangyayari, namalayan ko na lang na grade five na ako at naka-enroll na sa ibang school. Napakalayo ng nilipatan namin, wala akong kakilala ni isa.
Wala akong... kaibigan.

"Hi! Newbie?" tanong sa akin ng kung sinong basta na lang sumulpot sa tabi ko.

"Khovie, ako 'yon. Welcome sa V-Mystical!" dagdag nya pa at ngumiti ng matamis. Ang tinutukoy nya ay ang grade at section namin.

Nanatili akong nakatingin sa kanya at di umiimik, wala ako sa mood. Pero nagulat na lang ako ng hawiin nya ang buhok ko.

"H-Huh?!"

"Ow, sorry. Hindi ka kasi nagpapakilala... Claire" sabi nya tsaka binasa ang pangalan ko sa nameplate. Naka-pin iyon sa left chest ko at kanina nga ay natatabunan ng buhok, kaya pala nya hinawi.

"Claire, hwag kang mahihiya rito. Look, ang gulo kaya" sabi nya ulit tsaka tumingin sa paligid.
"Mag-eenjoy ka", dagdag pa nya.

"Khovieeee! Oh, hello!" may bigla ring dumating at lumapit sa amin, dalawa sila.

"Uh, ohayo~" bati ko na nag-aalangan ang tono. Agad nanglaki ang mata ng isa sa dalawa at itinuro pa ako, gulat siguro na may new student.

"Halah! Translate nyo dali, hindi ko naiintindihan" sabi ni Khovie sa boses na parang paiyak na.

"Mei, translate!" reklamo no'ng isa at tsaka itinulak yung kasama nya palapit sa akin.

"Hindi ko rin alam, Rich! Whaaaa!" nagpapanick na sabi nung Mei at nagyakap sila. Luh?

"Japanese ng Good morning iyon, pwede ring Hi or Hello" paliwanag ko na medyo napakamot sa ulo.

"Alam nyo ba na ang importante ay important... oh, may bago?" may dumating ulit at halatang wala rin sa sarili. Yung sinabi nya kasi, ay nako!

"Hi, ako si Jane, former class president nila ako rito" pagpapakilala ng isa na... uh, bakit ang dami na yata nila?

"I-nominate kita na president ulit, Janey! Galing mo kasi" sabi no'ng tinawag nung Mei na 'Rich'. Naka-angkla na sya ngayon sa braso no'ng Janey.

"Hwag ka malito, Clai. Si Meigan heto, mas bata sya sa atin ng dalawang taon, hetong kasama nya naman ay si Richelle, kaklase natin sya. Tapos itong bagong dating na kulot na nagsabi tungkol sa important daw ay si Gyle. Last si Jane, magiging class president natin" ani Khovie na nakatitig sa akin habang habang masinsinang pinapakilala lahat ng kadarating lang.

"Ilang taon ka na? Tsaka anong gusto mong itawag namin sayo?" sabi ni Jane na medyo seryoso ang boses.

"Uh, ano..  Clai na lang. Tapos.. ten" sagot ko na nahihiya. Nakakailang ang pagtitig nilang lahat eh.

"Halah, ikaw oldest sa atin. Naka-birthday ka na ba?" sabi no'ng Khovie at kulang na lng ay tawagin akong 'nanay'.

"Ah, oum" sagot ko sa tanong niya.

"May dagdag na sa gals! Sasabihan ko yung iba, balik na ako sa room namin. Bye Khov, Bye Clai!" paalam no'ng Meigan at umalis na.

"Who is she ba, Khov?" di pa nakakalayo yung isa ay may bago na namang pumansin sa amin.

"Teka Jha" sagot ni Khovie at biglang...
"Gals! Si Claire or simply Clai, i-welcome natin sya!" biglang sigaw ni Khovie na ikinagulat ko. Napalingon sa amin lahat at bago pa ako makabawi, unti-unti na silang lumapit at binati ako. Lahat, paulit-ulit sinasabing "Welcome sa V-Mystical" na may ngiti sa mga labi.

  Hawak ko ang cellphone ko habang nakikipag-chat sa mga kaibigang naiwan ko sa dati naming lugar. Gabi na at nakaupo lang ako sa tapat ng study table kasi tapos na ako sa pagsasagot ng homeworks ko.

'Nica sent a photo'

Ini-open ko ang group chat at magrereply sana sa meme na nisend ni Nica pero... hindi na pwede. May nag remove na sa akin sa group. Hindi ako makapag-chat. Ini-pm ko si Bry, yung boy best friend ko pero ini-seenzone nya lang ako.

Ano bang nangyayari?

I tried chatting the nine others pero lahat sila ay hindi man lang nagreply o di kaya'y di man lang ini-seen ang message ko. One thing is for sure, they're purposely ignoring me!

Naluluhang ini-off ko ang cellphone at nahiga na ako sa kama, masakit.

*ting!*

Nakalimutan ko palang i-turn off ang data, nang tingnan ko ang message notification ay agad kumunot ang noo ko.

@Clai Sobrepeña, you're gals na ha? Nandito lahat ng kasali sa circle natin, we're friends na okay?

Chat ni Jhanella, isa sa kaklase ko sa V-Mystical. Magta-type na sana ako ng may notification na naman na ni-mention daw ako sa chat.

Woah @Clai Sobrepeña, hello! Maybe u don't see me pa kasi I'm at High School na. But, welcome sa fam!

Ang pangalan na nakalagay sa sender ay 'Hannah'. Hindi natapos lang 'yon sa dalawang message, sunod-sunod pa ang mga naging chats at pag-mention nila sa akin.
They're funny and at the same time are sweet.

Awts, seener. Hi @Clai, uso magreply :<

Someone named Myka sent that message, somehow I feel guilty. I typed a message and was hesitant to sent it. Binasa ko ulit at di ko maiwasang mapangiti ng kaunti.

Too many to mention, salamat V-Mystical. Salamat.. gals :)

Sent.

Iba-iba ang naging reaksyon nila pagkabasa ng chat ko, kung anu-anong kalokohan agad ang pinagsasabi nila.
And... since that day, something changed. Big time!

Lampas isang buwan na at napalapit na agad ako sa mga bago kong kaklase, o mas dapat yatang sabihin na 'kaibigan'.
August na at nagkakagulo ang gals dahil sa nagpaplano silang manood  ng Provincial Intramurals. Wala naman kaming representatives sa kahit anong category kasi All-girls school ang Laurel's Montessori Primary Institute.

"Sasama ka, Clai? Medyo malayo pero worth it, hahanap tayo ng magiging crush!" sabi ni Hershey na kulang na lang ay maglaway. I bet she's thinking about 'jowable' guys again.

"H-Huh? Baka hindi" sabi ko na iniiwasang ipakita ang nerbyos na nararamdaman ko. Panigurado, kapag pumunta ako at sumama sa gals ay makikita ko roon sina.. uh, wala.

"Sama ka, hindi pwedeng hindi!" anunsyo ni April sa tono na parang bawal ng kumontra.

"Pril, hindi ako pwe--" hindi ko na nasabi ang rason ko sa pagtanggi dahil bigla akong inakbayan ni Jane.

"Dahil ba sa... kanila? Itaas ang upuan, we got you!" sabi niya tsaka ngumiti ng napakalawak.

"Janey..."

"Iyon ba ang dahilan? Duh, we will upak them if they did something na unpleasant sa'yo" conyo na sabi ni Jha.

"Gals.. ano ba?" my tears started to build up that made them smile.

"Sama-sama tayo, Clai. Di ka namin iiwan, pramis!" sigaw ni Richelle tsaka tumalon palapit sa akin, niyakap nya ako at sumunod naman ang iba.

Since then... my every day ain't normal again. The bond I have with the 'gals' strengthen, I have them and they have me through ups and downs. No one turn their back, no one leave. Wala ng normal na araw dahil ang mga kasama ko't nakapalibot sa akin ay tinalo pa ang mga abnormal, hahaha.


"Claire! May nag-excuse raw para sa'yo, ayaw mo bang puntahan?" someone poked me while pointing on the doorway. Nang lingunin ko ay isa pala sa kaklase ko.

"Ha? Ano ulit?" tanong ko sa kanya na medyo naguguluhan.

Lutangerist, spotted!

"May nag-excuse, ikaw ang hinahanap. Kanina ka pa pinayagan ni Sir Hilario pero di ka naiingli na tumayo" paliwanag nya.

"Ay, sorry sige salamat, puntahan ko na" sabi ko tsaka tumayo. Halah, kung anu-ano kasing naaalala ko! Iyan tuloy, kahit nasa loob ako ng klase eh nagawa ko pang mag-throwback. Nakakahiya!

I walk towards the door and when I open it, what the...

"Clai.."

Uso na bang bumalik ang mga nang-iwan? Fvck! What is he doing here?

"Soll.."

I admit I'm a ghoster but right now, at this moment, I'm facing the only person who succeed to ghost me. Solleir, my... ex.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top