Chapter 5

Chapter Five



Thirty minutes after those twelve arrived, the senior high school gals also appear at Wolvo's Dinning Sanctuary, kumpleto rin sila kaya sobrang crowded na ng area. Mabuti na lang at kaunti ang mga customer dito kasi medyo gabi na.

"Ryza, paano mo napapayag si Tian na sumama? Did you blackmail him?" pang-uusisa ni Paula na rinig naming lahat. Nasa kabilang table lang kasi sila.

"Uh, hindi gano'n! Sya kaya yung nagsabi na kung pwede raw bang sumama" giit ni Ryz na sobrang namumula.

"Di mo sure" pambabara ni Meigan at halatang hindi kumbinsido.

"Pramis! Sya nga kasi, nichat ko lang sya na gagala tayo tapos.." her words were cut by Richelle.

"Nagkakachat kayo? Sya ba 'yon? Yung ka video call mo gabi-gabi?"

"Ate!" bigla ang pagsigaw ni Ryza na talo na ngayon ang pagka-pula ng mansanas. Bull's-eye, mukhang may hindi kami alam ah?

"Kwento, daya ah. May hindi ba kami alam?" nakangisi na si Cherry at kapag gano'n panigurado lalabas na naman ang pagka-amazona nya.

"Spill, makikinig kami" sabi pa ni Pril tsaka pinag-ekis ang braso. Oh, the warfreak is also triggered, paktay ka Ryza.

"H-Hindi.. ano.. whaaa!" halata ang nerbyos at kilig sa reaksyon ng isa sa bunso namin. Mga bunso kasi lahat ng nasa lower grade eh.

"I like her, no.. I love her"

0___0

What the fvck? Did we just heard it right? Shocks!

Una, nagsalita si Tian na dakilang taga-pakinig lang. Pangalawa, ano raw? Mahal nya si Ryza? IMPOSIBLE!

"Ang baboy naman Jha!" sigaw ni Lee at ng lingunin namin sya ay basa na sya ng tubig. Si Jhanella na katapat nya sa mesa ay may hawak pang baso at halatang kakainom lang kasi may bawas yung laman.

"Ayy.. ehe, sorry nagulat lang" paumanhin nya na di ko alam kung sincere ba o ano.

"Sa akin talaga, seryoso? Pwede namang sa baba" tuloy ang reklamo ni Lee habang pilit pinupunasan ang basang leeg at dibdib.

"Buti nga hindi sa mukha, duh. Nagulat ako, alangang isipin ko pa saan ibubuga yung tubig? It's what we called impulsive action kaya" paliwanag ni Jha na umirap pa.

"Ba't ba kasi nasa tapat kita? Konting konti na lang iisipin ko na talagang crush mo ako. Alam ko namang yummy ako as appetizer na pampagana sa pagkain pero--- the fvck?!"

"Ay, natabig. Sorry ulit, ehe" this time alam naming sarcastic na ang apology ni Jhanella. We saw how she intentionally move her arm so that Lee's water will spill. Ngayon, pati pantalon ni Lee ay basa na dahil natuluan ng tubig galing sa mesa.

"Nakakatakot ka magmahal, Jha. Masyado mong ipinapadama" tuloy pa rin ang pang-aasar ni Lee kahit basang sisiw na ang histsura nya.

"Tarantado" komento ni Jhanella na pikon na naman ang histura. Naka-arko ang kilay nya na maya-maya ay nagsalubong na.

"Agaw-atensyon kayo, hoy!" sigaw ni Faith kina Jha at Lee.
"Si Ryza oh akala makakatakas sya sa atin, di ka pa abswelto. Explain" dagdag pa nya dahil kalmado na ulit si Ryz.

"Nasabi ko na, mahal ko nga si Ryza" sagot ni Tian na tinalo pa ang aftershock ng lindol.

"Ryz, saan ka nakakuha ng gayuma? Share mo naman, painumin ko rin si Zeke" ani Meigan na mukhang interesado sa nagiging takbo ng usapan.

"Ako rin, kay Skye" dagdag ni Faith.

"Three. Baka lang naman, di ko naman ilalahat, mga wamport lang" pagsang-ayon ni Ria at nag-muestra pa ng "kaunti" sa daliri.

"Should I say fourth?" si Jake. Gulat kaming napalingon sa kanya na ikinatawa nya.
"Baka humanap ng iba eh" paliwanag nya na mas nagpalito sa amin.

"Sino? Malihim na rin si Jake!" sigaw ni Hersh na himig nagtatampo.

"I found her, I mean... she found me. Iyong nag-dedicate ng message sa akin sa confession booth no'ng Halloween" kwento nya.

Yeah, may confession booth nga pala noong Halloween party sa university. Ilang messages ang natanggap nya at mayroong isa na hindi nagpatahimik sa kaniya. A confession from an anonymous woman. Hinunting 'yon ni Jake pero hindi nya mahanap eh.

"Ano? She found you? Magulo!" reklamo ni Khovie na halatang bitin sa details.

"Sya yung nagchat sa akin, di ko raw kasi sya mahanap. Nainip yata" then Jake chuckle.
"By the way, her name is Pamela"

"Iyong nasa student's council din?" pang-uusisa ni Janey.

"Hindi ko alam, basta Pammy raw in short" clueless na sagot ni Jake.

"Halah! Si Pammy nga!" Jane confirmed and giggle. Kinikilig.
"All this time ikaw pala yung ikinu-kwento nya sa amin. Hindi kasi sya nagne-name drop, after meeting about Christmas event tinanong nya ako habang nasa officer's room kami. Sabi ko i-chat na nya yung guy tapos... my gosh!"

Woah, that's... mind-blowing. Ang liit naman yata ng mundo?

"Balik kay Ryza, ano na? Kailan pa?" si Avegail na katabi ni Ryz sa upuan.

"A-Ano, noong... kailan ba?" tanong nya rin sa sarili nya. Ang bangag!
"Tanda ko na, ano.. mid-December yata? Basta unang beses na nagka-usap kami ay noong galing akong Library. Hinanap ko talaga si Tian tulad ng sabi ko, sorry maharot" kwento nya.

Tanda ko 'yon. Ang bilis, ngayon mahalan na agad?

"Iba rin galawan ni Tian eh, palihim umatake" panunukso ni Gyle at tsaka tumawa.

"Pero may gayuma talaga, Ryz pahingi! Bigyan ko lang si.." naputol ang sasabihin ni Paula at tsaka umiling.
"Charot lang, kakatakot kayo tumitig" sabi nya tsaka hinarap ang lomi nya.

"Ikaw, Clai? Hindi ka hihingi?" baling ni Jerramie na nagpakunot ng noo ko.

"Para saan?"

"Comeback!" sigaw ni Faye at halatang nang-aasar.

"Kapag ex, ekis na" sagot ko na ikinatawa nilang lahat.

"Clai, wala namang ampalaya ang lomi ba't ang pait mo magsalita?" ani Lindsey na nakikigulo.

"Oo nga, Claire. Mahal mo pa?" si Razen na nag-uusisa.

"Minahal ko ba?"

"Kaya pala iniyakan, hindi minahal" sarcastic ang tono ni Tiffany habang nakatingin sa akin.

"Ba't ba ako? Hoy! Si Ryza kasi, ba't napalipat sa akin yung spotlight?!" reklamo ko dahil sa panunukso nila.

"Admit it, Clai. You still like him, right? Tawagin si att---"

"The hell! Isa pa, iiwanan ko kayo rito" desididong sabi ko na sineryoso naman nila.

"Claire pikon, itakwil na yan. Di marunong makisakay" puna ni Pril tsaka tumawa. Ang mga siraulo, tumawa rin habang naghihimutok ako sa upuan ko.

Porke alam nilang pokmaru ako sa kanila eh, at di ko kaya na iwan sila. Psh, mga buang.

Nakakapagtaka man ay mag-isa ako habang nasa library, may klase silang lahat eh. Bale, may klase rin dapat ako kaso wala yung professor kaya rito ako napadpad. Gabi-gabi akong puyat kasi may insomnia ako kaya dadayo lang naman ako ng tulog dito para tahimik.

Malapit na ako sa entrance ng "panaginip" nang..

Hadal Ahbek (hek) pa para para pa ra pa pa pa ra para pa ra papa para pa ra para paparara~

asdfghjkl! Yung cellphone ko! Sino ba kasi 'to?

"Oh? Hello"

"Claire!" sigaw ng kung sinong caller. As I check who is it, nanlaki ang mata ko.

"Nicole! Oy, kamusta? whaaa" sa ingay ko ay biglang napalingon sa akin ang librarian na nagbabanta ang tingin.
Napaka-istrikta talaga!

"Gala tayo, obviously wala kang klase kasi nasagot mo eh" sabi nya na hindi na kailangan ang opinyon ko. Mautak pa rin ang luka.

"Oo, 3hrs vacant ako. Walang prof, sa'n ka ba?" tanong ko habang nililigpit na ang 'props' kong cattleya notes at libro.

"Uh, sa tapat ng university nyo. Sa Azhula's cafe" sagot ni Nics na medyo alangan ang boses.

"Nand'yan ka na?! Paano kung di ako vacant? Eh di lugi ka!" gulat na reaksyon ko sa sinabi nya.

"Eh, kasama ko naman sina---"

"Clairrreeee!" sigaw ng pamilyar na boses, teka...

"Almerry! Halah!"

"Duh, Elee kasi Clai" reklamo nya na naiimagine ko pa ang pag-irap.

"Oo na, Elee" medyo tumatawang sabi ko.
Nasa tapat na ako ng bookshelf kung saan ko kinuha kanina ang Mythology book na di ko naman nagamit. Ibinalik ko iyo at aalis na dapat ng may marinig akong nag-uusap mula sa counterpart ng shelf.

"Sasali ka sa codes deciphering ng History Club, pre?"

"Hindi na pre, may representative na yung section namin eh"

"Sasabihan ko si Jamilla, baka pwedeng ikaw na lang"

"Hindi na ako sasali, ako lang din naman mananalo"

Nang silipin ko kung sino ang mga hambog na nag-uusap ay kita ko ang pagngisi nila. Mga gunggong -__-

"Michael! Daniel! Ano ba? Kanina pa namin kayong hinahanap, ba't nandyan kayo? Almanac ang kailangan natin hindi literary books" reklamo ng kung sino na biglang sumulpot.

"Pasensya na Jules, heto kasing si Daniel ang daldal" reklamo no'ng isa na Michael siguro ang pangalan.

"Tara na, lagot kayo kina Jami" sabi pa ni Jules at nauna ng maglakad.

"Abno mo kasi, pre! Sabit ka na nga lang sa group study namin ang daldal mo pa" paninisi no'ng Michael tsaka nakakalokong tumawa.

"Sisihin daw ba ako, gago!" reklamo no'ng Daniel tsaka binatukan yung isa. Pagkatapos noon ay tumatawa na silang naglakad palayo.

"Mga buang nga, tss" komento ko na narinig siguro ni Elee.

"Buang? Kami ba 'yan Clai?" tanong nya.

"H-Huh? Hindi.. ah yung mga nandito kanina. Nevermind, papunta na ako" sabi ko tsaka nagpaalam.

Mukhang may katandem na si Lee sa kalokohan ah? Paano kaya kapag nagkasama-sama sila?
Nakakatakot, baka bumagyo!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top