Chapter 3
Chapter Three
Sa likod ng stage ay may room para sa contestants. Pagpasok pa lang ay nakakasilaw na agad ang liwanag at halu-halo ang amoy ng pabango na sumalubong sa amin.
"Guys, here!" tawag ni Hershey katabi si Arriane. Ria is wearing a below the knee red balloon dress with thick black belt on her waist. Maikli ang ruffle sleeves noon na kulay white at pati na rin sa laylayan ng palda. May four inches din yata ang suot nyang black sandals na pointed ang takong at may laces. May Santa hat din sya sa ulo.
"Sinong nag-make up sa'yo, Ria?" I asked out of curiosity. Paano kasi ay sakto iyon at hindi exaggerated katulad ng sa ibang kalahok.
"Si Pau---"
"Me, Clair!" Paula, one of the lower grade gals instantly appears beside me.
"Woah, you're great Pau! Ako rin, make-upan mo ako" nakangusong sabat ni Grace at lumapit dito.
"Sinosolo yung credentials! Ako sa hair ni Ria, galing ko 'no?" si Lindsey na bigla ring sumulpot habang may bitbit na curler.
"Oh, ako sa damit! Stylist na bunso nyo" sabat ni Meigan at may yakap pang mga hanger na iba't iba ang nakalagay na dress.
They're our gals from Senior high school, makukulit at lively, that's them. Si Paula ay nakasuot ng sleeveless dress na may collar, ang top ay white rose ang kulay at design samantalang ang kadugtong na palda ay red orange. Strapless sandals ang suot nya na three inches ang heels. Naka-single ponytail ang mahaba nyang buhok at may design rin ng white roses ang hair tie.
Si Lindsey naman ay naka-itim na crop top at may print na "sassy" sa tapat ng dibdib. Kita ang ibang balat nya sa tyan dahil blue fleets mini skirt ang kapartner noon na hanggang kalahati ng hita ang haba. Naka-black leather boots din sya na hanggang ibaba ng tuhod. Her hair is overall braided that is place on her right shoulder.
Meigan on the other side is wearing a jumper na ang left strap ay naka-loose. Naka-doble sa loob noon ang pink na tube top, ang lower part ay maong shorts na above the knee at ripped style. Nakasabog ang buhok nya at may hairpin lang na naka-ekis sa magkabilang gilid sa ibabaw ng tainga. Her thick heels sneakers is white and pink with a signature of nike.
"Linds! Mei! Pau! Ba't nyo kami iniwanan sa building natin? Nakakainis kayo!" bigla ang pagdating ni Ryza na salubong ang kilay. Kasama nya sina Faye, Jerramie at Christi.
Naka-sleeveless close neck blouse sya na beige ang kulay, naka-tucked in iyon sa high waist maong button down skirt na hanggang tuhod. Her stiletto is black with gold chains on the ankle and across the fingers. Her semi-curl hair is tied up in a neat braid with remaining stylish strands on both side of her face.
Kalmado lang naman si Faye na naka golden brown dress na de-tali ang isang sleeve sa balikat, sideways kasi iyon. Fitted ang pang-itaas at nakabuka naman ang paldang may dobleng see through laces sa ibabaw. The bottom skirt's length is visibly half of the legs. Her white high cut rubber shoes is semi-boots style. Naka-loose bun ang buhok nya na nasa ibabaw lng ng batok.
Still on her phone, Christi smile awkwardly when she look at us. Isinuot nya sa back pocket ng suot na maroon leather skirt ang cellphone at kumaway. Naka-white crisscross sleeves sando sya na ang laylayan ay may short ruffles. Ang suot nyang white sandals ay two inches ang heels na block style. May artificial silver highlight din ang buhok nya na naka-pigtails.
"Ammie? Ba't ka sumama sa mga 'yan? Baka mahawa ka sa kabaliwan ni Ryz, dito ka!" sabay hila ni Lindsey kay Jerramie at itinago ito sa likuran nya.
Jerammie just giggle before rearranging the sleeves of her dark maong jacket na pinapatungan ang panloob nyang skin-tone tank tops. Maong din ang fitted shorts nya na may disenyo ng gold buttons sa tapat ng bulsa. Naka-sneakers sya na navy blue at makapal ang swelas.
"Sino kayang baliw sa ating pito? Ikaw nga naka-Dora ng underwear!" panunukso ni Faye at agad na tumawa. Namula naman ang huli.
"Elementary pa 'yon! Nakakabwisit ka, Faye!" Akmang hihigitin ni Lindsey ang buhok nito ng...
"All contestants proceed to the backstage now, the show will start in five minutes" anunsyo ng host ng program.
"Mamaya na kayo mag-sabong, tara na sa stadium" anunsyo ni Hershey at nauna ng lumabas habang inaalalayan si Arriane. Si Ave at Grace ay nasa magkabilang gilid ko.
"Nasaan pala si Diane, Razen, Erleen at Abigail?" tanong ko ng mapansin na kulang sila.
"Nandoon na sa loob, Claire" sagot ni Christi at sumunod na sa akin.
Humiwalay na sa amin si Ria at nasa backstage na, nang bumalik kami sa stadium ay doble na ang dami ng tao at hindi na magkamayaw sa ingay. Sa likuran ko ay panay pa rin ang iringan nina Lindsey at Faye na tinatawanan lang nina Jerramie, Paula, Meigan at Ryza.
"Guys! Akala ko tumakas na kayo, ang tagal nyo!" salubong ni Jake pagkakita sa amin. He's dashing in his black shirt printed with "BTS" in purple highlight, his biased male kpop group. Jeans ang kapartner noon at flat black rubber shoes. Nakababa ang buhok nya na walang wax at sumasabay sa ihip ng hangin.
"Sorry, sina Lindsey at Faye kasi ang kulit" sumbong ni Grace at naupo na sa bleachers.
"Kanina pa nagmumura si Jha, gusto na ngang sumunod sa inyo eh" kwento rin ni Cedrick at nakatabi na kay Jake. He is wearing a partner gray hoodie and jogging pants matched with black and white laces sneakers. May suot syang round glasses na silver ang linings. Bumabagay iyon sa medyo may kahabaan na nyang buhok na malinis rin at walang hair gel.
Nakaupo ng lahat at nanatili kaming tatlo na nakatayo. I'm in their middle that makes me kinda insecure with my height.
"Layo, guys. Para kayong poste dyan, agwat" reklamo ko na ikinatawa nilang pareho.
"Upo na kasi, Clai. Arat!" sabay hila ni Ceddie sa akin kaya napasalampak ako kasama ng iba. Sa baba ako nakaupo at sa next step ng bleachers sila nakapwesto, mas mataas sa amin.
Ang palibot kasi ng stadium ay may bleachers, yung tila hagdan na sementadong upuan. The event starts exactly after five minutes just like what was announced. Opening prayer muna followed by greetings and remarks from the administration pagkatapos ay ang pinakahihintay ng lahat.
"And now, let's welcome.. the contestants of Santa's next top model!"
Masigabong palakpakan at maingay na sigawan ang pumuno sa stadium. Kani-kaniyang cheer ang bawat class kada lalabas ang representative nila.
Papatalo ba naman ang mga kasama ko? Nakakarindi ang tilian nila -__-
"Riaaaaa! RIA LANG SAKALAM!"
"Arya, arya.. RIA!"
"Ayan na, ayan na, ARRIANE!"
Hindi ko alam kung saan nila napupulot yung mga sinasabi nila, sa totoo lang.
Paunang rampa lang ng mga contestants habang nakasuot ng red theme clothes, sumunod ay isa-isa na silang nagpakilala. The second walk is by pair, si Ria... namumula.
"So, Aldrin what can you say about your partner?" maintrigang tanong ng emcee na si Mari, yung isa sa gals na 3rd year na.
Maria is wearing a thin fabric yellow long sleeves paired with a white slacks. Naka-high heels rin sya na white shoes at may straps na nakapalibot sa bukong-bukong.
"She's... simple yet strikingly.. beautiful" Aldrin answered while staring at Arriane. Mas lalo tuloy nag-blush ang luka at halos mabasag naman ang eardrums ko sa kinikilig na tilian ng mga katabi ko.
"SANAOLLLLL STRIKINGLY BEAUTIFUL!" sabay-sabay nilang sigaw na nag-echo sa buong paligid. Nakakahiya na sila, swear.
"Ikaw, Arriane? Any comments about your partner?" tanong ulit ni Mari at ngumiti ng nakakaloko. We all know that Ria has a secret crush with Aldrin, teka? Secret pa ba 'yon eh sa dami naming nakakaalam?
"He's... a ghoster, multo sya!" Ria exclaimed unconsciously. Nanlaki bigla ang mata nya at naghugis letter "O" ang bibig. Aldrin then let out a playful smirk.
Parang may anghel na dumaan at agad tumahimik dahil sa di inaasahang sagot ni Arriane. She's doomed, gosh. Dapat bang ipagkalat nyang ni-ghost sya nito? Yawa! Mukha na tuloy syang nagpa-panick at parang constipated.
"Uh, ehe... anyways, let's proceed with the.." Mari broke the silence and continue the flow of the program. Mabuti at nasalo nya sa kahihiyan si Ria bago pa man may kung sino na magtanong at mag-usisa.
An hour had passed before the contest ends. Itinanghal na Second runner up si Arriane pero nasungkit nya ang Best in Model Pose, Best Pair, Best in costume at Best in Make-up and Hairstyle. Proud na proud tuloy sina Meigan, Lindsey at Paula dahil obra maestro daw nila si Ria.
Ngayon ang kasama ko na lang ay si Jhanella at Diane dahil same route kami pauwi. Ang iba ay kani-kaniya ng alis dahil late na natapos ang program kaninang alas otso. Nakagala na kaming lahat at kumain na sa labas at halos alas dyis na ng maghiwa-hiwalay.
"Diane, ba't ang tahimik mo lagi?" tanong ni Jha habang naghihintay kami ng masasakyang bus. Nasa pagitan nila ako, si Dia ay nakakapit sa braso ko at mas lalo pang humigpit ang hawak doon.
"Huh? Eh, nahihiya lang ako. Di kasi ako makasabay sa topic kapag sama-sama tayong lahat" paliwanag nya at halatang kabado. Ang isa nyang kamay ay sa zipper na ng suot nyang indigo jacket naglilikot, itinataas nya iyon at ibinababa. Ang panloob nya ay pale orange overall sleeveless top and pants. Malamig na kaya pinatungan na nya iyon ng jacket. Bahagya rin nyang tinatalisod ang maliliit na bato sa kalsada, mabuti't naka close shoes sya na kulay brown.
"Magkakasama na tayo ng lampas isang dekada. Dapat komportable ka na kahit mas ahead kami nina Claire sa'yo ng dalawang taon" sagot ulit ni Jha at tsaka tumabi kay Diane.
Gals from Senior high school were originally a circle of Ryza's friends. Pero dahil nga nakakasama namin si Ryz kasi ate nya si Richelle, naging kaibigan na rin namin sila. To avoid superiority, hindi kami nagpapatawag ng "ate" sa kanila.
"Act normally, kapag naman sina Meigan lang ang kasama mo ang ingay mo. Try mo lang maging carefree, mas madali yon" Jha continue then smile. Inakbayan nya si Diane at tsaka ini-amba ang cellphone nya sa amin;
"1.. 2..." and a shutter sound was heard.
"Wala pang 3!" biglang sabi ni Diane dahil ang epic nya sa picture ng ipakita ni Jha who's laughing endlessly now. Masayang masaya ang gaga na pagtripan si Dia.
"Pang-birthday greetings 'to, legit! Ang ganda mo" panunukso pa nya kaya pilit inaagaw ni Diane ang cellphone pero hindi sya nito mahuli.
"Jhanella! Ano ba, hwag kasi!" singhal ni Diane na nakapagpangiti sa akin, now she's careless and that's really better. Mas bagay sa kanya yung magulo kaysa tahimik.
"May bus na, tama na 'yan" saway ko ng maaninaw ang paparating na bus na may signboard ng destinasyon namin. Tumigil na nga ang dalawa sa pag-aasaran at tahimik na kaming pumasok ng tumigil 'yon sa tapat namin. Sa tatluhang upuan kami naupo sa likurang pwesto lang ng driver para maiwasang lumagpas kami ng pagbaba. Habang nasa byahe ay naramdaman ko ang pagsandal ng ulo ni Jha sa balikat ko maging si Diane.
"Nakakaubos ka ng energy Diane, inaantok na tuloy ako" reklamo nya na nagpatawa kay Dia.
"Ang kulit mo kasi, hoy Jha, delete mo 'yon ha? Pramis di na ako tatahimik lang sa gilid" sagot ni Diane na di naman na tinugunan ni Jhanella. Nang silipin ko ang mukha nito ay nakapikit na, she's asleep.
"Jhanella nyo pagod na" komento ko kaya sinilip rin ito ni Dia, she took out her phone and capture a photo of Jha. Epic rin yon dahil medyo nakaawang ang labi ni Jha.
"Quits" nakangiti na si Diane at pinipigilan ang sarili na tumawa ng malakas habang tinitingnan ang picture sa cellphone nya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top