Chapter 2
Chapter Two
Abala ako sa ginagawa kong book review na kailangan para sa subject namin sa Rizal I nang pumasok sa kwarto si Celine. Wala namang kaso kasi share naman kami rito.
"Ate, nasabi na ba ni mama sa'yo?" tanong agad nito habang bitbit ang notebook nya na may homework. Sumalampak sya sa kama tsaka bumuntong-hininga.
"Alin? May problema ba?" tanong ko agad na nakakunot ang kilay. Is there something I need to know?
"About kay tita Jo, ayaw kitang i-spoil kaya wait mo na lang na sabihin ni mama sa'yo" tipid nyang sagot tsaka dumapa na sa kama at tumutok sa activities nya.
"Cliffhanger!" reklamo ko at lumabas ng kwarto. Habang pababa ako sa hagdan ay tanaw ko na si mama at papa na nanunuod ng TV.
"Ma! Pa!" mabilis silang lumingon sa akin at ngumiti ng alanganin, something ain't right. Halata sa ikinikilos nila eh.
"May sinasabi si Celine! Ano 'yon? May sasabihin daw po kayo about kay Tita Jo?" nakarating na ako sa pwesto nila at nakaupo na sa tabi ni papa. Papa's girl kasi ako.
"Ang daldal talaga ng kapatid mo, ano?" puna ni mama tsaka bahagyang natawa. Tumayo naman si papa at pumunta sa teresa, maninigarilyo sya kaya lumayo.
"Ano na, ma?" naiinip na sabi ko. I'm dead curious! She hold my hands and then she smile awkwardly.
"Clai, kasi hindi makaka-uwi sa bakasyon si Hanz. May summer class sya kaya walang kasama sa April at May si tita Jo mo. Kanina, tumawag sya at nagtanong kung pwede ba sanang--"
"Halah! Teka mama, pupunta tayo sa Batangas? Whaaa!" excited na sabi ko pero agad ding napawi ng umiling si mama.
"Hindi, Clai. Kung payag ka... ikaw lang sana" paliwanag nya.
"What the? Ma!" kontra ko na kinakabahan.
"Kawawa naman ang tita Jo mo, ineng. Yung kasambahay nya kasi ay may sakit ang magulang kaya umalis din" bwelta pa ni mama.
"Ma, pwede namang humanap na lang sya. Madali na mag-hire ng kasambahay lalo na at sa Summer break, for sure maraming willing na sumide-line roon para dagdag ipon" suhestyon ko pa.
"Clai, ayaw ni Hanz. Mahirap nga namang magtiwala sa iba, matanda na ang tita Jo mo kaya paano kapag masamang loob ang nagkataong nakasama nya? Hindi rin naman sya pwedeng magbyahe ng malayo dahil makakasama iyon sa kalusugan nya" pagpapaliwanag pa ni mama habang nakatitig sa akin ng mataman.
"Mama..."
"Please, Clai para kay tita Jo mo. Kawawa naman sya, diba?" pangungonsensya pa ni mama tsaka mas mahigpit na hinawakan ang kamay ko.
"S-Sino pong kasama ko papunta roon? Ma, ang layo ng Batangas!"
"Tuturuan ka naman namin ng papa mo, pagpaplanuhan natin. Payag ka na, 'nak?" she asked to assure my decision. I'm really confused, undecided and somehow excited. Nakaka-excite na makakarating na ako sa ibang lugar bukod rito sa Baguio pero natatakot akong magbyahe nang mag-isa.
"Magiging okay ang lahat, 'neng. May halos limang buwan ka pa para maghanda, game na?" sabi ulit ni mama na medyo lively na ang boses.
"Gusto ng kapatid mo pero ayaw naming pumayag, bata pa ang bunso natin. Nag-aalangan kaming siya ang papuntahin doon ng mag-isa" si papa na kapapasok lang.
"Papa ako na po, kaysa si Celine. Baka kung ano pa mangyari kapa---"
"Ate, epal! Nasa tamang gulang na kaya ako, desi-otso na ako!" sigaw ni Celine na nasa bungad na ng kwarto. Mukhang narinig nito ang sinabi ni papa pati na ang pagsang-ayon ko roon.
Christmas break na bukas at magkakasama kami ng gals rito sa open ground. Susuportahan namin si Arriane na syang representative ng class nila sa "Santa's next top model" na gaganapin ngayon. Kahit pa may sari-sariling representative yung mga class namin, mas willing kami na mag-cheer para kay Ria.
"Gals, proceed na kayo sa stadium mamaya ha? Malapit na mag-start yung event" si Jane na may hawak na memo ng Christmas program. Agad rin syang naglakad palayo para asikasuhin yung iba pa.
Jane got braces now, she also has a specs on with golden lining, kulay itim ang suot nyang minidress na de-tali sa leeg at may dobleng white blouse sa loob. Katerno noon ay black flat sandals namay ekis ekis na tali hanggang gitna ng binti. Her shoulder length hair is flowing freely with some of her bangs clip at the side.
"Halah, sabi ko sa inyo roon na tayo dumiretso eh" reklamo ni Cherry na nakasuot ng sky blue off shoulder top pair with a high waist maong shorts. Nakapameywang na naman sya at nakakunot ang kilay.
Ang round sling bag nya na kakulay ng suot nyang blouse ang pinagdiskitahan nya habang may hinahanap na kung ano. May manipis rin na black headband na may design ng silver beads na humahawi sa maikli at tuwid nyang buhok, pero ang bangs nya na lampas hanggang baba ay nasa magkabilang gilid. Halata na ang iritasyon sa mukha nya.
"Chill, hindi naman tayo mauubusan ng upuan doon. Jake and Ceddie already reserved a seat for us" ani Tiffany na ang tinutukoy ay ang dalawa pa naming kaibigan, our handsome bros.
Tiff is wearing a white sleeveless dress. Above the knee iyon na may kapartner na white doll shoes. With her big round eyeglasses, lalong na-emphasize ang pagiging chinita nya. Her long black hair is free from any ornaments, nakaparte iyon sideways at halos umabot na sa beywang nya ang dulo.
"Hindi pa ba magsisimula? Punyeta! Sino pa bang kulang?" singhal ni Jhanella na pilit pinipigilan na mas magmura pa.
Being a lil bit boyish, nakasuot sya ng yellow shirt na naka-tucked in sa khaki maong pants paired with a white rubber shoes. Naka-bun ang mahaba nyang buhok at medyo may ilang strands na di sinasadyang natira. Singkit rin ang mata nya at kapansin-pansin ang ilang nunal na nasa tapat ng cheekbones at may kasunod pa sa itaas ng gilid ng labi. It's like a horizontal constellation that serves as her asset.
"May iba pa ba kayong lakad? Nagmamadali?" react ni Gyle habang abala sa paglalagay ng lipbalm. Naka-spaghetti straps top sya na gray at high waist jeans tsaka sneakers na itim. Nakalugay lang ang buhok nyang kulot na lampas-balikat. Sa lahat, sya lang ang pinaka-kalmado at tila walang pakialam sa oras.
"Basta ako temek lang sa gedli" dagdag ni Richelle na nakatutok ang mata sa celllphone. Naka-polo shirt sya na kulay pula at jogging pants na itim, kulay itim rin ang low-cut converse rubber shoes na suot nya. Her long dyed brown hair is messily flowing.
"Puntahan ko lang si Ria, baka nag-aalala na 'yon at wala pa tayo sa stadium eh" anunsyo ni Hershey tsaka tumayo. Naka-turtle neck sya na kulay itim at naka-tucked in sa brown na skirt, may suot din syang cream colored cardigan. Bukod doon ay nakapatong na sa ulo nya ang kanina'y suot na sunglasses, tila headband iyon sa mahaba nyang itim na buhok. What she has on feet is a brown boots.
"Sige lang, go" sagot ni Khovie habang umiinom ng Chuckie. Naka-hanging blouse sya na kulay green, malawak ang neckline noon kung kaya't kita ang collarbone nya. Nakahati sa gitna ang tuwid nyang buhok na hanggang itaas ng dibdib ang haba at nakakukob. Leggings na itim ang kapartner noon at wedge-sandals na two inch lang naman ang taas.
"Arat na kaya sa stadium?" suhestyon ni Grace habang inaayos ang kulay apricot na bonet sa ulo nya. Naka-oversize t-shirt sya na asul at ang manggas nga ay abot hanggang siko. Naka-tucked in iyon sa puting tokong shorts at may belt na asul. Ang pang-paa nya ay apricot din na beach sandals.
"Mamaya na, maganda sama-sama na tayo, hintayin muna natin yung iba" pagkontra ni Faith at ibinalik na ang tingin sa nire-review na editorial, kasali kasi sya sa campus journalism. A simple sleeveless floral pink blouse with a garter on the hem is what she's wearing. It was matched with a white jeans and pink flat shoes. Ang wavy at maikli nyang buhok ay nakaipon sa left side.
"Nandito na sila!" sigaw ni Sharis na halatang natutuwa. She's a big fond of rabbbits so she's wearing an oversized white shirt printed with large carrot at the center. She paired it with an orange short pero laylayan na lang ang kita dahil natatakpan ng t-shirt nyang hanggang kalahati ng hita ang haba. Simpleng flat brown sandals ang pang-paa nya na manipis na tali ang pang-lock.
As what she said, Avegail and April has arrived. Nakasuot ng stripes violet and white shirt si Ave na may collar at pantalon na maong na style nakatupi ang laylayan, may nakasukbit din sa kanyang maliit na purple backpack. Ang rubber shoes nya na hindi de-sintas ay kulay puti. Sa hitsura ng buhok nyang lampas hanggang balikat ay halatang tumakbo sila.
Si April naman ay naka off shoulder checkered dandelion blouse na may butones na design hanggang sa laylayan nitong naka-ribbon. Long sleeves iyon na umaabot hanggang palapulsuhan. Ang palda-short nya ay kulay pula pati na rin ang suot nyang flat sandals na may cover ang tapat ng sakong. Ang hanggang balikat nyang buhok ay magulo at parang di na sinuklay.
"Si Ave kasi, ang tagal maligo! Pasensya na guys" paumanhin agad ni April habang hinihingal pa. Habol nya ang hininga at bahagya pang napahawak sa tapat ng dibdib.
Tumayo na ako at inayos ang suot kong long sleeves algae green polo na sa unahan lang naka-tucked in. Pinagpagan ko rin ang pwetan ng suot kong ripped jeans at humarap na sa kanila;
"Arat na, ang tagal nyo" komento ko at nagpatiuna na sa paglalakad. Agad tumabi sa akin si Rich at Che na nasa kabilang gilid naman si Faith. Si Jha ay nag-overtake at humarap sa amin habang naglalakad ng patalikod sa direksyon papunta sa stadium.
"Yow, gusto nyong pick up lines? Marami akong baon" sabi nya at nakangiti ng pilya.
"Hwag kami, Jha di namin yan kailangan" pambabara ni Ave na nasa likuran namin kasabay ang dalawa nina Grace at Tiff na kdrama ang paksa ng usapan. Nasa hulihan naman nila sina Gyle, Khov at si Sha na nagkukwento ng ilan sa horror escapades nya. Sayang at nauna na si Hersh, hilig no'n makinig sa storytelling ni Sharis eh.
Nang makarating kami sa stadium ay agad naming hinanap si Jake at Cedrick, pero di namin mahagilap sa sobrang dami ng tao. Nag-volunteer na akong pumunta muna kay Ria pero sumabit pa sina Grace at Ave.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top