Chapter 18 (Special Part: 1)
Chapter Eighteen
A/N: The succeeding chapters will be at 3rd person's POV or narration so there will be unbiased perspective of the characters involved.
As a bonus, these are going to be Special Chapters focusing on the side characters momentum at the earlier part of Valentines Day.
Jane x Marc
Habang abala sa pag-aasikaso ng mga dekorasyon sa Jail booth ay naagaw ang pansin ng student council ng may isang estudyante ang humahangos na dumating sa silid.
"Jane Del Rosario! Nasaan po sya?" halatang kinakabahan na sigaw nito pagkapasok sa loob. Lumingon ang bawat isa sa kabuuan ng kwarto at agad itinuro ang nagmamay-ari ng pangalang binanggit nito.
"Bakit? Anong kailangan mo?" natataranta na sagot ng dalaga at agad lumapit dito. Binitawan na muna nya ang props na kanina ay pilit nyang ikinakabit sa nakaladlad na kurtina.
"Ate! Tulungan mo kami please, may isang estudyante kasi na.." maluha-luha ay hinila na ng babae si Jane at tsaka ito tumakbo papunta sa kung saang direksyon.
Tila sasabog naman ang puso ni Jane habang nasa daan sila at tinatahak ang mahabang pasilyo. Pansin nya ang nang-uusisang tingin ng bawat estudyanteng nilalagpasan nila pero wala na syang pakialam. Hindi nya lubos maisip kung anong nangyayari pero isa lang ang nasa utak nya, may nangangailangan ng tulong nya. At bilang officer, hinding hindi nya 'yon ipagkakait.
"Dito ate, dumiretso ka na lang po d'yan." turo ng estudyante tsaka sya itinulak patungo sa direksyon ng isang bakanteng silid.
Mas ninenerbyos man ay sumunod na si Jane patungo sa nasabing lokasyon at;
"Anong---"
The eternal darkness of the room suddenly filled with blinding lights as a familiar song surrounded the place. It serves as a background music which instantly make her heart flutter.
While smiling, she only thought of someone who has the reason to do such surprise. Habang tila tinutunaw ang puso nya ay tinawag nya ito.
"Mar---"
"Hi Janey, Happy Valentines Day," a familiar figure came closer while holding a boquet of red roses. Pero hindi ito ang inaasahan nyang may pakana ng lahat.
"Ter---"
"Can you be my date at the ball? Please, Janey." the guy asked making her more surprised.
"Napag-usapan na natin 'to, di ba? You know I already love someone else, sya ang date ko. Don't make it hard, c'mon." she replied at the nicest way she could.
Paano kasi ay ayaw nyang makapanakit ng damdamin ng iba hangga't maari.
"Wala naman kayong label, Jane. I am way better than him, kaya kitang ipagmalaki hindi tulad nya na itinatag--"
"Pero sya lang ang gusto ko. Please stop, I don't want to hurt you. Moreover, I don't want him to get hurt if he found this out. Tigilan mo na ako. Find someone much better, you don't deserve all the pain I'm causing you, so please stop. Tama na," Jane replied as she turn her back at him.
"You're the only one I wanted as much as how you only wanted him, Jane", he commented determined. Kung saan ito humuhugot ng lakas ng loob ay hindi na nya alam.
Pretending she doesn't heard him, Jane walk away and leave the guy.
Nang makabalik sya sa classroom na inaayos nya kasama ang mga officers ay hindi pa rin mawala ang kaba sa puso ng dalaga. Natatakot syang malaman ni Marc ang nangyari kanina, gaano man nya kagustong sabihin ito rito ay hindi nya naman makaya. For unknown reason, she feel coward and afraid.
"Janey, ayos ka lang?" someone tapped her shoulder and caught her attention, it's Liam. Her boy best friend.
"Isang oras na kitang pinagmamasdan pero parang wala ka sa kondisyon. Take a break, go. Namumutla ka na eh," he suggested as he take the props she's holding. Tututol pa sana sya pero nagbababala na ang tinging ipinukol nito sa kanya kaya wala syang nagawa kung hindi lumabas ng silid.
Isang oras na pala agad ang lumipas. Masyado nga yatang lutang ang isip nya kaya hindi nya namalayan.
"Hey there's a look in your eyes, maybe love at first sight~"
It's her ringtone. Jane grab her phone and almost slipped at the hallway as she read the caller's name.
"Uhm, Marc?" she greeted nervously then sigh heavily.
"Busy ka? Baka nakakaabala ako ha?" he responded with strange tone. His voice seems cold and different making her more tense. Oo nga at madalas na seryoso ito pero ni minsan ay hindi naman ito naging ganoon ka-kaswal sa kaniya.
"May problema ba?" tanong nya rito at saglit na piniling maupo muna sa kalapit na bench.
"Wala naman, ikaw? May problema ba?" his question hit her hard. Nagdadalawang isip sya kung sasabihin na ba nya rito ang nangyari o kaya'y hindi.
But, she chose the latter. Sana lang ay hindi sya tamaan ng kidlat sa gagawin nyang pagsisinungaling.
"I'm all good, I don't have any problem. Mula kanina ay abala lang ako kasama ang council. Ikaw ba?"
"Hmm, wala naman. I'm just checking on you, I'm glad you're alright. I'll hang it up, keep safe Janey", he said.
"Yeah, take care," she replied before hearing the hang up tone.
Mas kinakabahan ay pinili na muna ni Jane na magbukas ng social media account. Kailangan nyang kumalma dahil grabe na talaga ang pagtahip ng dibdib nya.
Her messenger alert tone caught her attention especially that it's one of their classmate who chatted her.
"Janey, nakausap mo na ba si Marc? I heard someone told him that you're on a date with another guy. May ipinakita pang picture sa kaniya. Marc left the room after that, we tried to call him but he didn't answer. Sana kasama mo sya, nag-aalala na kasi kami."
Sa nabasa ay agad na napaiyak ang dalaga. So all along, he knew it and he's just trying to know if she'll tell him what happened. Pero dahil sa ginawa nyang pagsasawalang bahala at hindi pagkukwento ay baka kung ano na ang nasa isip nito. For sure she's doomed.
"Fvck, ang tanga ko." naiinis na sabi nya tsaka sinubukang tawagan si Marc pero hindi na ito sumasagot.
Helplessly, she sent a message to the group chat of her friends but no one answered her. Mas lalo tuloy syang nanlumo at napaiyak.
Nang tumawag sa kanya ang isa sa kaibigan nya ay pinilit nyang pasiglahin ang boses dahil ayaw na nyang makaabala.
Few more minutes after a call with Claire, it's still her who saw her crying. Nag-aalala itong lumapit sa kanya at agad na nagtanong, halata ang pagtataka sa mukha nito.
With teary eyes, Jane told Claire everything and in return, the woman said words to cheer her up and uplift her mood. Somehow, her burden lightens.
"I'll go, first. Bye-bye Claire," kapagkuwan ay paalam nya sa kaibigan nang maalala nyang marami pang gawain na naghihintay sa kaniya. Katunayan ay nire-rebisa pa nga nya ang program flow na dala-dala nya. That's the perks of being an officer, there are times you have to set aside your personal life just to comply with your duties and responsibilities.
Nang maglakad si Jane ay dumiretso na sya sa nakatakdang maging Jail booth na kasalukuyang inaayos ng mga kasamahan nya sa student's council.
"Janey, kanina may naghahanap sayo eh. Kaklase mo raw, ano ngang pangalan no'n Liam?" salubong sa kanya ni Pamela.
"Marc, the guy's name is Marc," sagot ni Liam at tsaka inasikaso na ulit ang ginagawa.
"Yeah, bebe mo 'yon diba? He look problematic, though. Find him, baka magpatiwakal 'yon. Valentines Day pa man din", pagloloko ni Pamela at tsaka kinuha muna ang mga papeles na hawak nya.
"Go, Janey. Kami na muna rito, fix your issues," she added.
Naguguluhan man ay agad ng lumabas ng classroom si Jane. Hinagilap nya ang cellphone at tsaka idinial ang numero ni Marc.
"C'mon, pick it up. Argh!" she frustratedly rants as she walk towards nowhere. Sa laki ng university ay hindi nya alam kung saan ito hahagilapin.
"What the, ano ba? Sagu--"
She bumped into someone with great impact. Napa-upo pa nga sya sa sahig dahil nawalan sya ng balanse.
"Stop lurking, stand up Nika," someone commanded.
Nang tingnan nya kung sino iyo ay agad syang nanlambot. It's the guy she's been looking for.
"M-Marc.."
"Tayo na d'yan, pinagtiginginan ka na oh," panunukso nito tsaka sya hinila patayo. Nang makaharap na sya nito ay matamis na ngiti ang lumabas sa labi ng lalaki.
"Nikaella, lampa," he teased her.
"Stop calling me by my second name. Ang baho," pagtataray nya rito kahit pa gusto ng kumawala ng mga luha nya.
"Come here, little liar. Ang panget mo," then he grab her and pull closer. Mabilis sya nitong niyakap at tsaka tinawanan. His gesture make her more guilty to the point that she can no longer hold back her tears. While envelopes by his arm, she cries.
"Ba't ka ba umiiyak? Halah, nababaliw ka na ba?" pagbibiro ulit nito bago tinapik ang ulo nya.
"Marc naman, sorry.. I'm sorry," she whisper between her sobs.
"It's Noriel. Hwag mo na akong tawagin sa first name ko, alam mo namang ayaw ko rin noon." seryoso ang tono na sabi nito.
"I'm sorry, ang tanga ko. I should have told you but natakot ako. I'm so sorry..."
"Okay lang, naiintindihan ko naman. Isa pa, ba't ka matatakot? I love you, okay? I love you, my Jane," he declared as his grip of her tightens.
"I love you, Norie. I do love you," she responded but now with a smile.
Faith x Skye
Faith tried to pull her hands away as Skye hold and dragged her into somewhere. Kanina lang ay si Claire ang kasama nya nang bigla itong dumating at hablutin sya palayo. Hinihila sya nito patungo sa kung saan at parang wala itong naririnig sa bawat reklamo nya.
"Langit, ano ba? Nakakaasar! Saan ba kasi tayo? Ay teka, wala namang tayo!" singhal ni Faith pero hindi naman ito pinansin ng lalaki.
"Tsaka ba't pareho tayo ng damit?! Kadiri ka naman eh!" pero katulad ng nauna ay tila wala itong naririnig.
"Manahimik ka, Lataya. Napakadaldal mo! Babae ka ba talaga o manok?" sita nito na mas ikinainis nya.
"Aba! Nanglalait ka pa ha! Kung manok ako, mais ka! Mais! Alam mo kung bakit? Ang corny, gaya-gaya ng damit!" bwelta nya habang nakatitig sa damit nila na magkatulad.
"You're a chicken, I'm a corn. Ibig bang sabihin no'n tutukain mo ako? I never thought na ganyan ka pala mag-isip. Pasaway ka Ms. Pananampalataya." mapanudyo ang ngisi na pinakawalan ni Skye nang sumulyap ito kay Faith. Agad namang namula ang pisngi ng dalaga at hindi alam ang isasagot.
"H-Hoy! A-Ang.. whaa hindi gano'n! Ang bastos ha! Anong tuka?!" nauutal na sambit nito at kalaunan ay nanahimik na.
"You look cute when you're blushing, para kang kamatis na tinubuan ng mukha," ganado na sa pang-aasar ang binata na ipinag-salubong ng kilay ni Faith.
Sa inis nya ay isang pinong kurot sa tagiliran ang ibinigay nya rito.
"What the fvck, Faith? Sira ka ba?" reklamo nito habang hinihimas ang parte ng katawan na kinurot nya. Dahil roon ay nabitawan nito ang palapulsuan nya na kanina lang ay mahigpit nitong hawak-hawak.
"Bakit nga kasi ang keso mo?! Ang cringe ha, bahala ka dyan. Magpapalit akong damit, may dala naman akong--"
"Change it or I'll announce right here na girlfriend kita. Go, I dare you," Skye replied with a smirk.
"Oh, tapos? Girlfriend lang? Dapat nga asaw--- ano?!" tila natauhan nang singhal nya sa lalaki.
"Girlfriend, nobya, jowa, bebe. Ano? Magpapalit ka pa?" pananakot nito habang mataman syang tinititigan.
"Langit, napabagok ba ang ulo mo ng bumagsak ka rito sa lupa? Nasisiraan ka na talaga ng bait!" reklamo nya at tsaka tumalikod.
"HEY GUYS!" Skye's yell make Faith dumbfounded. Maang syang napalingon sa lalaki na ngayon ay pinagtitinginan na ng maraming estudyante.
"One more step and I'll really announce that you're my girlfriend. Good luck na lang sa mga kaibigan mo na susuyuin mo kasi iisipin nila na naglilihim ka sa kanila," may babala sa tono ni Skye at mababakas na seryoso talaga ito sa ipinahayag.
"What the fudge?! Ano bang trip mo? Naka-drugs ka ba?!" inis na tugon ng dalaga tsaka lumapit rito. Hinampas nya ito sa braso tsaka pinameywangan.
"I JUST WANT TO GREET EACH OF YOU A HAPPY VALENTINES DAY! SPREAD LOVE!" sigaw nito bilang palusot sa naunang ginawa na pagsigaw.
"I'm serious, Faithie. Kung nilayasan mo ako, talagang isisigaw ko rito na tayo na. Kapag nagpalit ka ng damit, di ako magdadalwang isip na sumigaw ulit dito," paliwanag ng binata tsaka sya hinawakan sa braso.
"Kasi naman, Skye. Tingnan mo oh, tayo lang yung hindi naman couple pero naka-couple shir---"
"Would you like us to be a couple? Gusto mo ba?" he asked her.
Saglit na natigilan si Faith at tsaka di makapaniwalang tumingin sa kasama.
"S-Seryoso? Hindi, I mean.. study first ako Sk--"
"Pfft, joke lang. Stop explaining, Faith. Alam ko naman ang priorities mo. Having a boyfriend is far from that, I knew it. I'm already good with what we have," he explained.
"Bakit? Ano bang meron sa atin?" Faith swallowed hard as she ask that question which been confusing her.
"Well, let's just say I could be your safe haven, your sky while I'll be faithful to you. Okay na ba?" and then he smile at her playfully.
"Banat ba 'yan? Yoc, eew!" tila nandidiri na sagot ni Faith habang may sinusupil na ngiti sa mga labi.
"Nandito na tayo, Lataya," anunsyo nito na nakaagaw ng pansin nya.
Faith look at the place he's been bragging her and instantly get mesmerized by the view. Nasa university garden sila at sa tabi ng fountain ay may picnic basket.
"Pakana mo 'to? Anong wattpad story ang nabasa mo, Skye? Baka makasuhan ka ng plagiarism ha?" pang-aasar nya rito.
"Hoy, original idea ko 'to. Mahiya ka naman ho," bwelta nito bago kuhanin ang basket. Mula roon ay inilabas nito ang isang blanket at inilatag sa damuhan. The space covered was just enough for the both of them.
"M-Medyo ano, hindi lang ako sure sa pagkain. First time ko kasi pero, uh.. edible naman 'yan," dagdag nito tsaka pasimpleng napakamot sa batok at umiwas ng tingin.
"You, cooked?"
"Kasasabi ko lang di ba? Bingi ng ilong ha!" sarkastikong sagot nito at pinipigilang mas magsuplado.
"Let me see, tingin dali, Langit!"
Skye get the food from the basket and prepare those by opening each container. There's a sushi, vegetable salad, pasta, rice, pork adobo then a coffee jelly for dessert. The drinks provided is fresh pineapple juice in a medium size tumbler.
"Ikaw gumawa nitong lahat? Jusme, Skye! Fiesta ba?" pagbibiro ng dalaga na nagpapula sa mukha ng binata.
"Taste it then throw away if you won't like it. Malapit lang naman ang basurahan," sabi nito tsaka itinuro ang plastic trash bin na hindi kalayuan sa pwesto nila.
"Pinaghirapan mo 'to eh, teka.. let me try some," then Faith pick one of the sushi and dipped it in it's sauce. Mas lalo nyang binagalan ang pagnguya dahil sa natutuwa syang makita kung gaano ka-tensyonado ang kasama nya habang nag-aabang sa magiging reaksyon nya sa lasa ng niluto nitong pagkain.
Nang lunukin nya ang kinakain ay inismiran pa sya nito.
"Akala ko bukas ka pa matatapos sa pagnguya eh, inaantok na kaya ako," komento nito na puno ng sacasm.
"Honestly, it's not as good as how it should taste pero pasado naman," komento ni Faith.
"You did great, Langit. Arat, kain na tayo," aya nya sa kasama tsaka ngumiti ng malawak.
"Walang tayo," sabay pa nilang sabi bago natawa sa itinuran ng isa't isa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top