Chapter 17

Chapter Seventeen



As planned, by four o'clock sharp, I part ways with my friends. Pag-uwi ko sa bahay ay naroon na si Celine at nakabihis na. She's all set with her make-up and hair.

"Hmm, eggzoited ka ghorl? Alas quatro pa lang!" puna ko paano kasi ay handang handa na sya at pwede na ngang umalis.

"Gumayak lang ako ate, mga five thirty kasi ako pupunta kasama yung tropa ko. Magpapa-picture kasi kami sa Photo booth, pang-remembrance gano'n," depensa nya.

"Sus, reason. Sino palang date mo ha?" pang-uusisa ko ng maalala na required na may partner sa ball.

"Si Joheu nga ate, 'yong kapatid ni Ate Demazirin na kaklase mo", kwento nya na para bang nagpapaliwanag na agad na walang malisya. Defensive.

"Ah, si Joheu? Sige, enjoy!" bati ko na lang at dumiretso na sa kwarto.
Iyong tita namin ay stylist kaya hindi na problema sa amin ni Celine kapag may mga ganitong okasyon.

"Shocks, ang ganda talaga!" di ko na naman maiwasang humanga habang tinititigan ang dress na nabili ko sa Dauntless Botique Shop. Kasalukuyan iyong naka-hanger sa istante at maayos na nakapwesto. Out of the three gowns that I initially like, this is what I chose.

Which one?
The Midnight blue balloon dress with pattern of Orion constellation at the waist part. It is tube style but still has single lace sleeves connecting from right shoulder across to the left shoulder at the back.

May mini crystal beads iyon sa pinaka palda na nagsisilbing tila bituin tuwing gabi. That's the reason why I suddenly fell inlove with it, because I love the sky especially at night.

My phone beep that caught my attention. Agad ko iyong kinuha bago ako naupo sa kama.

Fr: Grasya
I'll get your partner ready, be prepared Clai. Hope you'll enjoy his company, enjoy!

Ah, si Grace nga pala ang nag-volunteer na magbibigay sa akin ng ka-date. For some reason, I could feel how my heart thump irregularly. Fvck, why?

"Argh, makaligo na nga! Nakakainis, ah nako Grasya siguraduhin mo lang na matino 'yan!" kinakabahang sigaw ko habang pilit na pinapakalma ang aking sarili.

Before I could enter the bathroom, I heard an unfamiliar sound from a vehicle. Dagli akong pumunta sa bintana at.. aba?

"Bye ate, una na ako ha? Ingat ka mamaya! Kitakits!" sigaw ni Celine habang maingat na naglalakad.
She head towards the car whom I think owned by her date. Sanaol may pasundo effect. Sanaol naka-kotse.

Kumaway na lang ako sa kanya na tinugunan naman nya ng kindat. Pusta ko kinikilig ang luka lalo na ng lumabas ng kotse si Joheu at ipinagbukas sya ng pinto.
Uwuu~

"Eh di sya na, ganda ng kapatid ko grabe" tumatawang sabi ko tsaka dumiretso na sa banyo.


"Close your eyes baby, hindi tayo matatapos hangga't di ka umaayos, Claire. Go, close it," masuyong sabi ni tita tsaka muling iniumang ang brush sa mukha ko.

"Light lang kasi tita, baka magmukha akong clown ha. May tiwala naman ako sa skills mo," komento ko habang nakapikit. She's already doing my eyelids.

"Kabisado ko na ang gusto mo, Clai. Now relax and chill. Ako na ang bahala sa 'yo" she said making me smile.

After almost an hour, I'm all set. Naka-messy bun ang buhok ko na may nakalagay pang silver hair decor. May nakalaylay na hibla ng buhok na medyo kulot ang dulo sa magkabilang gilid ng aking mukha. My make-up is light just like what I wanted, I'm also wearing a pinkish matte lipstick layered with a lip gloss.
Tita's creation is too good that I can't explain it by detail. One thing is for sure, I love it.

"Go wear your dress, you look great baby. It's passed five o'clock already. Hindi ka ba n'yan mara-rush?" medyo nababahala ang tono na utos ni tita.

"Tita, 6pm pa ang start ng ball. Don't panick," pagpapakalma ko sa kaniya.


"Hay naku kang bata ka, sige na. Aalis na ako, ikaw na bahala ha? You're a grown up already. Enjoy the rest of the night," then she kiss me at my left cheek.
I wave her goodbye then she left.

Sina Mama at Papa kasi ay nasa trabaho pa rin. Madalas silang maka-uwi ay alas otso y media. Sanay naman na kami at ayos lang kasi di naman sila nagkukulang sa aming magkapatid. They're the best parent we would never exchange for anything or anyone.

I glance at the mirror once again then smile. Of all the parties I attended, heck! Why did I feel that this one will be different?
Weird.


"Claire! Is that you? Oh my, ang ganda mo girl!" si Gylie na biglang sumulpot na wala pang suot na maskara samantalang ang akin ay nakatali na.


"Halah, stalker! Paano mo ako nakilala?" pang-aasar ko sa kanya at medyo umurong pa para kunwari ay natatakot ako sa kanya.

"Gaga! Kasama mo kaya akong bumili ng dress mo!" bwelta nya at hinila pa ako palapit. Agad nyang ipinuwesto ang cellphone para kumuha ng litrato naming dalawa.
"Upload ko 'to sa IG ko ha? Tag kita," nakangiting sabi nya habang tinitingnan ang mga shot.

Kasalukuyan akong nasa gilid ng mga nakapilang estudyante na lahat ay nakasuot ng semi-formal attire nang madatnan nya ako. Nakalinya iyong mga pumapasok at ipinapakita muna ang ID nila para i-check sa accommodation list. Samantalang may iba namang pila para sa iilang estudyante na walang ka-date, katulad ng nasa announcement ay binibigyan sila ng number tsaka ipine-pair up sa katulad ng number na napatoka sa kanila.


"Hassle, oh.. wala kang date Claire?" puna ni Gylie ng mapagtanto na mag-isa lang ako. Nakatitig sya sa akin at halatang napapaisip.
"I thought Grace has someone for you?" tanong na nya.

"Hinihintay ko nga eh. Nasa loob na kasi si Grasya, hindi sya makalabas kasi bawal naman umalis once na nakapasok na diba? Mahigpit ang facilitator ng party," tugon ko tsaka nagkibit-balikat.

"Eh nasaan na raw yung ka-date mo?" mas nagtataka na at halatang worried ang tono ni Gyle.

"I'm.. here," someone came up and interrupt our conversation.

He's wearing a dark slacks and coat with lining of midnight blue on the collar. May silver logo ng Phoenix sa kaliwang parte ng dibdib nya kung saan may maliit na bulsa.
Ang maskara nya ay katulad ng sa akin... pilak.

"Hmm, nag-usap ba kayo? Matching outfits huh?" she teased.
"May kasama ka na pala, uuna na ako Claire," sabi nya at agad ng naglakad palayo bago ako nginisian. Before I could ask her, she lineup with the other students while having a guy beside her. Isinuot na nya ang maskara at tsaka sumulyap ulit sa akin at dumiretso na sa loob.

"Shall we?" the mysterious guy asked and smile. Ang required naman kasing maskara na isusuot ay iyong natatakpan lang ang upper part ng mukha which includes the eyes.

"Uhm, yeah."
With my heart wildly beating, I hook my hands on the arm he offered. I don't know but his smile reminds me of someone. But.. no. He can't be.

Sinulyapan ko sya at ewan ko pero nakangiti sya ng malawak. Is he nuts? Kawasa namang baliw ang ibinigay sa akin ni Grasya na kapareha? Mauupakan ko talaga sya kapag gano'n!

"Are you nervous? You're trembling," he whispered at a volume which is enough for me to hear.
  Fvck, am I shaking? I look at my fingers and, hell yeah. Ano ba, Claire?

"Uh, medyo. I don't know," tipid na sagot ko at tsaka umiwas ng tingin. Ba't nya ba ako tinititigan? Kilala ba nya ako?

Well, should I ask for his name too? Medyo curious ako pero hindi naman ako interesado sa kanya. Nah, hwag na lang itanong. Baka ma-misinterpret pa nya eh.

"Good evening, Ma'am, Sir. ID's, please," the name checker sitting at the entrance asked when we reached their place.

I get mine and show it to them, sneakily, I glance at the guy's ID but I failed to saw it. Isa pa, hindi naman kasi university ID iyong ipinakita nya! Who the hell is this man?

"Enjoy the ball, Ma'am and Sir. You may come in." the crew announced as he lend the way.

Pagpasok pa lang ay di ko na maiwasang mamangha sa disenyo ng lugar. This is indeed a five-star hotel's ballroom! Malaki yata ang budget ng student's council kasi rito ang naging venue ng party. Nakakalula.

Round tables are covered with grayish cloth as it is the university theme. Sa ibabaw ng bawat mesa ay may nakapatong pang asul na tela na hugis parisukat. Sa gitna ng bulwagan ay may nakakabit na chandelier na may karugtong na mahahabang telang kulay pilak at naka-konekta sa iba't ibang panig ng silid. Maging ang mga upuan ay gawa sa metal at classic ang disenyo.

Every table could accommodate ten to fifteen person. Surprisingly, each has it's own bottle of champagne and glass on the top. Woah, and it is obviously expensive!

"Gosh, grabe ang effort ng officers ah," di mapigilang sabi ko habang pinagmamasdan ang buong lugar.

"I'm glad you like it," someone blurted out.

"What?"

"Wala, sabi ko ang ganda sadya. The council's effort are obviously paid off in every compliment they will hear coming from every attendees."

"Yeah, exactly. Masyado nilang ginalingan, nakakamangha."
Nalilibang man sa paligid ay binitawan ko na ang braso nya. Tapos na, nakapasok na ako kaya pwede na kaming maghiwalay. Isa pa, I don't need a date.

"May problema ba?" naguguluhan na tanong nya nang sulyapan ako.
Wait? Did he thought I really wanted him to be my date?

"I just need someone to act as my partner so I could enter. Hindi ba nasabi ni Grace sayo?" nagtatakang tanong ko.

"Clai! Oh, Kal nandito na pala kayo," out of nowhere ay dumating na si Grasya tsaka ako niyakap.

Kal? So this guy is Kal?

"Ganda mo sis, tara na sa table natin. Sama ka na, Kal." dire-diretsong sabi nya tsaka ako hinila papunta sa kung saang direksyon. Nang palihim kong sulyapan si Kal ay nakasunod nga ito sa amin.

"Oh, matching attire nga, tama si Gylie!" puna agad ni Anne nang makita kami. Even with their masks, I could identify them. Ilang taon  na kaya kaming magkakasama! Their voice and physical feature is easily recognizable for me.

"So guys and gals, this is Kal; Claire's date for tonight," anunsyo ni Grace na ikinagulat ko. Dapat bang sabihin pa 'yon?
Agad ay inulan tuloy kami ng tuksuhan at pang-aasar. What are they up to? What are they implying? Geez!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top