Chapter 16

Chapter Sixteen



Nakapwesto na kaming lahat sa assigned seat mula sa ticket number namin, nasa last quarter na nga ng game. Pamilyar ang mukha ng mga estudyante sa kalabang team palibhasa madalas rin naman akong manuod kasama ang gals ng "Inter-university Athletic Competition" na ginaganap taun-taon. Kung sa iba ay iyon ang tinatawag na District Intramurals.

"Number 15, leading the field!" announcement mula sa megaphone na nakapwesto malapit sa malaking screen para kitang kita rin ng nanunuod ang nagaganap sa open area.

Mabilis akong napalingon sa nagaganap na laro at si Elli nga ang nangunguna. With the ball turning it's position from his left to right foot, he's running towards the opponent's base. With right distance, he pause and stare at the net.

"REYES HIT THE BASE!" tili ni Pril na halos ikabasag ng eardrums ko. She's cheering him like a proud girlfriend.

"GOOOO ELLLIIIIII!" sigaw rin ni Sharis na tila tinakasan na ng hiya. Nahawahan na sya ni April sa paraan ng pagsuporta kay Elliot.

"UDT LANG SAKALAMMMM!" paggaya ko sa dalawa kaya maang rin na napatingin sa akin si Tiffany na para bang sinasabi na "What the hell, Clai?"

I just pose a peace sign and smile from ear to ear. Halah...
Mula sa score board ay 30 seconds na lang ang natitira bago matapos ang laro. I don't know how but from his chill position, Elli is currently struggling with players who tried to steal the ball from him.
Nakailang ikot sya pero nananatili ang bola sa kaniya, cool!

13 seconds...

"ELLI! SIPAIN MO NAAAAA!" si Pril na kita na ang ngala-ngala sa pagsigaw. Chos

  "Fvck!" Tiffany can't stop cussing as we watch Elli, may umaagaw pa rin ng bola! It's him versus two!

9 seconds...

  One swift move, he turn around and...

Dang!

Pigil ang hininga ay sinundan namin ng tingin ang bola nang sipain iyon ni Elli papunta sa net!

Eengk!

Bullseye! Hindi naharangan ng opponent ang bola! Damn!

The long buzzer sound ended the game and the whole field was filled with celebration and cheer.
"Oh my gosh! We won! Fvck it, whaaaa!" di na mapigilan ni Pril ang pagsigaw at pagtalon. Sa gitna ng field ay nagdiriwang rin ang players mula sa team namin. Nang pumito ang referee ay luminya ang mga players mula sa magkabilang kuponan at tsaka nag-vow bago nagkamay.

The team of VIU went to the left side where they were welcomed by their supporters. Samantala, sa kanan naman dumiretso ang  Howling Wolves; ang soccer team namin.
Bumaba kami sa bleachers at nakisalubong sa kanila, si April nagmamadaling lumapit kay Elli.

"Reyes, galing mo ah! Nasa sa 'yo ang winning points, congrats!" bati nya rito na sinabayan pa ng malakas na hampas sa braso.

"Aba syempre naman Garcia, nanunuod kaya kayo" sagot ni Elli at tinapik ang ulo ni April.

The two of them are good friends now which make us smile.
"Anneng! Sina Khovie?" tanong ko kay Anne ng bigla nitong dambahan si April tska kiniliti ang tagiliran.


"Yiee, proud si April! Dinig ko hanggang sa pwesto ko 'yung pagtili nya eh. Ano ngang sabi? Reyes kick the---" at tinakpan na ni Pril ang bibig nya.

"Siraulo ka Anne, kakainis!" awat nito na namumula na ang pisngi.
Nakangisi naman si Elli habang pinapanuod ang dalawa.

"Ano ba! Defensive ka, Pril!" singhal ni Anne ng tanggalin na ni April ang kamay nito sa bibig nya.
"By the way, sina Khovie nahuli yata sa Jail booth, kasama nya sina Gyle at Grace" kwento nito habang pinipigil ang pagtawa.

"Paanong nahuli? Ano bang kalokohan ang ginawa nila?" tanong ko dahil sa ibinalita ni Anneng.

"Eh diba nga sa confession booth, kapag di mo nahulaan kung sinong nag-confess sa 'yo eh ikukulong ka? So ganito, may nag-confess kasi kay Grasya tapos naubos na at lahat yung kalahating oras na palugit eh di man nya nahulaan sino 'yon. As a consequence, nasa jail booth na sya" kwento nito.

"Oh, eh sina Gyle at Khovie bakit nadamay?" nagtataka na rin si Sharis.

"Ah, si Khovie napagtripan yata ng mga kaklase nya, ibinoto sya sa poll na ginawa para sa kung sino bang gusto na ikulong sa Jail booth. Naka-forty five votes yung pangalan nya mula sa official page ng Student's council kaya nakakulong na sya ngayon."

"At si Gyle?" tanong naman ni April.

"Ah, nahuli lang sya kasi naka-blue sya. Eh naiwan sya dibang mag-isa? Kaya 'yon, wala syang nagawa ng hulihin sya ng mga taga-Jail booth. Ending, nagreunion din silang tatlo sa loob ng kulungan" and Anne ended up laughing.

"Saklap naman ng nangyari sa tatlo, gusto lang naman nilang mag-rent ng date eh" medyo natatawa na sabi ko na sinang-ayunan nilang lahat.

"Paano nga ba tutubusin ang mga 'yon?" si Tiffany at umiiling-iling pa.

"They need to confess the name of their crush and then iyon dapat ang tumubos sa kanila. Hindi pwedeng magloko sa pangalan ng crush nila kasi may nakahanda roong lie detector machine", paliwanag ko mula sa nabasa kong mechanics sa mga booth na inipost sa university page.

"That means, hopeless na ang mga 'yon" palatak ni Anneng at mas lalong tumawa.

"Hey everyone!" si Cedrick at sumulpot kasama si Ave na may hawak na sugar-coated apple na naka-stick.

"Sarap kasama ni Ceddie, busog ako" sabi nito tsaka tinikman ang hawak nyang pagkain.

"Ang takaw Ave, pahingi! Napaka mo!" singhal ni April dahil agad inilayo ni Avegail ang kinakain mula kay Pril.

"Pabili ka kay Elli, hoy! Treat mo 'to, aswang! Panigurado nanakit lalamunan n'yan kaka-cheer sa 'yo!" bwelta ni Ave at nameywang pa. Mabilis rin itong pumunta sa likuran ni Cedrick para magtago.

"Gals! Look!" si Hershey dumating na rin kasama si Ian. May hawak na itong rosas na nasa loob ng transparent balloon na de ilaw pa.

"Luh, sanaol no more ka na Hersh! Yieee" panunukso ni Sharis rito tsaka inusisa ang dalang lobo.

"Sanaol effort, masyado mo 'tong spoil Ian! Wala namang kayo, diba?" pambabara ni Tiffany at tsaka ngumisi.

"Hoy hindi ah, mabait lang talaga ako. Ayaw kong malungkot 'tong binibini ko eh", Ian replied while looking at Hershey.
"Tsaka... iba 'yong.. gusto ko" he added.

Those left us all dumbfounded, who the hell did he like? Last time, he just asked Avegail to be his date. Tapos ngayon...

"Oops, bawal mag-usisa. I'll just show her to you guys later tonight. Date ko sya sa ball eh" dagdag nito bago mapakamot sa batok.

"Hmm, interesting! Nacu-curious ako ha!" si Ave at napahawak pa sa baba nya. Tila napapaisip ito ng malalim. Knowing Avegail, she won't stop herself thinking whenever she gets curious.

"It's already 1:30pm, alas cinco ang close ng mga booth. Saan nyo balak gumala? My treat." anunsyo ni Elli na malawak na ang ngiti.

"Maghihiwa-hiwalay tayo ng 4pm kasi we need to prepare for the ball. Hindi naman kasya ang one hour kung 5pm talaga tayo uuwi." paalala ni Tiff matapos tingnan ang relo na suot nya.

"Sa cafè na lang tayo ng Pastry Club, masarap menu nila roon. Proven and tested, tara?" suhestyon ni Cedrick.

"Lead the way", Elli replied with his astonishing smile.

Nagpatiuna na nga sa paglalakad si Cedrick at Ave dahil sila ang may alam kung saan nakapwesto ang booth ng cafè kasi nga kagagaling lang nila roon.
With that, we all follow them.


"Yow, saan kayo? May reresbakan ba?" pang-aasar ni Cherry ng makasalubong namin sya sa daan. She's with Erick.

"Tapos na kayo sa date nyo?" tanong rin ni Ave na halatang nanunukso.

"Yes, we're done with the film. Si Cherry, umiyak pa rin kahit ilang beses ng napanuod iyong Titanic," kwento ni Erick na medyo natatawa. Hinampas naman agad sya ni Che.

"Hindi ah! Paano ba naman kasi napakabobo no'ng movie. Tss!" reklamo nito at umismid pa. Her eyes seems like she cries river. Medyo mapula pa kasi iyon at namamaga.

"Sama kayo, nanglilibre si Elli. Panalo sila sa soccer game eh", aya ni Sharis at ngiting-ngiti pa.
That reminds me of her original plan to watch the play Romeo and Juliet to be executed by the Drama Club. Mukhang nakalimutan na nya? Nalibang kasi sya masyado sa games ng Editor's Club.

"I believe I can fly, I believe I can touch the sky~"

"Thats Arriane! Boses ni Ria 'yon ah!" tili ni Anneng nang mapansin nya ang kantang tumutugtog mula sa speaker gayundin ang female lead na kumakanta.
That's the activity of Music Club, the pre-serenade.

"I think about you every night and day, spread my wings and fly away~"

"At si Aldrin iyong ka-duet nya", komento ko matapos marinig ang pamilyar na boses.
The synchronization of their voice is so soothing.

"Sanaol kasi singerist, kung sila ang magkakatuluyan.. their offspring will surely pass an audition for national singing competition", ani Tiff na kasalukuyang nakikinig sa duet ng dalawa.

Arriane and Aldrin's turn finish then another song is playing, though we don't know who were the current vocalist. Duet din iyon at ang title ng kanta ay "When I was your Man".

A sudden ring surrounded the place, it was from Cherry's. Halos lahat kami ay napalingon doon kaya natataranta nyang kinuha ang cellphone.

"Si Ria.." she announced as she answer it.

"Hello, Arriane? ... Huh? Umiiyak ka ba? ... Yes, kasama ko sila.. Uh-huh, sige. Malapit lang sa AVR, kakain kasi kami ... You know, libre ni Elli kasi nanalo sila sa game ... Okay, sige ... We'll wait, bye."
Che glance at us and smile awkwardly.

"Hindi okay si Ria, tingin ko kagagaling lang sa iyak. Ayaw nyang magkwento pero sasama raw sya sa atin" paliwanag nya.

"Hayaan na muna natin, magku-kwento naman 'yon kapag kaya na nya" ani Anneng at tsaka nagkibit-balikat.

Few more second and Arianne came running. Bitbit nya ang shoulder bag at kumakaway pa. Nang makarating sa pwesto namin ay umiiwas sya ng tingin pero napansin ko pa rin ang bahagyang pamamaga ng mata nya kahit pa nakatago iyon sa round glasses nya.

"Tara? Ehe, libre mo rin ako Elli." pang-aasar pa nya pero kulang sa sigla ang tono.

With her initial reaction, I can sense that the old Arriane will return. Iyong "Ria" na cold at madalas mag-hold back ng sariling emosyon.
What may be the possible reason that could trigger her to return at her former self?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top