Chapter 13
Chapter Thirteen
It's six in the morning and I'm already fussed with Celine. She's been roaming inside the room not minding that I'm still sleeping.
"Ano ba Celine? Ang gulo mo! Matutulog pa kaya ako!" reklamo ko ng naupo na naman sya sa kama at maya-maya ay tumayo. Saglit nyang pinagmasdan ang sariling repleksyon sa whole body mirror at tsaka sumalampak ulit paupo.
"Hoy! Ang galaw mo, nabubulabog akooo!" sigaw ko dahil sa kalikutan nya.
"Ate, okay lang ba yung suot ko? Kinakabahan kasi ako" sabi nya kaya napatingin ako sa gayak nya.
She's wearing a black shirt tucked in a high-waist jeans. Naka-rubber shoes din sya na itim at nakapuyod ng mataas ang buhok nyang hanggang balikat ang haba.
"Okay naman, teka? Bakit itim? Broken ka? Kanino!?"
"Ano.. wala! Napaka-usisa mo, alis na nga ako" mabilis na sabi nya at agad na lumabas ng kwarto matapos kunin ang sling bag sa sabitan.
Dahil nawala na rin naman ang pagka-antok ko, kinuha ko na lang ang cellphone kong nakapatong sa mesang katabi ng kama.
Pagka-on ko pa lang ng data ay tadtad na message notification agad ang umalingawngaw sa paligid. Nagkakagulo ang mga buang sa group chat.
Jane
6:30 sharp official start ng Valentines Program, by 7am opening naman ng mga booth. Be early, guys!
Faith
Halah? Seryoso! Bakit ang agaaaa!
Gyle
Duh? Common sense, maaga rin closing gawa ng party diba?
Sharis
Pupusta ako hindi pa nakakaligo si @Avegail
Grace
Isama nyo na si @Claire, isa pa yang napaka-kupad kumilos eh. Lol!
Naka-ilang "HAHA" react ang message ni Grace at wala ng nagreply, siguro ay nagsisimula na silang gumayak.
6:15am na :> Hindi pa ako nakakaligo!
Paspasan ang paliligo ko dahil kailangan ngang makarating ako ng university bago mag-alas siete.
Matagal na akong nakatitig sa mga damit na nasa closet pero di ko pa rin alam kung alin ang isusuot. May color coding kasi depende sa current relationship status ng bawat isa.
Red if you're in a relationship, Black if brokenhearted, Green if bitter, Purple if it's complicated and then Pink if you're waiting for someone.
The other colors are:
Blue if youre single and ready to mingle, Maroon if you were rejected, Yellow if you've been cheated on, Orange if you're game for flirting, White if you've been ghosted and brown if you're pokmaru, I mean... marupok.
Dalawang shirt lang ang tinitingnan ko, hindi ko sigurado kung alin ba ang isusuot ko. Nang tingnan ko ulit ang digital clock na nasa bedside table ay alas sais y media na pala kaya nagmamadali ko ng kinuha ang V-neck cropped tops at isinuot. Naka-maong pants din ako at tsaka flat sandals.
Ini-lock ko lang ang pinto ng bahay at mabilis na akong naghintay ng tricycle, wala pang limang minuto ay may dumaan na kaya nakasakay na ako.
Exactly 6:52am and I reached the university entrance gate. Sa sobrang bilis ay hindi ko rin alam kung papaanong nakarating ako rito bago mag alas siete.
Nasaan kaya sila?
"Hi Jane!" I greeted as she picked up the call.
"Uy, Clai? Bakit?"
"Saan kayo?"
"Hindi ko alam eh, kasama ko student council kasi nagra-rush kami ng para sa flow ng program."
"Ay sorry, sige mag-focus ka na dyan. Good luck!"
"Salamat, Clai. See you, enjoy!" then she drop the call.
Abala ang mga estudyante sa paligid, sa entrance pa lang ay bumungad na ang sangkatutak na heart decorations maging ang iba't ibang stall. May mga food stall pa nga na nagtitinda ng sugar-coated apples na inspired sa Japanese festival. Mawawala ba naman yung tindahan ng roses at stuff toys?
Nakakaumay naman. Bakit wala pa akong nahahagip ni isa sa mga buang? Saan kaya napadpad ang mga 'yon?
"From Daniel; Will you be my Valentine Ms. Natasha soon Mrs. Natasha Zaballa?"
Umalingawngaw sa buong campus ang tunog ng speaker mula sa announcement na galing sa AVR o Audio and Visual Room. Iyon nga pala ang activity nila, ang mag-announce ng messages mula sa mga estudyante na magdededicate ng tanong na "Will you be my Valentine?" sa taong gusto nila. Pagkatapos, kapag um-oo yung tinanong, isasalang sa isang Q and A test para i-check ang compatibility rate. Kung sinong pinaka-click na pair ay bibigyan ng VIP pass para sa ball mamayang gabi.
Kung para saan ang ticket na 'yon, hindi ko alam.
"Claire!" sumulpot bigla si Faith at sinunggaban ako ng mahigpit na yakap.
"Anong problema mo?" tanong ko dahil namumula ang mukha nya at nakangiti ng sobra.
"Nanalo ka ba sa lotto?"
"Whaa, hindi Clai! Kasi naman... teka.." sabi nya at may kinalikot sa cellphone. Nang iharap nya sa akin iyon ay bumungad ang isang conversation sa chat.
"Eh? Si.. Skye 'yan?"
"Uh-huh" sagot nya at tsaka ako mahinang hinampas sa braso.
"Sya na raw bahala sa mask namin mamaya, partner daw kasi dapat kami! I asked the style but he didn't reply. Oh my!" dire-diretsong kwento nya.
"Faithie, nabasa ko naman eh. Kita ko na, teka? Ba't naka-pula ka?" tanong ko ng mapansin ang suot nyang red shirt at may print na infinite red strings tapos ay may lining na gold.
"H-Huh? Ibinigay nya 'to kahapon, isuot ko raw eh. Masunurin akong bata kaya ganito ang hitsura ko", pag-sasabi nya na ang tinutukoy ay ang outfit nya.
"Bangag ka, ano? You're a dumb clueless woman" sarkastikong sabi ko at bago pa sya makapag-tanong ay may tumabi na sa kaniya.
Nakakainis, ang sakit nila sa mata!
"Lataya, sama ka dali may ipapakita ako sayo. Uh, pahiram muna ako sa kanya Claire", paalam ni Skye sa akin at tsaka ngumisi.
"Halah! Ba't ganyan suot mo!? Langit, buang ka ba?!" gulat ang reaksyon ni Faith ng makita na pareho sila ng damit ni Skye.
Skye call her 'Lataya' short for 'Pananampalataya', obviously that's the Tagalog translation of Faith's name.
Faith call him 'Langit' corresponding to the homonym of Skye's name translated in Tagalog.
Ang corny, pweh! -_-
"Pakidala na, Skye. Baka maupakan ko 'yan eh. Happy Valentines sa inyo!" bati ko na lang at tsaka nag-walk out.
"Hoy Clai natakas ka! Ba't ganyang kulay ang suot mo?!" sigaw pa ni Faith pero di ko na pinansin.
I glance at the color of shirt I'm wearing and smirk. Tama lang palang ito ang napili ko.
I'm walking towards the stadium when I saw a familiar figure sitting on the bench. Salo nya ang mukha nang dalawang kamay habang nakapatong sa mga tuhod ang siko.
"Janey?"
She look at me with teary eyes and sober smile.
"C-Claire.." sa pagbanggit nya ng pangalan ko ay tuluyan ng lumaglag ang luha mula sa mga mata nya.
"Hey, bakit? Shhh... tahan na", pag-alo ko sa kanya nang tabihan ko sya sa upuan.
"S-Si... ga-galit sya.." she said in between her sobs.
"Who? Sinong galit? Ano bang nangyari?"
Hinarap nya ako at tsaka ko ibinigay ang panyo ko sa kaniya.
"I didn't mean it, Clai. Parte 'yon ng duty ko, I just did what I thought was right.."
"Hindi ko maintindihan, Janey. Sino bang tinutukoy mo? Sa student's council ba?"
"Hindi, Clai. Kasi ganito... may sumundo sa akin kanina dahil problemado raw yung isang estudyante tapos may gagawing di maganda. As a part of the council, I rush to that student. Tapos..."
"Tapos?"
"Yung estudyante na akala kong may gagawing kalokohan eh iyon rin palang guy na nag-confess na sa akin no'ng nakaraan lang. Tapos may surprise lang pala sya, planado lahat mula sa pagsundo sa akin. He's asking if I can be his date at the party."
"Oh, pumayag ka ba?"
"Tinapat ko na sya dati, sabi ko may gusto na akong iba. But he's persistent."
"May gusto kang iba? Si Marc ba?"
"Sino pa nga ba?"
"So, si Marc yung galit sa 'yo dahil sa nangyari? Hindi sya gano'n kababaw para di ka maintindihan, Janey. Nag-explain ka na ba?"
"Clai kasi, may kasalanan din ako. H-Hindi ko sinabi agad sa kaniya... sa.. iba nya pa nalaman", Jane confess and starts to cry again.
"Hayaan mo muna syang mag-isip, magkaka-ayos rin kayo. Marc is a serious guy, he will surely understand. Natatakot lang siguro sya na baka maagaw ka ng iba."
"Claire, seryoso ako sa kanya. Even though dad didn't know about us, I took the risk. There's something in him that make me so hook to the point that I am willing to cross the rules just so I can be with him."
"Jane, kaya nyo 'yan. Tiwala lang", pagkumbinsi ko sa kaniya at tsaka tinapik ang balikat nya.
She smile half-heartedly and stand up from the bench.
"I still have tasks to do, thanks for listening Clai. I sent a message on the group chat to ask for help but... no one responded. Medyo nakakatampo, mabuti nakita mo ako rito" malungkot na sabi nya pero maya-maya ay ngumiti na rin.
"I'll go, first. Bye-bye Claire."
At naglakad na nga sya palayo habang dala ang sangkatutak na files na siguro ay may kinalaman sa program.
Janey is wearing a dark pink polo-shirt tucked in a brown maong above the knee skirt. So, she's waiting huh?
She already have Marc so it's not the right person that she's waiting for but the right time instead.
Naalala ko ang sinabi nya about sa group chat kaya mabilis akong nag-online.
Jane
GALS, CHEER ME UP :<
The messages that comes next were questions about each other's whereabouts. Mayroong tanong kung sino raw ang nasa university na at kung sino ang wala pa.
Jane
Gusto ko sanang humingi ng tulong, kaso.. hwag na lang :/
Iyon ang sunod na chat ni Janey pero katulad ng nauna ay di naman na gaanong napansin dahil abala ang lahat. May sari-sariling topic.
Nabasa kong nasa rooftop na raw ang iba kaya doon na lang ako pupunta.
"Every student please proceed to the stadium, those who will not comply will be banned from attending the ball or participating with the program. Thank you."
Boses iyon ni Liam na rinig dahil sa nagkalat na speaker na konektado sa AVR.
Gahol na sa oras kapag pumunta pa ako sa rooftop kaya ini-chat ko na lang sila:
"Punta na raw sa stadium, kita kits! Kanina pa akong mag-isa, nakaka-bitter na ha."
Nag-react naman sila roon kaya paniguradong nabasa na nila.
"And now, we hereby announce the opening of all booth and stall. Enjoy Vailleries!" the president of the student council declared making everyone whine in delight.
"Sa rent a date akooo!" kinikilig na tili ni Gyle na kulang na lang ay kumutitap ang mga mata. She's wearing a blue sleeveless tops with see through blazers. Single and ready to mingle ang luka. -_-
"Pasama!" pag-sang ayon ni Grace at agad sumabit sa braso ni Gylie. Naka-white oversized shirt sya na may drawing ng maliit na vampire cartoon character sa upper right corner. Na-ghost ang aming Grasya.
"Me too! Me!" si Hershey at nakigulo na sa dalawa. Naka-Grayish button down long sleeves sya.
"Hersh? Ano ang Gray? Wala namang gan'yan sa dress code!" reklamo ni Ria na nakasuot ng purple hanging blouse, kumplikado kasi yata yung kanila ni Myco. Teka? Diba dapat eh puti? Akala ko ba ghoster 'yon?
"Duh, study first ang Gray!" sagot ni Hershey at medyo ngumisi pa.
"Ang sabihin mo na-ghost kaya brokenhearted! Gray is a combination of black and white kaya!" pang-aasar ni Jhanella na nakasuot ng bluish shirt.
"Ready to mingle ka? Paano si Jules?" sita ni Cherry sa suot ni Jha at tsaka tumaas ang isang kilay.
"Walang kami at wala akong pake sa kanya" diretsong sabi ni Jha at umismid pa.
"I saw him with someone, naka-couple shirt na pula. Kaya ba inaatake ka na naman ng toyo?" pang-aalaska ko rito kaya nakatikim ako ng hampas mula sa kaniya.
"Eh ikaw, ba't ka naka-violet? Duh, dapat white kasi he ghosted you diba? Hmp!" reklamo nito na ikinatawa ko.
"He's asking for another shot, it's complicated. Oh, diba? Sakto yung suot ko."
What I said make them shock and surprised. Nanliliit ang mata ni April na tumitig sa akin tsaka nagsalita;
"So alam mong bumalik na sya? Makikipagbalikan ka ba?"
"Team Airesol pa rin ako. Mabait kaya sa akin si Solleir", agad ay bwelta ni Meigan na hindi ko alam kung bakit napadpad rito. May sariling program kasi ang senior high school pero kasama sila sa Masquerade ball mamaya.
"Oo, team Airesol", nakisali na si Ave at siniko pa ako.
"Pokmaru nga si Clai sa kaniya eh."
The gals shot me with dagger looks and death glare, I know I owe them an explanation. Nakalimutan ko nga palang ikwento sa kanila yung naging pag-uusap namin ni Sol noong nakaraan dahil sa naging drama namin kasi aalis nga si Faith.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top