Chapter 12
Chapter Twelve
Nang makarating kami ni Gyle sa mall at nang makita ako ni Grace ay agad ako nitong dinamba at inakbayan.
"May reto ako sa 'yo, gusto mo? Date lang naman eh" sabi nya na pabulong habang si Gylie ay busy sa pagkakalikot ng cellphone nya.
"Luh? Sino?" Curious kong tanong na ikinangiti nya lang ng malawak.
"Basta, sabihin ko na lang sayo outfit nya sa araw ng ball. May maskara rin naman kaya di nyo rin makikilala isa't isa. Game ka?" Sabi nya pa at halatang excited sa di ko maipaliwanag na dahilan.
Kapag kapartner mo talaga, ayon sa post sa page, okay lang na di laging kasama sa venue. So kaysa naman mapatapat ako at ma-stuck sa kung sinong di ko kilala, mas mabuti ng sa kakilala ng kahit isa sa gals dba?
"Sige, G." Pagpayag ko na mas ikinatuwa ni Grasya, paimpit pa syang tumili.
"Anong pinangchichikahan nyo ha? Share!" Si Gylie ng maitago na nya ang phone nya. Hinila nya pa si Grace at pinipilit itong paaminin.
"Wala nga, tara na! Late na maya-maya eh sasamahan pa natin bumili ng dress si Clai!" Pag-iiba nito ng usapan at hinila na ako palayo kay Gylie para mauna kaming maglakad. Nakahabol naman si Gyle at sumabit sa isa ko pang braso;
"Mang-aagaw! Ikaw kaya ang third wheel!" Reklamo nito at kulang na lang ay hilahin ako ulit.
Natigil lang sa pagbabangayan ang dalawa ng nasa tapat na kami ng isang botique. Sa labas pa lang ay makikita na ang magagandang design ng gown at tuxedos mula sa window panes. The clothes are sassy and elegant looking, an epitome of high class.
Nang tingnan ko ang pangalan ng shop ay sinalubong ako ng italicized cursive lettering na "Dauntless Botique Shop".
"Habang kinukuha namin yung damit namin, check ka na ng mga dress nila sa rack. Maraming pagpipilian, Clai" sabi ni Grace tsaka kami pumasok sa loob.
"Sa ibang shop na lang ako titingin, halatang mamahalin dito. Baka hindi kaya ng budget ko" nag-aalangan na sagot ko pero pabirong tinampal ni Gylie ang braso ko.
"Duh, magaling kasi yung designer nila rito tsaka skilled yung workers pero pramis pasok sa budget mo ang presyo" sabi pa nito.
Hindi na ako naka-angal dahil nang makapasok kami ay agad na kaming ini-assist ng isang saleslady. Napahiwalay na sa akin ang dalawa dahil kukuhanin nga nila yung reservation nila samantalang pinasamahan naman nila ako sa isa sa staff.
"What are the ideal style you're looking for, Miss?" the female attendee asked.
"Hah, eh.. iyong simple lang po pero di naman plain. Uh.. tsaka po yung price range sana ay.." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil nakakaunawang tumango ang saleslady at tsaka ako ini-guide papunta sa isang side.
"Here's our attainable dresses which are ideal for promenade occasion. You're free to check it, Miss" sabi pa nito at tsaka ako iginiya sa mga estante.
Attainable? Pinaglololoko ba nila ako? Ang gaganda kaya ng design!
There's a bloody red long tube gown with a high slit on the right side. It's glittery and silky.
The other one is a purple long tailed heart shaped tube dress. Ang laylayan noon sa unahan ay hanggang ibabaw ng tuhod samantalang lapat sa sahig ang laylayan sa likod.
Ang isa pang nakaagaw ng pansin ko ay yung balloon dress na kulay midnight blue. May pattern ng Orion constellation sa tapat ng beywang, tube inspired pero may isang lace sleeves sa right shoulder na naka-cross sa back left shoulder.
Nang i-check ko ang pricetag ay maang akong napatingin sa katabi kong saleslady.
"Is this for... real? Hindi ba kayo lugi sa presyo nito? Masyadong maganda yung damit para.."
The woman smile sweetly and shook her head that make me stop from talking.
"I could take that as compliment because it's obvious on how you adore our creations and you don't have to worry, Miss. We're receiving enough in return of our investments" paliwanag nya na nagpamangha lalo sa akin.
Who wouldn't be amazed with their high quality masterpiece? Susme, sanaol diba? Ang gaganda!
"May napili ka na, Clai?" Tanong ni Gylie nang biglang sumulpot galing sa kung saan, hindi ko na sila napansin na paparating dahil masyado akong nadala sa pagtitingin ng mga damit.
"Uh, meron na" nakangiting sabi ko habang sumulyap ulit sa dress na natipuhan ko.
"Kayo? Okay na?" Tanong ko sa kanila ni Grasya, huli na ng mapansin ko ang hawak nilang large size paperbag.
"Hindi, hindi. Foods to, food!" Pambabara ni Grace at itinaas pa ang bitbit na bag.
"Ano po, heto po pala yung kukuhanin ko" pagbabalita ko sa staff at hinawakan pa ang naka-display na damit.
"This surely looks good on you, Miss" sagot nya at kinuha na ang damit bago naglakad papunta sa counter. Nakasunod naman kaming tatlo sa kanya.
"Yung inyo, patingin!" Pang-uusisa ko kina Grace kaya mapagmalaki namang itinaas ni Gylie ang paperbag nya.
"Sige, makikita ko nga 'yan eh nakatago!" Sarcastic na komento ko.
"Gaga! Heto kasi oh!" Tsaka itinuro ni Gylie ang naka-stamp na design sa gilid ng paperbag. Woah, ang astig!
Ibig sabihin sa bawat binibili palang item ay naka-stamp sa lalagyan yung sketch ng design ng damit. Kaya kahit hindi makita ang actual na produkto, alam mo pa rin yung hitsura.
Gylie has a rose shade dress with knott on the neck. May slit iyon sa magkabilang gilid.
Ang kay Grace naman ay white dress na may manipis na tali sa leeg, malalim ang kurba noon sa likuran at may criss cross na design.
"Grasya nyo hindi na dalagang pilipina" puna ko kaya nakatanggap ako ng hampas galing sa kanya.
"Kasi naman, mabuti ng likuran ang i-expose kaysa hita ano!" Bwelta nya na ang pinupuna ay yung slit ng dress ni Gyle.
"Luh, sorry naman. Ang cute kaya!" Maarteng sagot nito at dumila pa na parang bata.
Natawa na lang ako at sakto namang tapos ng i-process yung damit ko, nagbayad na ako at mabilis ng natapos.
"Thank you ladies, hope to see you again!" Magiliw na bati noong babae na nag-assist sa amin at tsaka ngumiti. Nagpaalam na lang kami at lumabas na ng shop.
Now, I don't know why my heart's beating abnormally. Excited ba ako? Pero bakit?
Tomorrow will be the Valentines event, may klase pa rin ngayon kaso half day lang naman. Iyong iba't ibang clubs ay abala na sa pag-aasikaso ng mga pakulo nila para sa program bukas. Ang Literature Club kung saan ako kabilang ay nagdo-document na para sa 'before event' category. Ako tamang pagala-gala lang kasi yung nakatoka naman sa akin ay bukas pa, iyong selection ng Mr. and Ms. Valentines.
Balita ko naghanda raw ang Drama Club ng short Shakespearean play, syempre yung tragic love story iyo nina Romeo at Juliet. Ang History Club naman ay may film watching ng Titanic at fun facts tungkol doon. Ang Music Club ay magpe-perform para sa Masquerade ball, sila yung manghaharana sa mga guests. Ang Art Club naman ang in charge sa Prom Photo booth and photoshoot.
Hindi rin nagpahuli ang students council na bukod sa Masquerade Ball ay may pakulo na Jail booth, walang pwedeng tumubos sa mahuhuli maliban sa kung sino ang iko-confess nyang crush. Bawal namang magsinungaling ng babanggiting pangalan kasi may nakahanda roong lie detector paraphernalia at may additional consequence kapag nagloko ka. Meron ding confession booth na kapag may nag-dedicate ng message sa 'yo at di mo nahulaan kung sino iyon sa loob ng kalahating oras ay mapapakulong ka sa Jail booth. Yes, it's a disaster.
Wala naman sigurong magco-confess sa akin doon kaya di na ako nag-aalala. Pero ang ibang mga huhulihin daw sa Jail booth ay depende sa poll na gagawin online. Kapag naka-30+ ang votes base sa poll, huhulihin ang kung sinoman na ibinoto. Kinakabahan tuloy ako sa gals, baka umatake kaabnormalan nila eh. Lalo pa at lahat naman ay pwedeng gumawa ng poll.
Ang start ng Masquerade ball bukas ay alas sais ng gabi kaya ang mga booth na di na kailangan sa mismong party ay magko-close ng alas cinco.
"Fatima? Sino iyon?" Narinig ko ang boses ni April kaya napalingon ako sa gals. Nasa rooftop ang ilan sa amin na bakante ang schedule ngayon.
"Iyong kasamahan ni Sion tsaka Angelo! Diba may mga transferred students galing UDT?" Paliwanag ni Richelle na pilit ipinapaalala ang tinutukoy na mga pangalan.
"Fatima? Iyon yung maingay noong enrollment ng second sem diba?" Tanong ko ng maalala ang babaeng sinasabi nya.
"Oo! Yung matagal kinausap ng registrar kasi medyo lutang, sya 'yon!" Pagkumpirma ni Rich.
"Oh? Anong meron sa kanya?" Si cherry na naka-arko na naman agad ang kilay.
"May video kasi akong napanood sa page ng VIU secret files, nakikipagtalo sya roon sa Angelo. Wala, ang cute lang nila parang anime" kwento ni Richelle.
"Siraulo!" Si Ave na medyo hinampas pa si Rich.
Noong January, enrollment ng second sem ay may grupo ng estudyante na lumipat rito sa VIU galing sa UDT. Kung tama ang pagkaka-alala ko ang pangalan nila ay Fatima, Sion, Scythe, Ian Angelo, Jericho, John, Kristine at Jessrill na mga college students.
Tapos sina Jane Nicolle, Katlyn, Gaea, Samantha, Zincekyle at Demi ay sa senior high school. They are bunch of newbies that were already known in the campus.
Si Fatima ay dahil sa kalokohan nya noon sa registrar's office, ang tagal nyang nakipag-diskusyon sa staff para mag-enroll. Pati ba naman address ng bahay ay nya ay di nya agad sinabi baka raw puntahan ng akyat-bahay.
Si Sion naman ay dahil sa word of wisdom nya, isa sya sa agad ni-recruit ng Arts Club dahil sa pagiging makata nya at artistic.
Si Scythe naman ay isang cosplayer. Agaw atensyon kaagad sya noong unang araw dahil sa merch nya na anime characters inspired.
Si Ian balita ko ay kinagiliwan agad dahil sa sense of humor nya.
Si Jericho naman nag-hunting raw agad ng majojowa tapos medyo 'sadboi' pa.
Si John napagrupo daw agad sa mga ML players. May club naman para sa ganoon dahil madalas na may mobile games tournament at magkakalaban ang iba't ibang universities.
Iyong Kristine naman ay asset na raw agad ng University ambassadors association dahil malambing ang boses at ideal para mag-accomodate ng mga bisita kung sakali.
Sina Nicolle, Katlyn, Gaea, Samantha, Zincekyle at Demi naman bilang mga senior high school students hindi ko gaanong nakakasalamuha sa campus. Di ko pa gaanong alam mga trip nila. I'll ask the gals from their department one of this days.
"Hmm, may mga date na ba kayo? Ikaw Claire?" Pag-iiba ni Hershey ng topic at naghintay ng sagot galing sa akin.
"Uh, oo. Meron na" sagot ko na medyo alanganin. Paano kapag hindi ako sinipot ng sinasabi ni Grace?
"Ako na bahala kay Clai, don't worry gals!" Si Grasya na agad akong binigyan ng assurance.
Halata na gusto pa sanang magtanong ng iba kaso hindi na rin itinuloy dahil nag-alarm na ang bell.
"Babalik ako mamaya, may pupuntahan lang ako sa Lit Club" paalam ko sa kanila dahil may emergency meeting raw ang club namin.
"Hmm, see you Clai!" Paalam ni Sharis at kumaway pa, tumango naman yung iba.
Naglalakad na ako pababa ng hagdan ng matanawan ko si Ave na may kausap sa dulo ng hagdanan. Teka? Nasa taas sya kanina diba? Tsaka sinong kausap nya?
Instinctively, I stepped downstairs carefully trying not to disturb them. I'm going to peep and it's wrong but I just want to feed my curiosity.
"Halah, may date na ako eh. Sorry" dinig kong sabi ni Ave sa kalmadong tono.
"Gano'n ba? Akala ko.. seryoso yung sinabi mo noong meeting" sabi no'ng lalaki.
"Luh? Sinasakyan ko lang trip noon. Laro lang 'yon, di ako seryoso. Simula pa lang naman biruan lang talaga" paliwanag ulit ni Avegail at napangiwi pa.
"Mabuti naman sinabi mo, akala ko kasi totoo. Uh, hahanap na lang ako ng iba" komento no'ng kausap nya at napakamot na naman sa ulo. Nang tumagilid sya paharap sa hagdan ay nakita ko na kung sino sya.
Si Ian! Ngumiti sya ng pilit at tsaka pinilit na gawing cheerful ang boses ng magpaalam kay Ave para umalis.
Ganda ni Avegail ah? Pero may date na raw sya? Sino?
Is it... him? Whaaa!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top