Chapter 11

Chapter Eleven



Pagpasok ko pa lang sa classroom ay sinalubong na ako ng ingay ng nagdadaldalan kong kaklase. Iisa lang naman ang paksa ng kwentuhan nila eh, iyong nalalapit na Masquerade ball. If ever, this ain't my first time to attend such because I already experience being at a ball twice. First was at an acquaintance party when I'm in Junior High school, second was at Senior High school Graduation ball. Sa dalawang beses na 'yon ay wala akong ginawa kundi maupo. I never had my first dance, well.. some asked me but I just.. don't. Taga-cheer lang rin ako ng mga mahaharot kong tropa tuwing inaaya silang sumayaw ng crush nila.

"May dress ka na, Clai? Is it a signature brand? A fitted gown made by a well-known designer? Tell us!" Excited na sabi ni Kenshin or simply Kaeh. Kasamahan ko sya sa Literature Club at kaklase ko na rin.

"Uh, wala pa. Siguro mag-rent na lang ako or kaya mamimili sa kung anong nasa closet" sagot ko sa bored na tono.
Dapat bang mag-effort pa? Duh, party lang 'yon. Anong pinagkaiba?

"Claire, gosh! Valentines 'yon! Napaka-ano mo talaga!" She exaggeratedly said as she tap my shoulder.

"Iyon na nga, Kaeh. Valentines lang 'yon, so anong espesyal? Wala naman diba? Tss"

"Oh, you sounds like a bitter old maid" Rizz commented as she come closer. Ready na rin syang maki-usisa, katulad ni Kenshin ay kasamahan ko rin sya sa Club.

"I'm just stating the fact, bukod sa naka-maskara tayo sa party... Ano bang bago? Wala naman di ba?"

"Hay nako, Clai bahala ka na nga dyan, Rizz sabihin mo pala yung assigned output sa kanya" sabi ni Kaeh at nauna ng umalis. Pumunta sya sa tumpok ng iba pa naming kaklase na nagku-kwentuhan tungkol sa gaganaping prom.

"Output?" Naguguluhang tanong ko ng bumaling ako kay Rizz. She smile naughtily then smirk.

"You're assigned as the writer for Mr. and Ms. Valentines. Kaya tigilan mo na ang pagiging bitter kung ayaw mong ilang beses kang mag-resubmit ng output mo, Clai" she explained.

"What?! Bakit ako?" Reklamo ko na ikinapag-kibit nya lang ng balikat.

"Itanong mo kay president, kung may reklamo ka sa kanya mo sabihin. Finalize na ang assigned names ng i-announce nya sa meeting kahapon" dugtong pa nya.

May club meeting nga pala kahapon noong lunchtime kaso hindi ako naka-attend dahil sumama ang pakiramdam ko at nag-stay ako sa clinic buong afternoon break. Hindi ko naman alam na tungkol pala sa project ng club ngayong February ang pinag-usapan.

"Be observant with the couple during the party and guess who will be fit at the title. Good luck Ms. Ampalaya" pahabol na tukso ni Rizz tsaka ako iniwanan.

The hell, what?
Mukhang may mababago nga sa routine ko ngayong prom :)

The week passed blissfully that I barely had moments with the gang. They're unusually busy, if it's about their academic or the upcoming party... I'm not sure. Sa group chat ay laging iyon din ang topic, may mga ini-send na nga silang actual outfit nila sa fourteen at mayroon ding mga screenshot ng messages sa kanila ng nagyayaya na maging date. Iilan pa lang ang alam ko na may ka-partner na.

Si Faith himalang niyaya raw ni Skye. Si Jha kay Jules, si Ryza automatically ay si Tian ang kasama. Si Cherry syempre ay kay Erick. Si Arriane napilitan raw um-oo kay Myco. Si Meigan ini-blackmail raw si Zeke. Si Jake naman binakuran na ni Pammy. Si Jane ay tinanong raw ni Marc.
Si Grace niyakag daw noong Vlad. Si Anne ay di ko alam kung papaanong naging date ang hambog na si Daniel. Si Khovie ay niyakag rin daw noong Denden. Si April napa-link naman doon sa kung sino na ang pangalan ay Aivhin. Si Sharis ay may friendly date na, iyong si Leo na taga-kabilang university. Si Gyle hindi ko rin alam paanong naging date noong vocalist ng music band na JB ang pangalan.
Iyong iba mga wala pa ring ka-date katulad ko.

"Claire!" It's Lee and Cedrick that called me while I'm passing on the hallway. Sabay pa silang nagkatinginan at;

"Ikaw na muna" si Ceddie.

"Uh, sige sige" si Lee na di na nagpa-tumpik tumpik at agad na akong hinila.

"Hoy teka! May klase akooo!" Pigil ko habang hinihila nya ako papunta sa likuran ng gymnasium.

"Lee! Ano ba?!" Singhal ko ulit kasi para syang bingi na walang naririnig.

Nang wala ng tao sa paligid ay binitawan na nya ako na ikinataas ko ng kilay.

"Ano bang problema mo?" Reklamo ko agad dahil seryoso na may klase pa ako ngayon. Inutusan lang ako ng professor namin na magbalik ng reference book sa library kaya ako nasa labas.

"Tulungan mo ako" nahihiyang sabi nya at tsaka pasimpleng napakamot sa batok.

May hiya pala 'to? Luh? -__-

"Tulungan saan? Kung sa lessons mo, aba may fee ang pagtu-tutor ko!" Pang-aasar ko pero walang talab sa kanya.

"Kay ano.. si.. "

"Ano? Si?'

"Gusto ko sanang maging date si.."

"Gago ka Lee, sige pabitin pa!" Singhal ko sa katorpehan nya. This is not so him! Mayabang kaya sya.

"Lindsey.."

"Si Lindsey lang pala eh sig--- ano?!"

Mahina syang natawa sa reaksyon ko pero agad ring sumeryoso ang mukha.
"Si Lindsey nga, bawal ba?"

"Gago ka talaga ano? Bata pa 'yon! Naku, Lee. Iba na lang, hwag mong harutin si Lindsey!" Sermon ko na tinawanan nya na naman.
Seriously, do I look like I'm kidding?

"Kalma, Claire.. date lang naman. Hindi ko naman sinabing papakasalan ko" kalmadong sabi nya at itinaas pa ang dalawang kamay na parang sumusuko.

"Siraulo!" Sigaw ko tsaka sya tinadtad ng hampas sa braso. Ugok rin talaga, susme!

"Bahala ka, eh di tanungin mo. Date lang naman pala eh, duh. Anong maiitulong ko roon?"

"Ikaw na magsabi, Clai. Kasi, nahihiya ako" sabi nya at yumuko na naman.

"Nahihiya? Nasasapian ka ba?! Hwag mo akong pinagloloko, Lee!"

"Seryoso nga kasi, baka isipin nya kasi kapag tinanong ko sya eh nangti-trip ako" paliwanag nya.

"Bahala ka, balik na ako sa room, rauls!" At tinalikuran ko na sya.

"Salamat, Claire! Alam ko namang di mo ako matitiis!" Mayabang na sigaw nya pa na rinig na rinig ko kahit medyo malayo na ako sa pwesto nya. Di na ako nag-abalang lumingon sa gawi nya at dumiretso na sa paglalakad.

Malapit na ako sa classroom ng matanaw ko si Cedrick na prenteng nakasandal sa pader at parang may hinihintay.
Teka, ako ba?

"Ceddie, uy ako ba hinihintay mo?" Tanong ko ng makalapit ako sa kanya.

Umayos na sya ng tayo at hinarap ako, inilagay nya ang dalawang kamay sa bulsa ng slacks pagkatapos ay tumitig sa paanan nya.

"Oo, ano kasi Clai.. may itatanong sana ako" panimula nya na di man lang ako tiningnan.

"Ako ba kausap mo o yung lupa?" Sarcastic na sabi ko at pinipigilang matawa. What's with the guys? Ang shy type yata nila ngayon?

"A-Ano kasi.. paano ba?" Mula sa pagkakayuko ay tumunghay sya kaya nasalubong ko ang tingin nya.
Mabilis syang umiwas ng tingin at lumingon sa gilid. Now I can see how his pointed nose act like his asset adding to his appealing appearance, his eyeglasses seems so perfect with it which gives him that "geek yet handsome" looks.

"Ceddie? Ano 'yon?" Ni minsan ay di ko pa sya nakitang ganito kaseryoso kaya medyo kinakabahan na talaga ako sa hitsura nya.

"Si Ave.. I want her.." he look at me and met my gaze.

I can feel my cheeks burning out of shocked and..
"What the fvck? Ced--"

"Hindi pa kasi tapos.. ano.. I want her to be my date" he continued.

My heartbeat's racing and I am currently palpitating! Parang bigla ay gusto kong hanapin si Ave at tsaka paghahampasin. Kinikilig ako for her! Gosh!

"Halah! Omo! Asked her, naman Ceddie! Crush mo si Ave?" Sunod-sunod na tanong ko pero tinawanan nya lang.

"Help me, Clai. I can't ask her directly because I'm afraid she might reject me"

"In short, natotorpe ka? Biruin mo lang. Sabihin mo kung wala syang date, kayo na lang" panghihikayat ko sa kanya at tsaka sya tinapik sa balikat.

"You're a nice guy, Ceddie. She won't turn you down if you'll ask her. Isa pa, the two of you are good friends, right?"

He nod lazily and smile half-hearted;
"Yeah, friends"

"Balik na ako sa room ha? May ongoing class pa kami eh, mamaya na lang. See you, Ceddie" paalam ko tsaka dumiretso sa paglalakad.

Ten minutes after I arrived in class, nag-dismissal na. Wala akong natutuhan sa klase namin sa Statistics at kasalanan 'to nina Cedrick at Lee. Mauupakan ko talaga ang dalawang torpe na 'yon eh.

Celine already bought a dress for Masquerade ball and she also chose a partner mask. Sa ngayon ay ako naman ang bibili pero talagang wala akong gana. Hindi naman required ang gown pero syempre mas maganda pa rin na semiformal attire ang isuot. Iyon bang hindi sobrang elegante pero hindi rin naman sobrang simple.

It's February twelve and there's a suspension of classes for college departments, may worldwide seminar kasing pupuntahan ang karamihan ng professors. Bukod roon ay talagang tinatamad akong kumilos kasi tuwing Byernes ay maraming dayo na tindero at tindera sa pamilihan kaya siksikan sa kalsada.

"Who's going to buy clothes today, pasama!"

I sent the message on our group chat and almost cussed when the gals just reacted "haha".

"Tawa well, gals. Mabaog sana kayo!" typed ko at inisend ulit.

Janey
Wala ka pang isusuot? Sa isang araw na ang party, Clai!

Faithie
@Clai halatang napipilitan lang pumunta ah?

Gylie
I'll fetch mine today at the botique. Pwede kitang samahan ^3^

It's a problem solved. Nag-react ako ng puso sa chat ni Gylie tsaka ko sinabing magkita na lang kami sa malapit na convenience store. Um-oo naman sya kaya mabilis na akong nag-log out para maghanda.
  Jogger pants na lang ang isinuot ko at tsaka ko tinernuhan ng black shirt at white sneakers. Nagsusukbit na ako ng sling bag ng mag-ring ang cellphone ko.

"Where are you, Clai? I'm going na!"

"Paalis na rin ako, see you Gylie!"

"Sige, take care!" Then she ended the call.
Lumabas na ako tsaka ko ini-lock ang bahay. Nasa trabaho kasi si Mama at Papa tapos ay may pasok naman si Celine. Nang may dumaang tricycle ay agad na akong sumakay at wala pa ngang kinse minutos ay magkasama na kami ni Gyle.

"Sasama raw si Grace, same botique kasi kami ng inorderan ng damit. Nasa mall na sya, tara?" Kwento ni Gylie at tsaka kumapit sa braso ko.
"Excited na ako, dali! My dress is so cute!" Dagdag pa nya at hinila na ako para makasakay na kami ng cab.

Buong byahe ay wala syang sinabi kundi kung gaano sya ka-excited at sa totoo lang raw ay may iba na syang gusto. Hindi na raw yung vocalist na nag-yaya na maging ka-date nya sa Masquerade ball.

"Ikaw, Clai? Wala ka pa bang ka-partner?" Tanong nya na parang noon lang sumagi sa isip nya.

"Wala, hindi naman required 'yon ah" sagot ko at tsaka lumingon na ulit sa bintana ng sasakyan.

"Oh my! Hindi mo ba alam?!" Tili nya kaya mabilis akong napalingon sa pwesto nya. Nanlalaki ang mata nya at halatang gulat na gulat.

"Hindi alam, alin?" Clueless na tanong ko sa kaniya.

"Akala ko binasa mo yung post sa official page ng student's council?" komento nya.

I bit my lower lip and look away, honestly... I didn't finish reading it. Masyado kasing mahaba eh.

"You lied, right? Halah!" Akusa nya at sinundot pa ang pisngi ko.

"Binasa ko nga! Duh" I denied and roll my eyes at her.

"No you didn't! Sige, nabasa mo talaga?" Paninigurado nya ulit kaya kampante ang histurang tumango pa ako ng ilang beses.

"Ah, nabasa mo naman pala. So that means.. you know that it is required to have a date. If none, there will be assigned number given to you upon entering the hall. Kailangan mong hintayin yung magiging kapartner mo based sa number na napabigay sayo at buong duration ng party eh sya dapat yung kasama mo" litanya nya tsaka ngumisi.
"Ah, ang consequence kapag nakita kayo ng facilitator na magkahiwalay ay one week cleaning service sa buong university before class, during lunchtime and after dismissal"

"Tang-na? Seryoso?!" Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at agad akong nagpunta sa post na 'yon ng students council.

"Oh, akala ko nabasa mo na?" Pang-aasar ni Gyle at tsaka tatawa-tawang nag-cellphone na rin.
Nang tumunog ang message notification ko ay di na ako nagtaka.

Gylie
Gals, @Clai nyo buang! Hindi pala alam na required ang ka-date sa prom. HAHAHA XD

Ria
May bukas ka pa, good luck sa paghahanap, Clai! :P

Grasya
RIP Claire :3

Ang tanong, saan ako ngayon hahanap ng ka-date?! Kaya naman pala talagang seryoso sila sa paghahanap ng kapartner! Di ko naman kasi alam na ganoon pala!
Argh!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top