Sa oras ng panganib
Para sa ating hinaharap na problema ngayon.
Para sa ating mga bagong bayani
Tula ng pasasalamat para sainyong paghihirap
Sa Oras ng Panganib
(Sa aking mga Kababayan)
Sa oras ng panganib, sa panahong magulo
Pag sila'y kinailangan,mga bayani'y narito
Mga doktor na hangad ay kaligtasan
Buhay ililigtas,poprotektahan.
Kaligtasan ay hangad ng pulis at sundalo
Handa tayong tulungan,magsakripisyo
Sa pangulo namin,salamat saiyo
Salamat sa lahat, sa'yong pamumuno.
Mga kababayan tayo'y matulungan
Tayo'y magkaisa at magbigayan
Sa oras ng panganib at ng kagutuman
Tayo'y magmalasakit at magdamayan.
Upang ang sakit ay tuluyang maiwasan
Ating kalusuganay'wag pabayaan
Manatili sa bahay,mga utos sundin
Wastong kalinisan,ating panatilihin.
Walang salitang mahirap sa sakit
Kung sa diyos tayo'y lalapit
Pakikipagusap sakanya'y ginhawa ang kapalit
Sa atin siya'y totoong may malasakit
A/N : ito talaga yung gusto kong unahin dahil sa problemang nahaharap ng buong mundo ngayon.
Stay at home
Wear a mask
Keep safe
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top