TWENTY FOUR
Panaginip
Sa pagpikit ng mga mata,
Nakikita ang ating mga alaala.
Ang tagal ng pinagsamahan,
Sayang mananatiling nakaraan.
Nakita kita sa aking panaginip
Parang makatotohanan ang aking nasilip
Nagunit pagmulat ng nga mata'y natulala nalang bigla
Napaisip na ang mga oras nati'y napunta lang sa wala.
Mata ko'y natatakot nang ipikit
Na baka masilayang muli ang mga alaalang masasakit.
Pero sumasara parin ito kahit anong pilit.
Tapos na tayo pero nandito pa ako nasasaktan ng paulit-ulit.
-PINKEYT
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top