ONE
Pangako
--
Hindi ako bumitaw
Kasi sabi mo habang may bituin akong natatanaw
Habang ang mundo'y hindi gumugunaw
Pagmamahal mo'y hinding-hindi matutunaw.
Pero bakit ganon?
Sa lumipas na panahon
Ang dagat ay patuloy na umaalon
Naririnig ang mga awit ng mga ibon
At heto ako...
Hinahanap ang mga pangako mong nabaon.
-PINKEYT
Dedicated to my friend, Chik_Chikay
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top