FIVE

Tuyong Bulaklak

Ngayo'y sa tuyong bulaklak lang nakatingin.
Nakakatawa ito pa ang unang ibinihay mo sa akin,
'Nung pang mga panahon na gustong gusto mo akong angkinin.

Pero para ikaw tong bulaklak na hawak ko,
Unti-unting mawawalan ng bango,
Ang kulay ay magbabago,
Hanggang tuluyan na ngang natuyo.

'Yung ngiti mong ang sarap ipinta,
'Nung sinabi kong "Oo, sinasagot na kita!"
'Yun yung mga panahong sabik ka pang makita ako.
Pero ngayon, ikaw na ang humahakbang palayo
At iniiwasan ang mga mata nati'y muling magtagpo.

Mahal bago ka sana humakbang papalayo...
Sagutin mo naman ang mga katanungan gumugulo aa isip ko,
Totoo ba ang mga ipinakito mo
O sadyang ako lang ang trip mo?

-PINKEYT

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top