Sa Aking Pagkabata.
Minsa'y ako'y napadaan sa mga batang tila walang katapusan ang tuwang nararanasan at biglang sumagi sa aking isipan mga ala-ala na pilit binabalikan at sinasariwa mga ala-ala ng aking kabataan.
Sa Daan sila'y aking pinagmamasdan kanilang mga laro ay sariwa pa sa aking isipan at tila bumabalik ako sa nakaraan at nais gawin bawat larong aking kinalakihan at sana'y muli akong mapagbigyan.
Ang sarap sariwain bawat pangyayari sa aking kabataan mga batang naghahabulan sa daan at minsa'y madadapa, iiyak at papagalitan. Pero di alintana ang sugat kahit ano pang mangyari tuloy lang ang laro at laban.
Sa pagsapit ng Gabi ay aking kinatatakutan dahil kailangan ng umuwe sa bahay at kailangang magsaing at magluluto pa ng ulam, para lang di mapagalitan at minsa'y uutusan pa sa tindahan.
Sa pagsapit ng umaga ay kailangan ng bumangon at iligpit ang pinaghigaan at pagkatapos ay maliligo upang pumasok na sa paaralan at lalakarin ang isang kilometro at iyo pang makakasabay mga kalaro mo sa daan at minsa'y maguhuli na kayo dahil ambagal ninyong lumakad.
Pagkarating sa paaralan ay kayo ay mapapagalitan ng guro ninyong daig pa ang nanay kung magsermon natapos na ang period at walang natutunan kundi sermon at tila ayaw lang talagang magturo.
Pagkatapos ay maglalaro at susulitin bawat oras sa paaralan at minsa'y mapapaaway pa sa ibang kamag-aral at papatawag ka sa office at kailangan kinabukasan ay kasama mo ang iyong mga magulang.
Aking pang naalala na sa tuwing umuulan ay kami ay nag tatampisaw at naliligo sa ulan na napakalinis mula sa kalangitan at kapag tumila na ay tsaka pa lang magsisiuwian at pag kauwe ay mapapagalitan pa sa magulang.
Pero lahat ng iyon ay iyong nalagpasan at ngayon mga ala-ala na lang na pilit binabalikan at sinasariwa sa ating isipan pero gayunpaman ay isa ito sa mga ala-ala na kahit anong mangyari ay di mabubura at mananatili sa ating puso't isipan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top